Chapter 44: Special Delivery

"CUT!"

At nawala na ang bumabalot na tensyon dahil maganda raw ang pagkakakuha sa eksena na gagamitin para sa guesting ni Bree sa isang TV series. It was one of the projects that Krista left behind. Isa iyong guesting kung saan gaganap si Bree bilang espiya ng kalabang café na nagpanggap na bagong hired na waitress sa café ng bidang lalaki. She would try to seduce him with subtle sexual innuendos, tulad ng pasimpleng pagtuwad paharap sa direksyon nito habang nagpupunas ng table, just to figure out the secret to his successful café and the formula to his best selling coffee.

Sa huling na-shoot na eksena, medyo tumatalab na ang pang-aakit niya rito. Sinadya raw niya na mabangga sa lalaki. Napatitig ito at humagod ang isang kamay sa kanyang bewang pababa sa balakang. Then they shared an eye contact for the sexual tension. Pilya siyang ngumiti rito.

Ilang segundo pa at heto, nagsipag-balikan na sila sa sari-sarili nilang mga folding chair.

"Am I being too touchy?" tanong sa kanya ng ka-eksenang si Jason. Ito ang gumaganap na bidang lalaki sa TV series na masyado raw inosente at napapahamak ng kainosentehan nito.

"I am glad you are not," ngiti niya sa lalaki at tinapik-tapik ito sa balikat. "Thank you."

Naglaro ang maluwag na ngiti sa mga labi nito. "But I have to admit," harang nito sa kanya. He inched closer which made Bree nervously laugh. "I'm glad to work with you in this episode. Hindi ka pala masungit tulad nung mga tsismis noon."

She pressed a finger against his chest and pushed him using that. Tinawanan lang niya ito bago iniwanan para lapitan si Manager Ken.

"Hi," bati niya rito.

Nagtaas lang ito ng kamay para sumenyas ng sandali lang. Abala kasi ito sa kausap sa cellphone.

Nakangiting napapailing na lang si Bree at tinungo ang tent na nakatayo sa tapat ng café na pinagshu-shooting-an nila. She was about to set aside the flap of that tent when she felt someone behind her

She turned and saw the familiar moustached man.

He gripped her wrist.

"Aw," mahina niyang daing.

"Come with me," he peered over her, shadowed by the hood over his head and the cap.

Naglikot ang mga mata niya sa paligid.

Abala ang mga crew sa pag-aayos ng camera. Sa loob pa rin ng café ang susunod na eksena, pero ibang mga artista na ang kukunan. Ang iba naman ay nasa loob na ng sarili nilang mga tent.

"Virgo," pabulong na saway niya rito, hinayaan na hilain siya ng lalaki pabangga sa dibdib nito, "nagta-trabaho ako. Aren't you supposed to be working too?"

His jaw tensed and turned to pull her away.

"Sandali lang! May shoot pa ako!"

"Silence!" he snapped at her.

Natigilan siya at hinayaan ang lalaki na hilain siya paliko sa isang eskinita. It had a dead-end corner, no way for Bree to escape but to run past Virgo.

If Virgo would even allow her.

Binitawan na siya nito. Mainit na pinasadahan ng tingin ng mga mata ang kabuuan niya na nakasuot ng pink na waitress costume. Mahigpit sa kanyang mga hita ang palda niyon at hanggang kalahati ng kanyang tuhod ang tabas. Some of the buttons were open to provide a peak at the line of her cleavage.

"Tapos na ang shoot," marahas nitong saad.

"Oo, pero may kasunod pa akong mga scenes."

He ignored her. "And you're still flirting with that actor?"

"Ano?" pagsasalubong ng mga kilay niya.

"I saw you," he hissed. "Pushing him around, smiling like that."

"Smiling like what?"

He pulled back the hood, revealing his face lined with frustration... and lack of sleep. Bumagsak na rin ang cap na suot nito.

Bakit ganoon na ang hitsura ng lalaki? Last night, he was the happiest man of the hour. The people revered him, almost bowed down to kiss his feet. The party was festive, the music was joyous... Virgo was in the lightest mood and smiling.

"Bakit ba kasi nandito ka? Are you stalking me?" Her voice strained with worry.

Hindi ito sumagot. Nasuklay lang nito pataas ang buhok.

"Virgo, baka may makakita sa iyo rito," nag-aalala niyang lapit. Aabutin niya sana ang mga braso ng lalaki pero tinabig nito ang mga kamay niya. "Don't get into trouble, please, Virgo... Nakikiusap ako... huwag mo tayong ilagay sa gulo, not now—"

"I know you love me!" he spat. "Hindi ko matanggap na tumatanggi kang maging asawa ko! At makikita kita na ganoon kumilos kasama ang ibang lalaki! Off-cam!"

Natigagal siya nang sigawan na nito. Gusto niyang tumiklop, yakapin ang sarili. Here she was, fierce and outsmarting men for years, yet she cowered before the magnificence of Virgo and his fury.

"But you're drunk when you told me that you love me," he stared, his voice calming down. "So, maybe, maybe you really didn't mean at all."

Napatitig siya rito. Sobrang bigat ng kalooban niya nang marinig iyon mula sa lalaki. Masakit kasi totoo. Kasi kapag ganitong nasa tuwid na takbo ag kanyang pag-iisip, hindi niya maamin-amin ang nararamdaman niya para kay Virgo.

Ang totoo na mahal niya ito.

Nakakahiya 'di ba? It was so sad to hear that she was already in love with him.

She was in love with a man that she can't have, because if she does have him...siya rin mismo ang sisira dito. Bree will ruin him— his reputation, the people's trust in him... his plans.

Pero bakit hindi siya bigyan ni Virgo ng ganoong klase rin ng pang-unawa? Na kapag pinilit nito ang gusto, masisira din ang reputasyon niya, ang kanyang career... At kung paiiralin ng lalaki ang ganitong pagseselos, mas lalo siyang mawawalan ng mga projects, lalo na sa image niya bilang artista na kailangan ng lalaking ka-partner dahil sexy star siya.

Hindi naman ganito ka-irasyonal ang lalaki noon. Ibig sabihin ba nito, lumalabas na ang totoo nitong ugali?

"I also doubt that you mean it," her voice broke, "when you told me you love me last night. Masyado ka lang sigurong masaya kagabi, nakainom ka at ang ganda ng mood mo kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi mo." She shoved in a deep breath. "Ngayon, kung iisipan mo ng masama ang pakikisama ko sa mga katrabaho ko, eh 'di umalis ka at mag-isip-isip ka. Nasa ganitong edad na tayo nakukuha mo pang magselos."

Pero hindi eh. Wala naman sa edad iyon... kung makaramdam si Virgo ng ganoong kabigat na paninibugho. Hangga't nagmamahal ito at hindi panatag na kanya si Bree, patuloy itong makakaramdam ng ganito. Jealousy was as good as sex. It hurts you, yet it felt overwhelmingly arousing.

Now he wanted her... but, he could not get over the rejection he got from her last night.

"I can't accept it, Bree. I just can't accept you rejected me. For what? For that?" lahad nito ng kamay. "To act like a slut on TV?"

Lumipad ang palad niya sa mukha nito. Pigil niya ang maiyak.

"Being a slut on-screen kept me alive, Virgo," tears rimmed in her eyes. "Nung mag-isa ako, walang makain, walang matulugan, iyon ang nagbigay sa akin ng pera para makaraos kahit papaano."

Nasapo lang nito ang pisngi. She was too mad to see how the hurt writ on his eyes, disbelief confused him... the sting of her slap on his cheek was close to making him shake with anger.

"And remember, I was once your slut. And you enjoyed it."

"Once?" pagtalim ng mga mata nito sa kanya.

"Once," she hissed.

Nagtitimpi na tumalikod si Virgo para iwanan siya roon.

.

.

KUMALMA LANG SI VIRGO nang makaupo sa swivel chair ng office room niya sa mansyon ng mga Ferdinand.Wala na roon ang kanyang pamilya, abala ang mga ito sa pag-aayos ng mga gamit nila at pagde-decorate ng bedrooms sa Malacañang.

As much as he wanted to help them with that, pinaubaya na lang niya ang pag-aayos sa ina at mga kapatid.

He just wanted to see Bree today.

And maybe, stare at her at work while thinking about what happened last night.

Nasapo niya ang noo. Bahagyang nasabunutan ang sarili.

What had gotten into him? That jealous streak he had was so immature.

So, so immature.

And that easily turned her off.

And remember, I was once your slut...

Once?

Once.

Nahilamos niya ng kamay ang sariling mukha.

Confirmed. Tao siya. Tao pa rin siya. May mga limitasyon. Maging ang kanyang pagtitimpi at pasensya. Lahat ng iyon, may hangganan. Nagdidilim din ang anyo niya. Nawawalan din siya ng awareness sa nagagawa niya paminsan-minsan.

Sunod-sunod pa rin ang pag-ring ng kanyang cellphone. Kung sinu-sino na ang umaabala sa kanya para sa ganito o ganyan. He finally got irritated and turned off the phone.

"Bree... Bree... Bree..." masahe niya sa sariling sentido. He stopped upon having a realization. Nagmulat si Virgo ng mga mata. Memories seemed to flash before his eyes. His mind and heart battling against each other.

He finally made a decision.

What he needed now, was a plan.

Mukhang nakaabang sa pagdating niya si Jordan sa mansyon na iyon, kaya dali-daling kumatok bago pumasok sa silid.

"Jordan," busangot niya dahil sa interupsyon nito.

"We need to talk," seryoso nitong lapit sa kanya.

.

.

.

***

.

.

.

NAALIMPUNGATAN SI BREE. Pagsilip niya sa cellphone, alas-tres pa lang ng madaling araw. She let out a sigh and laid back on the bed.

Yumakap siya sa unan. Tinanaw niya ang cellphone sa bedside table.

Hindi man lang siya tumawag o nag-text.

Napapikit siya.

I didn't really mean it... to say those things...

Humigpit ang yakap niya sa unan.

Maybe she fell asleep again.

Hindi alam ni Bree. Kasi parang wala namang pinagkaiba kung nakatulog talaga siya o pumikit lang ng pagkatagal-tagal.

Muli niyang minulat ang mga mata. Dumapa sa kama at inabot ang cellphone sa mesa.

Tinitigan niya iyon.

Five na, isip niya bago in-unlock ang cellphone.

Hinanap niya ang latest cellphone number ni Virgo. Siguro naman, hindi pa ito nagpapalit ng number. Tumatawag ang binata, kapag bago na ang numero nito.

Baka tulog na siya. Pagdadalawang-isip ni Bree.

She glanced back to Virgo's number.

V ang pinangalan niya sa lalaki sa contact's list.

Bakit ganoon? Buong araw ang lumipas... hindi na siya nagparamdam. Sinubasob ni Bree ang mukha sa kama. Hindi ba dapat siya 'yung mas mature sa amin? He always understands. He doesn't make a big deal of everything. Alam niyang pasaway ako. Sobrang pasaway.

He was supposed to teach me a lesson by now.

Malungkot na nag-abang siya ng tawag o text sa cellphone. Pagulong-gulong sa kama. She tossed and turned. Hugged a pillow or put her chin on the pillow while holding up her cellphone.

Sobrang dami na siguro ng trabaho niya.

Bree let out a sigh.

Fine. Siya na mismo ang tatawag na rito.

Alas-siyete na ng umaga. Siguro naman, nasa kotse na ito, nasa biyahe papunta sa kung saan man ito pupunta ngayong araw. O katatapos lang mag-almusal.

Tinapat niya ang cellphone sa tainga. Walang sumagot sa tawag.

She tried a few more times.

Wala pa rin.

Bree stared at the phone. She pulled a pained smile.

Come on, Virgo. Ang tanda mo na para magtampururot ng ganito katagal.

Umulit siya ng tawag, pero wala talaga. Hindi ito sumagot.

Malungkot isipin na huli na kapag nare-realize mo na anuman ang pinag-awayan ninyo, maliit na bagay lang pala. Masyadong maliit para sa kung ano ang tunay mong nararamdaman para sa isang tao.

Namuo ang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata.

"But I am scared..." amin niya sa wakas sa sarili. "Ayoko matulad si Virgo sa akin..." dausdos ng mga luha sa kanyang pisngi. "Ayokong masira siya sa mga tao. Ayoko na ako ang gumawa niyon para sa kanya... Ayokong..."

Sinubsob niya ang lumuluhang mukha sa mga palad. Her shoulders moved as she stifled a snob.

"I'm selfish too... my career..."

Nang mahimasmasan, nagbabad si Bree sa ilalim ng shower. Dinama niya ang maligamgam na tubig bago nagbihis at naghanda ng almusal.

Walang anumang shooting ngayong araw at mamayang gabi pa ang training niya sa boxing gym kaya hindi siya nagmamadali. Bree prepared a hot green tea for her and some omelette.

Nang pagmasdan ang handa sa counter table, naalala niya si Virgo.

Iyon kasi ang unang almusal na pinagsaluhan nila, mga tasa ng tsaa at omelette.

"Virgo," silip niya ulit sa cellphone na nakapatong din sa counter table.

Pero walang anumang senyales na hinahanap siya ng lalaki.

"Miss Bree Capri?" naulinigan niyang sigaw ng kung sino sa labas.

Iniwanan niya ang pagkain para sumilip sa pinto.

Halos mapatalon siya nang tumunog ang door bell. Sa wakas, napagtanto ng delivery man na may doorbell sa gilid ng gate.

Bree let out a groan and walked through the stone pathway toward the gate.

Nakatayo roon ang delivery man, may dalang kahon.

"Ma'am, package po," anito.

Binuksan ni Bree ang gate para i-receive ang kahon. She signed and her forehead creased.

"From Krista?" angat niya ng tingin dito.

The delivery man just smiled.

Alanganin ang ngiti niya. "Ah, yes, from Krista... We're friends now... just in case... just in case hindi ka updated..."

Matapos i-receive ang package, inuwi niya agad iyon sa bahay.

Kung galing nga talaga ang kahon na binubuksan niya ngayon kay Krista, hindi maganda ang kutob doon ni Bree.

She let out a sigh after successfully tearing off the tapes. Bree rolled her eyes and tore the box open. As soon as she saw the worms, she wildly flung it away from her.

"Ah!" akyat niya sa sofa at pinanood ang pagbagsak ng punit na karton sa sahig.

Damn. Those white worms!

Bukod sa uod, may kasama pa iyong nangsusulasok sa baho na bangkay ng puting kalapati. Nagmantsa sa natitirang puti nitong buhok ang natuyo nang dugo.

"Fuck, this is so cliché!" nandidiring talon niya sa kabila ng sofa at nakasilip pa rin sa karumal-dumal na package. "Napaka-immature talaga ng Krista na iyon!"

She will definitely pay Krista a visit today. Kailangan niyang ipaalam sa babae kung gaano niya na-appreciate ang pina-special delivery nitong package.

.

.

"ARE YOU SURE DITO PA RIN SIYA NAKATIRA?" lingon ni Bree kay Manager Ken.

"Oo."

"Good. Mali kasi 'yung address na nasa delivery slip na kasama nung package. Akala ni Krista, dederetso ako kaagad doon."

"Ikaw, sure ka ba na pupuntahan mo siya?" mataray nitong saad. "I'm sure hindi iyan magugustuhan ni Mr. President mo."

Nalungkot na naman siya. Medyo nagpapasalamat si Bree kay Krista kasi, nawala ang isip niya kay Virgo. Pero heto at naalala na naman niya ang lalaki.

Relax. May mga araw naman talaga na MIA si Virgo, 'di ba? Super maingat siya para walang makahalata sa involvement namin sa isa't isa. That's why he's not calling. I'm sure naka-get over na siya sa pinag-awayan namin kahapon tulad ko.

"Yes, Manager Ken. Kakausapin ko lang naman siya," matiim niyang titig sa bahay ni Krista na isang puting town house na may asul na brick roof. "Kung ayaw niyang kasuhan ko siya sa ginawa niya na parang binibigyan niya ako ng death threat."

"Bree, kung iyon talaga ang intensyon ni Krista sa pagpapadala ng package na iyon, bakit ilalagay pa niya 'yung pangalan niya sa slip," bumitaw ang bakla sa hawak na manibela ng kotse. "I mean, common sense naman na ikapapahamak niya iyon, 'di ba?"

Natigilan siya.

Oo nga naman.

Nasapo ni Bree ang noo. "Diyos ko, ano ba itong nangyayari sa akin?"

"Kahapon ka pa ganyan," puna nito. "Nawala ka rin kahapon sa set, tapos pagbalik mo, parang wala ka na sa sarili mo."

Napabuntong-hininga siya. "Manager Ken, pasensya na... si Virgo kasi."

Napailing ito. "Ano tungkol sa kanya?"

She was not sure if she would let Manager Ken know. It felt absurd to tell him everything. Pero kung naniniwala si Virgo rito at sa tingin ng lalaki ay totoong nagmamalasakit para sa kanya ang manager, hindi ba ito ang tamang oras para tuluyan na siyang magtiwala rito?

Magtiwala na hindi lang pera ang dahilan kaya inaalagaan siya ni Manager Ken. Na hindi ito tulad ng ibang manager na hindi taos-puso ang pag-aalala para sa mga talent nito.

Saka na lang siguro.

She tapped on the dashboard. "Kakausapin ko muna si Krista."

He let out a groan.

Bree smiled at him weakly. "Promise, I'll be nice. Kailangan ko lang siya makausap kasi kung tama ang sinasabi mo, baka may nagse-set up kay Krista para mag-away kaming dalawa. Kawawa rin naman siya."

Tumaas ang isang kilay nito. "Akala ko ba, hate mo siya."

Napayuko siya. "Ganito siguro kapag ikaw na ang nasa itaas... you can't just hate everybody anymore. You just hate everyone when you're below and struggling."

Bumaba na siya ng sasakyan.

Nakiusap si Bree sa security guard na papasukin siya.

"Sorry talaga, Ma'am," anito. "Ayaw magpapasok ng kahit sino si Ma'am Krista ngayon at aalis din siya kaagad ng bahay."

"Aalis? Saan pupunta?"

"Hindi ko pwedeng sabihin, Ma'am."

"Please, sabihin mo na lang sa kanya na ako... ako ang naghahanap sa kanya. Saglit lang ako."

"Ma'am, pangatlong balik ko na po ito sa inyo. Ayaw talaga kayong kausapin ni Ma'am—"

Tumanaw siya sa bahay sa loob. Bukas ang pinto.

Mukhang forever eskadalosa na talaga siya.

"Krista!" galit niya kunwari na tawag. "Hoy, Krista! Lumabas ka rito!" Kumalampag siya sa gate. "Krista! Krista!"

"Ma'am, tama na po. O mapipilitan akong magpaputok," kapa ng security guard sa baril na nasa tagiliran nito.

"Hindi ako natatakot!" panlalaki niya ng mga mata rito.

Nag-aalalang bumaba naman si Manager Ken. "Bree! Ano ba iyang ginagawa mo?"

"Magpapadala ako ng press dito kapag hindi mo ako nilabas!" banta niya. "Maraming reporter! Krista!"

"Bree!" hila ni Manager Ken sa kanyang mga braso.

"Ano ba?" galit na labas ni Krista mula sa bahay. She wore an A-line denim dress. "Ang aga-aga!" lapit nito sa gate.

"Sa wakas, hinarap mo na rin ako," anas niya.

Si Krista na mismo ang nagbubukas ng gate. She stepped out and shoved her. Kung hindi dahil sa pag-alalay ni Manager Ken, nawalan na si Bree ng balanse at natumba. Gulat na napaawang ang mga labi niya habang namimilog ang mga mata.

"Ano?" sigaw nito. "Nandito ka para ipamukha sa akin na nanalo ka na? Masaya ka na, Bree? Masaya ka na dahil ikaw na ngayon ang alaga ni Kaiser? Ikaw na ngayon ang paborito ng management! Alagang-alaga na ang career mo! Ikaw na ang pinalit nila sa akin! Ano masaya ka na? Nandito ka para magyabang!?"

She could not digest everything all at once. Bakit siya ang sinisisi nito? Si Krista ang bumitaw sa mga projects nito. It was Krista who decided on that and gave her all that opportunity! Kaya bakit nagagalit pa ito sa kanya?

Tuloy-tuloy na ang pagdulas ng mga luha sa pisngi nito.

"Alam mo ba kung bakit galit na galit ako sa iyo, Bree?" palahaw nito. "Alam mo kung bakit?" nanhihinang hikbi nito. "Dahil ikaw ang nagdala sa akin sa impyernong ito! Ikaw!"

"Paano'ng ako?" naluluha niyang sagot dito.

Napahawak ang babae sa tiyan nito. "Dahil gawain mo ito, 'di ba? Ang magpagamit sa mga lalaki para sumikat! Para mapansin ng management! Para tulungan nila na makahanap ng mga raket at projects! Ang magpagamit!" iyak nito. "Pinasok mo ako sa showbiz, pinaniwala mo ako na maganda... maganda at masaya maging artista... magkakaroon ka ng pera... sisikat ka... special treatments... iyon pala... alam mo na bababuyin nila ako! Na kailangan ko pa pala magpababoy!"

Umiiyak na bumagsak si Krista sa kanya. Sinalo ito agad ni Bree at niyakap. Humahagulgol na pumalo-palo ang babae sa kanyang braso.

"H-Hindi mo sinabi sa akin... Hindi mo ako sinabihan na ganoon ang dadanasin ko, Bree!"

Her top, close to her shoulder was now soaking with Krista's tears.

A teardrop rolled down her cheek. "H-Hindi ko alam, Krista... Hindi ko alam na ganoon ang dinanas mo..." Hinagod niya ang likod ng ulo nito. She felt Krista's short, smooth hair. "Hindi ko alam na naniwala ka sa akin... at dahil naniwala ka sa akin... napahamak ka."

"It's nobody's fault," wika ni Manager Ken. "Masyado pa kayong mga bata noon, hindi niyo pa kilala kung sino ang tamang mga tao na dapat lapitan."

Hindi nakasagot si Bree sa kanyang manager nang maramdaman ang pagbigat ng katawan ni Krista. Kinabahan siya.

"Krista," tawag niya rito.

No response.

"Krista!"silip ni Bree sa mukha nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top