Chapter 42: Maria Clara

HINDI LUBOS MAISIP ni Bree kung ano ang kalalabasan ng pagsusuot niya sa gown na pinadala ni Virgo kay Greg sa kanya, ilang araw na ang nakakalipas. Nang matapos siya sa pagme-make-up, hinarap ni Bree ang kasuotan na nakalapag sa kama. Suot na niya ang putting sleeveless na kamisa, kaya ang pinatungan na niya iyon ng isa pang kamisa na bell-sleeved na napapatungan ng lace na maganda ang disenyo ng mga detalye. Then, she put on the big skirt of the gown. Palobo iyon at humahalik sa sahig ang dulo ng palda. She had to face the mirror to check how it wonderful it looked.

She looked regal bathed in soft gold clothing with colorful stitched details at the hem of her bell-sleeves and on strategic places of the skirt. Ayon kay Virgo, isa iyon sa disenyo ng fashion-designing student na kaibigan ng kapatid nitong si Libby. Kaya kitang-kita niya sa kasuotan ang pagiging henyo at malikot na imahinasyon ng isang baguhang designer na uhaw sa exposure at hindi pa nalilimitahan ng mga kritisismo o expectations. She smiled proudly and was interrupted by a knock on the door.

"Bree? Tapos ka na ba?"

"Ah!" masayang tungo niya sa pinto para pagbuksan si Manager Ken. "I'll need your help now!"

Napaawang na lang ang bibig ni Manager Ken nung bumungad siya rito. Nanlalaki ang mga mata na pumasok nang bigyan niya ito ng daan.

"How do I look?" ngiti niya rito.

"Diyos ko..." nagdadalawang-isip ito na hawakan ang kanyang mukha. Nag-angat lang ito ng kamay pagkatapos, binawi rin agad. "Ang ganda nung gown... pero ikaw..."

Nag-alala tuloy siya. "Bakit?" Bumalik si Bree sa harapan ng salamin. "Maganda naman, ah?" hilig niya ng mukha.

Nakisilip na rin si Manager Ken. "Oo nga, pero paano ka naging mapanga?"

Napabungisngis siya. "May nakita kasi akong tutorial sa YouTube." She showed off the container of a nose and scar wax. "Here! Ginamit ko para mag-mold ng dagdag panga."

Namilog ang mga mata nito. Kahit bakla si Manager Ken, medyo matanda na ito ng ilang taon kay Bree kaya hindi na nakikipagsabayan masyado sa mga bakla sa generation ngayon na magagaling sa make-up transformations. He knew make-up but not this kind of transforming the whole face with make-up!

"K-Kahit na... how did you do this sorcery?"

Natawa siya. "Practice, Manager Ken. A week of practice!"

Buti na lang talaga at nasingit pa niya iyon sa hectic niyang schedule.

Bukod sa ginawa niyang mapanga ang sarili kaya medyo lumaki tingnan ang kanyang mukha, Bree made her eye brows straight, instead of following her own natural arch. She also put on an eyeliner and longer false eyelashes. Kaya nagmukhang may kasingkitan ang kanyang mga mata. There was an air of snobbish and bored aristrocrat in her latest look.

"Now," upo ni Bree sa tapat ng dresser, "tulungan mo ako na ayusin itong panuelo ko," suot niya sa mala-transparent na yellow gold scarf na katerno ng kanyang kasuotan. "It should cover my nape."

Pumuwesto ito sa likuran niya para ayusin iyon. "Kinakabahan pa rin ako. Baka may makakilala sa iyo."

"Sa hitsura kong ito?" titig niya sa sariling repleksyon bago binalik sa inaayos niyang pin para ma-secure ang panuelo na studded din ng ilang mamahaling beads at crystals. "They won't recognize me. Lalo na at gagamit ako ng wig!"

Ang tinutukoy ni Bree na wig ay 'yung binili niya sa cosplay shop. Kulay blonde iyon at naka-bun nang hairstyle.

.

.

GUNSHOT. THEN IT WAS FOLLOWED by another. And another.

Hanggang sa natapos ang 21-gun salute.

Nakangiting umatras si Virgo at tuluyang nilayuan ang pulpito.

Nang matapos ang seremonyas para sa kanyang inauguration, bumalik siya sa presidential car para maihatid sa Malacañang. Ayon sa tradisyon, kapag nanumpa na ang isang President-Elect iyon na ang nagseselyado sa posisyon nito sa gobyerno. Ganap na itong Pangulo ng Pilipinas. At dapat na mauna ang panunumpa bago hayaan si Virgo na akyatin ang grand stairs ng Malacañang kasama ang pamilya niya bilang pagsisimbulo na sila na ang maninirahan doon.

Nang marating ang Malacañang Palace, sinalubong siya ng mga reporters. Bumakod ang mga tauhan ni Jordan at si Greg para bigyan siya ng daan. Nakaabang na rin malapit sa entrance ang kanyang pamilya— ang inang si Laila at ang mga kapatid na si Leo at Libra. Sa Inaugurational Ball naman daw dadalo ang ate niyang si Ginny kasama ang pamilya nito.

He walked towards them, escorted by top government and military officials of the country. Then, he was left with his family to ascend the grand stairs. Sunod-sunod ang naging pag-click ng mga camera. May mga photographer na ring nakaabang sa taas, sinasalubong sila ng sunod-sunod na shots ng camera.

Hindi magawa ni Laila ang ngumiti. But the polite and innocent smiles in his siblings faces encouraged Virgo to stay calm and smile as well.

Pagkatapos ng sunod-sunod na interview, ang paroon at parito ng mga reporters para makuha ang panig ng mga bisita at local officials na um-attend sa inauguration, pinaalis na ang mga ito ng security at hinatid sa assigned na silid sa Malacañang para sa mga ito. Doon, binigyan ang mga ito ng refreshments at lugar na mapagpapahingaan para maging handa sa gaganaping party mamayang gabi.

Naging abala na rin ang mga organizer sa pagdo-double check ng listahan ng mga karagdagang guests na dadalo sa Inaugurational Ball. Panay ang palabas sa TV ng update tungkol sa event, gayundin ang video ng mga na-interview at ang kasalukuyang preparasyon para sa pinakamalaking salu-salo sa Malacañang. Malakas ang pagtakatak ng mga keyboards sa silid ng mga editor at writers para mabilisang makapag-post sa kanilang blogsites o website ng pinagta-trabahuang publisher ng dyaryo. May mga nagagalak, mayroon namang mga skeptical dahil lugmok na raw sa kahirapan ang Pilipinas, bakit nag-aaksaya ng napakalaking halaga ngayon ng pera para sa isang engrandeng Inaugurational Ball. Bakit hindi na lang sumunod sa nasimulan nang simpleng Inaugurational Reception.

Ilan sa mga katanungan na wala pang malay si Virgo.

Nasa pribadong waiting room ang lalaki kasama ang kanyang pamilya.

Nakahinga siya ng maluwag nang puminid na ang pinto at humalili ang katahimikan sa paligid.

"How are you?" lingon niya sa nakaupong ina at mga kapatid.

"Ayos naman, Kuya," sagot ni Leo. He wore a weary smile, yet dashing in his white barong. "Na-bored lang ako."

Natawa si Libby. "Puro games kasi ang gusto mo."

"Whatever," he slouched, playing a mobile game on his cellphone now.

"Drinks, Ma?" tanong niya sa nananahimik na ina. Glamorosa ito sa suot na pink na Filipiniana.

"No, thank you," sandal nito sa backrest ng upuan.

Pilit tuloy ang naging ngiti niya bago ito lapitan.

"Ma..."

Tumayo na ito at tumungo sa isang shelf ng mga libro. Sumunod si Virgo sa ina.

Her hands smoothly passed on each book spine. Hindi humihinto hangga't hindi natatagpuan ang titulong hinahanap. Malungkot na nagbaba ito ng kamay at napatitig sa hanay ng mga libro.

"Sa mismong pwestong ito ko iniwan 'yung librong iyon..." matamlay nitong ngiti.

"Dito na naman tayo titira, Ma. You'll have all the time to search for that book. Baka may nakabasa lang at nagustuhan din... tapos, sa ibang pwesto na nila nailagay, hmm?" hawak niya sa mga balikat nito.

"Bakit ba..." bagsak ng mga balikat nito, "hindi tayo nakuntento?"

"Don't tell me you're still scared, Ma," he smiled reassuringly as Laila lifted her eyes on him.

"Ano ba ang makukuha natin kapag napatunayan mo na hindi tayo masasamang tao? Paglingkuran mo man ang buong Pilipinas ng tapat, hangga't ikaw ang nasa mataas na posisyon, ikaw pa rin ang masama. Ikaw pa rin ang mamatain nila dahil nasa mas komportable kang lugar... kumpleto ang pagkain sa hapag... may presidential privileges na wala sila... Nauunawaan mo ang kalagayan nila pero iisipin nilang hindi dahil lang sa iba ang estado natin sa kanila."

Ngumiti lang siya. Alam ni Virgo na wala. Wala silang mapapala.

Kaya hindi iyon ang orihinal niyang plano.

.

.

THAT NIGHT, LAILA WALKED AROUND THE RECEPTION HALL. Nakaabang na roon ang mga guests, hinihintay ang pagsisimula ng Inaugurational Ball. Unang parte ng salu-salo ay ang isa-isang pagbati at pakikipagkamay ng mga bisita kay Virgo. Iyon ang dahilan kaya ilang oras lang nagpahinga ang binata. Nang makumpirma ang dami ng guests, walang anu-anong nilisan nito ang waiting room. Maaga itong makikipagbatian para on-time masimulan ang party.

While Virgo was busy with the handshakes and small talks, Laila observed the hall. Kaliwa't kanan pa rin ang balkonahe, kung saan sumisilip ang hanay ng kumikislap na light fixtures. Sa pinaka-sentro ng kisame ng bulwagan ay ang mas malaking chandelier. Hinanap ng mga mata nito ang larawan ni Aries, kahanay ang portraits ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas. Nang mahanap ang sadya, nanatiling nakatingala doon ang ginang. Titig na titig.

Hindi kayang itago ng mga mata nito sa larawan ng asawa ang pangamba. She knew her son but at the same time she didn't— it was the feeling looming all over her upon knowing what her son could do. Her son could do the most unexpecting things. Things nobody could figure out.

Even her.

"Madame."

Napalingon si Laila sa tumawag dito. She was welcomed by Mayor Cheska's warm, delicate smile. Nakasuot ito ng puting Filipiniana— short sleeves puffed, a sweetheart neckline and pink, glittery embellishments. Naka-low bun ang buhok nito.

"Hi," pinasigla nito ang tinig. "Have you greeted my son already?"

"Hindi pa po," ngiti nito. "I am just wondering if kayo po ba ang isasayaw ni Presidente mamaya sa Rigodon De Honor."

Something made her heart sink. "Rigodon De Honor..."

That dance... was one of her favorite dances.

Bago tuluyang pinalitan ng kasimplehan ng Inaugural Reception ang pagiging engrande ng Inaugural Ball, naranasan iyon ni Laila.

Aries would make sure that she would be the best-looking woman in the whole gathering, gather every famous fashion designer in the country, scout overseas for the most precious jewels, just to parade her around by her husbad in that dance.

She would shine. She always shone. Aries always made Laila feel that way.

Napangiti na lang ang ginang. "I don't know, hindi naman nabanggit ng anak ko na isasayaw niya ako. Pero kaya ko namang makisabay."

Cheska's smile weakened, she still politely nodded. "So how are you? I hope hindi masyadong naging tiring ang preparations para sa event. It's unusually hot outside by the grandstand."

"Hay..." buntong-hininga nito. "Sinabi mo pa. Akala ko nga hihimatayin na ako sa init."

.

.

.

MAG-A-ALAS-SIYETE na nang marating nila Greg ang Malacañang Palace. Nilingon ng driver si Bree na mag-isa lang sa backseat ng pribadong sasakyan ni Virgo. Napatanga saglit bago nakahuma ng sasabihin sa kanya.

"Tatawagan ko lang saglit si Presidente, Ma'am," anito bago naging abala sa cellphone.

It felt so weird, to hear people, even Greg, call Virgo Presidente.

Tumanaw siya sa black tinted window ng sasakyan. She was indeed going inside a palace. Dinama niya ang tela ng suot na damit. The skirt was made a little bulky by the intricate stitching and shiny beads.

Napangiti siya.

Napaangat siya ng tingin nang marinig si Greg.

"Yes, Sir, nandito na po kami."

Silence.

"Okay po."

Binaba nito ang cellphone sa dashboard at muling umandar ang sasakyan.

Saan kaya siya papapasukin ng lalaki? May secret passage ba sa Malacañang? May underground pass? May secret elevator? O baka naman sa back door niyon?

Huminto ang kotse sa tapat ng mismong entrance ng palasyo.

Napalunok siya.

Sa main entrance?

Pumaling ang ngiti niya.

Pinagbuksan na siya ni Greg ng pinto. Sumilip muna siya at naghihintay na alalayan din ng lalaki pero hindi ito naglahad ng kamay. Tumanaw ito sa hagdan kung saan pumapanaog na si Virgo. Bree peeked and could not help smiling.

He was a magnificent specie, an irresistible splendor of a man— dignified in his white Barong and clean, black slacks. A Philippine flag brooch was on his chest. His hair swept nicely.

Tumango ito kay Greg, nagpasalamat bago yumuko ng kaunti para alalayan siya sa pagbaba ng kotse at silipin na rin siya ng kaunti.

Sumalubong ang pagbagsak ng panga ng binata sa kanya. Pigil ni Bree ang mapangisngis.

"Don't worry, ako talaga ko," lapit niya na dahilan ng gahiblang distansya ng kanilang mga labi.

He smiled wider, gaining the confidence that he's holding the hands of the right woman— the woman he really invited.

"You're really a good actress," he murmured, hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi nito. "And you're gorgeous... It's just that... I miss the Bree face."

"Of course, I'm a good actress and still gorgeous," natatawang harap niya sa entrance. "Let's go, Mr. President. Baka hinihintay ka na roon ng mga bisita."

At sabay nilang inakyat ang grand stairs. Hindi maiwasan ni Bree na maglikot ang mga mata. First time lang niyang makapasok sa Malacañang, ang makaapak sa pula nitong carpet na nakalatag sa hagdan. Nasilayan niya ang mga paintings na nakabitin sa balkonaheng pumapalibot sa grand stairs.

As they arrived at the Reception Hall, they were welcomed by the sparkling chandeliers, a line of portraits of preceding presidents of the country lined on the walls, vases of colorful flowers and people.

Lots of people in their formal Barong and Filipinianas of different fashion, color and designs.

"Everything is so glamorous here," she could not help murmuring.

Titig na titig lang sa kanya ang nakangiting si Virgo. "What did I tell you? Your world and my world... we're not so different... you and I."

Hindi naman maalis ang mga mata niya sa mga tao. Halatang tumigil ang mga ito sa pakikipagdaldalan o pakikipagkamustahan sa mga kasama nang mapansin ang presensya nila. Virgo gently released her hand and placed his hand behind her waist. His palm pressed against her lower back. Hinawakan ni Bree ang sariling mga kamay, maingat na nilapat iyon sa bandang kandungan ng suot na palda.

She displayed a soft smile on everyone.

Siyang alalay sa kanya ni Virgo para lapitan na ang mga ito.

Karamihan sa mga nadadaanan nila ay bumabati o tumatango. At tinutugon naman nila iyon ni Virgo.

Most women lean on their friends and began whispering to each other.

"Isn't she too extra?"

"Overdressed."

"But admit it, ang ganda niya."

"This is a formal party. Is she going to attend a pageant?"

Nahigit niya ang paghinga.

Bree just thought she could add a little crown on her head. Oo nga pala, political world ang involved sa dadaluhan niyang party. Hindi showbiz.

Lumapit si Virgo sa isang lalaking naka-Barong din at sinabihan ito na sisimulan na ang Rigodon De Honor. Then he turned to her, taking her hand.

"I already taught you how this dance is done, right?"

These past few weeks, Virgo did. So Bree nodded.

Lumapad ang ngiti nito. "Then, show me what you learned."

At hinayaan niyang igiya siya ng lalaki sa kalagitnaan ng hall na iyon nang mahawi na ang mga tao. Nakabuntot sa kanila ang mga opisyal sa military na matataas ang ranggo, kasama ang mga kabiyak nito. Gayundin ang ilang mga senador na na-assign para makiparticipate sa sayaw.

The main purpose of a Rigodon De Honor is to introduce a man and his partner. They would walk around, dance in squares and exchange bows or curtseys. Magiliw na ngumiti si Bree sa makakatapat na mga opisyal, nagku-curtsey bago iangat ulit ang kanang kamay para hintayin na gagapin iyon ni Virgo. He would hold her hand everytime they would resume their initial position of standing side by side. May mga choreographer din na uma-assist sa kanila, binibigyan ang mga partisipante ng sayaw ng cue kapag hahakbang na pasulong.

Her heart stopped when she met Cheska.

Ngumiti ang babae at nag-curtsey. Nag-aalangan na ngumiti rin siya rito at nag-curtsey.

God, kung alam lang niya ang mga kabaliwang pinagsasasabi ko noon kay Virgo patungkol sa kanya. Nakakahiya.

Hindi rin mapigilan ni Bree na sundan ng tingin si Virgo. Hanggang sa makatapat na nito si Cheska. He bowed and she curtseyed. Tila may sinabi ang babae na nginitian lang ni Virgo. Dahil sa saliw ng tugtog siguro kaya wala nang oras ang lalaki na sumagot. Lumakad na ito palagpas kay Cheska at bumalik sa kanyang tabi.

"She asked who you are," tila basa ni Virgo sa katanungan sa kanyang isip.

Hindi siya makatingin sa lalaki. Nakasunod ang mga mata niya kay Cheska na nakabalik na sa tabi ng tito nitong si Senador Owen Fidel. Nasalo ng babae ang kanyang titig, ngunit hindi tinugon ang kanyang ngiti.

After the traditional Rigodon De Honor was the ballroom waltz where everyone can dance with anyone. As Virgo held Bree within his arms, that's when she began to slowly lighten up.

Tiningala niya ang lalaki at pinagmasdan.

"How's your day?" malambing niyang tanong habang pinipilit nilang sabayan ang saliw ng musiko mula sa orchestra.

He smiled, his handsome glory backgrounded by the glittering lights... similar to how the stars did when they had sex on the deck of Constallacion. She could not help blushing at the reminiscent of that memory.

"Much better now."

"Ano'ng oras mo planong umalis sa party? Baka kasi ma-enjoy ko... lalo kang mahirapang matulog ng maaga. Dito na kayo titira, 'di ba?"

"Yeah," anito. "Pero sa bahay pa rin ang uwi namin. Ngayon lang kasi ako allowed na umakyat sa grand stairs ng Malacañang, so... hindi pa ako nakakapili ng kwartong gagamitin dito... o nagpapadala ng mga gamit namin dito."

Gusto niya sanang tanungin ang lalaki na paano na ngayong sa Malacañang na ito titira? Hindi ba magiging mas challenging ang pagkikita nila?

Bree just lowered her head and noticed her beautiful gown.

"Ano... salamat pala dito sa... sa Maria Clara gown," she laughed softly. "Imagine, ako... tapos Maria Clara gown ang suot. Ang layo-layo ko naman sa pagiging Maria Clara... parang feeling dalagang Filipina at virgin lang ako, eh no."

"Bree..." he laughed in his gently scolding tone, "here we go again..."

"Oh, I am sorry... this is your night... Mr. President."

Nakaramdam na naman siya ng pagkapahiya. Her crippling insecurities were showing. She didn't mind about that ugly truth about her before... But for some reason, she wanted to change it now.

For Virgo.

"No," hinto nito sa pagsayaw at ginagap ang isa niyang kamay. "Come with me."

"Hindi, Mr. President. I am alright, I swear."

Tinitigan siya ng lalaki sa mga mata, tila kinakalkula o pinag-aaralan siya. Tumango lang ito at tinuloy ang pagtangay sa kanya paalis sa Reception Hall na iyon.

Nagpahila siya sa lalaki. Dama ni Bree na sinusundan sila ng tingin ng mga tao, pero mabilis siyang nadala nito sa isang tahimik na pasilyo. Virgo knowingly eyed on every door and stopped in front of a familiar one.

Tinulak iyon ng lalaki pabukas, sumilip. Then he pulled her in it.

Narinig ni Bree ang paglapat ng pinto pasara habang nakatayo siya at gumagala ang paningin sa bawat bookshelf sa library room na iyon. Halos takbuhin iyon ni Virgo, iniisa-isa ang mga aklat hanggang sa balikan siya nito at alalayan paupo sa isang solohang sofa.

Tiningala niya ang lalaki na umupo naman sa armrest niyon. Binuklat nito ang libro at naghanap-hanap. Hinilig ni Bree ang ulo.

Noli Me Tangere.

Inipit ni Virgo ng kamay ang libro. He placed an elbow on his knee and met her gaze.

"Did you know the allegation in the novel that Maria Clara was raped?"

Naningkit ang mga mata niya.

"She went crazy after that. Who wouldn't?"

"Mahinhin siya," his gaze went deeper into her eyes, "at hindi iyon dahil sa natural siyang mahinhin. Because she can be pretty childish and immature, nakikipagharutan sa ilog kasama ang mga kaibigan niya. Malakas tumawa. It's just that she has no confidence with her natural charms... with her smarts. She depends on other people's decisions for her. She could not even hold a gaze with everyone she meets, except with the people she's close with."

Binuklat na nito ang aklat. "Another proof that Maria Clara doesn't give a damn about being an ideal woman is this—" abot nito ng libro sa kanya.

Hindi alam ni Bree kung anong edisyon iyon ng Noli Me Tangere, pero luma na ang aklat na tahi ang pagkaka-bookbind at naninilaw ang mga pahina.

Virgo prodded her to take a look. Tinanggap niya ang libro at binasa ang tinuturo nitong linya:

¡Nang buháy pa siyá'y macapag-aasawa acó ... inaacalà cong magtanan pagcatapos... waláng hináhang̃ad ang aking amá cung di ang pakikicamag-ánac! Ng̃ayóng patáy na siyá, sino ma'y hindi macatatawag sa aking esposa ... Nang buháy pa siyá'y mangyayaring acó'y magpacasamâ, málalabi sa akin ang sayá ng̃ loob sa pagcaalam na siyá'y buháy pa at marahil maaalaala acó; ng̃ayóng siyá'y patáy na ... ang convento ó ang libing̃an.

Her heart pounded louder as she re-read that line:

Nang buháy pa siyá'y mangyayaring acó'y magpacasama...

"It's a beautiful novel," wika ni Virgo habang nakatitig pa siya sa aklat.

"Paano magiging maganda? Pinagsamantalahan siya, akala niya namatay si Ibarra, walang naniwala sa kanya na ni-rape siya, nabaliw siya..."

Naluluhang tiningala ni Bree ang binata.

He granted her an understanding smile. Virgo showed her the last part of the book:

Ang sabi'y may humaráp na isáng monjang basáng basá at punít-punít ang suot na hábito, tumatang̃is at isinumbóng ang cakilakilabot na mg̃a cagagawan at hining̃ing siyá'y tangkilikin ng̃ tao laban sa mg̃a catampalasanan ng̃ pagbabanalbanalan. Ang sábihan din namá'y totoong cagandagandahan ang monjang iyon, na may mg̃a matáng ang cagandaha't catamisa'y walâ pang nakikitang macacawang̃is.

Hindi siya inampón ng̃ kinacatawan ng̃ may capangyarihan, nakipagsalitaan itó sa abadesa at iniwan ang monjang iyón at hindi pinakinggán ang canyáng mg̃a samò at mg̃a luhà. Napanood ng̃ monjang sinarhan ang pintô pagcalabás ng̃ tao, na gaya marahil ng̃ panonood, ng hinatulang magdusa, ng̃ pagsasará sa canyá ng̃ pintuan ng̃ lang̃it, sacasacali't dumating ang araw na maguiguing casing bang̃ís at mawawalán ng̃ damdamin ang lang̃it na gaya ng̃ mg̃a tao. Ulól daw ang monjang iyón ang sabi ng̃ abadesa.

She heard Virgo speak again. "At nung nabaliw, tumapang siya... nagsumbong... Pero natakot ang mga tao sa tapang niya, pinalagay na kabaliwan lang niya iyon."

Nanginig ang kanyang mga kamay, pigil ang sariling mga luha. She had the full confidence to be open and vulnerable to Virgo, to cry her heart out to him. But she was wearing a make-up that should keep her true image concealed.

Her red lips shuddered. At hind iyon nakaligtas sa matiim na titig ng binata.

Yumuko at inangat ang kanyang baba. Taimtim ang pagkakatitig ng mga mata nito sa kanya bago gumuhit ang matamlay na ngiti.

Virgo lowered his head to press a soft kiss on her lips. Maingat ang lalaki na hindi rin masira ang kanyang make-up. Then she felt him froze. Napamulat si Bree ng mga mata nang maghiwalay ang mga labi nila.

Magkatapatpa rin ang kanilang mga mukha, peronakatutok ang mga mata ng lalaki sa tao sa pinto— si Mayor Cheska Fidel.

.

.

.

***
AN

Good evening, everyone! <3 <3 <3

Ngayon lang nakapagpost ng UD, medyo distracted~ hahaha XD But here we go with today's 3-Chapter update... Enjoy!

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top