Chapter 57: Advice

ONE DOWN. SI GREG NA LANG ANG NATITIRA.

Nasa loob ng silid si Virgo at hindi pinapansin si Cheska na nakaupo sa harap ng dresser mirror. Bubulong-bulong ang babae, tila inis na inis habang tsine-tsek nito ang mukha at leeg.

Umupo si Virgo na siya sa gilid ng kama, kakabalik lang mula sa pag-utos sa gwardiya na bilhan siya ng pampatagal.

"Ano ang ginawa mo sa labas?" puna na nito sa kanya, sumaglit ang tingin sa repleksyon niya sa salamin.

"May pinabili lang ako," pansin niya rito sa wakas. "So, you said, Bree attacked you?"

Cheska just scoffed. Hindi ito sumagot sa kanya kaya hinabaan pa ni Virgo ang pasensya.

"And you said that she's still here because—"

"Because she's sleeping with Jordan tonight," she slightly mumbled.

His smile was dark and sinister. "I see."

"Kainis," bulong ni Cheska sa sarili nang makakita ng kalmot sa gilid ng mukha nito.

"And she attacked you again because?"

"Because she's bragging that Jordan will make her a Ferdinand, and I have to be honest with her by saying na hindi siya nababagay maging isang Ferdinand. I mean, you and Jordan... like what I've always said, you deserve better. Kita mo? Pinatulan ka tapos ngayon si Jordan naman? Hindi na nahiya. Basta lang maipilit niya ang sarili na mainvolve sa mga Ferdinand, iisa-isahin niya talaga kayo hanggang sa may maka-take sa kalandian niya."

At hinarap siya nito.

"Now you see her attitude? And you still like her more than me, Virgo?"

His jaws tensed. Wala ang emosyon niya sa mga pinagsasasabi ni Cheska. Pabalik-balik ang utak niya sa sinabi nito kanina.

She's sleeping with Jordan tonight.

Dama niya ang paninigas ng katawan sa sobrang pagtitimpi. Pero hindi maikakaila ng pagdidilim ng kanyang anyo ang kagustuhang magwala dala na rin ng paglilikot ng kanyang imahinasyon.

He knew what Bree can do— what wonderful, tittilating fucks she could do to please a man. He was both dying with jealousy and alive with fury. His jaws tensed as his thoughts kept tossing ideas back and forth.

Dismayadong napailing na lang ang babae at naiiyak na hinarap ulit ang salamin.

"Virgo... What's so good about bad women like her?"

"Please, Cheska," pinanguhanan na niya ang babae bago nilisan ang kama.

Nauupos na ang pasensya niya at hindi na yata mahihintay ni Virgo ang pinabili niyang mga tablet.

"I just want to know," titig ng naluluhang mga mata nito sa kanya. As she wildly turned to face him, Virgo stopped from his tracks to catch her gaze. Lumambot ang mukha ng babae. "I know it's your birthday..." malungkot at napapahiya nitong saad. "Virgo, I'm sorry... I don't want to make you feel bad on this day. Virgo—" lumapit ito sa kanya para harangin siya.

He was left with no choice but to step back and sit down on the side of the bed again.

"Pero ito lang ang pagkakataon na mayroon ako," hagod ng mga kamay ni Cheska sa kanyang mga balikat, "para tanungin ang ganitong mga bagay sa iyo... ngayon na tayong dalawa na lang ang naririto at nasa labas lang ang mga PSG."

He sighed and firmly held Cheska's waist with one hand out of his shock. Bigla kasing tumukod sa magkabilang tabi ng mga hita niya ang mga tuhod nito. Pinosisyon ng babae ang sarili sa ibabaw ng kanyang kandungan, nakatukod pa ang mga tuhod kaya hindi pa tuluyang umuupo sa kanya.

"Please, answer my question... ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?" pigil nito ang maiyak. "I want to know."

Halos pigil nito ang hininga habang minamasa-masahe ang kanyang mga balikat. She acted shocked as she shoved the sleeves of his robe to slide down his arms, revealing his hard chest.

Napalunok ito at muling binalik ang mga mata sa kanya.

"Is it the sex?" halos pabulong nitong suhestiyon habang nakatitig sa kanya. "You think she's so good just because you haven't tried someone else yet..."

He was about to speak when Cheska placed a finger on his lip.

"Babae rin ako, Virgo. I may be too nice, but that also means I will let you do anything you want with my body... whenever you need me... anytime..."

.

.

MATAPOS ITURO KAY MARCO ang gagamitin nitong silid, pinagbuksan si Bree ni Jordan ng pinto papasok sa magiging silid nila. The suite was quite spacious— there was a white queen-sized bed with cushioned headboard, lampshades on the night tables of both sides of the bed with fringes, a dresser table and a door to a bathroom with a tub. Nakatabing ang makapal na mga kurtina sa glass wall.

Bree smiled as her eyes wandered around the yellow-lighting of the place which made it feel more warm and cozy. Sinasara na ni Jordan ang pinto nang malingunan niya ito. As his eyes caught her gaze, Bree smiled.

"I thought I won't be able to convince you to spend the night with me," ngiti nito.

"You call it convince?" she playfully challenged to cover up the tension that was creeping through her system. "I don't know we are going to share a room. Ang akala ko, papatulugin mo ako sa hindi magagamit na suites nila Ma'am Laila."

"Well, yeah, but apparently, Leo wanted to stay here." Hindi pa tapos magsalita ang lalaki ay tumalikod at lumakad na siya palayo rito. "Kaya isang kwarto lang ang available. At para na iyon sa bodyguard mo."

"He's my bodyguard. It will be okay na mag-share kami ng kwarto, since babantayan din naman niya ako," lapag ni Bree ng pouch sa dresser table.

"I think you have an idea how I'll feel about that."

She sexily glanced at him over her shoulder. "Oh, Jordan, don't tell me you're the jealous-type?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. Bree figured she just hit him at the right spot.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Gusto mong bigyan kita ng chance. Paano kung seloso ka pala? Aware ka naman siguro sa klase ng trabaho na ginagawa ko. I am revered for doing great sex scenes, for posing from almost to completely nude. Baka mapaaga ka dala ng high blood," at binungisngisan niya ito.

"Ibang bagay iyon," hakbang nito palapit sa kama, tinatanggal ang pagkakabutones ng cuffs ng suit nito. "Alam ko na trabaho mo iyon, pero ang pagtulog kasama ang bodyguard mo imbes na ako..."

"Trabaho lang din iyon," upo ni Bree sa harap ng dresser table. "Trabaho niyang magbantay sa akin."

"May mga tauhan naman ako," luwag ni Jordan sa suot na neck tie. "Bakit sa ibang agency ka pa naghanap ng gwardya?"

"It's Manager Ken who hired him for me," labas niya ng wet wipes mula sa pouch.

Jordan tossed the necktie on the bed, his eyes glued on her as he reached for the buttons of his suit.

"But you can change your mind."

"Marco is doing well. Nakakahiya namang palitan ko siya ng walang valid reason. That'll be so unprofessional."

"Hay, Bree," yuko na nito para mai-focus ang mga mata sa paghuhubad. "Do you like some wine?"

Napahinto siya sa pagtatanggal ng make-up. Kailangan niyang maging maingat. Hindi naman taliwas kay Bree kung ano ang motibo ngayong gabi ni Jordan. If she would need help, she was not sure Marco would be able to know or hear her.

She figured that wine would be a good idea. Didiskartehan niya kung paano malalasing agad si Jordan para mas may leverage si Bree kung pagtangkaan nitong galawin.

"Oh, sure!" masigla niyang sagot at tinuloy ang pagpunas sa mukha. "But not too cold, okay? I'm taking care of my voice."

Pilyong tumaas ang sulok ng labi nito. "I can't promise that you won't be overusing your voice tonight, Bree."

Creepy.

Alam niya ang pinapahiwatig ng lalaki na tumatawag na ngayon sa reception ng hotel para magpa-order ng alak.

.

.

NAKAPAGBIHIS NA NG BOXER SHORTS si Marco at t-shirts nang lumabas ng suite. Natanaw nito ang naiwang gwardiya na nakabantay sa tapat ng pinto ng suite ni Virgo. Sigurado ang binata na silid iyon ng Presidente. Iyon lang naman kasi ang pintong may guard. Sinara ni Marco ang pinto at masayang lumapit sa lalaki.

As expected, the guard noticed him and became cautious.

Hindi nakaligtas sa paningin ng binata ang pagkapa ng kamay nito sa nakasuksok na baril sa tagiliran.

"Hi, p're," ngiti nito. Marco confidently flicked his head up. "Bakit mag-isa ka lang? Nasa loob 'yung ibang guards?"

Greg's eyes narrowed at Marco. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Come on, p're, chill lang, okay?" taas pa nito ang dalawang kamay at huminto sa tabi ng PSG. Greg tiltled to face him. "Tulad mo rin ako na bodyguard, dama ko na sa trabaho natin, eh, mahirap talaga mag-relax. Mas lalo ka na, si Presidente iyang binabantayan mo, eh."

Pagbaba ni Marco ng tingin, nakatutok na ang baril ni Greg dito. The gun was held a little above Greg's waist. Maluwag pa rin ang ngiti ni Marco.

"Itutok mo lang iyan, pero huwag mong ipuputok, p're at may boss akong binabantayan din dito!"

"Sino?"

"Si Miss Bree," ngiti ni Marco.

Mukhang naalala na nito na kasama si Marco nila Jordan at Bree kanina. Medyo nag-relax si Greg, binaba ang tutok ng nguso ng baril na hawak nito.

"Oh, ano at kinakausap mo ako?"

"Eh, gusto ko lang sumaglit dito," nilingon ni Marco ang kalapit na pinto— ang silid nila Jordan at Bree. "Alam mo na, baka lang maisipan ng Boss ko na lumabas at may ipagawa sa akin, eh, mabuti nang nandito na ako kaagad."

Sinuksok na ulit ni Greg sa tagiliran ang baril. "Baguhan ka, no? Masyado kang maingay, eh."

Nahihiyang tumawa si Marco.

"Kung gusto mong magtagal sa pagiging bodyguard," tuwid na nito ng tindig, "kailangang matuto kang mas manahimik at maging mas mapagmatyag... Pairalin mo ang pakikinig kaysa sa pagdaldal."

Marco shrugged. "Eh, siguro nga tama ka, pero siguro naman, useful din ang pagiging maingay ko," tawa nito sa kausap.

"At bakit naman?" kunot-noo ni Greg sa binata.

"Nakaka-distract ang ingay," may nakakakilabot sa makahulugang titig ni Marco ngunit inosente ang pagkakangiti sa kausap.

Nawiwirduhang nag-iwas ng tingin si Greg dito.

.

.

JORDAN PUT DOWN THE PHONE and stood behind her. Nanatiling nakaupo si Bree na patapos na sa pagtanggal ng make-up gamit ang wipes.

Natigilan siya saglit nang maramdaman ang pagpisil ng mga kamay nito sa kanyang mga balikat. He gave her a squeeze and massage there as his eyes burned with lust, watching her reflection in the mirror.

Bree calmed herself down while throwing another used wipes in the nearby trash bin. Binalik na niya sa loob ng pouch ang lalagyan ng wet wipes.

"While we wait for the wine... what do you suggest we can do?" tanong nito.

"I want to take a hot shower."

Lumuwag ang ngisi ng lalaki. "Great idea," atras nito nang maramdamang tinutulak na niya ang upuan pa-atras.

Tumayo na si Bree at hinubad ang suot na high heels. She headed by the door, turned it open then faced Jordan who was tailing her all along.

Napayuko siya dahil nagkabanggan sila sa biglaan niyang pagpihit paharap dito. Nasalo naman siya ng binata sa mga braso. Humagod-hagod doon ang lalaki.

"Are you sure you want a hot shower?" he murmured. "It might get hotter than you think... in there."

She playfully pushed him away. Mababa ang pagtawa niya rito.

"I've always liked it hot," she grinned and immediately got inside.

Sinara at ni-lock niya agad ang pinto. Pagkasandal doon, wala naman siyang narinig na pagkatok o anumang protesta mula kay Jordan. She even thought that Jordan took it as her playing hard-to-get to tease him, because she could hear his low chuckle.

"I'll be waiting, Bree," narinig niyang wika nito bago lumayo sa nakapinid na pinto.

"Mamatay ka sa paghihintay," bulong niya na siya lang ang nakakarinig bago ini-on ang ilaw sa banyo.

Gumala ang paningin niya sa paligid at napagtanto na hindi pa rin siya makakatakas dahil walang malalabasan doon. Masyadong mataas din ang air vent. Bree let out a sigh and turned at the lavatory. Nakapatong sa marmol na counter niyon ang maayos na nakatiklop na mga bathrobe.

Masyado yata akong naging confident na kaya kong i-handle si Jordan. Mukhang hindi niya hahayaan na walang mangyari sa amin ngayong gabi, guhit ng pag-aalala sa kanyang mukha. Paano ko malulusutan ito? Think, Bree. Think!

Nagbukas siya ng gripo para punuin ng tubig ang bathtub. Tiled ang mga pader kaya sigurado siya na walang divider na posibleng magdala sa kanya sa ibang kwarto.

At bakit nga naman magkakaroon ng divider sa banyo ng isang hotel room?

Sumusukong bumalik siya sa lavatory. Naghilamos siya, ginamit ang sabon ng hotel at pinunasan ng available na tuwalya ang mukha.

I'll text Marco, liwanag ng mukha niya bago yumuko para kunin ang cellphone. Saglit lang niya kinapkap ang sarili. Napagtanto niya na naiwanan sa dresser table ang pouch niya.

Damn!

.

.

SUMANDAL SI MARCO SA PADER at tumanaw-tanaw sa pinto ng silid nila Jordan at Bree.

"Hanggang kailan ka diyan?" basag ni Greg sa katahimikan.

Salamat sa Diyos at mukhang nabagot ang lalaki sa sobrang pananahimik nito. Kahit si Marco, muntik nang antukin dahil hindi ito nakikisakay sa pagiging madaldal nito.

"Babalik na ako sa kwarto ko kapag inantok na ako," lingon ni Marco dito. "Ikaw? Buong magdamag ka diyan? Ikaw lang mag-isa?"

"Babalik din ang kasama ko," diretso na nito ng tingin.

"Saan ba siya nagpunta?"

"May inasikaso lang."

Siyang bukas ng pinto mula sa silid nila Jordan. Naalerto ang dalawang lalaki nang lingunin sila ng nagpupuyos na lalaki. Mukhang minadali lang din nito ang pagsuot sa polo nito.

"Nasaan si Abner?" tanong ni Jordan kay Greg.

"Hindi pa bumabalik nung may pinabili ang Presidente," kaswal nitong sagot.

"Bantayan niyo iyan ng mabuti!"

At malalaki ang mga hakbang na tinahak na nito ang pasilyo palayo sa kanila.

"May emergency ba?" lingon ni Marco kay Greg. "Anong nangyari? Kawawa naman si Miss Bree, binitin ni Sir Jordan." He looked at the closed door. "Kamustahin ko kaya si Ma'am? Kaya lang nakakatakot eh," kabado nitong tawa. "Baka sa akin maibaling ni Ma'am 'yung pagkabitin niya. Ano sa tingin mo ang magandang gawin?" harap ni Marco sa PSG.

Nakukulitang dinedma na lang ni Greg ang bodyguard ni Bree.

.

.

"Babae rin ako, Virgo. I may be too nice, but that also means I will let you do anything you want with my body... whenever you need me... anytime..."

He just stared. Hindi alam ni Virgo kung paano ia-address ang babae. Una sa lahat, hindi niya inaasahan ito mula kay Mayor Cheska, na sobrang hinhin at disente ng imahe sa mga tao. Hindi niya lubos maisip na marunong itong mag-initiate o na kaya nitong gawin ang ginagawa ngayon sa kanya na pang-aakit. He would not be in so much trouble if her seduction was working, but it wasn't. Labis na pagka-uneasy ang lumulukob sa kanya. He had a principle on being a gentleman with the ladies, pero paano kung ganito ang sitwasyon? Being a gentleman with this scenario would only mean him, giving Cheska the sex she seemingly wanted.

Hinawakan niya sa magkabilang bewang ang babae para mabuhat ito paalis sa kanyang harapan. She fell and bounced on the bed. Umayos ito ng pagkakaupo nung nakatayo na si Virgo mula sa kama at sinuot ng maayos ang bathrobe.

"So it must be her reputation then?" her voice seemed shaky. "That she's the town's slut, and if you have her then she's your trophy. That must be it, wasn't it? Lahat kayo kanina sa party, nagkakagulo kayo nung sumulpot na siya. Dalang-dala kayo sa mga kalandiang pinagsasasabi niya! And she was unashamed even if those men have dates with them!"

"Because for them, a dirty joke is dirty but also just a joke, Cheska," kalmado niyang sagot dito. "We laugh at it. As men, we take things less seriously than women, not because they are not serious things. Kasi kahit mga seryosong bagay, hindi namin sineseryoso minsan. It's because we know to ourselves we can choose what to take seriously and what not. For example, for you, being a role model is something to take seriously, so you stay that way without trying to look at it on the other side. Like, what if role models should not be taken seriously? What if they have flaws too? I bet you'll laugh if you look deeper into it."

Naguguluhang napailing-iling lang ito.

"Ganoon din ang sagot ko sa tanong mo. For you, it is just sex that draws me to Bree, like the other men in my party. At para sa iyo, hindi dapat seryosohin ang isang babae kung sex ang leverage niya. But for me, I took her seriously because sex is one of the reasons I love her. I am different when I feel her, Cheska. I feel different. I am more than happy. I am more than excited. If ever I'll fuck with other women, I might not take the sex seriously while Bree's the kind of sex that I'll take seriously. Because it's passionate, it's explosive, it made me realize that I really want her. Some sex satisfies you for one night and makes you say, that's it. It's done. You've tasted it and you're contented with that one time. Bree satisfies me and makes me say, I want her still. And again. And I'll never get tired of wanting her. I'll always want her. "

"You're just lusting," usog nito sa dulo ng kama. "You've never tried other women yet. You've neven even loved someone yet. But once you started tasting something better or loving someone, Virgo," hawak nito sa mga braso niya. "You'll change your mind about that Bree."

Naaawang ngumiti siya sa dalaga. "That's the thing, Cheska. I loved her first before I got to have sex with her."

Natigilan ito.

Tears rimmed Virgo's eyes. "She's the only woman who approached me without needing anything from me. Siya lang 'yung taong nilapitan ako hindi para humingi ng tulong, kundi para tulungan ako... dahil nakita niya akong nalipasan ng gutom... o 'di kaya, nalulungkot... o napapasobra sa paninigarilyo," pagak ang naging tawa niya sa pagdaloy ng mga alaala.

Ang mga alaalang iyon na lang ang nagpapasaya sa kanya ngayong nag-iisa at hindi na nakakapiling pa si Bree, pero ang mga iyon din ang labis na sumasakit sa kanyang damdamin. Dahil alam niya na pagbabalik-tanaw na lang ang magagawa sa mga alaalang iyon.

"Hindi!" matigas na tanggi nito habang lumuluha. She cupped his face. "Look at me, Virgo! Look at me! Live in the present! Ako na ngayon ang kasama mo! Matutulungan kita kung iyon lang pala ang gusto mo sa kanya, 'yung tumutulong! Magkasama na sila ngayon ni Jordan at wala ka nang magagawa roon!"

Tinabig niya ang mga kamay nito na nakahawak sa mga braso niya. He grabbed her to pull her away from him.

Bumaba na ang tono nito. Her breathing ragged. "Can't you see? She doesn't feel the same way as you do. She came here, displayed her relationship with Jordan without even caring how awkward it will be for you... or how it might make you feel..."

Nalungkot siya dahil may punto ang mga sinasabi ni Cheska. He did not invite Bree yet there she was. Hindi rin naman niya maisip na may ginawa si Jordan para pilitin ang babae dahil may bodyguard na ito na hindi isa sa mga tauhan ni Jordan. Ibig sabihin, ligtas na ang dalaga at makakapagdesisyon nang hindi nai-impluwensyahan ni Jordan.

He didn't know what to think. The feeling of getting mad beyond insane was creeping through him. Hindi niya matanggap na sa kabilang silid lang ay naglalampungan na si Bree at ang pinsan niya, harap-harapang pinapadama sa kanya na unti-unti na silang na-involve.

And if ever, by miracle, Bree was doing this to get close to him, the more he grew furious at the thought. Matalino si Bree. Kung alam ng babae na nasa alanganing sitwasyon siya at gusto nitong tulungan, mas pipiliin nitong lumayo. Hindi ang ganito na umaaligid at mas pinapahirapan ang kanyang kalooban.

"You can change everything," haplos ni Cheska sa kanyang mukha, nakalapat ang dibdib sa kanyang dibdib. "Malinaw na sa iyo ang lahat ngayon, na balewala ka na kay Bree... That she's out here to get any man that would spoil her. If it wasn't you, then she goes after Jordan now. She's not worth your time. I hope that now, you understand where all my anger for her is coming from..."

Naramdaman niya ang pagtingkayad nito, ang pagbigat ng katawan ng babae na nakalapat sa kanya.

"Here I am," Cheska drew her face closer to him. "Hindi second hand," titig nito sa kanyang mga labi. "Only yours. Can't be stolen away by anybody..."

.

.

TUMINGIN-TINGIN SA PALIGID SI MARCO. At natiyempuhan ng binata ang paglingon dito ni Greg. Sa tingin ni Marco, sumisimple ng obserbasyon ang gwardya sa kanya.

He looked at the closed door of the President's suite. Then at Greg's side glance.

Lumagpas ang mga mata ni Marco rito at bumalik sa pinto.

"President!" masayang kaway ni Marco. "Ako si Marco! 'Yung nakipag-selfie! Hi, Idol!"

Greg immediately turned away from him to greet the President. Marco took that as a chance to be silent and sneak up behind him. Hindi na natuloy ng PSG ang sasabihin nang biglang balyahin ni Marco si Greg mula sa likuran. Tamang hand chop lang nito sa lalaki at tuluyang nawalan na ito ng malay.

Then there was silence in that hallway again.

Marco looked around.

The coast was clear.

He just shrugged and gave Greg a little kick to check if he's totally unconscious.

"Mukhang tama nga ang advice niya, makakatulong din kung marunong ako manahimik."

Yumuko si Marco para isampay si Greg sa balikat nito.

.

.

UMILING SI VIRGO. "I-I can't... I can't..." pigil niya sa sarili na maging marahas at mainis dito. "Papaasahin lang kita sa wala kapag ginawa ko iyang gusto mo."

"Virgo!" panlalaban nito dahil ayaw magpahila sa kanya palayo.

"Cheska, let go of me!" he grunted.

She slapped his arms and flung hers to embrace him.

"Virgo! Ako ang nandito! Use me!"

"I'm not!" galit at marahas na ang paghatak niya sa babae para kumalas ng pagkakayakap sa kanya. "Bitaw! I don't want to hurt you!" Nailayo na niya ito.

"Virgo!" balik sana sa kanya ng yakap ni Cheska pero naunahan niya ito.

Napalakas ang tulak niya rito kaya muntikan nang bumagsak nang mapaatras.

Umiiyak na nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"You knew from the very start that you're just a cover up."

"She'll ruin you," Cheska angrily hissed, tears still wet her face.

"She already did tonight," pagdidilim ng anyo niya. "So I'll return the favor," tiim-bagang niyang talikod sa babae.

"It'll be in vain! Babalik ka rin dito, Virgo dahil hindi ka hahayaan ng mga bantay mo na makalapit sa kanya! Lalo na at magkasama sila ngayon ni Jordan sa iisang kwarto! Sasaktan mo lang ang sarili mo kapag nadatnan mo sila! You'll see how she just spread her legs to get fucked by any man available! You'll regret turning away from me, Virgo!"

Nang tumahimik na ang babae, binuksan na niya ang pinto at lumabas ng silid.

"Virgo!"

He shut the door.

At nagulat si Virgo nang makitang wala ang mga PSG roon.

Nakiramdam muna siya sa paligid. He was expecting at least one of them to remain there, guarding him, making sure he would be monitored.

Pagkatapos, napunta sa pinto ng katabing silid ang kanyang paningin.

May bumukas na pinto kaya doon agad napunta ang mga mata ni Virgo.

Gulat na namilog ang mga mata ni Marco. He released a nervous laugh.

"President! Idol!" masaya nitong wika kahit parang nag-aalangan.

Kinontrol niya ang sarili.

"Si Bree? Boss mo siya, 'di ba?"

Tinuro nito ang pinto na katapat ng kwarto nito.

"Si Jordan, kasama pa rin kaya niya?"

"Umalis, President," nagtataka na ito.

Tinungo niya agad ang kwarto nila Jordan at kinatok iyon.

"President, sandali may sasabihin ako—"

"Wala akong oras makipag-selfie," anas nito bago binuksan ang pinto ng kwarto nila Jordan para pumasok doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top