06


CHAPTER SIX

I'm going home.


"Ano'ng ginamit mo sa Visual Tech? Washed or Opaque?" tanong sa 'kin ni Marcus.

"Washed. Hindi ko pa nga masyadong gamay 'yong washed eh, paano pa ako gagamit ng opaque," kibit-balikat kong sabi.

"Opaque ginamit ko eh," sabi niya sa 'kin kaya tumaas ang kilay ko.

"Ikaw na magaling mag-render," pang-aasar ko sa kanya kaya tumawa si Brooklyn.

I still find Brooklyn's name cute, dahil lugar ang naaalala ko sa name niya. Si Marcus naman, masyadong common ang name niya pero sige, puwede na. Guwapo naman siya eh. Natawa ako sa sarili kong naisip at napailing na lang.

"How about your plate in HOA? Tapos mo na?" tanong naman sa 'kin ni Brook habang nilalaro niya ang mahaba niyang buhok. She's really pretty!

"Hindi ko pa tapos. Wala pang render," sagot ko. Narinig kong tumawa si Marcus.

"Ako nga wala pang nasisimulan do'n," singit niya kaya pati kami ni Brooklyn ay natawa.

Maya-maya lang ay dumating na si Ma'am Josephine and she collected all of our plates before discussing the next plate. Okay? Kaka-submit lang namin ng plate sa kanya pero may panibagong plate ulit siyang ibibigay. Hindi ko pa nga tapos 'yong Persepolis kay Sir Atienza eh, bukas na deadline no'n. Mababaliw na yata ako.

"Second week pa lang natin sa Arki, feeling ko nakaisang taon na tayo," pagbibiro ni Marcus, although that's the reality. Pakiramdam talaga namin gano'n na kadami ang nangyari dahil sa sobrang busy namin.

Pagkatapos ng three hours naming klase sa Visual Tech, sabay-sabay kaming kumain nila Brook at Marcus sa Mcdo. Ayaw pa nga sana ni Marcus kumain doon dahil high class restaurants lang daw ang kinakainan niya. Pero dahil mapilit kami ni Brook, naisama namin siya sa Mcdo and he's really enjoying the food.

Kaming tatlo ang laging magkakasama. Vacant man or sa klase, magkakasama kami. Pero pagdating sa minor subjects, hindi nila ako nakakasama dahil wala naman akong minor subjects. Na-take ko na lahat ng minor subjects dati and luckily, na-credit lahat ng minor subjects ko kaya hindi ko na kailangan i-take ulit lahat ng minor. Kaya madalas maaga ang tapos ng klase ko or mahaba ang vacant ko kaya madalas akong nasa library, doon ako gumagawa ng plates or nag-aaral.

Nagmadali kaming bumalik ng campus dahil magsisimula na ang klase namin sa THEA. Muntik pa kaming ma-late, sa likod tuloy kami nakapuwesto dahil wala ng bakante sa harapan.

Tss, ang layo ko kay Ressler.

Nag-discuss lang ulit siya, and as usual, pabibo ako sa klase niya. Buti na lang hindi pa talaga siya nagbibigay ng plate. Sabi niya puro discussion lang daw muna kami.

Hahabulin ko sana si Ressler no'ng pagkalabas namin ng klase pero male-late na kami sa next subject namin kaya dumiretso na kami sa Arlab 12.

Isa rin 'to sa pinakagusto kong subject, Architectural Design. Design ang pinakakinakatakutan maibagsak sa Arki dahil Design 1-10 'yon.

Hanggang 5th year may Design kami, kaya talagang kailangan mairaos 'yon lahat. Design 1 kami ngayong 1st year 1st sem, then Design 2 sa 2nd sem. Tapos Design 3 na kapag 2nd year 1st sem, and so on.

Actually, lahat ng major subjects talagang hindi dapat ibagsak kasi kapag naibagsak mo—for example 'yong THEA ngayong 1st sem—hindi mo pwedeng i-take 'yong THEA 2, Design 2, pati Architectural Interior Design sa 2nd sem. Oh 'di ba, kaya dapat ingatan ang grades kung gusto mo talagang maka-graduate ng Architecture on time.

Habang nagdi-discuss si Sir Austin sa Design, mabilis rin talaga ako magsulat ng notes dahil hindi talaga uso dito 'yong bibigyan kami ng file ng lectures dahil kailangan naming masanay na pinaghihirapan namin lahat.

Kaya pa ba ng utak ko 'to? Roof pa lang napakadami na. Tapos pati windows and doors sobrang dami rin. Akala ko pare-parehas lang sila, pero ang dami pala talagang different types ng roof, windows, and doors.

"Bring out one A4 Vellum board. Write down your ID number, year and section," biglang sabi ni Sir Austin after ng discussion.

Mabilis kaming naglabas ng gamit at hinintay ang susunod niyang instructions.

"'Yong mga babanggitin ko, ido-drawing niyo. Hindi muna 'to pagandahan ng drawing, ha? Ang objective natin dito ay mapakita niyo ng maayos kung alam niyo 'yong mga na-discuss ko kanina," panimula ni Sir Austin. Nag-ready na ako ng extra paper para ilista ang mga babanggitin niya.

"Clerestorey roof, bonnet roof, cross gabled roof, cross hipped roof, dormer, flat roof, gambrel roof, mansard roof, hip and valley roof, transom windows, bay windows, casement windows, revolving doors, pivot doors, and louvered. I'll give you fifteen minutes to submit your work."

Grabe, ang dami niyang binigay tapos fifteen minutes lang?Patayin mo na lang kami, Sir.

Habang nagdo-drawing ako, binibilisan ko na lang talaga. Kahit hindi ganoon kaganda, presentable naman ang gawa ko kaya okay na rin.

Sh*t. Hindi ko maalala 'yong anim kung ano ang itsura. Naghalo-halo na sa utak ko lahat.

"Submit your work," anunsyo ni Sir Austin kaya wala akong nagawa kung hindi ang i-submit na ang A4 ko.

"F*ck, apat agad mali ko," reklamo ni Marcus. "I forgot all about the roof and some of the windows. So yes, nangangamoy apat lang ang nasagutan ko ng tama," nakasimangot naman na sabi ni Brooklyn.

After hearing their possible scores, hindi pa rin talaga ako okay kasi nasanay ako sa Medtech na dalawa lang lagi ang mali ko. Nasanay akong napakataas ng grades ko. Naninibago tuloy ako dito sa Arki, pakiramdam ko ang b*bo ko.

Nagpaalam na sila Marcus na kailangan na nilang pumunta sa next class nila. Buti na lang wala na akong next subject.

Wala sa sarili akong naglalakad sa hallway nang may makabangga ako. Inis kong tiningnan ang lalaking nakabangga ko.

He's . . . tall and handsome. Pero hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya.

"Are you blind?" iritable kong tanong sa kanya.

He's wearing a white shirt and black shorts. Okay? Mukhang hindi siya estudyante dito base sa suot niya. Hindi rin naman siya mukhang instructor.

"I'm sorry, Miss. I didn't see y—"

"So bulag ka nga," I scoffed.

He chuckled. "I said I'm sorry. Bakit ang sungit mo?"

Hindi ako sumagot at akmang lalagpasan ko na lang sana siya pero marahan niyang hinila ang braso ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Do you know where can I find Ressler Morris?" he asked.

Agad na tumaas ang kilay ko. "No. Hanapin mo na lang," tinatamad na sabi ko.

"Alright," tumatawang sabi niya saka niya ako binitawan.

"I'm Zild by the way," pagpapakilala niya. Tiningnan ko lang siya. "And you are?" tanong niya sa akin nang mapansin niyang hindi ako umiimik.

"I'm going home," pilosopo kong sagot sa kanya saka ako tuluyang naglakad paalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top