Chatroom #25
Harold Coronado is online
Cian Gomez is online
Lawliet Black is online
Cardo Dalizayzcx is online
Macey Velasquez is online
Snorri Viernes is online
Harold: OKAY EMERGENCY MEETING.
Cian: Para saan?
Macey: Account ba ni Mist 'tong Lawliet Black?
Lawliet: Dummy account, why
Macey: 12 years old ka?
Lawliet: Napakabastos
Cardo: walang banggitan ng pangalan mga repapits, 60 days pa bago ko mapalitan akin e
Cian: Ilang araw na ang nakalipas, bakit Cardo Dalisay ka na naman?
Cardo: Hindi, Dalizayzxc na ngayon.
Cian: Ahhh.
Harold: GUYS MAKINIG KAYO
Harold: GUYS
Harold: MAY NAGMESSAGE SA 'KIN NA MAGANDANG BABAE
Cian: Sure kang hindi wrong message 'yan?
Macey: Baka scam? Tingnan mo kung may inaalok na tinda.
Cardo: baka mangungutang, tingnan mo kung may inaanak ka sa kanya
Harold: O baka naman nakilala n'ya ako sa school at nagwapuhan sa 'kin kaya minessage ako. Guys baka s'ya na ang forever ko!
Harold: Ay nag-message na pala s'ya.
Cian: Anong sabi?
Harold: You think I'm pretty?
Cian: Yeah, pero masakit ka minsan sa ulo.
Harold: Hindi Val! 'Yan 'yong message n'ya!
Harold: Pero SS ko na tingin mo ay maganda ako.
Macey: Anong sinabi mo sa kanya at ganyan ang message n'ya?
Harold: Sabi ko "Hello ;)"
Cardo: ang harot par
Lawliet: Ew sa winky face.
Cian: Nag-hello ka lang tapos ganyan na ang message n'ya? Baka nakikipag-flirt lang 'yan sa 'yo Zwei.
Harold: Well I hope so, kaka-download ko lang ng mga malalanding emoticon.
Macey: Sample nga.
Harold: ★~(◠ω◕✿)
Macey: Ewan ko Zwei parang gusto kong sapakin yung emoticon mo at yung mukha mo.
Harold: GUYS! Nag-message na ulit s'ya, "Are you still there?" daw!
Cian: Replyan mo na busy ka sa pag-aaral mo.
Macey: Why naman ganon, Val. Hayaan mong lumandi si Zwei kahit ngayon lang!
Harold: Oo nga Val!
Macey: At saka anong busy sa pag-aaral, alam naman nating lahat na repeater si Zwei.
Harold: Napakabastos talaga.
Cardo: ano bang balak mo zwei? kakausapin mo ba talaga yan? hindi ba magseselos si ichaival nyan
Lawliet: Nagseselos na, sinasabihan na nga si Zwei na mag-study first muna.
Cian: Excuse me, kayo ba ang ngangawaan ni Zwei kapag brokenhearted s'ya?
Harold: Hindi ako magiging brokenhearted sa isang 'to!
Cian: Paano kapag joke joke lang pala sa kanya tapos ikaw seseryosohin mo?
Harold: Luh. Takot nga ako sa commitment.
Macey: Hindi nga magawang ligawan si Katy.
Harold: Nagmessage ulit s'ya ng hello!
Harold: Ano raw ang ginagawa ko!
Cardo: sabihin mo tumitilaok sa gc
Harold: Clarent! Clarent!
Cardo: @Snorri Viernes
Snorri: Ano? Nanonood ako Kdrama.
Harold: Kapag sinabihan ka ng maganda ka, anong sasabihin mo?
Snorri: Thank you, maganda rin sila?
Snorri: Bakit ako ang tinatanong mo?
Harold: Ikaw mukhang maraming nakakausap na manliligaw eh.
Macey: Bakit sa 'kin wala??!!
Harold: Meron ba?
Macey: Pagkatapos na pagkatapos ng lockdown, susugurin ko si Zwei para bugbugin.
Harold: Ano na Clarent? Kapag may nagtanong ng whatchu doin, anong isasagot mo?
Snorri: Edi kung anong ginagawa ko!
Harold: Ok.
Harold: Buti pa si Clarent matino ang sagot.
Cian: kjuhlkjhadg?????
Cardo: tangina common sense kasi par yung tanong na whatchu doing???? isagot mo kung anong ginagawa mo?????
Harold: Cla anong Kdrama pinapanood mo?
Snorri: Law School. Kakatapos ko lang ng Suits at I Can Hear Your Voice.
Cian: Uy pinapanood ko rin 'yan.
Snorri: Sunod kong papanoorin ay yong The Good Doctor.
Harold: Can you tell me more about yourself daw.
Cardo: gago zwei job interview
Macey: Kukuhanin kang drug dealer uy
Cian: Wala akong tiwala sa ka-chat mong 'yan, tigilan mo na 'yan.
Snorri: Ano bang habol mo dyan sa ka-chat mo Zwei?
Cardo: kalandian nga raw
Snorri: Edi dapat straightforward ka
Harold: Straightforward?
Snorri: Tanungin mo kung bakit sya nagmessage sayo.
Harold: Ok wait.
Lawliet: Hindi ko maimagine si Zwei na may seryosong jowa.
Cardo: ang pinakamalapit na jowang naiimagine ko kay zwei ay si val.
Cian: 'Yan din ang sinabi ni Kristina sa 'kin, pero nagtutulungan na kaming hanapan ng jowa si Zwei.
Macey: Sikat naman si Zwei ah, bakit walang jowa 'yan?
Lawliet: Dahil immature, bully, maingay, masakit sa ulo, tapos hindi mo pa maintindihan kung girlfriend o boyfriend ang hanap.
Cardo: dapat nga doble ang chances nya kung ganon, hindi zero.
Cian: Zwei ano nang pinag-uusapan n'yo?
Cian: Zwei?
Cardo: kanina pa hindi nagsi-seen, baka naglalandian na talaga ang dalawang yon
Snorri: Nakuuu baka may ka-video call na Val, tingnan mo.
Cian: Hindi ko alam kung nasaan si Zwei.
Lawliet: Tingnan mo kung saan malakas wi-fi
Cardo: @Harold Coronado
Snorri: Naku Val hanapin mo na kung nasaan si Zwei
Cian: Tumatakbo na ako!
Macey: Tingnan mo kung nasa kwarto o nasa banyo!
Lawliet: O nasa router!
Cardo: talasan mo ang tenga mo val, baka umiiyak na yon!
Cian: Nakita ko na, sandali. Nasa kwarto namin, nagko-computer.
Cian: Mukhang seryoso pinag-uusapan nila, ah.
Cardo: kita mo ba kung anong pangalan nung babae?
Cian: Hmmmm Adelaide Grace.
Macey: Taga-Coronado ba?
Lawliet: Stalk n'yo na.
Cian: Sandali.
Snorri: 'Wag n'yong i-stalk oy
Snorri: Message n'yo na kaagad charot
Macey: Titingnan lang namin kung karapat-dapat ba para kay Zwei.
Cardo: sayo ba, clare, may nagme-message ng ganon?
Snorri: Oo naman. Pero tinitingnan ko muna kung mas gwapo sa 'yo.
Cardo: ???
Snorri: Pag mas gwapo ka, sine-sendan ko ng picture mo bago pa man masundan 'yong "hi".
Snorri: Pag mas gwapo sayo, sinesendan ko ng shirtless mong pic para mainggit sa abs mo.
Cardo:
Cardo: ilang tao na ang sinendan mo ng pictures ko?
Snorri: Marami.
Lawliet: Naka-receive ako dati ng picture mo.
Harold: So ayon.
Macey: ZWEI!
Snorri: You're back!
Lawliet: Hindi ko akalaing mami-miss ko ang presensya ni Zwei
Cardo: chika mo na ang tsaa par
Harold: Sinabihan n'ya ako ng I hate you.
Cardo: hssssssss sakit
Macey: Awts gege
Snorri: Ano bang sinabi mo at nasabihan ka ng I hate you?
Lawliet: Sinend mo ba 'yong emoticon na sinend mo dito kanina?
Harold: Yas :(
Macey: Ah kaya pala. Sabi sa yo nakakapanggigil yung emoticon na yun eh.
Harold: ಥ_ಥ
Macey: Gusto ko na talagang manakit.
Harold: Hahanapin ko na lang si Val at magkakaraoke kami.
Cardo: asan na si val
Cian: Ano
Cian: May chineck lang ako sa website ng CC.
Harold: Oo nga pala 'yong mga articles
Cian: Yes, Zwei, unahin mo trabaho mo kaysa landi.
Harold: ETO NA NGA POOOO
Cian: Bilhan na lang kita ng ice cream mamaya
Cardo: send ice cream pls
Macey: Alam n'yo naman address namin, send ice cream na rin dito.
Snorri: Mango!
Lawliet: Hindi naman kayo brokenhearted, bakit nakiki-ice cream kayo?
Cardo: ampon
Snorri: Ampon!
Macey: Burgis na ampon!
Lawliet: ???!!!
Macey: Nakikiramay kami kay Zwei!
Harold: Taraaaaaa sunduin ko kayo at tayo ay mag-Tagaytay pero hindi tayo bababa sa sasakyan. Drive thru na lang tayo.
Macey: Iwan si Mist!
Lawliet: Sama ako!
Harold: Kapag sinita tayo, si Mist ibabayad natin.
Cian: Zwei kung magro-roadtrip tayo ay tigilan mo na 'yang computer para makaligo ka na.
Harold: FOR THE FIRST TIME AY HINDI HUMADLANG SI VAL
Harold: ROADTRIP TO BAGUIO NA
Macey: Yay!
Snorri: Teka maghahanda na ako ng bag, bye!
Cardo: claaaa ako rin.
Macey: Ay naks magkasama pala sila ngayon.
Cian: 'Wag kalimutan ang inyong vaccination cards!
Harold: Mist kumpleto ka ba ng anti-rabies
Lawliet: Kagatin kita mamaya tapos tingnan natin kung mamamatay ka.
Harold: ( ͡° ͜ʖ ͡°)
Lawliet: HINDI NA AKO SASAMA!
Lawliet: 'YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT WALA KANG JOWA, ZWEI!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top