Chapter 60: Chess

SA WAKAS, PINAPASOK na si Jordan at ang mga tauhan nito sa office room ng Big Boss ng Buenos Mafios. Ilang oras din silang ini-hold ng mga ito dahil wala pa sanang balak na makipagkita sa kanila ang taong pakay sa pagbisita roon.

They were welcomed by a man in black suit, seated on his swivel chair. Shadows fell across his grave face.

"Take a seat," wika nito.

"Hindi," bunganga kaagad ni Jordan. "Dahil wala akong balak magpaligoy-ligoy pa sa iyo. Alam ko na may kinalaman ka sa pagkawala nila Tita Laila. Gawain ng mga tauhan mo ang pagpapatumba ng ganoon sa mga tao ko! Kaya kung tinatago mo dito sila Tita, pakawalan mo sila! Ngayon din!"

"Iyan naman pala ang agenda mo, hindi mo na sana inaksaya pa ang oras natin, Jordan," he devilishly grinned and leaned his back on the chair, "dahil alam mo naman siguro na hindi ko gagawin iyang pinapagawa mo sa akin."

"Hindi mo yata kilala kung sino itong kausap mo?" mayabang na patungkol ni Jordan sa sarili. "Ako si Jordan Ferdinand. Isa akong Ferdinand," diin nito. Yet the Mafia Boss remained relaxed and unimpressed. "Magkano ba ang kailangan mo?" anas ng binata. "Ipagpipilitan mo pa rin ba na ipasok bilang PSG ang mga tauhan mo? Kung hindi ka lang makikialam, walang makakaalam sa inyo. Pero dahil ginagalit niyo ako, baka ipa-press ko na rin na kayo ang may kagagawan nito!"

"Para ano, Jordan?" mas naa-amuse ang Big Boss kay Jordan kaysa sa matakot. "Para madikit ang pamilya ninyo sa mafia? Tapos ano? Mauungkat na involved kayo sa amin noon pa at masira ang pangalan ninyo?"

Gigil na nagtimpi si Jordan. Halata namang walang maisagot sa sinabi ni Zoref. Hindi nito naiintindihan ang prinsipyo ng mga lalaking tulad ni Virgo... o Zoref, na mas masahol ang asong tahimik kung ikukumpara sa palakahol. Kung sino nga raw ang tahimik ay ang mas delikado at nangangagat.

"Look, Jordan," he scoffed, "we're a mafia organization, not a lost and found department. Kung may gusto kang ipahanap na nawawalang mga tao, gamitin mo ang resources ninyo... ng gobyerno na hawak ninyo. O baka naman nandito ka dahil aminado ka na masyadong ma-proseso at mabagal ang pinapamahalaan ninyong sistema?"

"Alam ko na kagagawan niyo ito," tukod ng mga kamay ni Jordan sa desk. "Kaya ilabas ninyo sila Tita Laila!"

Nakakakilabot ang ngisi ni Zoref dito. "Pagsalitaan mo pa ako ulit ng ganyan at wala sa inyo ng mga tauhan ko ang makakalabas ng buhay sa gusaling ito."

Lalong nanlisik ang mga mata nito.

"Ginagalit niyo ako, sa sarili kong teritoryo. Hindi ba nakakabastos?" mariin nitong hasik. "At ikaw na nga ang nakikiusap, ganyan pa ang tono ng pananalita mo, bata."

Lalong lumukot sa inis ang mukha ni Jordan.

"You think that made you cool already? Talking that loud too much?" mayabang at malamig na patuloy ni Zoref. "You should learn from your cousin. Use your brain some more instead of your mouth."

Mariing kinuyom ni Jordan ang mga kamao. "Babalikan kita. At hindi magbabago ang suspetsa ko sa iyo na may kinalaman ka sa pagkawala nila Tita! Malalaman ko rin kung para saan itong ginawa ninyo!"

"Of course you'll find out," Zoref stared. "But it will be too late for you to counter."

Galit na tumalikod ito at sinenyasan ang mga tauhan na sumunod dito.

"Ito lang ba ang dahilan kaya inabala niyo akong umalis ng bahay?" lingon ni Zoref sa isa sa mga tauhang nakabantay dito. "Para mag-pacify ng maingay na bata?" tayo nito mula sa swivel chair.

.

.

IRITABLE PA RIN SI JORDAN nang tawagan si Cheska.

Hello, masungit na bungad ng babae.

"O ano?" anas nito. "Daig mo pa ang nanay ko! Ang dami mong missed calls!"

Dapat lang! Dahil hindi naman nakikinig sa akin ang mga tauhan mo!

"Ano pa ba ang problema mo? Hindi naman mga tauhan ko ang dapat mong intindihin diyan. Si Virgo ang aliwin mo!"

That's the thing! He's not yet here.

"Ano'ng wala pa? Sabay kayong pumasok sa suite ninyo, ah?"

Jordan was uneasy while sitting at the backseat of his car.

I know, but he went out. Hindi ko alam kung paano ko siya mari-reach, nasa iyo naman ang phone niya at wala naman akong number ng mga tauhan mo na nakabantay sa kanya! How am I supposed to know kung babalikan pa ba niya ako rito o hindi?

"Whoa," pigil ni Jordan ang matawa ng sarkastiko sa babae. "Don't tell me, hindi mo naakit si Pinsan!"

Gago ka talaga! Ang gawin mo, tawagan mo iyang mga tauhan mo at sabihan mong ibalik na rito sa suite namin si Virgo!

Pinipigilan ni Jordan na masabunutan ang sarili. Isa pa kasi ang Mayor Cheska na ito sa mga dumadagdag sa sakit ng ulo niya ngayon.

"Alam mo, uso rin ang participation, Mayor. Gawan mo ng paraan iyan, tutal ikaw naman siguro ang may kagagawan kaya iniwan kang mag-isa diyan ni Pinsan! Okay? Sa ngayon, sige, dahil wala pa akong ginagawa, tatawagan ko ang mga gwardya niya! Maghintay ka na lang ng text ko!" At gigil na ini-disconnect niya ang tawag. "Bwist na babae," bulong niya habang may tinatawagan na panibagong numero. He immediately shifted to a worried tone. "Pinsan! Ginnie!"

Kasalukuyang nakahiga ang babae katabi ang bunsong anak. Nagba-browse ito sa internet nang matanggap ang tawag ni Jordan. Mabilis na sinagot ni Ginnie ang tawag para maputol ang maingay na ringtone at hindi magising ang kasamang bata.

Oh, Jordan, it's already late. What's up?

"Ate... sila Tita Laila... someone kidnapped them?"

What?!

"Hindi ko alam ang gagawin... 'yung mga tauhan ko... pinatay sila ng mga walanghiya!"

Oh, my God, Jordan, this is serious...

"Of course, this is serious!"

Napabangon ang babae mula sa higaan. Naglalakad na palabas ng kwarto.

What are you planning now? Si Virgo, ano ang sabi niya?

"Hindi ko pa nasasabi kay Pinsan. Ayokong mag-alala siya at birthday niya—"

Pero malalaman din niya ito! At kailangang malaman niya! He has more power to help search for Mama! At si Mama lang ba ang nakidnap?

Jordan dramatically cried out. "Si Tita... kasama rin niya sa kotse sila Leo at Libra."

My God... pabalik-balik na ng lakad ang babae sa salas.

"Please, help us too, Ginnie. May mga kakilala ka sa press, you're a blogger too. You make video blogs."

Jordan, hindi ganoon kadali ang gusto mo. If we want to publicize this, we have to make sure it's for real. Baka naman may pa-surprise sila kay Virgo, kaya nagpalabas ng ganitong kadramahan...

"Get real, they won't do stunts like that. Hindi ganoon si Tita! At pinatay ang ilang mga guards na parte ng security convoy nila! Is that still a surprise stunt for you, Ate Ginnie?"

Oh, no...

"Wala nang oras," pressure niya rito. "Kailangan nang ma-anunsyo nationwide na nawawala sila!"

At dinetalye na ni Jordan sa pinsan ang mga nangyari, gayundin ang gusto nitong ipalabas sa media na ginawa nilang aksyon para mahanap ang mag-iina at kahilingan na may mga tumulong pa sa kanila.

I'll call you when it's done, Jordan, hindi man sinabi ni Ginnie kung ano ang gagawin, nahimigan ng lalaki na desidido na ito sa kung ano ang tatahaking aksyon.

Ngumisi si Jordan at pinatay ang cellphone nang mag-disconnect ng tawag si Ginnie.

Pero nawala ang pagsasaya niya nang makaramdam ng pag-vibrate sa upuan niya. Hinagilap ni Jordan ang cellphone ni Virgo at binasa ang nasa screen:

Ginnie, calling...

He scoffed and tossed it back on the seat.

Saglit lang sana ang tingin niya sa nadaanang sasakyan pero lumingon ulit si Jordan.

He saw a familiar woman getting inside that car.

Saan pupunta ang babae at bakit sa parteng ito ng lugar sumasakay ng kotse?

Very suspicious.

"Manny, iikot mo ang kotse at sundan mo iyong nalagpasan natin na iyon."

Sumilip saglit sa rearview mirror ang driver bago sinunod ang utos niya rito.

.

.

"KUNG GANOON," titig ni Bree kay Virgo, "dapat hinayaan mo na lang na i-inform ako nila Marco kung ano ang sitwasyon mo!"

"Bree," nagtitimping sagot sa kanya ng binata, "kaya nga ayokong malaman mo—"

"Ano ba talaga?" seryosong singit ni Marco na abala pa rin sa pagmamaneho, panay din ang sulyap sa sidemirror ng kotse. "Magkabati na ba talaga kayo? O may LQ pa rin kayo?"

"Alam mo, masyado kang maingay," sabat ni Bree sa bodyguard.

"Pwede bang kami lang muna ang mag-usap, Marco?" halos kasabay niya sa pagsasalita si Virgo.

"Ang sa akin lang naman, gusto ko may cooperation tayong tatlo! Gusto ko lang gawin ng maayos ang trabaho ko, Presidente, Miss Bree! Kaya nga ginawan ko ng paraan na magkasama-sama tayong tatlo rito, we are all obviously having a miscommunication here! Kaya nga dapat nang linawin ang lahat at ang mga plano natin—"

"Bree," dedma ni Virgo kay Marco at muli siyang hinarap, "alam mo naman kung gaano kahirap gawin iyon hangga't nariyan si Jordan. Gagamitin at gagamitin ka niya para pahirapan ako lalo, kaya nagawa ko ang mga iyon sa iyo... umaasa ako na sa ginawa kong pananakit sa damdamin mo, lalayo-layo ka sa aming mga Ferdinand. Mag-focus ka sa trabaho mo. You're safer that way. Lalo na at nakabantay naman sa iyo si Marco."

"Bakit ba napakalaking balakid ni Jordan sa iyo?"

"Dahil siguro sa hindi ko maisip na patayin siya," panghihina nito.

Nalulungkot na napatitig siya sa binata.

"Ganoon naman kadali iyon, 'di ba? Ang alisin siya sa landas ko. Eh 'di tapos na ang problema," pagbaba ng tono nito.

"Virgo..."

"Pinsan ko siya... minahal ko siya na parang kapatid... lahat ng baho ko alam niya."

"Pero hindi niya ilalabas ang mga iyon dahil masisira din siya sa mga tao, Virgo."

"Ikaw naman ang pagbabalingan niya."

"Pinagbalingan na niya ako," tingala niya rito. "Pero may nagawa ba siya sa akin?"

His jaws tensed. "At maghihintay pa ba ako na may mangyari sa iyo?"

Marco turned the car to the left.

"That's why now that you know everything, I have decided to stay by your side."

"Ano?"

"Natatakot ako sa kung ano ang magagawa mo, kaya ngayon, ikaw na ang pipiliin ko."

"Pero magagalit ang mga tao sa iyo!"

"Bakit? Tama naman ang gagawin ko. Isa pa, sisikapin ko na hindi malaman ng mga tao ang pinagdadaanan ko. I don't want people to be alarmed by this... and they shouldn't be. Iba ang buhay nila sa personal kong buhay"

"Buhay mo na makakaapekto sa performance mo bilang Pangulo. At mapapabayaan mo pa ang trabaho mo nang dahil lang sa akin, sa pagpo-protekta sa akin."

"Bree..." Virgo sighed. "Minahal kita sa kabila ng reputasyon mo, sana maramdaman ko rin iyon mula sa iyo sa gagawin kong ito."

Napailing siya. "Virgo, hindi mo dapat pagbayaran ang pagmamahal mo sa akin ng ganoon sa pamamagitan ng paglalagay mo sa posisyon ko. You don't have to suffer on things I suffered with just to prove how much you are willing to go through for me."

"Hindi, Bree. Matagal ko na itong dapat ginawa. Dapat nung una pa lang, pinili na kita. Hindi ang mga ambisyon ko."

Marco let out a groan. "Sige, ipagpatuloy niyo lang iyan."

Namintana ang mga luha sa kanyang mata.

"May mga oras para sa mga bagay-bagay, Virgo. You can't have everything at once. There's a time for your ambitions... and a different time for me."

"But who are we to know what time is that time?"

Mapang-unawang ngumiti ito nang manatili siyang tahimik.

"For me, now is the right time to choose you," anito.

"Magagalit ang mga tao sa gagawin mo," naiiyak niyang sabi. "At sa totoo lang, medyo nagagalit na rin ako sa iyo... dahil... may iba naman sigurong paraan..."

"I already tried, alright?" he painfully smiled. "I tried to stay alive even if I am dying inside, para lang matuloy-tuloy ang trabaho ko bilang Pangulo. Pero para saan pa ba ang mga ito? Sa huli rin naman, masisira ako dahil ang gustong mangyari ni Jordan, sirain ko ang Pilipinas... ang mga taong kumalaban noon sa amin..."

Virgo caged her tightly in his arms. "So, I guess... fuck it. I'll make sure you're safe first... and that this time... it won't break your heart anymore."

"Sir," singit ni Marco, "hindi naman sa panira ako ng moment ninyo, pero kanina pa may nakabuntot na kotse sa atin."

Kapwa sila naghiwalay para lumingon sa likuran. Nasilaw sila nang malingunan na nakakasilaw ang ilaw ng sasakyang nakasunod sa kanila.

Naningkit ang mga mata ni Virgo. "Maliwanag masyado ang headlights, hindi namin makita."

"Shit," Marco muttered.

Hinarap nila ito.

"Bakit?" ani Bree.

"Hindi kayo dapat lumingon! Niliwanagan yata nila ang headlights para mamukhaan kayo!"

"Anak ng—" at hindi na natuloy ni Virgo ang sasabihin nang may bumaril sa puwitan ng sasakyan nila.

Mabilis silang yumuko ni Bree.

"We can't be together, Virgo," naluluhang angat niya ng tingin dito.

"Shut up," he hissed, staring into her eyes.

Bree smiled bitterly. "Naglalaro ka ba ng Chess, Virgo?"

Tears filmed in his eyes.

"Sa larong iyon, pinoprotektahan nung Queen 'yung King. Pwede naman ang ganoon, 'di ba, Virgo? Bumalik ka sa kanila, pero makakaasa ka na kumikilos na kami habang sinisigurado mo naman na tuloy-tuloy lang ang pagpapalakad mo ng maayos sa gobyerno."

Another gun shot and the glass window at the back of the car finally shattered. Bumagsak ang ilang bubog sa kanila.

Virgo firmly held her hand.

"I have to protect you..." dugtong ni Bree, "kasi ikaw ang may kapangyarihan para magtuloy-tuloy ang pagpapatakbo sa bansang ito. If you're gone, it's game over."

"Why do you have to be always like this?" anas ng lalaki, labis ang paghihirap ng damdamin. "You always cared for everyone else but yourself! Tulong ka ng tulong! Minsan nakakatulong ka talaga, minsan naman nakakapahamak iyang pagtulong mo! Kung hindi 'yung tinutulungan mo ang napapahamak, ikaw mismo! Hanggang ngayon pa rin ba, mababa ang tingin mo sa sarili mo? Isang candy wrapper?"

Her voice shook as she tried to laugh it off. "No, Virgo... lumakas nga ang loob ko dahil alam ko na ang totoo... Dahil alam ko na mahal mo talaga ako... alam ko na kung para saan ang lahat ng ito," dulas ng mga luha sa kanyang pisngi. "Ito lang naman ang kailangan ko... ang katotohanan, at kayang-kaya ko nang gawin ang lahat, Virgo."

"You're always like this!" his heart broke before her very eyes. "Kaya ayokong malaman mo ang sitwasyon ko! Kaya mas gusto ko pang kamuhian mo ako kaysa sa magdusa ka kasama ko!"

Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha niya, pero nakangiti dahil sa labis na pagmamahal para sa kanya ni Virgo.

"Tama nga siguro si Sir Kaiser... iba tayo ng paraan ng pagmamahal... tayong mga lalaki at babae... he said, we women believe that loving is about not hurting the person... at kayo naman... kaya niyong manakit o magmukhang masama, kung sa huli naman... kung sa huli naman magiging maayos ang relationship!"

Umunat sa ibabaw nila ang braso ni Marco para ibalik ang putok ng baril na natatanggap nila mula sa humahabol sa kanilang kotse.

"I'm sorry, Virgo," naiiyak niyang saad bago binuksan ang pinto sa kanyang tabi. "I'm sorry if I doubted you once! I'm sorry na imbes na makatulong ako sa iyo, lalo pa kitang pinahirapan!"

"I have doubted you too... I should be the one who says sorry!"

"You already apologized before I did," Bree smiled despite her tears.

"Bree, you're not jumping!" he hissed, grasping her hand firmly.

"I'm not. Babalik ka sa kanila, Virgo. Tuloy ang original plan ninyo na habang tinutuloy mo ang trabaho mo sa Palasyo, ang Buenos Mafios ang mag-aasikaso sa mga taong gumigipit sa iyo... Ang Buenos Mafios at ako!" hila niya sa lalaki pero matatag na nanlaban ito.

"Bree, hayaan mo na ang Buenos Mafios na gawin ang trabaho nila."

"I've been through a lot to prepare me for this day," she encouraged him, tears dried now on her face. "Magkasama nating tatapusin ang gulong ito. At sigurado ako na pupuntiryahin na ako ni Jordan—"

"That's why I can't leave you again!"

"You're not leaving me, Virgo! You're just going to do your part and I'll do mine. We'll fight!"

Nakita niya ang determinasyon sa mukha ng binata.

"Trust me," usig niya.

"I trust you," he breathed and stared deeply into her eyes.

At ilang minuto pa ang nakalipas nang tinulak ni Bree si Virgo palabas ng umaandar na kotse.

"President!" marahas na tawag ni Marco nang mapansin iyon bago muling pinaputukan ang humahabol na sasakyan.

Sinara ni Bree ang pinto. Halos sumubasob siya sa upuan sa harapan nang ipreno ni Marco ang kotse.

"Ano ang ginagawa mo?" galit nitong sita bago binaba ang baril.

"Hindi mo siya babalikan!" aniya.

"Kailangan!"

"Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi magagawa ni Jordan na patayin ang Presidente!"

"Pero hindi niya ginusto ang ginawa mo, Ma'am! You're just torturing him!"

"I have a better plan," titig niya rito. "Please, Marco, lumayo na tayo!"

Naguguluhang tumitig ang Mafioso sa kanya.

"Umalis na tayo," diin niya.

"Ako ang malilintikan dito. Wala ito sa intructions sa akin, at ang Presidente ang pinaka-client ko rito—"

"Sundin mo na lang ang utos ko, Marco!"

Virgo dropped and rolled a bit on the ground.

Natanaw nito na hinintuan ng nakabuntot na kotse ang nahulog na si Virgo. Malungkot na napailing-iling ang binata bago wala sa loob na pinaandar ang sasakyan.

Lumingon si Bree. Huminto na ang paghabol at pamamaril sa kanila habang papalayo. Nakita niya na nanatiling walang galaw si Virgo.

Umaasa siya na hindi napasama ang pagkakabagsak ng binata.

Pasensyahan na lang sila... Ako ang ginalit nila. Ako at ikaw na mahal ko, Virgo.

Tama lang na matakot ka sa pwede kong gawin kapag nalaman ko ang pinagdadaanan mo... dahil walang makakapigil sa akin na makatulong sa iyo. We'll make it through, Virgo...

At medyo nasaktan si Bree dahil saglit lang ang naging pagkikita nila... 'yung pagkikita na lubos na nilang nauunawaan ang talagang nangyayari sa kanila. Na higit pa sa isang relationship problem ang mayroon sa pagitan nila ni Virgo, nakasalalay na rin pala rito ang seguridad ng bansa... at ang kalalabasan ng pagpapalakad ng binata rito.

Nauunawaan niya na nagkaroon din ng pagkakamali si Virgo. Pero kahit siya rin naman, may mga pagkakamaling nagawa, 'di ba?

At hindi niya hahayaang mapigilan ng pagkakamali ang isang tao para magbago.

Alam niya iyon dahil pinagdaanan niya iyon.

It was Virgo who showed her that she can be better than how the society has labeled her. Bree was at that moment when she fully accepted how bad people think of her, then Virgo came to change how she looked at herself.

Kahit nag-iisa na lang si Virgo na naniniwala sa kanya, she would never ever let him down. Ever.

Naiiyak na pinunasan niya ang mukha na medyo basa pa ng luhang nauna niyang iiyak. She could not help feeling so scared now that Virgo was apart from her again.

Butshe had to be strong. She had to show Virgo that he did the right thing forsharing his problems with her. Na maasahan siya nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top