Liham ni Andres Bonifacio para kay Oryang
Reference for the fictional Andres Bonifacio love letter to Oryang, used in Virgo's Speech on Slide's Epilogue, originally written by Eljay Castro Deldoc:
Liham ni Andres Bonifacio kay Oryang
1897 Mayo 1
Mahal kong Oryang,
Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang uli na ihaharap sa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at bunting-hininga'y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa.
Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw n gating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako'y mananatili sa iyong piling.
Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo'y mananatiling katipun, kawal, at bayani n gating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising at maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma.
Hindi ko man hawak ang bukas, nais kng tanganan mo ang aking pangako na ilang uli kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka.
Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.
Ikaw ang aking bayan,
Andres
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top