07
CHAPTER SEVEN
Where's my gift?
Pagkatapos namin i-submit 'yong plate namin sa HOA, para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Puwede na bang huminga?" pagbibiro ko.
"Taray ng plate ni Marcus eh, feeling ko best plate 'yan," nakangiting sabi ni Brook kay Marcus. Maganda kasi talaga 'yong gawa ni Marcus. Pinakita niya sa amin kanina bago niya ipasa.
Pagkatapos ng dalawa naming major subjects, pumunta kami sa library para manghiram ng libro and magbasa. Kumuha ng libro sa Graphics si Marcus, tapos kumuha naman kami ni Brooklyn ng libro sa Design.
Pare-pareho kaming hindi muna nag-uusap habang nag-aaral. Kaya gusto ko rin talaga silang kasama. Kapag aral, aral lang. Alam nila kung kailan dapat makipagkulitan, pero alam rin nila kung kailan dapat magseryoso. By the way, kaedad ko si Marcus and pareho kaming second courser.
Pagkatapos namin magpalipas ng tatlong oras sa library, pumasok na kami sa next class namin sa Graphics.
Pagkapasok pa lang ni Sir Chavez sa klase namin, nakaramdam na agad kami ng kaba.
He discussed the shades and shadows of a structure. Pati pala shadow may parang perspective rin. Hindi lang siya basta-basta nilalagyan ng shadow. Kailangan mo munang pagtamain 'yong mga lines galing sa araw.
Ugh. Shade and shadow lang pero napakakumplikado agad.
Nag-discuss din si Sir Chavez ng konti about perspective kasi kailangan daw naka-perspective 'yong figures na gagawin namin sa next plate namin.
Lord, umay na umay na po ako sa plates. Puwede ba kahit isang araw lang 'wag muna sila magbigay ng plate?
* * *
"Okay? So saan ang shadow nito?" tanong ko ulit kay Marcus. Tinuruan naman ako ni Marcus kung paano ang gagawin ko kaya thankful rin talaga ako na kaibigan ko 'tong isang 'to. Madami siyang alam na hindi pa namin alam. Tinuturuan ako ni Marcus sa plate ko sa Graphics kasi medyo nalilito pa talaga ako.
Parehas kaming napalingon kay Brooklyn na mahimbing na natutulog sa kama ko.
Narinig kong tumawa si Marcus. "Wake her up. Baka paggising niya, singko na siya," pang-aasar ni Marcus kaya ginising ko na agad si Brook. Tumingin ako sa orasan at napasimangot ako nang makita kong 2am na pala. Nandito kasi kami ngayon sa kuwarto ko. Nag-overnight muna dito si Brook at Marcus kasi may group plate rin kaming gagawin sa Design.
"Ako na sa floorplan," I insisted.
"Okay, ako na sa rendering," sabi naman ni Marcus.
"Ako na sa dimension, dimension lines, guidelines and lettering," sabi naman ni Brook.
"Wow. Daming ambag," sarkastikong sabi ni Marcus kaya nagtawanan kami.
Habang sinisimulan ko na 'yong floorplan, may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napalingon kami pareho ni Marcus sa pinto.
"Coffee?" alok sa amin ni Kuya ko.
"Yes, Kuya, pero kahit dalawa na lang. Tulog naman si Brook eh," natatawang sabi ko.
"Alright," nakangiting sabi niya at saka niya isinara ulit ang pinto.
"Gising pa rin ng ganitong oras 'yong Kuya mo?" nagtatakang tanong ni Marcus sa akin.
"Yes, madalas. Hindi kasi siya puwedeng mapahimbing ng tulog. Anytime tinatawagan siya sa med school para sa biglaang duty," pagkukuwento ko kaya tumango-tango siya.
"Ayaw mo munang matulog? Ilang oras pa bago ko matapos 'tong floorplan," tanong ko sa kanya habang nagsusukat ako gamit ang metric scale.
"Okay lang, damayan na kita sa puyat. Sanay naman akong hindi natutulog," natatawang sabi niya.
Maya-maya lang ay pumasok na ulit ang Kuya ko sa kuwarto ko at nilapag ang mainit na kape doon sa coffee table.
"Thanks, Kuya," nakangiting sabi ko. Tumango lang siya saka lumabas na ulit.
Ganiyan kasipag ang Kuya Kylo ko. Kahit wala ang parents namin dito, sinisigurado niya lagi na naaalagaan niya ako. And that's what makes him the best kuya.
* * *
"Girl, three hours na tayong nag-iikot. Hanggang ngayon wala ka pa ring napipili?" tanong ni Brook sa 'kin.
Brooklyn and Marcus looked tired already kaya inaya ko silang kumain na muna.
Nandito kasi kami ngayon sa mall. Naghahanap ako ng puwede kong iregalo kay Ressler. Birthday niya na kasi bukas, and invited kami ni Kuya sa party niya.
"Are you serious? Seventeen years mo nang gusto si Sir Ressler?" hindi makapaniwalang sabi ni Marcus sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanila kung sino si Ressler sa buhay ko. Wow, lalim.
"Yes. And kahit kailan hindi niya ako nagustuhan. But I won't give up on him. Giving up isn't an option. Alam kong konti na lang, magkakagusto na rin siya sa akin," I said proudly and my friends started clicking their teeth.
"You know what, Tam? If a guy has a plan to like you, he'll show you his true motive. Pero base sa mga kinuwento mo kanina, mukhang wala talaga siyang plano na magustuhan ka," umiiling na sabi ni Marcus while slicing his pizza.
"Napaka-supportive mo eh 'no?" I said sarcastically and then I rolled my eyes.
They laughed. "Eh ikaw ba, Marcus? Bakit single ka pa rin? Kaedad mo lang naman si Tam ah?" Brook asked him out of curiosity.
Na-excite ako bigla marinig ang sagot niya kaya lumipat ako ng upuan saka tumabi kay Marcus. "Spill."
Marcus raised his brow. "I do not want to fall in love with someone. I might end up hurting her feelings because I'll be marrying someone else from a powerful family. Matagal nang nakaplano 'yon. Knowing my parents, gagawin nila lahat sundin ko lang ang gusto nila," pagkukuwento ni Marcus kaya napasimangot kami pareho ni Brook.
"Kaya ikaw, Brooklyn," baling ni Marcus kay Brook kaya napakagat sa kutsara si Brooklyn.
"What?" she asked.
"Focus ka lang sa studies mo. 'Wag ka muna mag-boyfriend," payo niya kay Brook at napataas naman ang kilay ni Brook.
"I already have a boyfriend."
Parehas kaming nagulat ni Marcus sa sagot ni Brook. "Seriously? You're just seventeen!" natatawang sabi ko.
She just laughed, shrugging nonchalantly. "I'm not like you guys. I want something intense."
* * *
"Tam, let's go!" rinig kong sigaw ni Kuya sa labas.
For the last time, tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.
Pagkadating namin ni Kuya Kylo sa bahay nila Ressler, napansin kong medyo maraming bisita. Pero sabi sa akin ni Kuya, puro family and relatives lang rin daw ni Ressler ang nandito. Konti lang daw ang inimbita ni Ressler na mga kaibigan.
"Ikaw may birthday?" pang-aasar sa akin ni Miguel. Inirapan ko siya kaya humalakhak siya
He kissed me on my cheek, pati na rin si Franco hinalikan ako sa pinsgi.
"Si Ressler?" tanong ni Kuya kila Miguel.
"Hindi pa nga namin nakikita eh. Medyo kanina pa kami nandito," sagot ni Franco.
Umupo kami sa sofa at nagkuwentuhan. Pinagmasdan ko ang mga bisita at may kanya-kanya rin silang pinag-uusapan. Nakita ko rin sila Sir Chavez, Sir Atienza, Sir Austin at Ma'am Josephine na nag-uusap. Ang cute naman ng mga architect na 'to. Siguro about work ang pinag-uusapan nila.
Napangiti ako habang tinitingnan ang hawak kong regalo.
I ended up making home-made cupcakes and chocolates for him dahil wala talaga akong maisip na ibang magandang iregalo sa kanya. Sabi rin kasi ni Brook, much better if ako mismo ang nag-effort gumawa no'ng ireregalo ko.
Tumayo ako at napatingin naman sa akin ang mga kasama ko. "I'll find Ressler," paalam ko sa kanila and they nodded.
Gusto ko nang ibigay sa kanya 'tong regalo ko.
Pumunta ako sa may veranda pero wala doon si Ressler. I also checked the kitchen and the dining area pero wala rin siya doon. Sunod kong pinuntahan ang pool area pero wala rin siya doon. Puro bisita lang ang nakikita ko.
Nasaan kaya siya?
Nagdalawang isip pa ako no'ng una kung aakyat ba ako sa taas para tingnan kung nasa kuwarto siya, pero in the end umakyat pa rin ako. Dahan-dahan pa ang paglakad ko dahil baka may makasalubong akong family niya. Nakakahiya kapag nalaman nilang umakyat ako dito para hanapin si Ressler.
Sinilip ko isa-isa ang mga kuwarto pero wala si Ressler. Isang kuwarto na lang ang hindi ko pa nasisilip. 'Yong nandoon sa dulo. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto pero natigilan ako nang may marinig akong nag-uusap sa loob.
"Don't be nervous, Chela," rinig kong sabi ni Ressler.
Chela?
Palihim akong sumilip sa loob at nakita ko ang isang magandang babae, nakaupo sa kama, katabi ni Ressler.
Saan ko nga ba narinig 'yong pangalan niya?
"It's my first time to be introduced as someone's girlfriend," Chela said in a nervous tone of voice.
Girlfriend?
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang makita ko kung paano siya titigan ni Ressler. Kahit kailan ay hindi niya ako nagawang titigan ng gano'n.
"Where's my gift?" nakangiting tanong sa kanya ni Ressler at agad na namula si Chela.
"Close your eyes, babe."
"Okay," maamong sagot ni Ressler. Maya-maya lang ay isinuot niya kay Ressler ang isang napakagandang relo at saka niya hinalikan si Ressler sa labi.
Nakaramdam ako ng panghihina at kusa na lang akong napabitaw sa door knob saka nagmadali akong umalis sa tapat ng kuwarto niya. Nanlalabo na ang paningin ko dahil nag-uunahan nang kumawala ang mga luha sa mata ko.
Hindi ko maipaliwanag ang bigat na nararamdaman ko.
Ang tagal-tagal ko na siyang hinahabol, 'yon pala may girlfriend na siya.
Pababa na ako sana ng hagdan pero sa sobrang labo ng paningin ko ay namali ako ng hakbang kaya muntik na akong tumumba.
Buti na lang ay may nakasalubong akong paakyat ng hagdan kaya hindi ako natuluyan.
"T-Thank you," wala sa sariling sabi ko sa sumalo sa akin saka ako umayos ng tayo.
Pinunasan ko ang luha ko at natigilan ako nang makita ko kung sino ang lalaking sumalo sa akin.
His face is so familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
Nanatili akong nakatitig sa kanya at pilit na inalala kung saan ko siya nakita. Nang sa wakas ay maalala ko na ay mas nanlaki ang mata ko. Siya 'yong lalaking nakasalubong ko no'ng nakaraan sa campus na naghahanap kay Ressler.
Ano nga ulit ang pangalan niya? Zild?
Teka.
Ano'ng ginagawa niya dito?
____
Tiana: Ohhhh, Taaaaam. :(((( I wanna give you a huuuggg.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top