11


CHAPTER ELEVEN

What the hell did I just say?


"Huy teka, teka! Nakalimutan ko maglagay ng pinto!" reklamo ni Brook kaya natawa kami ni Marcus.

Iyan kadalasan ang problema ng Arki students, nakakalimutan namin maglagay ng pinto or bintana sa floorplan tapos mare-realize lang namin kapag naka-techpen na.

"Oh f*ck," I said when I realized that I wasn't able to put three bedrooms on my floorplan.

"Ah! Nakakainis! Dalawang bed room lang nagkasya sa floorplan ko!" reklamo ko. Three bedrooms were part of the requirements!

"Maglagay ka na kasi ng second floor. 'Wag mo ipilit pagkasyahin sa ground floor. Limited lang 'yong sukat na binigay ni Sir Austin pero pinayagan niya tayong maglagay ng second floor," paalala sa akin ni Marcus. Pero nawawalan na ako ng pag-asa dahil isa't kalahating oras na lang ay ipapasa na 'tong midterm plate namin sa Architectural Design 1.

In the end, binura ko na lang mabuti 'yong ground floor ko. Buti na lang naka-mechanical pencil pa lang ako kaya madali pang burahin. Binilisan ko na lang ng sobra ang kilos ko. Kaya kahit naka-todo ang aircon sa room namin, pawis na pawis ako.

Luckily, umabot ako sa deadline kaya nakapagpasa ako ng midterm plate ko.

"Bad trip ang dungis ng gawa ko. Letcheng pinto 'yon," reklamo ni Brook kaya ginulo ni Marcus ang buhok niya saka kami nagtawanan.

Sumunod na exam namin ay ang Theory of Architecture. Last midterm exam na namin 'to kaya naman makakahinga na talaga kami ng maluwag after nito.

Pagpasok ni Ressler sa klase namin ay agad siyang nagpamigay ng questionnaire and answer sheet. Tulad ni Sir Atienza ay board exam type rin ang exam namin sa kanya. Buti na lang hindi plate. Baka ikamatay ko na.

Pagkatapos naming mag-exam ay nag-ayos na 'ko ng gamit.

"Tam! Boyfriend mo nasa labas!" Napatingin naman ako sa labas ng room namin nang isigaw 'yon ni Brook at nakita ko nga si Zild na nakatayo doon sa hallway.

"Third day niyo pa lang, gusto ko na ugali niya," tumatango-tangong sabi ni Marcus at saka niya ako inakbayan.

"Proud of you. You've finally got to let go of your long time one-sided love," pang-aasar niya sa akin kaya inirapan ko siya. Napakahaba ng sinabi niya para lang asarin ako.

Paglabas namin ng room ay agad akong nginitian ni Zild at binati niya agad ang mga kaibigan ko.

"Why are you here?" I may sound weird but please bear with me. I'm not used to this. I mean—nasanay akong single. Kaya hindi talaga ako sanay sa ganito, na may sumusundo sa akin after ng class ko.

"May lakad kayo?" tanong niya sa 'kin at saka siya tumingin kila Marcus at agad na umiling si Marcus.

"Nagsasawa na kami kay Tam. Sa 'yo muna siya," tumatawang sabi ni Marcus kahit ang totoo ay dapat kakain kami sa labas dahil tapos na ang midterm.

Wala na akong nagawa dahil nauna nang umalis sila Marcus at Brook.

Tingnan mo 'tong dalawang 'to, iniwan ako!

"Zild, what are you doing here?" Sabay kaming napalingon kay Ressler na kakalabas lang ng room.

"Next week pa meeting natin for the new project, 'di ba?" dagdag pa ulit ni Ressler.

"I'm here for my girl," nakangiting sagot ni Zild sa kanya at tinapik niya ito sa balikat. "See you next week," sabi pa ulit ni Zild sa kanya at saka niya kinuha ang T-square na bitbit ko at ang iba ko pang mga gamit.

Napatingin naman sa 'kin si Ressler kaya umiwas agad ako ng tingin. I know he wasn't expecting me to be his cousin's girlfriend because obviously it's written all over his face.

"Kayo pala?" bigla niyang tanong. Bakas sa boses niya ang pagkagulat.

Sasagot pa lang sana ako pero nagsalita na si Zild.

"Yeah," tipid na sagot sa kanya ni Zild.

"Kailan pa?" tanong ulit ni Ressler.

"Why are you so interested?" nakangising sabi ni Zild.

"Nah. It's just that I didn't know that you two are acquainted with each other," kalmadong sabi ni Ressler.

"Now you know," nakangiting sabi ni Zild at saka niya ako hinila paalis.

"Does that help? I actually bragged that you're my girl. He's probably jealous right now," bulong ni Zild saka siya humalakhak.

Agad ko siyang kinurot sa tagiliran. "Baliw ka ba? Ba't magseselos 'yon? Wala ngang gusto sa 'kin!"

"Malay mo lang, may gusto pala siya sa 'yo tapos 'di lang pala siya aware?" patanong niyang sabi kaya napangiwi ako at inirapan siya.

"Hindi ba kayo close? Bakit kung mag-usap kayo para kayong hindi magpinsan?" curious na tanong ko kay Zild pagkasakay ko sa sasakyan niya.

"Required ba maging close sa pinsan?" kibit-balikat niyang sabi at nagsimula na siyang magmaneho. Buti na lang pala hindi ako nagdala ng sasakyan kanina pagpasok.

Pumunta kami sa ospital para dalawin si Tita Zania, ang Mommy ni Zild. By the way, na-meet na ako ni Tita three days ago no'ng pinuntahan ako ni Zild sa bahay.

Nagkuwentuhan lang kami ni Tita Zania and it's really nice talking to her kasi kahit wala ang parents ko, nandiyan si Tita Zania. Nakakapagkuwento ako kay Tita about sa mga nangyari sa midterm kaya nakakapag-rant din ako sa kanya. To be honest, hindi kasi ako close masyado sa parents ko kaya masaya rin ako na nakilala ko ang Mommy ni Zild. Sobrang comfortable akong kausap siya and gano'n rin siya sa 'kin.

Nag-ring naman bigla ang phone ni Zild kaya natigil kami ni Tita sa pagkukuwentuhan.

"I'll be right back. I'll just take the call," paalam niya sa amin at lumabas muna siya.

"Uhm, Tita. Can I ask something?" tanong ko at agad naman siyang ngumiti.

"Of course," sagot niya.

"Never pa talaga nagka-girlfriend si Zild?" curious na tanong ko.

She let out a small laugh. "Hindi pa talaga. Ikaw pa lang," nakangiting sagot niya. "I remember when he was in college, I introduced him to my friend's daughter. And sinabi niya mismo doon sa babae na hindi siya interesado," natatawang pagkukuwento niya.

Mahina akong natawa. Kung hindi lang talaga sobrang guwapo ni Zild, malamang mapapagkamalan siyang bading.

"Si Ressler," biglang sabi ni Tita kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Si Ressler, pinsan ni Zild. Parang magkapatid na talaga silang dalawa. Noong mga bata sila hindi namin sila mapaghiwalay," nakangiting pagkukuwento niya kaya natigilan ako.

Close pala sila? Pero bakit gano'n sila mag-usap ngayon? Saka bakit sinabi ni Zild kanina 'yon sa 'kin?

"Three years ago, pagka-graduate ni Ressler, nagkaroon siya ng nobya. Nawalan siya ng oras kay Zild. Simula noon ay hindi na sila nagkakausap masyado ni Zild. Nagkakausap na lang sila kapag tungkol sa trabaho," sabi niya kaya mas lalo akong natigilan.

Nawala ako bigla sa mood.

So three years na pala si Ressler at Ma'am Chela?

Gusto ko na lang matawa. Sobrang busy ko kasi noong mga panahong 'yon dahil sa acads. Mahirap din kasi talaga ang Medtech, kaya wala na rin akong time sundan masyado si Ressler no'n.

Pero kahit na. Sana sinabi man lang sa 'kin ni Ressler na may girlfriend na siya. Alam niya na ngang patay na patay ako sa kanya, tapos hindi niya pa ako sinabihan. Nakakainis talaga.

Pareho kaming natahimik dahil biglang pumasok si Zild.

"Mom, we need to go. Tinawagan ako ng client ko," paalam niya kay Tita at hinalikan niya ito sa noo.

"Bawi kami this weekend, okay? I love you," nakangiting sabi ni Zild sa kanya at nagpaalam na rin ako kay Tita.

"Architect ka rin ba?" tanong ko kay Zild nang makasakay na kami ulit sa sasakyan niya.

"Nah. I'm an interior designer," sagot niya.

Ah. Interior designer pala siya. Kaya pala lagi niyang hinahanap si Ressler, related pala ang trabaho nila.

"Bakit hindi ka nag-Arki?" I asked.

"'Di ko trip," simpleng sagot niya.

"Eh Civil Engineer? Bakit hindi ka na lang nag-Civil Engineer?" pangungulit ko sa kanya.

"'Di ako magaling sa math. Baka gumuho lang 'yong mga itatayo ko kapag gano'n," seryosong sabi niya kaya natawa ako.

"Why did you choose Interior Design as your profession then?"

"My dad used to be an interior designer," nakangiting sagot niya.

Napangiti tuloy ako sa sagot niya.

"Napaka-family-oriented mo eh 'no? Pansin ko lang, lagi kang nakadikit kay Tita and sweet ka sa kanya. Nakuwento rin niya sa 'kin na priority mo siya lagi. Mas gusto mo nga raw na sinasamahan siya kapag wala kang pasok."

I heard him chuckle. "She said that?"

"Yes."

"Nababaduyan ka na ba sa 'kin?" natatawang tanong niya.

"Nah. It makes you more handsome," kibit-balikat kong sabi at bigla siyang natigilan.

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

What the hell did I just say?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top