09
CHAPTER NINE
If I wait a little longer . . .
"Tam, tawag ka ni Sir Chavez."
Wala sa sarili akong lumingon kay Marcus sa gilid ko. "Ha?"
"Kanina pa ka tinatawag ni Sir Chavez," pag-uulit niya.
"Okay ka lang, sis? Kanina ka pa wala sa sarili," nag-aalalang tanong ni Brook sa akin.
Pilit akong ngumiti bago tumayo at lumapit kay Sir Chavez.
"Yes po, Sir? Tawag mo raw po ako."
"Pakikuha sa faculty 'yong plate number 6 niyo. Nakapatong sa table ko."
Gusto ko man tumanggi dahil ayaw kong makita si Ressler, wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang sundin ang utos ni Sir dahil baka i-singko niya ako bigla 'pag um-attitude ako.
As soon as I got out of the room, I groaned and kicked the trash can.
Pagpasok ko sa faculty, buti na lang ay walang tao. Agad kong hinanap ang table ni Sir Chavez at kinuha ko na agad ang mga plates naming nakapatong sa table niya pero bago pa man din ako makalabas ay dumating bigla si Ressler.
Napahinto tuloy ako at umiwas ng tingin. "Are you alright?" bigla niyang tanong sa akin.
Hindi. Hindi ako okay.
Gusto kong sabihin sa kanya 'yan pero walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko siya pinansin at akmang lalagpasan ko na siya pero hinigit niya ang braso ko kaya napahinto ulit ako.
"Namumutla ka."
Agad na kumunot ang noo ko.
"Ano namang pakialam mo?" walang gana kong sabi saka ko inialis ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagmadaling umalis.
Hindi ko pa talaga siya kayang harapin. Tuwing naaalala ko 'yong nakita ko ay parang binibiyak sa dalawa 'yong puso ko.
* * *
"Sh*t! Three minutes na lang!" natatarantang sabi ni Brook.
Minadali ko nang lagyan ng dimension ang floorplan ko sa Architectural Design. Kapag walang dimension o kahit ano pang kulang na hindi mo mailagay, automatic line of seven na agad 'yon sa plate.
Mababaliw na yata ako. Third week ko pa lang ngayon sa Architecture ay pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko. Hindi na talaga ako nakakatulog lagi ng maayos, puro idlip lang. Sunod-sunod kasi pinapagawa sa aming plates. Masyado nilang pinapahirapan ang Architecture students. Kaya siguro pagdating sa board exam ay ninety-two percent ng Architecture students ng Vera University ay pasado.
Nagsabay-sabay pa ang group plates pati individual plates kaya halos hatiin namin ang katawan namin dahil hindi na namin alam kung ano ang uunahin.
Wala na nga akong matinong kain. Lagi na lang akong nalilipasan ng gutom. Tch. Hindi ko naman 'to naranasan no'ng Medtech student ako.
Kahit hindi pa namin tapos 'yong plate namin ay wala kaming choice kung hindi ipasa 'yon kay Ma'am Josephine at Sir Chavez. Nagsabay pa sila ng deadline, eh.
Naghiwa-hiwalay na kami nila Marcus dahil may klase pa sila. Habang naglalakad ako mag-isa sa hallway, ramdam ko na talaga ang pagkahilo pero hindi ko 'yon pinansin at pinilit kong maglakad pa rin nang maayos.
Pero hindi na talaga kaya ng katawan ko at naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig.
* * *
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at natigilan ako nang makita ko si Ressler, pati ang girlfriend niyang si Ma'am Chela.
Agad kong pinilit na bumangon sa higaan pero pinigilan ako ni Ressler. "Tinawagan ko na si Kylo. He'll be here by 5pm."
"Nasaan ako?" nagtatakang tanong ko.
Sh*t oo nga pala. Nawalan ako ng malay kanina. Naaalala ko na.
"Clinic," sagot ni Ressler.
"Okay na ako. Sana hindi mo na inabala si Kuya," reklamo ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.
"Can you please take care of yourself? Lagi kang nalilipasan ng gutom tapos wala ka pang matinong tulog. I wasn't like that when I was on my first year. Time management lang talaga kailangan mong matutunan para maka-survive ka sa Arki," kalmadong sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Bakit ba sinesermonan niya ako? Hindi ko naman siya kapatid.
Napatingin ako kay Ma'am Chela sa gilid ko. Buti na lang ay hindi ko siya instructor. Baka ibagsak niya ako kapag nalaman niyang may gusto ako kay Ressler.
"Hi, Tam. Are you fine now?" tanong niya sa akin nang mapansin niyang tinitingnan ko siya.
Maganda siya. Parang model nga ang dating niya. Hindi na siguro ako magtataka kung bakit siya ang girlfriend ni Ressler.
Pero hindi ko pa rin matanggap.
Elementary pa lang si Ressler, nandito na 'ko sa tabi niya. Siya ba kailan lang ba siya dumating sa buhay ni Ressler?
Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero wala naman akong karapatan kaya pinili ko na lang manahimik.
Biglang nag-ring ang phone ni Ressler at agad niyang sinagot ito.
"Sa'n ka na?"
Si Kuya siguro ang kausap niya.
"Ah. Okay, sige. Ako na maghatid," sabi niya bago niya binaba ang tawag saka siya tumingin sa akin.
"Hindi makaalis si Kylo sa ospital. Ayaw siyang paalisin," paliwanag niya sa akin.
"It's fine. I can manage," simpleng sagot ko saka ako tumayo.
"You can't drive, Tam. Nanghihina ka pa." Now he's calling me Tam and I don't know if I should be happy about it. Bakas sa boses niya ang pag-alala pero ayaw ko nang umasa.
"I said I can manage," pagmamatigas ko. Wala na siyang nagawa kaya lumabas na ako at pumunta sa parking area para kunin ang sasakyan ko.
I was about to open the door at the driver's seat pero biglang may kamay na pumigil sa akin. Inis ko siyang tiningnan.
"Bingi ka ba o t*nga lang talaga? Sinabi ko na nga kanina na okay lang ako at kaya ko na!" I shouted.
Nagtiim bagang siya at sapilitan niyang kinuha sa akin ang susi ng sasakyan ko saka niya ako hinila papasok sa kabila.
Magrereklamo pa sana ako pero wala na akong nagawa. Sumakay na siya sa tabi ko at napapikit na lang ako sa inis nang magsimula na siyang mag-drive.
"Nasa'n na si Ma'am Chela?" tanong ko sa kanya. Pilit kong tinatago ang inis sa boses ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na magtanong sa kanya ng kung ano-ano dahil baka hindi niya magustuhan ang lalabas sa bibig ko.
"I told her I can't drive her home," simpleng sagot niya.
Napakagat ako sa labi ko saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko kaya kusa na silang kumawala mula sa mga mata ko.
"Why didn't you tell me?" masamang loob na sabi ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong napatingin siya sa akin.
"Tell you what?"
"That you already have a girlfriend."
"You never asked."
"Sana sinabi mo pa rin."
"Bakit ba? Ano ba'ng problema mo?"
Inis ko siyang tiningnan at sa sobrang inis ko ay walang tigil na ang luha ko.
F*ck. Ganito ako kapag sobrang masama ang loob. I just can't stop crying.
"You are aware of my feelings for you, Ressler. But you never told me that you're already in love with someone else. Sana sinabi mo na lang agad sa akin."
Hindi siya sumagot. Nanatili kaming tahimik pareho hanggang sa huminto na siya sa harapan ng bahay namin.
He was about to get out of my car but he halted the moment I started talking.
"I thought I can have you if I wait a little longer. Pero hindi pala. Naghihintay pala talaga ako sa wala."
"It wasn't my intention to make you wait, Tam. I told you a million times already that I have no feelings for you," kalmado niyang sabi.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may kung ano'ng bumagsak na mabigat sa ibabaw ng dibdib ko. Sobrang bigat nito.
I gave him a weak smile.
"Huwag kang mag-alala, titigilan na kita. Pagod na rin kasi akong maghabol sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top