Chapter 64: Safety

NAUNA SI BREE sa pagtawid sa sapa na iyon. The chill in the air because of the after-rain gave her goosebumps. The dark blue skies were slowly paling into a brighter light. Lumubog ang mga paa niya sa mabilis na pag-agos ng tubig at maingat na kumakapit siya sa mga bato para hindi madulas. Nakatanaw mula sa malayo si Virgo, nakasilip sa likod ng malaking bato na tumatakip sa view ng maliit na kweba na nilikha ng magkakapatong na mga bato.

As light began to stream through, Bree was starting to see the leaves of the surrounding plants and trees, cool and lush green. The yellowish dry leaves and branches were wet too. Dama ni Bree ang labis na pamimigat ng mga muscle kaya pinabagal niyon ang kanyang kilos. She tried her best not to look back and check on Virgo. Or else that might betray his hiding place if ever Jordan was already around and watching her move.

Nang malapit na siya sa kabila ng sapa, binilisan na ni Bree ang paglakad. Halos pigil niya ang hininga, kung hindi mapapalakas ang paghingal niya at maliliit na daing dahil sa pamimintig ng pagod sa buo niyang katawan.

She almost fell down upon reaching the ground. Humihingal na tumingin-tingin siya sa paligid bago kumubli sa mga halamanan at humarap sa direksyon ng sapa. Ilang minuto pa at lumabas na si Virgo mula sa pinagtataguan nito. Magiting ang pagsalang ng kanyang bayani sa sapa. The waters seemingly parted with each of his heavy steps, with a gun ready in his other hand. Hindi niya mapigilan na humanga sa kabila ng marungis nitong kasuotan ang magulong buhok. His sharp eyes shone with determination and renewed strength. His focus kept him alert by glancing every now and then to his surroundings.

Nang makaapak na ito sa lupa, hinanap siya ng paningin nito.

Siyang labas ni Bree mula sa pinagtataguan para dumeretso ulit ng lakad at makalabas na sila ng tuluyan sa kagubatan. It was Virgo's turn to hide within the plants and watch how far he could see her go.

Ngayong naglalakad na siya sa pagitan ng sali-saliwang hanay ng mga puno, sikil ni Bree sa dibdib ang pangamba na matatagpuan siya ni Jordan. Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pagtakatak ng elisi ng mga helicopter. Hindi rin iyon nakaligtas sa pandinig ni Virgo na napatingala mula sa pinagtataguan nito. Pero saglit lang iyon at napunta muli ang mga mata ng lalaki sa pagtanaw sa kanya.

Napapitlag si Bree nang makarinig ng putok ng baril.

She automatically faced on her right and the gun shots were followed by another. And another.

Bree kept her head low and ran to the biggest tree she could see. Umupo siya sa ugat niyon at doon kumubli. She curled her body as much as she could to keep it hidden by the thick body of the tree.

Sumulong naman si Virgo. He kept himself low as he cautiously looked around. Siyang sulpot ng tumatakbo na tauhan ni Jordan. By reflex, Virgo stretched a hand and shot him by the leg. Nagpaputok ito ng hawak na baril. But ompfh, he missed. He dropped on the ground groaning loudly about his leg. Sinundan ni Virgo ng isa pang baril sa gilid ng ulo nito para tuluyan nang manahimik. At nagtago agad ang lalaki sa likuran ng isang puno. Nag-abang ito kung may nakarinig sa maingay na pagpalahaw kanina nung nabaril niya at may pupunta sa direksyon nila. He could hear his heart pounding loudly, making his ears ring with its beat. Matapos ang ilang minuto, walang sumulpot para i-tsek kung ano ang dinadaing kanina nung lalaking pinatay nito kaya naman nakayuko na nagpatuloy sa paglakad si Virgo. His eyes looked around, searching for Bree.

Bree caught her breath and left her hiding spot. Abot-tanaw na siya ni Virgo nang biglang may humablot sa kanya. Mabilis na binalibag ito ni Bree sabay suntok sa mukha nito. What got the man unconscious was how badly his head hit the ground. Nagimbal siya nang ma-realize na isa pala ito sa mga pulis na pinadala ni Virgo para hanapin siya. She muttered a low curse under her breath, feeling sorry for the police.

Nakita iyon ni Virgo at tsinek ng lalaki kung buhay pa ang pulis.

"I'll hide him. Go ahead," he breathily whispered, gazing shortly into her eyes.

"Tutulungan na kita," hawak niya sa mga paa ng pulis.

"No," he hissed. "Sumunod ka sa plano mo. Go ahead! Susunod ako!"

Mahahati ang puso niya sa gagawin.

Virgo gave her an encouraging nod and Bree immediately turned to go on.

Hinila ni Virgo ang pulis sa likod ng isang puno, pinahiga doon para maitago ng naglalakihang mga ugat na umusli na mula sa lupa. He gave the police a good shoulder tap before peeking to watch Bree hide behind another tree. Mas payat nga lang iyon kaya kita pa rin ang babae. She squatted and looked around.

My plan is simple, Virgo, naalala ng binata na sinabi niya rito kanina. Mauuna akong maglakad, palihim ka namang susunod sa akin. Para kung sakali na mahuli ako ni Jordan o ng mga tauhan niya, hindi sila magiging aware na nariyan ka para ipagtanggol ako. They won't know what got to them once who suddenly jump out and start shooting.

.

.

MARCO was about to move forward but he returned to hiding behind a tree.

Nakita kasi nito si Jordan na paikot-ikot sa paligid. May kasama itong dalawa pang lalaki.

Sigurista si Gago, check nito sa magazine bago muling sinalpak iyon at hinigpitan naman ang silencer sa nguso ng baril.

And like the silent killer he had always been, Marco stepped out from his hiding place and shot one of Jordan's men. Saktong nilingon ni Jordan ang tauhan kaya nakita ang pagbulwak ng dugo mula sa leeg nito. Mabilis na humarap ang natitirang dalawang lalaki sa direksyon ni Marco. Umalingawngaw sa paligid ang pagputok ng mga baril nila. Marco hid behind the tree and saw its bark chipped off by the gunshot, flying from his side.

Umupo si Marco at ginantihan ng putok ang mga ito pero mukhang nakahanap na ng tataguan ang mga lalaki sa dami ng mga puno roon.

"Hoy, alalay!" tawag dito ni Jordan. "Huwag kang masyadong magpakabayani! Hindi kayang bayaran ng amo mo ang buhay mo! Kung ako sa iyo, iligtas mo ang sarili mo at umalis sa landas ko!"

And he fired more shots.

Sige, gago, ubusin mo ang bala mo, sarkastikong isip ni Marco.

Cracks of branches made Jordan and his other man turn and look at the other direksyon.

Napasinghap si Bree nang malingunang nakatingin na ang mga ito rito. Nagmamadaling tumakbo ang dalaga. Nakangising nilingon ni Jordan ang tauhan. He waved a hand to instruct him to take care of Marco.

At umalis naman si Jordan para sundan si Bree.

Mabilis na sumilip si Marco at natanaw ang papalayong lalaki. He looked further and saw a silhouette of someone running.

Miss Bree! Hakbang ni Marco pasulong nang sumulpot ang tauhan ni Jordan para barilin siya.

Marco immediately ducked, rolled at the damp soil where leaves stuck on his shirt and fired some shots.

Nagtago naman ito pabalik sa likod ng puno na pinanggalingan nito.

Marco's jaws tensed. Lalong pumitik ang kaba sa dibdib ng lalaki. Hindi kasi nagkakalayo ang agwat ni Bree sa tumatakbong si Jordan. Malaki ang tsansa na maabutan ito ng lalaki.

He was about to dash toward a tree to hide, but Jordan's goon reappeared and pointed his gun at him.

"Wala ka nang takas!" mayabang nitong labas mula sa pinagtataguan nang makita ang hindi niya paggalaw. "Ibaba mo ngayon din ang baril mo!"

Nagdadalawang-isip si Marco na gawin iyon. Alam naman kasi ng binata na hindi ito masasalba ng pagsunod sa utos ng tauhan ni Jordan. He was sure as hell that he would end up dead.

Isa sa mga natutunan ni Marco sa Buenos Mafios ay ang huwag na huwag susuko sa kalaban. Bukod sa nakakababa ng dignidad, ang pagsuko ay katibayan ng kawalan ng kumpiyansa na kayang malagpasan ang isang pagsubok. Dahil para sa mga katulad nila, araw-araw ay isang pagsubok. Sila ang organisasyon na marunong magresolba ng anumang problema sa mga paraan na hindi kayang gawin ng kahit na sino. Kasama na roon ang pagpatay. Kaya nga hindi sila takot na gumawa ng ikakapahamak nila, kasi wired sila na maging solvers ng anumang gulo na mapasukan.

If he could not solve any problem, or give up on solving one, Marco was told that he could never ever be a part of Buenos Mafios.

Marco became stiff when a hole appeared on the man's head. Blood began leaking. Mula sa likuran niya kasi, may lumabas na lalaki at binaril ito. Tila karton na target practice ito na pinagbabaril sa dibdib at katawan bago tuluyang bumagsak sa lupa.

Ganoon sila katindi pumatay. Sigurista. Dapat malala ang matamong tama ng baril para siguradong patay ang kalaban.

Narinig ni Marco ang mahinang pagbaon ng mga hakbang nito sa basang lupa.

He slowly turned and saw Zoref. Halos walang mantsa ang suit ng lalaki, tanging mga sapatos lang ang naputikan. He walked toward him as if the man was strolling in a park.

"Marami ka pang kakaining bigas," anito habang nakatitig sa binaril nitong lalaki. Nage-expect pa yata ang Big Boss na babangon ang lalaki at lalaban kaya nakaabang ang mga mata sa bangkay kung gagalaw pa.

Marco scoffed and stood up. "Wala pa akong tulog, Boss."

"Huwag kang magdahilan," lagpas nito sa binata. "Habulin mo na sila."

Nang maalala si Bree, mabilis na tumalima si Marco.

.

.

BREE RAN FASTER. As fast as she could.

Alam niya na nakasunod lang sa kanya si Virgo, hindi hahayaan ng lalaki na mapahamak siya. Pero hindi niya maiwasang mapaisip kung makakaya nitong barilin si Jordan. Kahit sinigurado pa ni Virgo na kalaban na ang tingin nito sa pinsan, ayaw niyang i-risk na malaman kung gaano katotoo iyon sa pamamagitan ng pagpapahuli kay Jordan.

"Bree! Hindi ka ba napapagod sa katatakbo babae ka!" parang manyak ang boses nito na tinutudyo siya para mangilabot at manigas ang mga binti sa takot.

She did not look back. Sinisikap niyang maging deretso ang takbo para hindi maligaw.

Bree came to a halt when she heard a gunshot. Gimbal na napalingon siya. Hindi naman kasi sa direksyon niya napunta ang bala. Tumama iyon sa paanan ni Jordan.

Huminto ang lalaki at nilingon ang pinanggalingan ng putok. Nakatayo sa may kalayuan si Virgo, tinaas nito ang mga braso para itutok ka-level sa katawan ni Jordan ang nguso ng baril.

Jordan cockily spread his arms wide. "Pinsan!"

"Stop this, Jordan," Virgo hissed.

Bree shook her head. No, Virgo, don't negotiate with him!

"Stop what? Punishing you? Sino ba ang unang tumaraydor sa atin? Sino ba ang unang bumasura sa mga plano natin?"

"Jordan, it's not making sense anymore," mariing wika ni Virgo. "You know it. It's not making sense anymore. Nakalipas na ang panahon, mabilis na nakalimot ang mga tao, sana naman tayo rin, makalimot na kung nasaktan man nila tayo o ang reputasyon natin!"

Nakuyom ni Bree ang mga kamao.

Nananaig pa rin talaga kay Virgo ang pagiging patas... naluluha ang mga mata niya. He knows how it feels to be discriminated... to be treated unfairly... at ayaw niyang danasin iyon ng ibang tao... kahit ng mga tao na siya na mismo ang sinasaktan.

"You have options," anito. "Go to jail or go and die."

Pagak itong tumawa. "Go and die? Why are you doing this? Tinatalo mo ang pinsan mo dahil sa isang babae lang?"

"Shouldn't I be asking you that?" Virgo hissed, inching closer to Jordan.

Nanatili naman ang pinsan nito sa kinatatayuan, kampanteng-kampante. He was even not on guard. Sabi na nga ba at ganoon ang tingin ni Jordan kay Virgo, na hindi ito makakanti o masasaktan ng pinsan. Sobra ang pag-abuso ng walanghiya sa kabaitan ni Virgo!

"I can easily have you killed," Virgo continued. "I have every reason to do so. At mas maganda na mamatay ka na rin dahil alam mo lahat ng mga bagay na pwedeng makasira sa akin. Marumi akong pulitiko mula sa umpisa pa lang, ikaw ang gumagawa ng mga maruruming trabaho para sa akin— nananakot ng mga tao at pumapatay. Pero dahil ginawa mo ang mga iyon para sa ikatatagumpay ko, kaya kargo ko sa dibdib ko kung ano ang kinahinatnan mo ngayon. Masakit sa akin na ako mismo ang gumawa niyan sa iyo kaya nagkakaganyan ka na ngayon, Jordan! Puno ng galit! Maging sa akin!"

Kaya hindi niya magawang patayin si Jordan... Pakiramdam ni Virgo, siya ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito si Jordan. That if it were not for him... Jordan would not become this person who wants me dead now...

Malutong ang nakakainsultong tawa ni Jordan. "Huwag masyadong malaki ang ulo pinsan! You have no contribution to me at all," tutok nito ng baril sa kanya. "Sa simula pa lang, ginusto ko nang gamitin ka. Sa simula pa lang, ginusto ko nang patayin ang mga taong kumakalaban sa ating mga Ferdinand!" Jordan's eyes shone with creepy sinister. "Sa una pa lang, binalak ko nang bilugin ang ulo mo para humantong tayo sa ganito! I sensationalized Tito Aries' demise to convince you to turn to politics, dahil duwag ka. Natatakot kang matulad kay Tito Aries. Kung hindi pa kita itutulak, hindi ka susuong para gawin ang mga plano ko! At kung sumunod ka lang sa mga plano, hindi tayo mapupunta sa punto na papatayin ko ang babaeng sumusulsol sa iyo na magbago!"

Natigilan si Virgo, hindi malaman ng lalaki kung ano ang mararamdaman. Pero nakikita ni Bree na pinipilit ng mahal niyang sikilin ang nagwawalang damdamin. Kita niyang gusto nitong manumbat, magalit, sumabog... ngunit gumawi ang mga mata nito sa kanya. As their eyes met, Virgo's began being filmed with tears. Her heart ached at the realization that one look at her and Virgo becomes soft and kind... and very forgiving. And he would do so in fear to risk her life if he angers Jordan a bit more.

Bree glanced at Jordan. Babarilin na nito si Virgo. As he fired a shot, Virgo immediately ducked. Sumugod naman si Bree sa lalaki para balyahin ito. Pero mabilis siyang hinarap ni Jordan at hinablot sa braso. Bree let out a pained cry as he dragged her and pushed the mouth of the gun on her head.

Umangat si Virgo mula sa pagkakadapa sa lupa.

His teeth clenched at the very realization that crept through him.

He never wanted to stain his hands. It was against his principle to do the dirty work... or any dirty work like his father. Works such as affliating with the Mafia, keeping the media blind from the truth about the situation of the government and state of the nation, and now... getting rid of the people getting in his way.

Nanlaban si Bree. Inapakan nito sa paa at sumiko sa dibdib ni Jordan kaya bahagyang nakalayo mula rito. Ginamit niya ang natutunang basic self defence para sa physical training sa pelikulang Forbidden. Dahil hindi na nakatutok sa dalaga ang baril, kampante na si Virgo na hindi ito mapupuruhan kung aksidenteng makalabit ng pinsan ang baril.

He lifted a shaky hand, a tormenting pain whirled within his chest. Despite the calm, dignified demeanor, he was only a man, torn between the people he valued so much, he put too close to his heart.

Masakit tanggapin pero kung sa ganito lang matitigil ang paglala ni Jordan, he had to do it.

For the woman he loves... for their baby, he began to change.

Virgo always chose the safe option, even if it's wrong.

Now, he's choosing the right thing to do... probably the very same thing that his father wished to have chosen over safety during his term.

Virgo fired a shot that instantly.

Halos sumampay kay Bree si Jordan. His cousin let out a grunt as he tried to hold on Bree, but from another angle, another bullet was fired to him. Nagmula iyon kay Marco na natunton na rin sila. At may dalawa pang tama ng baril mula sa mga pulis na narating na rin ang spot nila.

Jordan shook and convulsed as he dropped bleeding on the ground.

Marco wanted to step close and fire a bullet to his head, to ensure his death, but the appearance of the policemen made him stay still and watch.

Nanghihinang napaluhod si Bree sa lupa. Nanginginig dahil napakalapit lang sa kanya para masaksihan ang pagtadtad ng bala sa katawan ng pinsan ni Virgo. She lifted her eyes on Virgo and smiled weakly, after recovering and having the realization that they're finally safe. Nanghihinang tumango si Virgo habang sinusubukang makatayo muli para lapitan ito.

Nagsimula nang kumilos ang mga pulis para asikasuhin si Jordan. Lingid sa kanila na kaya parang hindi nila masyadong nae-encounter ang mga ito ay dahil naunang nakaharap ng mga pulis ang mga tauhan ni Jordan na pinagsumikapan ng mga ito na mabaril o 'di kaya'y mahuli. Dahil sa paglabo ng visibility dala ng mabigat na bagsak ng ulan, hindi masyadong kumilos ang mga ito at nanatiling nakaantabay sa mga pinagtaguang pwesto sa mga punuhan. Nagtiis ang mga ito sa matagal na buhos ng ulan, nakahanda ang mga baril kung sakaling may makitang mga kalaban. Kaya naman karamihan sa mga pulis ay basang-basa ang uniporme. May ilan pa na nagsisimula nang ubuhin. Walang pang nagtatangka na tumawid sa sapa dahil sa biglang tingin ay parang wala namang kweba roon na pwedeng pagtaguan, mga batuhan lang na pwedeng akyatin. Naisip lang ng mga ito na baybayin ang sapa dahil baka natangay ng tubig si Bree gawa sa naiwang costume ng madre sa pampang niyon.

Nakita na lang nila na nahuli ang mga tauhan ni Jordan nang makabalik sa mga sasakyan. Nasa isang van na magkakatabing nakaposas at nakaupo roon ang mga tauhan ni Jordan na nagpanggap na mga stuntsmen, bantay-sarado ng mga pulis habang naghihintay na makumpleto ang mga mahuhuli para sabay-sabay na dalhin sa pinakamalapit na presinto.

Pasikat na ang araw nang makaalis sila sa kagubatang iyon. Malamig ang hangin dala ng naganap na pag-ulan. A cold, frosted whiteness fogged the sunlight— making the scenery bright yet somber... like a lonely white night.

Bree looked around and noticed that there were no cameras around. No reporters. Hapong sumandig siya sa braso ni Virgo habang naglalakad paakyat sa view deck na iyon para lapitan ang mga pulis. She felt his secure hold to keep her upright, assisting her as they walked tired to the bone. Narinig niya ang pakikipag-usap ng lalaki sa mga pulis, kapwa nagpapalitan ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari. Nakita rin niya ang pag-abot ni Virgo ng baril sa isa sa mga iyon.

Nalungkot siya sa isipin na gaano man sikapin ni Virgo na maging malinis na tao, mas malinis sa sarili nitong ama, kinakailangan na nitong tanggapin na parte ng pagiging Pangulo nito ang pagpaparusa sa mga dapat parusahan. It was not all about being always nice. Some things just have to turn out this way.

Reality really sucks sometimes.

Mula sa malayo, natanaw ni Bree ang paghatid ni Marco kay Zoref sa kotse nito. Nag-usap ang dalawang lalaki bago sumakay si Zoref sa kotse at pinanood ng bodyguard niya ang paglayo ng sasakyan.

Hindi ka sumuko sa paghahanap sa akin, Marco... Salamat.

"Bree!" mangiyak-ngiyak na sugod sa kanya ni Manager Ken. Walang anu-anong hinila siya nito palayo kay Virgo. He cupped and felt her face, his eyes inspected her in a rush. "May masakit ba sa iyo? Diyos ko, nabasa ka ng ulan! Natuyuan ka na ng damit!"

Bree smiled weakly. "Manager Ken, I'm sorry... sorry kung naglihim ako sa iyo." Naluluhang napayuko siya habang pinili ni Virgo na makapag-usap sila ng manager niya ng sila lang. Inasikaso muna ng lalaki ang pakikipag-usap sa mga pulis.

"Hindi pa rin kasi maalis sa akin ang ginawa noon ng manager ko sa akin," amin ni Bree. "Sobra ko siyang pinagkatiwalaan pero ano ang ginawa niya sa akin?"

Understanding dawned on Manager Ken's weary, sleepless face as he smiled faintly.

"Hindi mo na kailangang ipaunawa pa iyan sa akin, Bree. I know you are trying your best to act maturely about it, and for you, the matured way is to keep things to yourself instead of crying it out to me like a baby."

There was a strain of physical weariness in her low chuckle. "But I am starting to be more open, right? Alam mo na nga ang mga kadramahan ko tungkol kay Virgo."

Lumagpas ang tingin ng manager niya para tanawin ang lalaki.

"Ang dami kong agam-agam sa kanya," anito. "But to stay awake all night and go through that—" Manager Ken pertained to Virgo's sorry state, "—just to find you..." Tumitig ito sa mga mata niya. "Mahal na mahal ka talaga niya, Bree."

She lowered her eyes. "But he needed to sacrifice things for that love. Hindi ko alam kung—"

"Deserve mo iyon, okay?" tila basa nito sa susunod niyang sasabihin. "Hindi por que mali ang naging trato sa iyo noon ng mga lalaking dumaan sa buhay mo, hindi mo na deserve na mahalin. They made you feel that way, but that shouldn't make you believe that."

Tumango-tango si Bree. Nanghihina pa rin ang katawan niya kaya mabagal ang naging pagpihit niya para lingunin si Virgo. Nakita niya ang paglapit ng isang officer dito para patungan ng blazer ang basa nitong damit. Sinaway ni Virgo ang pulis at hinanap siya ng mga mata nito. Upon seeing her, he pointed her. Sumunod agad ang officer na lumapit sa kanya.

"Jacket, Ma'am," and he draped a blazer over her shoulders.

Napapayukongtinanggap niya iyon. "Salamat," paos niyang wika bago ito nagmamadaling umalispara maghanap ng gagawin.

.

.

.

***

AN

Simulan na ang #EggPieParty for #BreeGo ! <3 <3 <3 Ito na ang #SLIDEGrandFinale ! <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top