10
CHAPTER TEN
I got you . . .
"Bukas pa naman start ng midterm exams natin pero bakit parang everyday?" umiiling na tanong ko.
"Ano'ng gusto niyong kainin? Papa-deliver ako," tanong ko sa kanila. Dito kasi ulit sila matutulog sa bahay namin dahil nag-review kami buong araw sa THEA. Mamaya pa kami mag-re-review sa HOA. Buti nga tapos na namin plates namin kaya makakapag-practice pa kami for midterm plates bukas. Kaso, on the spot daw binibigay ang midterm plate kaya wala kaming idea kung ano'ng exact na i-ipapagawa sa amin.
"Pizza please!" masiglang sabi ni Brook.
"Jollibee!" sabi naman ni Marcus. Tingnan mo 'tong isang 'to, mahilig na sa mga gan'yang klaseng pagkain. Dati ayaw pa niya eh.
I rolled my eyes. "High class restaurant my ass," pang-aasar ko sa kanya kaya binato niya ako ng unan.
Buong gabi tinapos namin 'yong mga inaaral namin. Hindi rin nakauwi si Kuya madami raw silang pasyente.
2am na kami natulog pare-pareho. Not bad. Ngayon na lang kami nakatulog ng ganito kaaga. Lagi kasing wala kaming tulog talaga and minsan dalawang oras na pinakamahaba naming tulog.
* * *
Pumasok na si Sir Chavez sa room namin at napa-sign of the cross na agad ako.
Lord, please. Kailangan kong pumasa. Gusto ko pong maka-graduate ulit on time. Gusto ko na po talagang maging architect.
Pinakita niya sa Power Point presentation ang midterm plate namin at napanganga agad ako nang makita ko ang plate title.
Scale and measurement. Tsk. Dito sumasakit ulo ko eh.
"Figure one, draw the figure from the given technical description. Indicate arrow direction, dimension and the scale," panimula ni Sir Chavez and then pinakita niya ang next slide ng Power Point presentation niya.
Napalunok na lang ako ng maraming beses dahil sa dami ng lines, directions and scale sa figure one. There are thirteen lines, twelve directions, twelve different distances ranging from seven meters, thirty-five meters, twelve point fifty meters, two hundred meters, and then seven meters again, three point seventy-five meters, seven hundred meters, thirty-seven point fifty meters, twenty-two meters, twenty meters, and zero point twenty five meters.
Iba-iba pa sila ng scale! Jusko! Patayin niyo na lang ako.
May tatlong one is to one hundred MTS, dalawang one is to three hundred MTS, dalawang one is to one thousand MTS, isang one is to three thousand MTS, isang one is to two hundred fifty MTS, isang one is to ten thousand MTS, isang one is to five hundred MTS, and isang one is to ten MTS.
Partida figure one pa lang 'yan. May next figures pa. Eh three hours lang ang Graphics namin kaya paano ko matatapos 'to within three hours?
Pinayagan kami ni Sir mag-take ng pictures ng Power Point niya regarding sa midterm plate kaya kinuhaan ko na lang ng picture.
"Figure two, draw the given figure scaled at one is to fifty meters. Indicate arrow direction, dimension and scale," sabi ni Sir and then pinakita niya 'yong figure two sa Power Point presentation. Mukha siyang Star pero pinagkabit siya na dalawang magkabaliktaran na triangle.
"Figure three, draw the given figure scaled at one is to one hundred meters, also indicate arrow direction, dimension and scale," sabi ulit ni Sir and then pinakita niya na 'yong figure three. Square and diamond na pinagkabit.
Please, sana last na 'yan. 'Wag niya na sanang dagdagan.
"Use techpens. Unipin isn't allowed in my class. Use point zero-five for object lines, point zero-one or point zero-two for dimension lines, and point zero-three for dimension. Always write the dimension above the dimension line. That's all for your midterm plate. I'll collect your plates at exactly 12pm. You may start now."
Yes! Hindi niya na dinagdagan!
I started doing my midterm plate in Graphics and it's really getting annoying. Nakailang scratch paper na ako pero hindi ko masundan 'yong mga figure.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko at pare-pareho silang busy sa kanya-kanya nilang plate.
'Yong iba nakatulala lang rin dahil hindi rin siguro nila makuha 'yong figure.
"Need help?" tanong sa akin ni Marcus.
"Yes, please."
He explained everything to me, and naintindihan ko na agad. Ugh. Ang t*nga ko pala talaga kasi madali lang siyang gawin tapos hindi ko man lang na-gets agad kanina.
"Thank you, Marcus," masayang sabi ko pero pabulong lang kasi baka makaistorbo ako ng iba.
He smiled at me and then nag-focus na ulit siya sa plate niya.
Mabilis lumipas ang oras and Sir Chavez started collecting our plates. Buti na lang natapos ko agad. 'Yon nga lang nag-smudge ng konti 'yong techpen ko sa figure three. Ang dungis tuloy. Tch. Line of seven agad 'yon for sure. Napaka-perfectionist pa naman ni Sir Chavez.
Nagmadali kaming lumipat ng room dahil HOA naman ang next subject namin. Normal midterm exam ang ibibigay sa amin ni Sir. Hindi raw siya nagpapa-midterm plate. Pero major plate and final plate magbibigay raw siya sa amin for finals.
Nagpamigay na si Sir Atienza sa amin ng answer sheet saka questionnaire. Sabi niya parang ganito raw ang ginagawa sa board exam kaya sinasanay niya kami. Multiple choice type of exam pero erasure means wrong. Ishe-shade kasi 'yong answer kaya bawal mamali ng shade or what.
Nahirapan pa rin ako sa exam kahit nag-review naman kami mabuti nila Brook at Marcus. Naghalo na kasi sa utak ko sa sobrang dami. Mula ba naman Prehistoric Architecture, Mesopotamian, Egyptian hanggang Greek Architecture ang coverage ng exam namin, sinong hindi mahihirapan? Napakadami ng inaral namin diyan dahil sobrang haba every lesson. Tapos fifty items lang ang nasa exam.
Isang oras lang ang lumipas at kinolekta na ni Sir Atienza ang mga papel namin. Para kaming zombie na naglalakad sa hallway. Magkasunod na major subject ba naman kanina 'yong exam namin, sinong hindi maghihingalo. Tch.
Buti na lang bukas pa ang exam namin sa iba pang major subjects. Sila Marcus dumiretso na sa susunod nilang subject kasi may exam pa raw sila sa minor. Good thing, wala akong minor. Bawas na sa sakit ng ulo ko. Si Marcus wala naman na dapat talaga siyang minor kasi nga pareho kaming second courser. Kaso may iba kasing minor subjects na hindi niya pa nate-take dahil sobrang iba 'yong dati niyang course kaya kailangan niya pa i-take 'yong ibang minor.
Habang naglalakad ako papunta sa parking area, nakasalubong ko si Ressler pero hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lang siya.
Halos dalawang linggo ko na rin siyang iniiwasan simula no'ng sinabi ko sa kanya na titigilan ko na siya. Kapag nga nasa klase niya ako, sa pinakalikod na ako umuupo.
Aaminin ko, may time na gusto kong bawiin 'yong sinabi ko na 'yon sa kanya. Pero tuwing maaalala kong may girlfriend na siya, bumabalik ako sa reyalidad. Hindi naman ako mang-aagaw. Marunong naman akong rumespeto ng relasyon ng iba. Saka tanggap ko na rin naman na hindi niya talaga ako magugustuhan.
"Tam . . ."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya.
Ayaw ko sanang lumingon pero dahil instructor ko siya, wala akong nagawa kung hindi ang lumingon sa kanya.
"Yes po, Sir?" I tried to keep it cool.
"How's your exam?"
Tss. Ano namang pakialam niya sa exams ko?
"Okay lang po, Sir."
Mukhang wala naman na siyang sasabihin kaya tumalikod na ako at akmang lalakad na sana ulit pero natigilan na naman ako nang marinig ko ulit ang boses niya.
"You . . ." he trailed off. "How are you?"
Seriously? May lakas talaga siya ng loob itanong 'yon sa 'kin?
Hindi ako sumagot at nagmadali na lang akong maglakad papunta sa sasakyan ko.
Pag-uwi ko ay natigilan ako nang makita ko ang taong hindi ko inaasahang makita.
Si Zild, nakasandal sa sasakyan niyang naka-park sa harap ng bahay namin.
Napatingin siya sa direksyon ko nang makita niyang huminto ang sasakyan ko. He's wearing a blue shirt and white shorts.
Seriously? Wala ba siyang trabaho at lagi ko na lang siyang nakikita na ganiyan ang mga porma.
"Why are you here?" tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng sasakyan ko.
"I need your help," parang bata niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.
"Busy ako."
"Two hours lang naman kailangan ko."
Ang kulit. Ano bang kailangan niya at hinihingi niya ang dalawang oras ko?
"Fine. Spill," taas kilay kong sabi.
"I need you to be my girlfriend."
"Okay, iyon lang pala eh. Small thi—wait. What?! Nababaliw ka na ba?!" gulat na sigaw ko kaya bigla siyang natawa.
"You're too perfect for the role, Tam. Come on, do me a favor," pangungulit niya sa 'kin.
"And why am I too perfect for the role?"
"You're single. Isn't that too perfect?"
"What the hell? Tigilan mo ko, Zild. Magre-review pa ako," inis kong sabi at akmang papasok na ng gate pero pinigilan niya ako.
"My father died when I was a kid."
Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang sabihin iyon.
Wala na pala siyang tatay.
I don't know why but there's a part of me na nalungkot bigla para sa kanya. Bakit niya ba sinasabi sa 'kin 'yong bagay na 'yon?
"All I have is my mom. And yesterday . . ." He trailed off. "I just found out that she's also dying."
He gave me a weak smile. But I couldn't even fake a smile in front of him. Hearing those words coming from him makes me feel sad.
"Stage four, pancreatic cancer. She can't be cured at this point, but there are still treatment options to extend her life. Still, it's not enough to stop her from dying," pagkukwento niya pa.
Napakagat ako sa labi ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko para sa kanya. Hindi biro ang pinagdaanan at pinagdadaanan niya.
"I'm sorry, I didn't know," malungkot na sabi ko.
He flashed me a genuine smile. "You have nothing to apologize for, Tam. If there's someone who must apologize, it should be me. I shouldn't have told you about these things. I should not be a burden. It's not right"—he paused—"but I think I don't have much of a choice. And if I want to share my burden with someone, I want to share it with you."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. He lost his dad, and he might lose his mom too. Isn't that too cruel for him?
"Gusto niya sana makita akong magka-girlfriend bago niya ako iwan. That sounds too childish for me, Tam. But I love her so much that's why I want to give her what she wants."
I could see his sincerity through his eyes. We weren't that close to talk about these things, but somehow, I feel close to him now.
Mahina akong natawa.
Hindi ko akalain na may ganito pala siyang epekto sa 'kin.
I flashed him the brightest smile I can ever give to cheer him up. "You don't have to worry about that anymore, Zild. I got you."
____
Tiana: Follow me on Twitter @TianaVianne :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top