Chapter 1
Nanlaki ang mga mata ko nang may pulang kotse ang bumangga sa paninda ko. Bilog na bilog ang aking mga mata.
"Aaahhhhhhh!" Napasigaw ako sa galit at mabilis akong tumakbo papalapit sa paninda ko. Para akong di makapaniwala sa mga barbeque na nasa lupa na. Marahas kong binalingan ang kotse.
"Ikaw! Kung sino ka mang lapastangan na nasa loob bumaba ka! Pagbabayaran mo ang ginawa sa paninda ko! Kalawak lawak ng kalsada paninda ko pa ang binangga mo! Hayop ka! Wala kang awa!" Pagtatalak ko habang duru-duro sa taong nasa loob.
"Ara! May problema ba? Kailangan mo ba ng tulong?" Napairap naman ako sa tambay na nagsilapit sa akin.
"Di niyo ba nakikita? Nabundol ng pisteng kotse na 'to ang paninda ko?" Mangiyak-ngiyak kong sumbong sa kanila pero pagalit. Nagkanda bwiset na nga ang buhay ko tapos ganito pa mangyari sa paninda ko. Gusto ko ng maiyak.
Pinagtaksilan ako ng jowa. Kakamatay lang ng tyahin ko. Ako nalang mag-isa sa apartment na ngayon di ko pa binayaran ang isang buwan na upa. Ginamit ko lang ang karisma ko para di agad ako singilin ni Aleng Taring. Gusto niya kasi akong maipakasal ng anak niyang si Juno. Jusko ang pangit pa naman nun. Ang malas talaga ng buhay ko.
"Ano Ara resbakan na namin yan?" Hambog na tanong ni Igoy. Sus kung makapag salita kala mo naman malaki ang pangangatawan, hamak na patpat lang naman.
"Umalis nalang kayo, mas lalong nag init dugo ko sa inyo. Alis!" Taboy ko sa kanila.
"Luh" Umatras sila.
"Ara naman, gusto lang namin tumulong"
"Sabing alis!" Para akong dragon at nanlisik ang mga mata kaya nagsitakbuhan sila. Napabuga ako ng mabigat na hininga at maayos kong tinali ang buhok. Tinaas ko rin ang sleeve ng damit ko.
Matapang akong lumapit sa kotse at kinatok ang pinto.
"Baba!" Maawtoridad kong sigaw. Napaatras ako nang bumukas ang pinto.
Una kong nakita ang itim na black shoes na parang kumikinang sa linis at kintab nito. Napataas ang kilay ko nang tuluyang bumaba ang mama sa kotse niya. Napanganga ako. Ang pogi. Tinignan ko to mula ulo hanggang paa. Shit, perfect. Napalunok ako.
"What do you want street woman" Napakurap ako sa sinabi niya. Nang insulto ba siya? Gwapo nga pero halatang pangit yung ugali.
"Can't you see? My_my paninda nabundol mo!" Bwiset na english to di ako tinuruan. Tumaas ang kilay niya.
"It's none of my concern, you're blocking my way" Suplado nitong tugon. Napamaang ako. Aba, matapang.
"Hoy lalaki! Nakita mo ba ang dinadaanan mo? Ang lawak ng kalsada nabunggo mo pa paninda ko. Kahit gaano ka pa kagwapo o kayaman di ka makakalusot sa'kin!" Singhal ko dito.
"Fine. How much?" Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto ko namang ngumisi sa naisip ko.
"Limang libo" Walang pag-atubili kong sabi at nilahad ang kamay habang nakapameywang. Napaindak-indak pa ang isa kong paa.
"What?! That's too much" Reklamo niya.
"Hoy lalaki, tama lang yun. Sinira mo lamesa ko. Sinayang mo mga paninda ko, plus ang gastos, pawis at pagod ko" Umismid ako.
"Fine!" Para naman itong nairita at dumukot sa bulsa niya. Nilabas niya sa wallet niya ang limang libo at padabog na binigay sa akin.
"Aba! Galit ka? Gusto mo dagdagan ko pa?" Pananakot ko.
"No way." Diin nitong sabi at agad pumasok ng kotse. Malakas niyang sinara ang pinto kaya napaigtad ako. Naku, ang lalaking ito. Aatakihin pa yata ako sa puso.
Pinaharurot niya ang sasakyan niya na kinaismid ko. Mga mayaman talaga, halos nalang mapagmataas sa mga mahihirap. Di naman madadala yaman nila sa kabilang buhay.
Napangisi ako sa pareng nasa kamay ko. Jackpot!
One month passed...
Ako nga pala si Ara mia Santiago, 23 years old. Hanggang 3rd year college lang ako dahil kulang sa financial. Wala na din akong mga magulang. Matagal na silang patay. Naaksidente sila at naiwan ako sa matandang dalaga na tyahin ko pero patay na ngayon at nakakalungkot man, mag-isa na naman ako. Buhay nga naman.
Kumakayod akong mag-isa. Kahit anong trabaho na pinasukan ko pero di naman ako kumakapit sa patalim. Sayang ang ganda ko, masisira lang. Sa awa ng diyos di naman ako nagugutom.
Nakapasok ako ng trabaho. Isa sa mga staff ng Velasce resort. Laking ginhawa ko sa napasok ko dahil di na ako maghihirap na magbayad ng upa sa bahay dahil stay-in kami. Mag-isang linggo na din ako dito. Isa akong guide, tigahatid ng mga guest sa kanilang mga cottage at kwarto.
"Ara!" Tawag sa akin ng manager. Lumapit ako sa kanya.
"May guest tayo, nasa counter. Ihatid mo siya sa magiging cottage niya, okay?" Utos sa akin ni Ma'am Silva. Tumango ako at agad nagtungo sa counter. Nakita ko naman ang magandang babae.
Para itong inip na inip sa pwesto niya. Lumapit ako kay Lyka. Siya ang nasa front desk, kasama niya si Elise.
"Buti nandito kana Ara. Hurry, halatang naiinip na ang babaeng yan. Ihatid mo siya sa cottage 2" Saad niya at umismid sa babae. Nangunot ang noo ko. Nilapitan ko ang babaeng tinutukoy niya.
"Excuse me ma'am, sasamahan na po kita sa magiging cottage mo" Magalang kong turan. Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa.
"At last, nandito na din" Halatang mataray ito kung magsalita. Gusto ko naman taasan to ng kilay pero di ko nalang ginawa.
"Pasensya na po kung natagalan" Hinging paumanhin ko nalang.
"It's okay, I have a wonderful day right now and I can't let someone will ruin it" Turan niya.
"Okay, let's go" Nauna akong naglakad at sumunod naman ito.
Nakarating kami sa labas at simoy ng hangin na nagmula sa dagat at sumalubong sa akin. Naiharang ko ang kamay para hindi tamaan ng sinag na araw.
Tumingin ako sa mga cottage sa unahan. Naglakad ako at pilit inaalala kung anong cottage ang tinutukoy nila. Cottage 2? Siguro sunod sunod lang ang mga cottage na 'to.
Nilapitan ko ang pangalawang cottage at nilingon yung babaeng kasama ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Here's your cottage ma'am. Enjoy your summer" Nakangiti kong wika. Napairap naman ito at lumapit sa pintuan.
Tumalikod na ako at nagsimulang naglakad.
"Aaaahhhhh!" Napaigtad ako sa sigaw na iyun. Dali dali akong bumalik.
"Anong nangyayari?" Taranta kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko nang marahas akong nilingon ng babae.
"Is this really my cottage?! Bakit may tao sa loob?!" Napalunok alo dahil sa tanong nito. Agad akong sumilip sa loob.
My eyes widened because of the scenario. May lalaking dali-daming nagsuot ng pants at yung babae naman nagtakip ng kumot sa hubad na katawan. Patay.
Kagat-labi akong humarap muli sa babaeng nagtatalak.
"Now tell me what's happening?" Galit na galit nitong usisa sa'kin. Pilit akong ngumiti sa kanya dahil nahihiya na din ako.
"Ahm pasensya na po, nagkamali yata ako. Teka lang, kukunin ko lang yung list ng cottage" Hindi ko na ito pinagsalita pa at dali-dali akong bumalik sa main building ng resort.
"Lyka, akin na yung list ng cottage" Taranta kong sabi. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Let me guess. Nakalimutan mo na naman?" Napailing-iling siya.
"Naku wag ka sanang matanggal. Wag mo kasi itong ihiwalay sayo" Inabot niya sa akin ang list.
"Thank you" Agad ko itong kinuha at agad akong bumalik sa babae.
Nadatnan ko naman yung babae na parang sasabog na ito sa galit.
"Tayo na po" Magalang kong sabi at naunang naglakad sa kanya. Tinignan ko naman ang list. Nasa pang apat pala ang cottage 2. Naku, bakit kasi hindi sunod sunod? Pinapahirapan pa ako.
Nakarating kami sa medyo kalakihang cottage.
"Dito na po" Nahihiya akong ngumiti.
"I'll report this matter. Huh! Kala mo makakaligtas ka? No way! You just ruined my day" Banta nito sa akin at pumasok na. Napakagat ako sa labi. Mukhang di yata ako tatagal dito.
Napabuga ako ng hangin. Bakit kasi makalimutin ako? Tumunog naman ang cellphone ko sa bulsa ng aking blazer. Nanlaki ang mga mata ko sa taong tumatawag sa akin. Dahan dahan ko itong sinagot.
"Tya?" Mahinang sagot ko sa tawag.
"Hoy Ara. Ano itong kumakalat na balita na patay na ako? Naku ikaw bata ka. Makukurot ko talaga singit mo, tignan mo" Para naman itong gigil na gigil sa kabilang linya. Napahagikgik ako.
"Tya, gusto lang naman kita tulungan. Diba nagtatago ka sa mga kapatid mo? Ayan lang naisip kong paraan para di ka na nila hanapin. Ito naman, wag kana magalit. Magpakasaya ka nalang kasi matanda kana" Sagot ko. Ito kasing tyahin ko. Nakatagpo ng lalaki at ayun sumama sa lalaki. Ito namang mga kapatid niya di gusto yung lalaki. Nakakatawa kung iisipin parang dalaga pa din yung buhay ni Tiya.
"Naku magdadahilan ka pa. Buhay pa ako Ara ginawa mo na akong patay. Ayusin mo yang pag-uugali mo. Malilintikan ka sakin" Atungal pa nito. Napanguso ako. Tinulugan na nga ito pa ang galit. Ako pa naman hinanapan ng mga kapatid niya. Sumakit din ang ulo ko sa pinaggagawa niya.
Dumating ang hapon nagtataka ako kung bakit nagtitipon-tipon ang mga staff sa entrance ng resort. Nakisali na din ako.
"Anong meron?" Tanong ko sa babaeng pangiti-ngiti ito kung makasilip sa unahan.
"Dadating ang kaisa-isang anak ng Velasce!" Tumili ito kaya napangiwi ako. Ang anak lang pala ang darating kung makatili parang may dadating na artista. Nakisali na din ako sa pag-aantay nila dahil nacurious na din ako.
May sports car naman ang huminto at pumarada sa parking area ng entrance.
"Ayan na" Mahinang tili ng katabi ko. Napairap nalang ako at tumingin sa sasakyan. Bumukas ito at iniluwa doon ang lalaking matipuno at napaka ubod ng kapugian. Napanganga ako. Sheyt, ang pogi.
Naka sunglass ito at nakapolong puti. Nagsimula itong naglakad papalapit sa amin.
"Good morning sir Caleb!" They greeted him with a pleasant gesture. Tinanggal niya ang kanyang sunglass at nanlaki nalang ang mga mata ko dahil nakita ko na siya noon. Sumama agad ang timpla ko sa kanya. Di man lang ito nagabalang bumati pabalik. Halatang magarbuso palibhasa anak mayaman.
Nilagpasan lang kami nito kaya sumunod nalang kami hanggang sa nakarating kami sa main building.
"Babe!" Napatingin ako sa babaeng halos tumili ito at agad itong yumakap kay sir. Ito yung babaeng hinatid ko kanina. Kaya pala kung maka-asta parang may-ari ng resort. Girlfriend pala ng anak ng may-ari.
Di na ito nagtagal sa mga mata namin dahil sinamahan na sila ng manager sa itaas ng building.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto kong maligo sa dagat. Naka swimsuit ako ng kulay pula. Bumagay ito sa kutis ko. Kaunti pa lang ang taong nakikita ko sa gilid ng dalampasigan. Lumusong ako sa tubig at napahugot ng hininga. Ang sarap ng tubig-dagat.
Inilubog ko ang sarili at nagsimulang lumangoy. Habang nag-eenjoy ako sa tubig may nabunggo akong bagay sa ulo ko. Agad ko itong kinapa. OMG! Gumagalaw.
Laking takot ko nang sinipa ako nito. Buti nalang hindi malakas kaya agad din akong nakabawi. Humihingos kong inahon ang ulo sa tubig. Agad kong hinanap ang bagay na iyun.
"You are human" Talim nitong sabi. Napakurap ako.
"Of course I am. Anong akala mo sakin? Shokoy?" Inis kong saad at humaba pa ang nguso ko.
"Yes. I didn't notice you. I thought I was alone. You even look like a fish. Look at your face, your lips are too long when you're pouting" Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Para pa itong nanririndi. Napahawak naman ako sa bibig at ngumuso ulit.
"Di naman ah! Di naman lumagpas ang nguso ko sa ilong ko! Grabe ka makalait" Atungal ko. Tinaasan ako ng kilay.
"Who told you to yell at me?" Masungit nitong tanong.
"Wala. Tama lang na sigawan ka. Hmmp!" Sa inis ko tinalikuran ko na ito.
"Wait. You look familiar" Napatigil ako sa pagkumpay ng kamay at paa ko. Marahas ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.
"Really? Siguro ako yung dream girl mo noh?" Usisa ko at may mapaglarong ngiti.
"No way. You're so ugly and cheap" Aba, kung makapanglait talaga. Naku, sarap ilunod.
"You, you are the street girl I've encountered this past few weeks" Para naman akong minamaliit sa tingin niya.
"As far as I know the entrance of our resort is too expensive. How can a street girl afford that?" Panglalait na naman nito.
"Sumosobra kana!" Sa inis ko mabilis ko siyang nilapitan at malakas kong inilublob ang ulo niya sa tubig.
"Gusto mo ng away?! Pagbibigyan kita bwiset ka" Gigil na gigil ko itong inilublob sa tubig. Napaatras ako nang malakas niyang tinulak ang kamay ko.
Marahas niya akong tinapunan ng tingin. Shit. Sibat na Ara.
Mabilis akong lumangoy papalayo sa kanya at nang nakaahon, tumakbo ako ng napakabilis. Nanlaki nalang ang aking mga mata dahil natisod ako sa sarili kong mga paa. Anak ng, napakamalas ko talaga.
"Hey! Come back! We're not done yet!" Sigaw niya sa akin kaya mabilis pa sa segundo akong tumalilis ng takbo.
Takbo lang Ara. Save your life from that bastard.
To be continue....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top