04


CHAPTER FOUR

Not a playground


"Sh*t. I'm late!" I hissed.

Dali-dali akong bumangon at binilisan ko talaga bawat pagkilos ko.

"Kuya, ikaw muna maghugas ng mga pinagkainan ko ha!" sigaw ko sa pintuan ng bahay bago ako umalis. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil madaling-madali na talaga ako.

Pagdating ko sa Vera University, dumiretso muna ako ng canteen para bumili ng pagkain. Isang oras lang ang tulog ko, kaya hindi puwedeng walang laman ang tiyan ko. Baka himatayin na lang ako basta-basta. One week pa lang ang nakakalipas mula no'ng magpasukan kami pero sobrang dami na agad pinapagawa sa amin. Sa one week na 'yon ay kain lang talaga ang pahinga ko. Tulog? Madalang.

Nakakainis pa 'yong Graphics namin kay Sir Chavez. Limang plates agad tapos puro lettering lang. Pero 'yong mga lettering na 'yon, grabe isang mali mo lang kitang kita agad ni Sir. Puro line of 7 nga ang grades ko sa kanya. Wala pang nakakakuha ng line of 8 sa kanya sa klase namin. Highest na 'yong 78. At ako? 76 lang ang nakukuha ko sa mga plates sa kanya. Pinakamababa ko na 'yong 75. Nakakaiyak, 'di ba?

Pati Visual Tech namin kay Ma'am Josephine, stippling pa lang, sumasakit na agad ang mata ko. Grabe, Arki ata papatay sa akin.

Mabibigat talaga magpagawa sa mga major subjects namin kasi puro architects ang instructor namin sa lahat ng major subjects.

Hindi na nga ako nakakapag-check ng social media accounts ko dahil wala na talagang time. Ultimong pag-ihi ko, nanghihinayang pa ako sa oras.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain sa canteen ay dumiretso na ako sa Arlab 3. Para akong zombie na naglakad papunta doon sa bakanteng table sa may gilid sa bandang harapan.

Matamlay kong kinain ang sandwich na binili ko at nilagok ang hot chocolate na hawak ko. Gusto ko nga sana magkape pero hindi ko magawa dahil wala pa akong tulog. Malakas makataas ng acid sa katawan ang kape, eh.

"Tapos mo na plate mo sa ARDS?" tanong sa akin bigla ni Neil.

"Oo, pero wala pang label," sagot ko sa kanya.

"Ay buti ka pa. Ako hindi pa tapos talaga," tumatawang sabi niya.

Sa Architecture, na-realize kong kusa mong makakabisado ang mga pangalan ng mga kaklase mo dahil masasanay ka na lang na madalas mo silang nakakausap. Sa Arki kasi, kapag hindi ka nakikipag-usap sa mga kaklase mo, mahihirapan ka. Although hindi ko pa naman kabisado lahat ng pangalan nila, karamihan sa kanila ay kilala ko na. Samantalang sa Medtech, apat na taon ako doon pero hirap na hirap akong kumabisado ng mga pangalan. Kung may kilala man ako, ilan lang. Naka-graduate na ko't lahat-lahat, hindi ko pa rin kilala 'yong ibang mga kaklase ko since first year. 'Di ko alam kung ignorante talaga ako o sadyang iba lang talaga ang ihip ng hangin doon.

Maya-maya lang ay dumating na si Sir Atienza. Ito na ang isa sa favorite kong subject dito sa Arki. Second week pa lang ng meeting namin with Sir Atienza pero gustong-gusto ko na agad ang subject niyang History of Architecture. He's really a passionate architect. Sobrang husay ng mga plates niya na pinapakita niya sa amin. Pati nga 'yong pinasa niya no'ng thesis nila no'ng college ay pinakita niya sa amin para ma-inspire kami sa Arki. And it was really effective. Sobrang na-inspire ako. Gusto kong maging tulad ni Sir Atienza, na ang husay-husay sa bawat ginagawa niya yet he remains humble and kind all the time. Sobrang approachable niya pa. Everytime na may tanong ako, sinasagot niya agad.

Everyone's enjoying his discussion as he continues our discussion about Prehistoric Architecture.

"We have two types of religious structures, the Monolith and the Megalithic. Monolith is a single upright stone, while Megalithic has several number of stones. Mayroon ba sa inyo ang may alam kung ano 'yong most famous prehistoric neolithic monument sa buong mundo?"

And because I did an advance reading about doon sa ni-research ko regarding Prehistoric Architecture, I raised my hand and answered. "Stonehenge, Sir."

"Correct. Thank you, Miss," nakangiting sabi niya kaya umupo na ulit ako.

"Para saan naman ang Stonehenge? Anong mayroon doon?" tanong ulit ni Sir. He's expecting that everyone did an advance reading. Hindi siya nagpapamigay ng Power Point Presentation pero sinasabi niya sa amin ahead of time kung ano 'yong topic na idi-discuss niya sa amin and that's enough for us to do advance reading on our own.

Nagtaas ng kamay si Vlad, 'yong kaklase namin na babaeng medyo kulot ang buhok na palaging nakaipit ng mataas. "It is used as astronomical observatory, Sir. Uhm, a religious site po," nakangiti niyang sagot.

He continued to discuss the heel stone, solstice and druids. Nang matapos niyang i-discuss ang buong Prehistoric Architecture, he did a little recap before proceeding to Mesopotamian Architecture. Three hours ang subject namin sa kanya kaya sulit naman ang oras.

We had a quiz after his discussion and I got twenty-six out of thirty items.

I thought idi-dismiss niya na ang klase but he gave us a plate. Agad akong na-excite dahil first time na nagbigay siya ng plate sa amin.

"Based on your scores on the quiz earlier, all students who got a score that's an odd number, your plate will be Catal Huyuk. All those who got an even number, your plate will be Persepolis. Deadline of submission is on Thursday."

Agad akong kinabahan dahil Persepolis ang napunta sa akin. Mas madali sana i-drawing 'yong Catal Huyuk. Napakahirap ng Persepolis para sa akin dahil beginner pa lang naman ako at wala talagang talent sa drawing and rendering.

Pagkatapos ng klase namin sa HOA, lumipat na kami ng room for our next class, Theory of Architecture. Parang nawala bigla ang antok sa sistema ko dahil makikita ko na ulit si Ressler.

Talagang umupo ako sa pinakaharap at tinapatan ko talaga 'yong Instructor's table para talagang kaharap ko siya habang magdi-discuss siya mamaya.

Pagkadating niya ay inayos niya na agad 'yong laptop pati ang projector.

Napasimangot ako dahil hindi niya ako tinitingnan o pinapansin man lang. Napakasungit talaga no'n sa 'kin.

"Sir, nag-lunch ka na?" pagkuha ko ng atensyon niya. Kitang-kita ko kung paanong kumunot ang noo niya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Hindi niya ako pinansin!

"Ako, Sir, hindi pa ko kumakain ng lunch," I said while pouting. He glared at me the moment I said that.

"Then feel free to get out of my class and have lunch, Ms. Sanchez."

Mas lalong humaba ang nguso ko.

"Sungit," bulong ko.

Hindi niya ako pinansin at nagsimula na siyang mag-discuss about Marcus Vitruvius.

And because I want to have his attention, I raised my hand when he asked about the three attributes of all buildings.

"Yes, Ms. Sanchez." He had no choice but to call me. Now I have your attention, Ressler.

"Firmitas, Utilitas, and Venustas," I answered, waiting on his next question.

"And what are those?" he asked.

"Strength, Utility, and Beauty."

My lips curved into grin when I saw him smile.

* * *

Para akong bangag na naglalakad sa hallway. Tatlong major subjects ang nairaos ko kanina. Sobrang nakakaubos ng lakas. Gusto ko na lang agad makauwi para humiga. Miss na miss ko na ang kama ko.

"Are you really serious about this?"

Nagitla ako sa biglaang presensya ni Ressler sa tabi ko. Pauwi na rin kaya siya?

"I am," I replied.

"Bakit ayaw mo na mag-med?" he asked me again.

"I told you a million times already, I don't want to become a doctor."

"Why? It's one of the most ideal jobs. I thought you're already cool with it since natapos mo naman 'yong Medtech."

"Are you now interested in m—"

"No. I'm just trying to change your mind, Ms. Sanchez. Architecture is not a playground."

"I'm not playing, Ressler."

"Whatever, Ms. Sanchez. By the way, uuwi ka na ba?"

Lumapad naman bigla ang ngiti ko. "Bakit? Ihahatid mo ba ko?"

"No."

I frowned. "Oh, okay. I thought you'll give me a ride that's why you've asked."

"Pupunta ako sa inyo mamaya."

Agad na nagliwanag ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Kylo invited us for dinner. Kasama sila Miguel," paglilinaw niya pero nanatili pa rin akong nakangiti.

"Sabay na tayo pumuntang bahay, okay lang? Sabay na 'ko sa 'yo?"

"You brought your car today, Ms. Sanchez. Nakalimutan mo na ba?" nakangising sabi niya saka niya ako iniwang nakatayo dito.

D*mn.

I shouldn't have brought my car!


____

Tiana: Add/follow me on Facebook, Tiana Vianne Isidoro :))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top