Chatroom #20
[Zweihänder's Chicklings Chatroom:]
Macey: MGA BAKLAAAAAAAAA
Macey: MGA BES MAY CHIKA AKO HAHAHAHAHA
Zweihänder: OMG ANO
Macey: Kanina nag-deliver ako ng cake sa bahay nina Sir Lance!
Excalibur: Ako nag-deliver ng manok!
Zweihänder: Manok tapos cake tapos tinanong kami kanina ni Sir kung anong handa ko nung 19 ako...
Zweihänder: Tumatanda na si Sir Lance at gusto n'yang maranasang maging bata ulit?
Macey: Hindi! May nakita kaming nakakagulat!
Zweihänder: Pink na kiddie bike ba?
Excalibur: Nakita ko rin 'yon pero hindi 'yon ang kinagulat ko.
Macey: Mga beeeesss HAAHHAHAHAHAA
Clarent: Ang tagal mong magkwento Macey!
Ichaival: Macey tingin ko hindi mo dapat i-kwento 'yung mga nakita mo kung private 'yon.
Macey:
Excalibur:
Clarent:
Zweihänder:
Macey: Ok so ganito kasi 'yon, mga bakla. Nung pagka-deliver ko, may nakita akong bangka sa garden ni sir!
Excalibur: 'DI BAAAA
Clarent: Hindi mo akalaing makakakita ka ng bangka sa bahay ni Sir!
Zweihänder: Anong klaseng bangka? Malaki? Sailboat? Canoe? Airboat? Dinghy? Banana boat?
Zweihänder: Magli-lista pa ako ng boats na alam ko para ipamukha sa inyong marami akong alam tungkol sa mga bangka.
Ichaival: Ako naman maraming alam sa bangkay, gusto mong maging isa, Zwei?
Zweihänder: Anong klaseng bangka, Macey?
Excalibur: Canoe yata 'yon Zwei.
Zweihänder: Americanoe
Clarent: Bakit kapag kay Zwei nanggaling nakakalagas ng buhok ang kakornihan?
Zweihänder: Canoenihan?
Excalibur: Par, cute pa 'yung kanina pero 'yung ngayon literal na korny na.
Zweihänder: Excanoebur
Ichaival: Please stop.
Macey: Nakakawalang-gana 'yung kakornihan.
Zweihänder: So...
Zweihänder: Pang-isahan o dalawahan 'yung canoe?
Macey: Dalawahan!
Excalibur: At base sa pintura at gasgas nung bangka, madalas magamit 'yung canoe tuwing summer!
Zweihänder: Pangdalawahang canoe na madalas magamit tuwing summer... sabi na nga ba't may jowawits si Sir Lance!
Ichaival: Zwei tingin ko hindi mo dapat pakialaman ang love life ni Sir Lance.
Zweihänder: Val nakikita kitang nagse-search sa FB ni Sir Lance.
Ichaival: Ang boto ko ay si Ms. Reyes.
Macey: Doon ako kay Ms. Cruz ng Finance.
Excalibur: Bakit s'ya?
Macey: Laging nakangiti si Sir Lance kapag humaharap kay Ms. Cruz!
Clarent: MALAMANG ngingiti sa kanya si Sir Lance, si Ms. Cruz taga-bigay ng sweldo sa mga prof!
Ichaival: Yeah, nakita kong niyakap ni Sir Henry si Ms. Cruz habang umiiyak.
Zweihänder: Taga-CAS 'yon, sigurado.
Ichaival: Bakit?
Zweihänder: Criminology tinuturuan ni Sir Lance, anong ginagawa n'ya sa faculty room ng CAS?
Excalibur: Naubusan ng table sa Crim at nag-volunteer si Sir Lance na lumipat sa CAS, kasi maluwag daw don.
Zweihänder: Teka lang. Canoe, Summer, CAS, Crim...
Ichaival: Share ko lang na ganito itsura ni Zwei ngayon—
Zweihänder: Aha!
Zweihänder: Si Sir Arthur 'yon!
Excalibur: Talagang 'yung adviser pa natin, ha?
Zweihänder: Summer pwedeng mag-canoe, ayon sa chikang nasagap ko noon ay nanggaling ng Coron si Sir Lance, sumabay sa Summer na team-building at seminar ng CAS sa Batangas, at may dalawang prof na hindi naka-attend. Ekis na si Dr. Memoria dahil ka-edad ko na mga apo n'ya so si Sir Arthur na lang ang natira.
Macey: Kaya hindi nakasama si Sir Arthur sa CAS ay dahil nagsolo sila ni Sir Lance? Ang talino mo Zwei!
Ichaival: At creepy. Paano mo nalaman ang team building ng CAS?
Zweihänder: Kasama ako ron kasi beach!
Ichaival: Ang sabi mo sa 'kin noon ay pupunta ka lang sa McDo, bakit napunta ka sa Batangas?!
Zweihänder: McDo sa Batangas, duh.
Clarent: Pero pano mo na-conclude na si Sir Arthur dahil lang don?
Zweihänder: Ah hindi, kasi in-add ni Sir Arthur si Sir Lance sa gc natin kaya baka s'ya.
Excalibur: In-add lang n'ya si Sir Lance dahil alam ng lahat na hindi ka nakakaporma kapag nand'yan si Sir Lance.
Zweihänder: Teka nga, nasaan 'yung ampon natin? Bakit hindi ko nakikitang nagcha-chat?
Clarent: May online classes sila.
Zweihänder: Wala kayang online classes ngayon.
Excalibur: Baka nag-aaral si Mist, mahirap kaya ang engineering.
Mistletoe: Online ako, hindi lang ako nagcha-chat dahil baka bigla kayong mag-log out.
Clarent: Pinagtripan ka ni Zwei, ano?
Mistletoe: Ilang beses na.
Excalibur: Kami bahala kay Zwei sa pasukan, Mist. Itatali namin 'to sa flagpole.
Mistletoe: Thank you.
Mistletoe: By the way, si Sir Arthur ang jowa ni Sir Lance.
Zweihänder: HAHAHAHAHA SABI NA NGA BA
Excalibur: Pano mo nalaman?
Mistletoe: Kapitbahay namin sila.
Mistletoe: Kasama nila SMS.
Mistletoe: Nung isang araw nagpalipad silang anim ng maliit na rocket, napunta sa bakuran namin tapos inakyat ni Lae 'yung bakod.
Mistletoe: Tapos isang oras s'yang nakipaglaro sa mga aso namin, akala n'ya walang nakakita sa kanya.
Clarent: Baka naman alam n'yang may nakakita sa kanya, wala lang s'yang paki kung may makakita sa kanya.
Zweihänder: Nakuha ba nila 'yung rocket?
Mistletoe: Hindi, nakatulog si Lae kasama nung mga aso at nahuli s'ya nung hardinero.
Zweihänder: Akin na lang 'yung rocket.
Ichaival: Anong gagawin mo sa rocket, ang dami mo nang laruan dito, kinakalat mo lang naman.
Excalibur: Kung ako sa 'yo Val lilipat na ako ng bahay.
Zweihänder: EXCAL DIMUNYO PALALAYASIN MO PA ANG NATATANGI KONG KAPATID
Ichaival: Magkasabay naman tayong lumaki, hindi ko alam kung kailan ka nagkaganyan.
Ichaival: Anyway, kung anuman ang natuklasan natin ngayon, 'wag n'yong ipagkakalat.
Macey: Wala namang masama sa canoe at kiddie bike na pink.
Ichaival: Hindi 'yan ang tinutukoy ko.
Zweihänder: Okie dokie.
Ichaival: ...
Ichaival: Wala akong tiwala sa okie dokie mo, Zwei. Anong ginawa mo?
Zweihänder: Wala!
Zweihänder: Mag-aaral na ako byeeee!
[Zweihänder logged out.]
Ichaival: May ginawang masama si Zwei.
Excalibur: Nakita ko si Sir Arthur kanina sa bahay ni Sir Lance. Nagustuhan n'ya 'yung mga manok.
Macey: Ako rin. Tago pa s'ya sa manok akala mo hindi ko nakita.
Ichaival: Nakita n'yo pala si Sir Arthur tapos 'yung bangka ang chika?
Clarent: I mean mas kagulat-gulat na makakita ng bangka kaysa tao.
Excalibur: Oo nga. Kung naglalakad ako sa kalye, hindi ako magugulat kapag may nakasalubong akong tao. Pero kapag may nakasalubong akong bangka, tatakbo na ako.
Macey: Pero inuuto lang talaga namin si Zwei kanina kaya 'yung bangka ang sinabi ko hahahaha
Ichaival: Pati ako nauto.
Ichaival: Makapag-aral na nga lang din.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top