Chapter 9: Dinner

NAKASAKAY NA SA BACKSEAT NG ITIM NA SASAKYAN SI VIRGO. Nasa driver's seat naman ang kanyang personal bodyguard na si Greg. Pagkatapos bigyan ang lalaki ng instructions kung ano ang gagawin, umusad na ang kotse patungo sa La Grilla. Tinted ang salamin ng sasakyan kaya halos hindi humahaplos sa kanyang mukha ang liwanag mula sa mga poste.

Kakalabas lang nila mula sa subdivision na tinitirahan ng mga Ferdinand nang mapansin niya sa salamin sa ibabaw ng dashboard ang pagsunod ng isang itim na sasakyan.

Nakalagpas na sila sa intersection pero hindi mawala-wala sa likuran ang kotse.

"Greg," kalmado niyang saad habang deretso na sa kalsada ang tingin niya, "paunahin mo nga 'yung mga sasakyan sa likuran natin. Let them overtake."

Gumalaw ang mga mata ni Greg, sinigurado na hindi lalabag sa batas-trapiko ang gustong mangyari ni Virgo bago sinunod ang utos.

Tulad ng inaasahan, may mga sasakyang walang anu-anong nag-overtake. Nanatili sa likuran nila ang itim na kotse na kanina pa niya napapansin. Mukhang nakahalata na rin si Greg.

"Ilang minuto na siyang nakasunod, Sir?" anito, walang bahid ng anumang panic sa boses ng bodyguard niyang sanay na sa trabaho nito.

"Simula nung nakalabas tayo sa subdivision. 'Yan 'yung sasakyang nasa gilid ng gate na hinintay na makalabas itong kotse bago umusad."

"Sharp eye," seryoso nitong saad.

"Alam mo naman na kailangan kong maging alerto. Lalo na sa posisyon ko ngayon, Greg."

Hindi na ito umimik pa. Mukhang nasa malalim nang pag-iisip ang binata kung paano magagampanan ang trabaho nito na protektahan siya.

"Ang mabuti pa, Sir," sa wakas ay instruksyon ni Greg, "sa main entrance ng La Grilla ko na kayo ibaba."

"People will see me," aniya. "They'll recognize me."

"Buhay mo ang nakasalalay dito, Sir."

Hindi man halata, pero isa si Greg sa mangilan-ngilang tao na tumitiklop si Virgo. Sa loob ng maraming taong tapat na serbisyo ng bodyguard, wala nang pagdadalawang-isip pa si Virgo pagdating sa mga desisyon nito. Ganoon kalabis ang kanyang tiwala rito.

"At ano naman ang gagawin mo?"

"Ililigaw sila," anito. "Babalikan ko kayo after thirty minutes."

"Thirty minutes?"

"Estimate, Sir. Baka mapalaban ako."

Kampanteng sumandal si Virgo sa kanyang kinauupuan. "Sana malaman mo rin kung sino 'yang bumubuntot sa atin."

"Susubukan ko, Sir."

Sinabihan man niya ng ganoon si Greg, may palagay na si Virgo kung sino ang lulan ng kotseng nakabuntot sa kanila.

Greg began eating up a faster pace on the road. Mabilis na nagpalipat-lipat ito ng pwesto. Kakabig sa kaliwa, kakabig sa kanan, sisingitan ang bawat sasakyang may bukas na espasyo sa kanilang lane na kayang magpadaan ng dalawang magkatabing sasakyan sa iisang linya.

Halos hindi alisin ni Virgo ang paningin sa salamin. He had to keep track of that car. Unti-unti na itong nawawala sa kanilang likuran, nahaharangan ng ilang mga sasakyan na ayaw nang magpasingit sa iba matapos nila masingitan ang mga ito.

Hanggang sa abot-tanaw na nila ang La Grilla. Mabilis na binaba siya ni Greg sa main entrance, walang tanong-tanong na nagmadali siya sa entrance. Nilabas agad ni Greg ang sasakyan sa vicinity ng establisyemento para palabasin na umikot lang ito roon at wala sa kanila ang bumaba sa club.

Habang kinakapkapan, dama niya ang matamang titig ng bouncer na doble yata ang laki ng katawan sa kanya. Nangingilala ang tingin nito at mukhang hindi nakatiis.

"Senator Virgo?" tanong nito.

He grinned. "No."

Kumunot ang noo nito, hindi makapaniwala tulad ng kasama nitong bouncer.

Virgo straingthened his fresh polo shirt after the inspection. "I can't blame you. I get that a lot... kahawig ko raw."

Nagpalitan ng tingin ang mga ito bago tumango-tango. Mukhang nadala ang mga ito sa kung gaano niya ka-relaxed na sinagot ang pag-usisa ng mga ito. O pwede ring nakumbinsi ng malamlam na ilaw sa pinto na baka namamalikmata ang mga ito.

"Okay na po, Sir," anito. "Pwede na po kayo pumasok."

He was baffled why they did not ask for his ID. Siguro dahil obvious sa hitsura niya na hindi na siya menor de edad? Pinili niyang huwag nang kwestiyunin iyon. Ang mahalaga ay ligtas siyang nakapasok sa club.

Sinalubong siya ng malakas na tugtugin. Dumadagundong iyon sa kanyang tainga lalo na ang bass. He had to blink to adjust his eyes with the dark room and playful bright lights. Nagsasayawan na roon ang mga tao, sa isang dako naman ay ang bar na mangilan-ngilan lang ang nakaupo. Mangilan-ngilan dahil mas okupado ang mga mesa sa palibot at ang mga booths para sa mga guest na mas gusto ng privacy.

He pulled his cellphone out of his back pocket. Sa sobrang ingay sa club, pinasya niyang i-text na lang si Bree. Tinanong niya kung nasaan na ang babae habang binabaybay ang gilid ng dance floor. Palipat-lipat ang mga mata niya sa dance floor at sa bawat mesang nadadaanan.

Malapit-lapit na siya sa bar area nang matanggap ang sagot ng dalaga.

Ladies' rm.

He replied: Meet me at the bar.

Pagkatapos ma-send iyon, umilaw ulit ang cellphone niya. Tumatawag si Bree. He did not answer. Nakatanggap tuloy siya ng message ulit.

Baka nakaabang sila sa akin sa labas!

People will recognize me, upo niya habang tinatanaw ang lobby patungo sa ladies' room. Mas steady na ang ilaw at daig pa ang pila ng NFA sa haba ng pila roon.

Pumuwesto si Virgo sa dulo ng bar counter. He let the shadows conceal his presence, the warm yellow light from the bar touching the back of his head and left shoulder.

Inabangan niya ang pagsulpot ni Bree. Nakita niya ang paglakad ng dalaga, suot pa rin ang puti nitong tube top na crop top at pants. He held back his sigh. No wonder some drunk men were after Bree in this club. Anyone intoxicated would want a piece of her in that clothing. It doesn't mean they were right for harassing her though. It was just, she was a total turn on in that get-up.

Of course, Virgo knew, because that's what he was exactly feeling upon seeing her wade through the crowd.

Panay ang lingon ng dalaga sa paligid. Her dark loose curls bounced, reflected by the sliding colorful lights in that club. Wala siyang makita na takot sa mga mata nito, bagkus, pagka-alerto at inis ang naroon. Nakalapat sa gitna ng dibdib nito ang baong pouch. Sumulyap ito sa bar, hinahanap siya ng mga mata nito.

For some reason, he felt thrilled to know her eyes searched for him.

Hindi niya nasikil ang mapangisi nang makalapit ito. At muntikan pang matawa nang malagpasan siya ng dalaga.

Mabilis na hinablot niya ito sa braso. He pulled her close, colliding their bodies in that one swift motion. Gulat na nahampas siya nito ng pouch sa dibdib bago nag-angat ng tingin sa kanya. Napalitan ng pagsisisi ang mailap nitong mga mata.

Virgo just tugged a grin at the side of his lips.

Things seemed to stop for Bree. She remained frozen, staring at him before she got back to her senses. Napailing ito. Ginusto man nitong umatras, pirmi na niyang hawak ang braso nito. There was no way for her to easily back away from him.

"Tara na," panlalaki ng mga mata nito sa kanya.

Nginisihan lang niya ito. Tanda pa niya ang instruksyon ni Greg na magpalipas ng trenta minutos bago lisanin ang club.

"Why in a hurry?" he murmured, drawing his face close to her to make sure she'll hear him clearly.

"Baka makita pa ako nung mga gagong iyon," Bree seethed.

"Don't tell me you're afraid," he challenged.

"Kung hindi dahil sa bago kong movie, pinagbabasag ko na ang mga itlog ng mga iyon, okay, Mr. President?" she hissed.

Oh, how he loved this woman's gutsiness.

Hinapit niya ito sa bewang. He nuzzled at the side of her temple to whisper closer to her ear.

"Well, what about my situation, Bree? Ano ang iisipin ng mga tao kapag nakita nila ako rito?"

"Bakit ka ba kasi narito?" marahas nitong bulong na mukhang nakuha ang gusto niyang mangyari, ang makisakay na lang sa ginagawa niya. "Ang sinabi ko naman, 'di ba, ipasundo mo ako sa bodyguard mo!"

"Change of plans."

Ah, walang plano si Virgo na sabihin sa dalaga ang totoong isyu...

Napasinghap ito. Dama niya ang pagtulak ng katawan ni Bree. Pero wala iyong nagawa para kalagin ang pagkakagapos ng isa niyang brasong nakayakap dito. The gentle nudge only thrilled him. Parang pumitik kasi ang katawan nito padikit lalo sa kanya.

"Diyos ko, Virgo," bulalas nito. "Don't tell me--"

Mukhang iisa lang ang nasa isip nila-- na may nagtatangka sa buhay niya ngayon.

"Relax, would you? Sasakyan iyon ng mga reporter," kilos ng kanyang mga paa.

He knew it was bad to lie. But lying took him far in life. Kaya wala nang pangamba pa si Virgo kapag ginagawa iyon.

Tinangay niya si Bree sa dance floor. Kumubli sila sa kapal ng mga tao na nagsasayawan doon. Kung panay ang lingkisan at magaslaw na kilos ng mga ito sa upbeat na tugtugin, sila naman ay parang mga makalumang taong naligaw roon. They remained closely clinging on each other's bodies, swaying slowly, stepping back and forth and turning around.

"Hindi mo ba gamit 'yung kotse mo na hindi alam ng mga tao na sasakyan mo?" paalala ng dalaga sa kanya.

"I am using it. Pero nag-iingat lang kami ni Greg. Panay ang sunod sa amin nung sasakyan, eh."

Naramdaman niya ang pagyuko ni Bree. She rested her forehead on his shoulder. Maingat na tinaas niya ang kamay at nilapat iyon sa likod ng ulo ng dalaga para umalalay. His eyes carefully looked around the thick mass of people surrounding them, dancing around them...

"Salamat nga pala, Virgo," malumanay nitong saad, kasabay ng paglamlam ng mga mata na kanina ay hindi mawala-wala ang pagkakairap at paghihinala.

Pero masyadong malakas ang tugtugin sa club na iyon. Walang narinig si Virgo sa huling sinabi ng dalaga.

.

.

HIMALA NGA YATA NA nakalabas pa sila Bree ng La Grilla nang wala masyadong nakakapansin sa kanila. Marahil dala sa dilim ng lugar o kalasingan ng mga naroroon kaya wala nang oras pa ang mga ito para pansinin sila.

Si Greg na ang mismong pumasok sa club para hanapin sila at samahan sa paglabas. They took the emergency exit door. Pagbaba ng hagdan, nakaabang na roon ang itim na sasakyan ng senador.

Ilang minuto rin silang tahimik sa biyahe. Alam niya na nakikiramdam ang dalawang lalaki at nago-obserba kung may nakasunod na naman ba sa kotse ng mga ito.

"Kamusta, Greg?" basag ng binata sa katahimikan.

"Naareglo ko na, Sir," anito.

"Nakausap mo?"

"Hindi."

Binalik ni Bree ang tingin kay Virgo. Deretso lang ang tingin nito at isang tango ang ginawad kay Greg na sumulyap lang sa dashboard mirror para makita ang tugon para rito.

Mukhang nahulog na ang dalawang lalaki sa malalim na pag-iisip kaya pinasya ni Bree na manatiling walang imik. Nilingon niya ang dark tinted na salamin at tinanaw sa labas ang bawat madadaanan ng sasakyan. Her mind felt afloat in that moment. Pabalik-balik sa mabagal na pagsayaw nila ni Virgo kanina sa club. She didn't want to overthink why Virgo would go to that extent for her. But she did overthink.

Iyan tuloy, napunta siya sa konklusyon na ginawa lang iyon ng lalaki para sa sarili nito.

Para maiwasan 'yung mga reporter daw na nakabuntot sa sasakyan nito.

That was enough to ruin the moment for her.

There was nothing picture perfect anymore with how he pulled her close, with how his smile blended enigma and charm through the soft glow of the yellow bar lights.

Nothing... nothing was perfect in that moment anymore...

Nilihim ni Bree ang pag ngiti. Relief just swept over her.

A relief that there was nothing special about that moment for her anymore. Because, yes, there should remain nothing special between her and Virgo.

May kahabaan ang biyahe, hindi niya namalayang nakatulog na siya. Hanggang sa tumuloy ang sasakyan sa isang pribadong village. Nasa kalagitnaan na ito ng madilim na kalsada nang maalimpungatan siya. Hindi maipaliwanag ni Bree ang naramdamang pagkapahiya dahil nakasandal pala siya sa balikat ni Virgo.

Mabilis siyang tumuwid ng upo, inayos ang sarili at tumanaw sa bintana.

Parang lumilipad na ngayon ang kotse. It journeyed smoothly. The road sloped up and down and had a few twist and turns. Matayog ang mga punong bumabakod sa kalsada, ilan lang ang mga nagtataasang poste ng ilaw na nalalagpasan nila. There was something somber about the place.

Nilingon niya si Virgo.

"Nasaan na tayo?"

"Tagaytay," walang paligoy-ligoy nitong saad.

"Tagaytay?" bulalas niya pagkapihit paharap dito. "Ang layo."

Malayo kung iisipin, pero alam ni Bree na mabilis naman ang naging biyahe nila.

"Ihahatid ka ni Greg pauwi bukas."

"You want me to spend the night with you."

"Yes. There's nothing new with that, Bree."

Sumandal na lang siya sa kinauupuan. "I mean, until morning, that is."

"It's for our convenience. Less people will notice us here."

Nilabas ni Bree ang cellphone sa sariling pouch. As usual, hindi siya tinawagan ni Manager Ken. Pinansin na lang niya ang malaking orasan sa screen niyon. Alas-nuwebe na ng gabi.

"And," patuloy ng lalaki na nagtse-check ngayon sa cellphone nito, "I had the housekeepers restock the fridge earlier. So, what do you want to be cooked for dinner? Something heavy?"

"Hindi ba madaldal ang mga housekeepers mo?" usisa niya rito.

"When will you ever relax?" was his confident smile. "Pagdating natin, tayong dalawa na lang ang matitira roon."

Magsasalita pa sana siya nang maagapan ng binata.

"And I'll be cooking dinner," deklara nito.

Nang makarating sa vacation house, dinala agad siya ni Virgo sa isa sa mga guest rooms. It was pristine with cream-colored walls and soft lighting. Tumambad sa kanya ang queen-sized na kama na may puting comforter at bed sheets. She was starting to wonder how will this man explain to the maids the mess they would make on that later...

"Rest a bit," wika nito na nagpalingon sa kanya. Hindi pa rin pala umaalis sa likuran niya ang lalaki. "You're free to use the bathroom to get refreshed if you want."

She smiled. "Alright. Thank you." Binalik ni Bree sa silid ang tingin. Sa palagay niya, magpapahinga na rin muna siya bago maligo.

"I'll have a quick shower, then prepare dinner," ani Virgo.

It took her a few seconds to finally say, "Virgo, there's no need--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Ngayon lang napagtanto ng dalaga na umalis na pala si Virgo sa pinto.

To cook for me... dugtong na lang ni Bree sa sariling isip.

Nasa banyo pa si Bree nang kumatok si Virgo para yayain siyang kumain. Ayaw pa niyang lisanin ang maligamgam na tubig sa bathtub at ang bango ng sabon na nakakulong sa silid na iyon... ngunit dahil nakakaramdam siya ng gutom, umahon na rin siya nang pakiramdam niya'y nakaalis na si Virgo.

Sinuot niya ang hinandang bath robe na puti at tinuyo ng blow dryer ang buhok.

Ginala ni Bree ang mga mata sa paligid. Dapat pala ay hindi niya na lang hinayaang makaalis kanina ang binata. Malaki ang vacation house at hindi niya kabisado kung nasaan ang dining room.

But she walked on and figured out where the dining room is with ease.

Nadatnan niya na nakasuot ng silk robe na itim ang lalaki. Inaayos na nito sa pahabang mesa ang mga pagkain. Hindi mapangalanan ni Bree ang sumasayaw na amoy ng herbs kahalo ng pritong isda. Pero sigurado ang sikmura niya na masarap iyon.

Napaangat ng tingin sa kanya ang lalaki, may balak na ipaghila siya ng upuan. Nasa kabilang panig nga lang ito ng mesa kaya naunahan na niya. Umupo siya sa bandang kanan ng kabisera ng dining table na iyon.

Ngumiti na lang si Virgo at inokupa ang kabisera.

Bree stared at the fried fish in front of her. It was a salmon, beautifully cut with an orangey crisp skin. May binudbod doon na herbs at ilang hiwa ng lemon. Ngumisi siya sa lalaki.

"Don't tell me you're also a restaurateur, Mr. President," she beamed at him.

Maluwag ang ngiti nito. "Apparently, I like experimenting with food."

Hindi na niya sinagot pa ang tinuran nito.

"Let's eat," anyaya nito.

Kapwa sila natahimik para lang mabilis na maubos ang hapunan. Bree was now feeling unsure about the perfect man being non-existent...

Pagkatapos kumain, niyaya siya ni Virgo sa counter sa kusina. Makikita roon ang nakabitin na mga wine glass at poste na nagdo-double purpose din bilang isang wine rack.

Pinapili lang siya nito ng alak na iinumin nila. What caught her attention was the pink-colored bottle of champagne. May kulay puti itong seal.

"I want this," maingat niyang bitbit sa bote.

"Let me see," kuha ni Virgo sa bote at inikot iyon para basahin ang label.

Nakasaad doon ang pangalan ng wine company ng isa sa mga prominenteng entrepreneur dynasty sa Pilipinas-- ang mga Cervantes.

"A Desert Rose Champagne?" angat ng mga mata nito sa kanya. Amusement made them sparkle.

Bree bit her lower lip. Hindi niya alam kung ano ang big deal na Desert Rose Champagne ang pinili niya, pero excited na tumango-tango siya.

"Why, it goes best with salmon," ngisi nito. "I never knew you're so good with wines."

Alanganin na lang na ngumiti si Bree. Actually, na-cute-an ako sa bote kaya pinili ko siya.

Niyaya siya ng lalaki sa balkonahe sa likuran ng vacation house na nakaharap sa bangin. Madilim ang langit, puno ng anino ang bangin at ang nakapaligid dito na makapal na mga puno. Mangilan-ngilan ang liwanag na kumikislap mula sa nagkalat na mga bahay sa kabila ng bangin na iyon.

They sat on metal chairs with soft cushion seats. Nakapatong sa glass table sa pagitan nila ang bote ng champagne. Kapwa sila may hawak na wine glass. Sinaid ni Bree ang laman ng kanyang baso.

"So, how's the interview?" lingon sa kanya ng lalaki.

"Ayos lang." Bree felt glum. That interview at French Talk only reminded her of Krista.

"You sure?"

Sigurado si Bree na may halong pagtawa sa sinabing iyon ng lalaki. She gave him a sharp stare.

"Oo. Pinanood mo?"

He looked away. "I don't know but, yes, I did."

She grinned coyly. "Inaabangan mo kung anong oras matatapos ang interview? Inaabangan mo ang pagtawag ko?"

Bree only asked to be disappointed. Kasi kahit na totoo ang asumpsyon niya, hinding-hindi iyon aaminin ni Virgo.

Ngumiti ito. "Not really. Gusto ko lang malaman kung paano ka umakto sa harap ng camera."

"Bakit?" there was something teasing with her smile, even if Bree did not intend to project something like that at Virgo in this very moment. It caught his attention. "Hindi ka pa ba nakakanood ng mga pelikula ko?"

There was something sultry in her voice. It must be the touch of champagne on her throat.

"Hindi pa," mahina nitong tawa. "That's the problem with me. I'm so self-righteous."

"Self-righteous?" her disbelief was evident. "I don't think you're self-righteous." Tumayo na siya mula sa kinauupuan. She slid across the polished wooden floor to reach his seat. Maingat niyang umupo sa kandungan nito. Her legs hung on his right leg as she rubbed and massaged his shoulders. He returned the favor by stroking her leg. "Napaka-open mo nga sa akin kung gaano karumi ang imagination mo," titig ni Bree sa mga mata nito.

He stared back heavily. Basang-basa ng lalaki ang bawat kilos niya. Paanong hindi? Buong atensyon naman nito ay palaging nasa kanya, kaya napupuna nito kahit katiting sa mga galaw niya.

Nilapag nito ang baso sa mesa at hinagod siya sa likuran ng buhok. His hand dropped on her shoulder. Sumabit ang mga daliri nito sa bandang collar ng suot niyang bathrobe. Virgo gently tugged it down to reveal her shoulders.

Ang isang kamay naman nito ay humagod sa ibabaw ng kanyang hita.

"Gusto mo bang malaman kung ano ngayon ang nai-imagine ko?" he huskily murmured as Bree inched her face closer to him.

Her gaze went down to his lips. Sexy and vile. The way he speaks was enough to label Virgo a very dangerous man.

"I can read your mind," ngisi niya. "Sigurado ako na dinala mo ako rito para magbayad. I have to pay for your kindness for rescuing me in that club, kind Sir... with my body."

Hahalik na sana siya rito nang hawakan ni Virgo sa bandang pangahan. He cupped her face that way and firmed her in her position. Nagtatanong ang mga mata ni Bree na tinitigan ang mga mata ng lalaki.

"No," he hotly answered, strands of his uncombed hair hung on his forehead, emphasizing his eternal soldering gaze, "nandito ka dahil may utang ako sa iyo na dapat bayaran."

Bree suppressed her sweet smile.

"Hindi ka dapat binibitin. Kaya itutuloy na natin ngayong gabi," patuloy nito. Virgo paused to wet his lips. Oh, damn this sexy beast. "Sit properly on me and get it, Bree."

Umayos siya ng pagkakaupo. Tinukod ni Bree ang mga tuhod sa magkabilang gilid ng hita ni Virgo. Nasulyapan niya ang bote ng champagne kaya inabot niya iyon. She was about to pour it over Virgo's head but his swift reflexes caught her wrist, stopping her mid-air.

"I just want to know how you'll taste like... with champagne," she smirked then winked.

He grabbed a breast, moved his hand in circular motion before squeezing. She let out a soft moan.

"You're doing it wrong," kislap ng mata nito bago inagaw ng kamay na nasa pulsuhan niya ang bote ng champagne.

Hinawi nito ang tela sa bandang dibdib ng robang suot. After exposing his broad chest and abs, he positioned the mouth of the bottle on his stomach. He maliciously grinned then tipped it in a downward position. Kita ni Bree ang pagbagsak ng inumin padausdos mula sa tiyan nito pababa sa puson... at pababa. Kumalat ang basa sa ilalim ng tali ng roba hanggang sa palda niyon na tumatakip sa pang-ibabang bahagi ng katawan ng lalaki.

When Virgo lifted up the bottle, Bree returned her gaze on him, burning internally with his dark gaze.

"Now, you can start tasting," mapanghamon nitong ngisi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top