Chapter 52: Por Favor
SUMILIP MUNA SI JORDAN SA PINTO bago pumasok.
Kanina pa dama ni Virgo ang presensya ng pinsan pero mas pinili niyang itutok ang sarili sa pinipirmahang mga invitation para sa kanyang birthday party. Of course, they can simply scan and reprint his signatures, but he thought, it would be move valuable for the receipients if he personally signed them all.
Limitado sa isandaan na guests lamang ang imbitado sa party. It had the potential of reaching 200 because of the plus-one RSVP invites. Bukod doon, may mga a-attend pa na singers tulad ni Jose Mari Chan para aliwin ang mga bisita.
Tinapos niya ang pagpirma sa isa pang invitation card bago inangat ang tingin sa pinsan.
"Yes, Jordan?" malamig niyang bati rito.
"Ah, pinsan," upo nito sa visitor's chair. "I'm just wondering kung ano na ang update para sa birthday party mo?"
"Nag-print out pa lang ng invitations. Aasikasuhin pa ang arrangements kapag sure na kung ilan ang darating na guests at performers. What now? Kukulitin mo na naman ako tungkol sa mga TV networks."
"Hey, relax," ang sarap talagang sapakin ni Jordan kapag ngumingisi na ito. "Malapit na ang birthday mo, I figured, I'll give you a little present, a little reward."
"Like a child?" he scoffed.
"I don't know if you'll like to act like a child if you see Bree."
Natigilan siya sa tangkang ituloy ang pagpirma sa mga invitations.
Jordan smirked. "That's right. Gawan mo rin siya ng invitation. Kakanta sa birthday party mo."
His jaws tensed. "Why are you doing this?" matalim na ang titig niya rito. "Ano ang gusto mong palabasin?"
"I told you," Jordan was nonchalant, "it's your reward. You get to, at least, see Bree. Siguro naman—"
Virgo swear, he was close to breaking the Parker sign pen he was holding right now. One more tick and he could snap it into two.
"A reward?" he snapped. "I don't need a reward, Jordan," he hissed. "I am not inviting her."
"It's either she attend your birthday or you attend her funeral," tuso nitong banta.
"You can't kill her."
"I can," ngisi nito.
"You like her."
"Not as much as you do," mahina nitong tawa.
Nakakapikon.
Binagsak na lang niya sa mesa ang ballpen. Tumayo na si Virgo.
"She doesn't want to come to your party. So, I figured, if you personally sign an invitation, she might change her mind."
Mariin niyang kinuyom ang kamao.
"Think of it as my birthday present for you too," amused nitong titig sa kanya. "Don't tell me, you don't want to see the woman you love anymore."
"I've already hurt her. Hindi ko makakayang ulitin iyon," pigil niya ang tuluyang pagkadurog. Ni hindi hinarap ni Virgo ang pinsan dahil tiyak niyang pagkakatuwaan lang nito ang pagdurusa na masasalamin sa kanyang mga mata. "Nangako ako noon sa sarili ko, na magiging iba ako sa mga lalaking nakasama niya noon... na binasura lang siya at sinaktan."
Sinilip lang ni Jordan ang mga invitation cards na maayos ang pagkakalapag sa kanyang desk. Wala itong pakialam sa dinadaing niya.
"I failed her once. Not again."
Then Virgo stormed off his office. Siyang sunod sa kanya ng dalawang gwardiya na nakabantay sa pinto niyon.
.
.
NADATNAN NI BREE SI MANAGER KEN na tila gulong-gulo habang binababa ang cellphone nito sa mesa. It had been days since that night Jordan visited her. Tumigil ito sa pangungulit tungkol sa party nung hindi niya na sagutin ang mga tawag nito kagabi.
Ngayon, may meeting ulit sila ng kanyang manager. Naghanda siya ng merienda para rito. She wore a thin silk pair of sleepwear covered by a pink satin robe. Nakabuntot sa kanya si Marco, itim na itim pa rin ang kasuotan, bitbit ang tray ng mga inumin para sa kanilang tatlo. Siya naman ang may bitbit ng box ng cookies na binili niya kaninang umaga pagkauwi galing sa shooting para sa isang commercial. Ayaw naman niyang palabasing katulong si Marco, kaya lang, ayaw niyang ma-bored ang lalaki kakatingin at buntot sa kanya, kaya binigyan niya ng gagawin.
"Oh, anyare?" natatawang bungad niya rito.
"Wala," iling nito.
"Wala raw, ngayon ka pa ba magsi-secret sa akin?" at nag-gesture siya kay Marco na umupo sa tabi ni Manager Ken.
Bree finally sat. Si Marco naman ang nag-serve ng baso ng iced tea para sa bawat isa.
"Hay, thank you, Darling Marco," inom agad ni Manager Ken nang maabutan ng baso. "Pampawi ka talaga ng stress." Then he exhaled.
"Oh, dali, magkwento ka na," kulit ni Bree rito.
"Bree," tutok ng mga mata nito sa kanya, "kinukulit ako ng manager ni Honey Lagran na kung pwede bang ikaw na lang ang pumalit na singer sa kanya? Para raw ito sa..." naiilang na ito, "Presidential birthday party. Hindi ako nagpapasimula, ha? Huwag mo akong dramahan ngayon tungkol kay Mr. President mo, naku, Bree parang awa mo na!"
Umasim ang mukha niya. "Bakit ako? Pag arte nang nakahubad at bikini lang naman ang alam ko. Ang dami-daming singer dito sa Pilipinas. May mga Youtubers na singers din, I'm sure they would love an opportunity like that. They have so many options."
"Eh hindi ba, niyaya ka rin ng Jordan na iyon nung bumisita siya na mag-perform doon?"
Napaisip siya. "Siguro, sinadya niya ito."
"Ayan," manenermon na ang tono nito. "Let me guess, drama ang hanap niyo ng First Cousin. Enebenemenyen." Uminom na naman ito ng iced tea. "Ano ba ang isyu din ng taong iyon kay Presidente? Pinagmamayabang na taga-salo siya ng mga naging chicks ng pinsan niya?"
"Ayoko nga ng drama, okay? Si Jordan lang iyong makulit. Akala niya, madadaan niya ako sa pa-cute niya." Humawak lang siya sa baso ng iced tea. "At kung iniisip ni Virgo na magandang pampalubag-loob sa ginawa niya sa akin ang pinsan niya, nagkakamali siya."
"Si Presidente po ba ang pinag-uusapan ninyo?" singit ni Marco, tila hindi na nakatiis sa pakikinig lang sa kanila.
"Ako ka ba, darling," taray-tarayan ni Manager Ken din. "Alam ko, Titas in Manila na kami nitong si Bree, pero pwede ba, drop the po. We're not that old pa, okay?"
"Okay na iyan," saway niya kay Manager Ken. "I-preserve dapat natin ang Pinoy culture." She turned to Marco. "Maganda iyan na magalang kang bata."
"Tse! Bahala ka, basta ako, hindi magpapa-po!" kumuha na ito ng cookie at kumagat.
"And oo," Bree sighed in response to Marco's question. "Basta, huwag na lang makakalabas kung ano ang drama ko kay Mr. President, ha?"
"Oo nga. Tandaan mo ang confidentiality agreement! Hmm!"
Tumango-tango ang lalaki, nag-aalangan kung ngingiti ba o matatawa sa kanilang mag-manager.
"So, ano na," baling ni Manager Ken sa kanya, "paano ito?"
"Kinukulit lang ako ni Jordan dahil siguro kay Virgo, Manager Ken. Pinakiusapan siya ni Virgo siguro na aliwin ako para hindi na ako maghabol. As if naman maghahabol pa ako. At willing naman si Jordan dahil may gusto siya sa akin."
"Okies, alam mo kung ano ang magandang gawin para tigilan ka na ng mag-pinsan na iyan?"
Napatitig siya rito. "Ano?"
"Eh, 'di um-attend ka!"
"Sira ka ba?"
"Malaki ang ibabayad, girl!"
"Nakakaintindi ka ng salitang awkward?"
"Isa lang naman iyan, eh," sandal nito sa kinauupuan. "Kapag hindi ka um-attend, pinapakita mo lang sa magpinsan na affected ka pa kay Mr. President mo, hmm? Kapag um-attend ka, pinamukha mo sa kanila na wapakels ka. Iyon lang 'yun! Kaya sige, challenge accepted!"
"Ganoon ba iyon?" tanaw niya sa damuhang nakalatag sa kanyang bakuran. "Eh... kapag naka-move on ka na, 'di ba, dapat wala ka nang dapat patunayan."
"Sometimes you have to, para sa magpinsang iyon na hindi maka-gets. Tapos after that party, i-erase mo na sa buhay mo iyang Jordan na iyan. My God! Pahamak eh! Okay?"
Inihilig ni Bree ang ulo. Tumitig siya ng mabuti kay Manager Ken.
Kapag ganito na okay lang sa lalaki ang gagawin niya, makakaasa si Bree na walang masamang mangyayari sa kanya.
Kinapa niya ang sarili. Makakaya ba niya ito?
Baka ipahiya lang niya ang sarili niya.
Minsan kasi, iba ang iniisip sa mismong nangyayari kapag nasa sitwasyon na siya. She might think that she could pull it off, and easily act like she cared less about Virgo now. But hell, what if her heart crack and break upon the very sight of him and Cheska together?
"Ma'am," singit ni Marco, "pumunta na kayo. Gusto ko makita si Mr. President sa personal, eh," excite na ito. "Magse-selfie kami."
"Oh, ayan na, kasama mo pa si Marco," usig ni Manager Ken.
"Oo na nga!" napipilitan niyang wika. "Pupunta ako roon, but I can't promise I can be lowkey with how much I hate him!"
"Huwag mo lang ipapahiya ang sarili mo," medyo nadidismayang wika ni Manager Ken. "Remember, magaling kang aktres. May choice ka na gamitin ang talent mo na iyon. Ang objective mo rito, bukod sa malaking TF eh, ipamukha sa kanila na okay na okay ka na. Clear?"
"Bakit kasi kailangan ko pang gawin iyon? I am tired of always proving myself to other people!" lubog niya sa kinauupuan habang nakahalukipkip.
.
.
.
***
.
.
.
VIRGO DID NOT MOVE.
May naulinigan siya mula sa mga gwardiya na nakabantay sa kanyang silid. Pinili niyang panatilihing nakapikit ang mga mata.
"Sige. Mamanmanan namin ang bodyguard ni Miss Bree."
Bodyguard ni Bree?
Natahimik ito. Tila nasa cellphone o earpiece ang kausap.
"Copy. Sisiguraduhin namin na walang magagawa ang bodyguard niya."
He grew cautious. Ano ang plano niyo ngayon kay Bree?
At may bodyguard na siya. Pero mainit ang mga mata roon ng mga tao ni Jordan.
Ibig sabihin...
Manager Ken...
Dumapa siya ng higa para mas lalong matakpan ang kanyang mukha.
"Tulog pa ang Presidente. Okay, Boss."
Nakamanman pa rin si Jordan kay Bree, analisa ni Virgo. Which meant she really stayed away from us for good. Mabuti rin na kumuha na si Manager Ken ng bodyguard para kay Bree. Ang hindi ko lang sigurado, kung kumuha siya mula sa Buenos Mafios mismo. It was not really a security agency, but a mafia organization that used to serve my father during his presidency.
Naalala niya noong Inaugural Ball. Nung niyaya niya si Zoref Buenavista, ang Big Boss ng Buenos Mafios para saluhan sila sa dinner proper ng event.
Sinadya niyang paupuin ang lalaki sa kanyang tabi. Pasimple siyang nagtype ng mga keywords sa cellphone at patagong sinend iyon dito.
The keywords were:
Bodyguard & Bree Capri vs. Jordan Cousin
He had to be discreet whiletyping as fast as he could. He had to pretend that he was attentive to the exchange of conversation on their table. Sinamantala iyon ni Virgo dahil malayo mula sa kanila ang mga bodyguards niya. Hindi naman pwedeng tumayo kasi ang mga ito na parang poste na nakapaligid sa mesa nila sa ganoong event.
Secretly keep eye on Bree. Delete my texts.
Sinadya na noon ni Zoref na ilabas ang cellphone. Kunwari may tinetext pero nasisilip niyang nagbubura ito ng messages. The man emptied his inbox and outbox before turning off his phone.
Virgo let out a sigh of relief that night.
Inakala niya noon na si Bree lang ang mapapahamak. Na may posibilidad na ilayo ito sa kanya, pero iyon pala... mas higit siyang maiipit sa sitwasyon. Siya pa ang ginamit ni Jordan para palayuin sa kanya ang dalaga. The only failure in his one-step-ahead plan was that he forgot his and his family's safety. Hirap tuloy siya ngayong makakilos sa bantay-saradong pagmomonitor nila Jordan at ng mga tao nito.
Pero hindi bale. Magagawan niya rin ito ng paraan. Ang mahalaga, ligtas na si Bree. Mayroon na ito ngayong bodyguard na hindi isa sa mga tao ni Jordan. He was sure that whoever that guard is, he would be very helpful in making sure Bree would be safe from Jordan and his plans.
Now, Virgo's family.
He needed to give his family a reason to leave Malacañang... or the country, rather. If they leave the country, Jordan would not bother sending his men with them. Dagdag gastos iyon. At magiging kataka-taka na rin. Siguro naman, ayaw ng pinsan niya na mapagdudahan ito at ang security team nila.
When everyone's safe, mani na lang siguro kay Virgo na utakan ang pinsan.
.
.
ISA SA MGA SIKAT NA FASHION DESIGNER ngayon si Katty Pilar— anak ng isang diva at fashion icon noong 80s. Kaya naman sinadya ni Cheska na pumunta sa main branch ng boutique nito nung gabing iyon.
Since she had made appointments, her arrival that late in the night was not a hassle for everyone in there. Magiliw na binati ang mayora ng mga staff at in-assist sa waiting room.
"Why?" lingon ni Mayor Cheska sa babaeng kasabay maglakad. "I thought, ako lang ang naka-sched at this hour?"
"Yes po, Mayor," ngiti nito. "Pero hindi pa po kasi tapos si Miss Bree Capri sukatan."
"Bree Capri?" tila binuhusan ang babae ng malamig na tubig sa narinig.
"Yes po," tila kinikilig pa ang staff nang mabanggit ang pangalan ng aktres.
"You like her?"
"Naku, sobra! Ang witty sa mga interview, sexy! At ang galing niya sa The Rightful One, Mayor. Grabe 'yung iyak niya, may kasama talagang paglaway at sipon. Grabe, hardcore, no?"
"You don't know she used to be on x-rated movies?"
"Ay alam ko, pero hindi ko naman pinanood. Hindi naman siya ang bida doon."
"It's not a big deal to you?"
"Opo. Acting lang naman iyon, no, Mayor—" at napasinghap ito. "Ah, there she is!"
Natanaw ni Mayor Cheska ang pagpihit ni Bree paharap sa direksyon nito. Bree pulled a smug grin at the woman who wore a white blouse tucked in the waistband of her grey pair of slacks.
Patapos nang magsukat ang sastre kaya nanatili lang si Bree na nakatayo. Pinanood niya ang pagpapaupo ng staff kay Mayora sa paikot na seat kung saan mas komportable itong makakaupo para panoorin siya.
Mayabang na umayos ng pagkakatayo si Bree. She pulled in her stomach really well and kept her chest out.
"Is my bust too big?" parinig niya habang kausap ang sastre.
Mahinang natawa lang ito. "Buti po talaga at pa-custom ang gown ninyo, Ma'am." Tumayo na ang saste. "Okay na po, Ma'am."
"And por favor," sexy niyang pamewang paharap dito. "Make the dress slip on sana. Para..." sinadya niyang mambitin. She gave Cheska a sidelong glance, "...madaling hubarin."
"Sige, Ma'am, ino-note ko lang po," yuko nito sa maliit na notepad para magsulat.
"Okay," iwan niya rito para lapitan si Mayor Cheska. "Hi!"
Kunwari tuwang-tuwa siya na makita ito.
Hindi maipinta ang mukha ng babae. Ni hindi nga siya nito nginitian. "Hello."
Umupo si Bree sa tabi nito. "Wow, you're also here! I don't know we have the same taste! You like Katty Pilar too?"
"Of course," walang buhay nitong sagot.
"I like her too," ngiti niya. "You see, I have a theme to follow for this party I am going to. May idea ka ba kung anong party iyon?"
Kumislap ang mata nito. May pagbabanta roon. "Why, of course," Bree could note Mayor Cheska's sarcasm. "It's my boyfriend's birthday party!"
"Exactly," ngiti niya. "He invited me."
"Are you sure?" nahihimigan niya ang pagtataray na pinipilit nitong ikubli. "Kasi, ang pagkakaalam ko, may surprise daw si Jordan para sa pinsan niya sa party. One of Virgo's favorite singers will be there. So... baka lang naman, hindi siya mismo ang nag-imbita sa iyo."
"You're his girlfriend, so it means, you have an idea who that singer is."
"Yes, I have," Cheska's eyes turned icy. "What about you? May idea ka kung sino iyon?"
"I don't know," she smiled in pretense coy, "but let me tell you one thing... the President likes it when I use my high note..." then her voice turned husky and whispery, "...and scream."
Nae-enjoy ni Bree ang pagpipigil ni Cheska ng panggigigil nito sa kanya. Mukhang gets na gets naman nito kung ano'ng klaseng scream at high note ang tinutukoy niya rito, kung saan at kailan kadalasang naririnig ang mga iyon.
Tumayo na siya. "See you at the party," then she sashayed away.
Gigil na nakuyom ni Cheska ang kamao. Siguro kung wala lang sila sa publikong lugar na may pabalik-balik na mga staff, baka pinagtatatampal na siya nito.
The way she acts towards me. Alam ko na alam niyang ako 'yung Claire na nakausap niya noon, isip ni Bree habang kumakaway bilang pagpapaalam sa mga nasasalubong na staff ng boutique ni Katty Pilar.
Ginanoon lang naman niya si Cheska nung una kasi oo, naiinis siya sa babae. Talagang sinamantala nito ang pagkakataon na nai-isyu si Virgo kaya siguro nakumbinsi ang lalaki na maging magkarelasyon sila. But now, she could sense how mutual their feelings are.
Cheska could have been shocked or confused with how she subtly implied that Virgo was supposed to be hers. But no. Nababasa niya na alam ng babae kung sino talaga siya sa buhay ng lalaki.
Na karibal siya nito.
.
.
HINDI KA PA RIN nakakahanap ng kakantahin?ani Manager Ken sa kabilang linya.
Nakauwi na si Bree. Aaminin niya, na-stress siya ni Cheska kahit wala itong ginawa sa kanya kanina sa boutique ni Katty Pilar kaya heto at nagke-cleansing siya. Naliligo.
"I want it to be very special and meaningful," sagot ni Bree habang nakalublob sa bathtub at naka-loud speaker ang cellphone niya. Bubbles covered her body. Magulo ang pagkakapusod ng kanyang buhok. "Iyong magpaparating kay Virgo na tapos na ako sa kanya, kaya sana mag-ayos-ayos na siya at huwag na nila akong guluhin."
Napasimangot siya. Kung hindi lang ako tambak sa projects dito sa Manila, matagal na akong umalis. Nagtago-tago sa mga bundok, kahit saan makalayo lang sa kanila.
Hay, naku, sagot ni Manager Ken. Kasalukuyan itong nakabantay sa alaga na nasa mall tour ulit. Huwag ka na masyadong mag-effort. Happy Birthday na lang ang kantahin mo. For sure, ilang taong hindi magse-celebrate ng birthday niya iyang... iyang lalaki na iyan! Napahagikgik pa ito.
"Eh, bahala na. But you can count on me that I will rehearse very well for that night."
O siya. Bukas na kita bibisitahin, okay? Dadalhin ko 'yung kopya ng bagong schedule para sa shooting niyo ng Forbidden, at saka 'yung ipapakita mo na invitation card ni... Mr. President para sa birthday party, may sarkasmo sa pagdidiin na iyon ng bakla.
"Then I'll prepare more iced tea," at nakailang kamustahan pa sila bago nagpaalamanan.
Bago ibaba ni Bree ang cellphone, nagcheck siya ng inbox. Unang-una sa mga iyon ang pangalan ni Sir Kaiser.
Nung nag-inuman kasi sila at umalis siya, nagtext agad ito nang magising. Sana raw hinintay siya nito para mapahatid sa driver nito pauwi. She said that she was fine. Na sinundo siya ng bago niyang bodyguard. Sir Kaiser seemed happy about her having a new bodyguard. At hindi na niya iyon nireplyan pa.
May isa pa itong tinext sa kanya nitong nakaraan na gumugulo pa rin sa isip niya.
You're right.
Hindi niya iyon ni-replyan. She could ask Sir Kaiser what she was right about, pero nahihiya siya.
Tungkol ba iyon sa mga napag-usapan nila nung nalasing ito?
Natandaan pa ba ni Kaiser lahat-lahat tulad niya?
Nilapag niya sa patungan malapit sa bath tub ang cellphone.
"Kahitkailan talaga, lamang ka pa rin sa akin, Krista," she smiled, weak yet herheart was happy for her long-lost friend. "At tama si Virgo... hindi akonaiinggit. Na-a-amaze ako. How did you do it? Paano mo nahuli si Sir Kaiser?"Pigil niya ang matawa, pero masayang natawa na rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top