Chapter 5: Rivalry
EVERY FIBER OF HIS MUSCLE ACHED, but Virgo still appeared in the Ferdinand family's private vacation house in an exclusive villa in Tagaytay. Napagpasyahan na rin niyang doon na lang makikitulog.
Normal kung titingnan mula sa labas ang vacation house na gawa sa kahoy ang exterior na may dalawang palapag.
Ngunit pagkapasok niya sa loob, pinagbuksan siya ng dalawang bantay ng pinto. Nakasuot ang mga ito ng suit na itim. Hindi man kita, alam ni Virgo na armado ang mga ito.
His leather shoes tapped on the polished wooden floor, demanding attention, displaying authority. Tahimik na sumunod ang tingin ng nagkalat na mga tauhan ni Jordan bago siya huminto sa gitna ng malawak na salas.
Halos walang mga gamit doon. Isang sofa set lang na nakaharap sa glass wall. Makikita sa glass wall ang tanawin ng Taal Lake, ngunit gabi na kaya kadiliman at ilang maliliit na nagkalat na ilaw ang makikita roon.
Sumulpot mula sa kanan niya si Jordan, nasa likuran nito ang tauhan na mukhang in-inform ang pinsan sa kanyang pagdating.
Jordan wore a white polo-shirt. Bukas na ang butones ng mga iyon at kapansin-pansin na may namumulang marka sa dibdib at gilid ng leeg nito. His hair was a thick, curly mess. Mukhang nakatulog na rin ito dahil sa bahagyang pamumula ng bagong mulat na mga mata.
He was naturally rugged, contrasting Virgo's neat appearance. Pero malamya ang presence at medyo totoy pa rin ang dating sa edad na 28. Sa tingin nga ni Virgo, ganoon ang ayos ng pinsan sa kagustuhang mapagtakpan ang pagiging totoy. But looks could be really deceiving. People's underdog impression of Jordan helped him wrap people around his fingers. Him looking harmless made people want to protect him.
Like these armed guards working for him.
"Virgo," akbay nito sabay tapik sa kanyang balikat. Binilisan niya ang lakad patungo sa glass wall para maalis ang kamay ng pinsan.
Maluwag ang ngiti nito nang lingunin ang mga tauhan. He waved his hands, gesturing them to leave. Tahimik na sumunod ang mga ito hanggang sa silang dalawa na lang ang natira sa silid.
Nakatayo na si Virgo sa harap ng salamin, kinakapa ang pack ng sigarilyo sa bulsa nang maramdaman ang paglapit ni Jordan.
"Akala ko hindi ka na darating. Nakatulog na kami ng mga--" pinutol nito ang sasabihin, napayuko at natawa nang maalala nito ang kapilyuhan bago nagnakaw ng tingin sa kanya.
Virgo remained serious. Naipit na niya sa pagitan ng mga labi ang sigarilyo at sinindihan iyon. His eyes were sharp as he watched their reflection on the glass wall.
"Don't… Just don't mind what I was doing earlier. Just a threesome or four… girls…" he shook his head and smiled, "whatever. So how are you?" Luminga-linga ang pinsan na parang naghahanap ng kasama niya.
Hinarap na ito ni Virgo. Binugahan ng usok. Saktong harap ni Jordan. He just blinked. Sanay na naman ito sa paninigarilyo niya.
"Where's Bree?" tanong nito na para bang dismayadong bata.
He gave Jordan a cold stare. There was a creepy chill in his sinister smile as his fingers held the cigarette away from his lips.
"Why do you think I'll bring her here with me?" was his rough reply in a low tone.
"You read my text, didn't you?"
"You asked How's Bree?"
"At kung makakabisita ba kayo rito," gusot ng mukha nito.
"Why would I fucking bring her to the family's vacation house?" he coolly grinned.
Lalong sumimangot ito. "Because she's invited," napipikon na nitong saad.
Tawang-tawa na si Virgo sa loob-loob niya. Jordan really had a lot to learn…
"Invited to what? To your orgy?" sarkastiko niyang saad.
"You are always welcome to participate."
Lumuwag ang ngisi niya. "I never warmed up to that freaky idea. Gusto ko na ako lang ang sentro ng atensyon. Sorry to disappoint you."
Nasuklay nito paitaas ang buhok. "Damn, that's Bree!" eksaherado ang pumalit na excitement sa mukha ng pinsan. "Bree Capri! Alam ko, papalit-palit siya ng lalaki, okay? Pero paano mo-- paano… paano mo--"
"Who told you I'm with Bree?" paniningkit ng mga mata niya.
Jordan laughed nervously. "Eh… Oh well…" Nang makita na wala siya sa mood makipagbiruan, sumeryoso na ito. "Look," tatapik na naman ito sa balikat niya. Umatras si Virgo at tinuloy ang paghithit ng sigarilyo habang matalim ang titig sa kausap. "Look, Virgo, you're my cousin. You're a presidentiable. You left without your convoy. Siyempre, mag-aalala ako, okay?"
"I am not bringing any of your guards with me, Jordan."
"What?" pagsasalubong ng mga kilay nito.
"I'm cancelling Greg's vacation and moving it after the election," pinal niyang desisyon.
"My men kept you safe."
"But not my privacy," he hissed. "Bakit pati ganoong mga bagay, inaalam mo pa, Jordan?"
"Look, Virgo, I just got worried… Nakulit ko si Filemon."
He scoffed. "Nasa iyo lang ang loyalty ng mga tao mo, Jordan. Hindi ako istupido."
Natahimik ito.
Binalik niya ang mga mata sa pinsan. Ginagamitan na naman siya nito ng totoy looks. 'Yung tipong inaping bata na kailangan ng pakonswelo. He let out a sigh.
"I'm still hiring your guards. But I want Greg with us too, alright?"
"I'm just disappointed. Parang wala kang tiwala sa akin."
He chuckled. "Ako? Mawawalan ng tiwala sa iyo? Sa dami ng mga trabahong pinagawa ko sa iyo at sa mga tauhan mo?"
It finally dawned on Jordan. A creepy grin slowly crept on his face. Tila patabingi ang naging hiwa ng ngiting iyon sa mukha ng lalaki.
"Does it mean, you'll let me meet Bree?"
Mababa ang naging pagtawa ni Virgo at nilapit ang mukha sa pinsan. Virgo's smile was so promising, umasa tuloy si Jordan.
"No," he spat on his cousin's face.
Natigilan ito at napaawang ang bibig sa gulat. Umatras si Virgo ng lakad, na kay Jordan pa rin ang mga mata. He grinned in satisfaction before resuming his smoking. Nang makalayo, pumihit na siya patalikod para tunguhin ang daan papunta sa mga guest room.
"Come on, Virgo!" habol na nito. "That's Bree Capri! Kuya Jonathan and I are big fans!"
Mga malilibog na hayop talaga, ngisi ni Virgo sa sarili. Hindi pa rin niya nililingon ang pinsan. Nilakihan pa niya ang mga hakbang para hindi maabutan nito.
"Kailan ka pa naging madamot, Virgo?" pakikiusap pa rin ni Jordan.
He pulled the cigarette off his lips. "She's mine," walang-lingon niyang saad bago binuksan ang isang pinto, pumasok sa guest room, at mabilis na sinara iyon.
.
.
.
***
.
.
.
TAPOS NA ANG INTERMISSION NUMBER at pag-promote nila Bree sa The Righteous One, kaya hinubad na niya ang dress na ginamit sa pagsayaw. She returned to her white tube crop top and high waist pants.
Napatingin siya sa mga artista sa backstage na panay ang bati at pa-picture kina Leticia at JD. Bree smiled. Napansin din agad ng mga naroon ang presensya niya kaya hinintay na mapadaan siya sa mga ito para bumati.
"Congrats sa new movie, Bree, right?"
"Hi, Bree!" balabit naman sa kanya ng isa pa. "Let's selfie muna, ha?!"
She nodded and smiled. Napunta ang mga mata niya sa babaeng kalalabas lang ng dressing room nito. All of a sudden, her heart melted. Hinding-hindi niya makakalimutan si Jill Mendez. Jill Mendez is a singer-actress. At kahit nasa late forties na ang babae, mas active ito sa pagkanta kaysa pag-arte.
Napakatagal na mula nung makasama siya sa pelikula nito. About ten years ago. It was an action movie at isa si Bree sa mga seksing babae ng matandang Don na kontrabida. Si Jill naman ay ka-loveteam ng bidang action star si Mario Torres doon. Pero hindi niya makakalimutan ang sinabi ni Jill sa kanya na may potential siya maging sikat na artista.
Her eyes almost welled up. Iniwanan niya kaagad ang mga umuusisa sa kanya para lapitan ito. The woman obviously aged, but with the right amount of make-up, kahit kita na tumanda ito, maganda pa rin. She was a natural meztiza with arched brows and a pixie cut burgundy-dyed hair. Nakasuot ito ng makintab na pulang gown.
"Hi, Miss Jill!" malapad na ngiti niya rito.
Nagtataka ang babae na napataas ng kilay habang nakatitig sa kanya.
"I'm Bree!" paalala niya rito. Nauunawaan naman niya kung hindi siya nito maaalala kaagad. "Dati extra mo ako sa movie ninyo ni Mario Torres," sa sobrang excitement napakwento na siya, "at… at sobrang na-inspire mo ako nung sinabi mo na may potential ako sumikat. Heto nga eh, magkaka-movie na ako," pigil niya ang maiyak. "Alam mo, I really called your number. Sabi mo kasi, kung gusto ko pa matuto sa pag-arte, pwede mo akong turuan… Kaya lang for some reason," nahiya siya saglit at natawa, "hindi mo natatanggap ang tawag ko. Tapos ang sinasabi naman ni Manager mo, busy ka..." Nag-angat siya ng tingin ulit sa babae. "But I understand! I understand kasi nae-experience ko na rin siya ngayon. Minsan, filtered ng manager ko 'yung mga natatanggap ko na phone calls. Pati social media ko nga, monitored minsan ni Manager Ken--"
Pilit ang naging ngiti sa mga labi ni Jill. The awkwardness made the woman nod as she talked before cutting her off.
"That's so nice to hear--" at lumipat ang tingin nito sa natanaw na si Leticia. Walang anu-anong lumapad ang ngiti nito. It was more genuine because it make the woman's eyes sparkle.
"Letty, darling!" lapit nito kay Leticia sabay beso.
"Ma'am Jill!" nasorpresa man, maluwag pa rin ang tawa at ngiti ni Leticia nang nakatapos ang pagbebeso-beso nila.
Napansin din ni Miss Jill si JD at binati ang lalaki.
Bree blinked before she returned attention to herself. To what she was feeling. Maraming gumulo sa isip niya. She was confused why Miss Jill could not seem to remember her. Halos hindi naman siya nawalan ng pelikula. Kadalasan nga lang, indie at x-rated o mga sexy comedy. Hindi iyong nagiging mainstream o trending pero pelikula pa rin naman, pinagbuhusan niya ng effort at pinalabas sa mga sinehan.
Hindi niya maintindihan kung bakit mas warm ang pakikitungo nito kay Leticia. At nasa malayo pa lang, nakilala na ni Miss Jill. Mas matagal naman siyang nasa showbiz, 'di ba? Eh si Leticia? Mga 2 years pa lang umaarte mula nang madiscover sa isang reality show.
Nagbaba si Bree ng tingin, nadudurog kung bakit naniwala siya na totoo ang mga sinabi no Miss Jill sa kanya noon. Siguro dahil para sa tulad niyang nangangarap, napakalaking bagay na nung may naniniwala sa kakayahan niya.
Kahit na kunwari lang pala na naniniwala sila sa kanya. Na pakitang tao lang pala ang mga sinasabi nila.
Nag-chin up siya. Bree put on her confident smile and watched them. Nagkamustahan silang tatlo nang maulinigan niya si Leticia.
"Yes, Ma'am Jill! I am with JD in this movie and Bree! She's the best, you got to meet--" hinanap na siya ng paningin nito kaya mabilis na tumalikod si Bree.
"Bree!" narinig niyang tawag ni Leticia.
Pero hindi na niya nilingon o pinansin pa ang mga ito.
"Hey, Bree! Bree!"
Nakalapit na siya sa exit at tuluyang nilisan ang studio para sa noontime show na iyon.
.
.
Napatitig na lang si Leticia, bahagyang nalungkot sa hindi niya paglingon.
"Hey, darling," Miss Jill tapped her shoulder and caressed her face. "It's okay," she cooed. "I already know her na naman…"
Malungkot na tumango-tango si Leticia. Pilit ang ngiti.
"Pero grabe naman, is she snobbing you?" gusot ng mukha ni Miss Jill na tumanaw sa exit door.
Tensed ang tawa ni Leticia. "Hindi po, Ma'am Jill!" palipat-lipat ang tingin nito sa exit at sa kausap. "In fact, she's a really, really nice person, Ma'am Jill."
"I don't know with that," Miss Jill rolled her eyes. "You should know na kung kani-kaninong lalaki pumapatol 'yang Bree na iyan at ang daming arte sa katawan. But I'm not worried about the movie," naging masigla at palatawa na ang babae, "Alam ko namang nadala ninyo ni JD ang bawat scene!"
.
.
Samantala, naglalakad na si Bree sa hallway. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan si Manager Ken. Tanghali na, pero hindi pa rin ito nagpaparamdam.
Gusto niya sanang ipaalam dito na tapos na siya sa intermission number na gagawin para sa araw. She would just get some lunch before the next guesting. Mamayang alas-singko pa naman iyon, at hindi rin naman kasi siya mai-interview dun kung wala pa sila JD at Leticia.
Bree stopped from her steps. Natanaw niyang papunta sa kanyang direksyon si Krista. Nakabuntot dito ang babaeng manager nito at isang PA na bitbit halos lahat ng mga bag at damit nila.
Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng kilay. Krista, on the other hand, saw her, kept walking, and gave an annoying mocking grin.
Ito na yata ang To Be Continued ng kanilang away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top