Chapter 27: Sealed

"ANO'NG GINAGAWA MO RITO?" mataray na pa-welcome ni Bree kay Krista nang pagbuksan ito ng gate. Sinadya niya taasan ito ng kilay.

Krista stood before her, wearing a 50s-inspired halter dress with sweetheart neckline. Kulay light blue iyon na may nagkalat na pattern ng berdeng dahon at pulang mga rosas.

Maikli ang buhok ng dalaga na mukhang half-ponytailed dahil sa gamit nitong hair pins.

Malapad na ngumiti ang mapulang mga labi ni Krista.

"As you can see, I brought something for you," angat nito sa hawak kahon.

"You brought what?" pamewang niya. "A box full of roaches? A box with a dead rat in it chewing your hand-written dead threat?"

"Ew," maarte nitong paikot ng mga mata, "gross, Bree. I know you're dirty but... gross?" Maarte pang tinaas at pinilantik ni Krista ang mga daliri sa malaya nitong kamay kasabay ng pagre-react ng ganoon. "Can't you read?" taas ulit nito sa hawak na kahon.

May tatak ang kahon ng bakeshop na pinagbilhan ng babae ng egg pie.

Bree just scoffed. "An egg pie?" titig niya sa mga mata nito. "Giving me something cheap, huh?"

"Oh," pekeng gulat ang pinakita nito, at halata iyon ni Bree. "Cheap huh? Nagbago ka na nga talaga. You used to love this. Nung nagsisimula ka pa lang."

Her face slowly softened.

"Aw," Krista continued. "The humble beginnings of Bree... When she can't afford a good cake, kaya masaya na siya sa isang slice ng egg pie galing sa bakery."

Inalis niya ang pagkakatitig sa kahon ng egg pie.

"I'm giving you this," Krista extended a hand to hand the box over to her. "Your consolation prize for coming second place, for Forbidden." Ang sarap tampalin ng babae dahil sa kalakip na ngiti ng mga pinagsasasabi nito sa kanya. "And maybe, you should get used to eating egg pies again."

Hindi na nakuyom ni Bree ang kamao. Kung ginawa lang niya siguro iyon, nakapagtimpi pa siya. Pero pinangunahan siya ng pagpapalipad ng kamay sa mukha ng babae para tampalin ito.

"Salamat sa effort," hablot niya sa buhok nito kaya maarteng napadaing ito. "You've come all the way here, para lang makalbo kita! Should have gone to a parlor instead!"

"My hair— Bree! You bitch!" hawak ng isa nitong kamay sa kamay niya para alisin sa buhok nito.

Krista looked more pathetic and unable to fight because of the box her other hand was holding. Hinablot iyon ni Bree at pinalo ang kahon sa mukha nito. Egg pies began tumbling down and Bree caught some to squish on Krista's face.

Nanlalaban na pinagpapalo na siya ng babae ngayong wala na itong hawak na kahon.

Nagmamadaling sumaklolo sa kanila si Manager Ken. Lumabas naman mula sa kotse ang babaeng manager ni Krista at ang driver nito para makiawat.

"You bitch!" tili ni Krista na gapos na sa bewang ng driver para mailayo sa kanya.

Tumigil na naman si Bree sa pananakit dito nang humarang sa kanya si Manager Ken. Medyo naawa siya sa manager dahil nasalo nito ang ilan sa mga hampas at pangangalmot ni Krista. Pero napawi ang awa dahil sa mukha ng babae. She could not help grinning upon seeing the black spots and white pie staining Krista's face and clothes. Medyo nadumihan din ang roba niya, pero mas malala ang kinalabasan sa bwisita niya.

"Sige! Ngumiti-ngiti ka lang ng ganyan! Let's see what can happen to your career once I talked to the management about this."

Natatago man ng mayabang niyang ngisi ang tunay na saloobin, hindi maikakaila ni Bree sa sarili na nangamba siya. Posible naman kasi na makausap ni Krista ang management ng network nila. Bakit hindi? Malakas naman ang kakumpitensya niya sa mga ito. Si Direk Karlos nga na hindi naman under ng network nila, nabago nito ang isip tungkol sa pagkuha sa kanya bilang bida sa Forbidden, 'di ba?

What more with their management? Dahil isa si Krista sa mga in-demand na talent ng network, sigurado siya na makukuha ng babae anuman ang gustuhin nito. She could even threaten them to never sign another contract or she would only take a minimum number of projects if she didn't get things her way.

Tinanaw na lang niya ang pagpasok ni Krista sa naghihintay na kotse. Masungit na tinabig nito ang kamay ng driver na aalalay pa sana rito. Sumunod ang manager ni Krista.

"Bree," tabi sa kanya ni Manager Ken, nakatanaw na rin sa paalis na mga bisita, "that's so immature of you."

Mabilis na humarurot paalis ang sasakyan. Hinintay ni Bree na tuluyang mawala iyon sa paningin.

"I know," she sighed. "Pero hindi mo matataboy ang babaeng iyon kung idadaan mo lang siya sa salita. I just want her to go away already." Pipihit na sana siya pabalik ng bahay nang may malagkit na nasagi ang kanyang mga paa.

Nakita niya ang naninikit na durog na egg pie sa pink at mabalahibo niyang bed slippers.

Bree squatted with her knees pressed together as her fingers felt the sticky texture.

She stared at the mess the squashed egg pie made on the ground in front of her, and felt tears brimming in her eyes. It was as if she could hear two happy girls giggling while having their own slices of that cheap egg pie.

Time to celebrate! masiglang anunsyo ng isa sa kanila bago kumain.

Doon sa mumurahing bakery na iyon na nagluluto ng maliit nilang pakonswelo sa kakarampot na sweldo sa pag-extra— egg pie.

They were two girls who used to dream together.

One treated the other like her sister.

Her smile was conflicted. It was a beautiful memory, but the harsh, money-less past Bree didn't want to go back to.

.

.

"DON'T YOU THINK HE HAS A POINT?" ani Jordan na prenteng nakaupo sa visitor's chair.

Nakapatong lang ang siko ni Virgo sa ibabaw ng swivel chair niya. Nakatayo siya at sinipat ang oras sa suot na relo. Sa mismong kamay din na iyon niya hawak ang may sinding sigarilyo.

Nakikipagkwentuhan siya sa pinsan habang hinihintay na sunduin siya ni Greg. Pupunta kasi sila sa Silver's Mall ngayong gabi.

"Do I have time for that?" magaang sagot niya sa pinsan.

"I know, you're a busy guy, eh?" panlalaking de-kwatro nito. "Kaya pwede mong ipaubaya sa akin ang paghahanap sa First Lady."

He scoffed. "Really? Masyado ka na namang nakikialam."

"I get it," he smirked, side-glancing at him. "You'd rather sneak around, hm? With Bree?"

"Shut up," hithit niya ng sigarilyo.

"Don't tell me, you're still playing around with her. Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Why? Is she ignoring your invites lately?" buga niya ng usok bago nginisihan ang pinsan.

Tumalim ang titig ni Jordan pero naka-plaster pa rin ang ngisi sa mga labi.

"Not cool."

"What's not cool?" relaxed niyang tuwid ng tindig. "Us sneaking around? Or my cousin trying to be my Judas?"

"As if you're serious with her," Jordan shrugged as he slouched deeper on his seat.

"None of your business again."

"Like what I was saying," pagseseryoso na nito. "Maganda iyon para sa image mo, pinsan. Marry a decent woman. Make her First Lady, at makukuha mo lalo ang loob ng mga tao. Lalo na ang mga babae. You'll make them think that you have a wife, so you also understand their issues. Simple politics."

"Wala pang katiyakan na mananalo ako sa eleksyon," lingon niya rito. "Kaya bakit iyan na ang iniisip mo, Jordan?"

"Bullshit. Kailan pa naging pang talunan ang mindset mo? Losing is not an option alright?" Then, resuming the original topic, "Huling chance mo na ito. Start dating someone. Sino bang matunog ngayon na celebrity?" Jordan rubbed his chin and fell into a light contemplation. "Yung may mga sinusuportahang causes dapat. 'Yung role model."

Tinapik niya ang balikat nito bago sumulyap sa bintana. Nakita niya ang pagpasok ng itim na kotse sa gate.

"I'm going," paalam ni Virgo at dumeretso na agad ng labas mula sa office room na iyon.

Wala nang nagawa si Jordan na hinatid na lang siya ng tingin bago nasaraduhan ng pinto.

.

.

PASARA NA ANG SILVER'S MALL, kaya pumunta si Bree sa park grounds nito. The trees loomed over her, both silhouette and shadows. Nakapaikot kasi ang mga ito sa open space ng grounds na iyon na nalalatagan ng bricks. May ilang parte niyon na madamo, lalo na sa pambatang slide at obstacle course. Mangilan-ngilan na lang ang tao sa malapit na café, pero mas pinili niyang umupo sa isa sa mga benches niyon.

Nilabas niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot na hoodie. She checked, but there were no messages. Napabuntong-hininga na lang siya.

Nagpalit na naman siguro siya ng number. Pero bakit ang bilis niyang nag-dispose ng sim card this time? nakasimangot na balik niya niyon sa bulsa.

Hindi kasi nito sinasagot ang mga tawag at text niya, kaya nagsabi siya na maglilibot-libot din sa Silver's Mall. Na naka-hoodie rin siya. Na kailangan niya itong makausap kahit saglit lang. She was hoping that although he could not reply, he would still be able to get her message.

Pero base sa nangyayari ngayon, parang walang natatanggap ang lalaki.

Uuwi na lang siguro siya.

Pagtayo ni Bree, may natanaw siyang lalaki sa kabila ng park grounds. He descended the stairs and seemed to be staring back at her too. A man subtly touched by the hall lights and the yellow ones from a nearby café. Wala sa loob na sinalubong niya ito hanggang sa magtagpo sila sa gitna ng park grounds ng mall.

She lifted her head and saw Virgo's face underneath the hood, slightly shadowed but his perfection stands out against the limited lighting. Halos nagpapatayan na ang mga ilaw sa paligid dahil pasara na ang mall.

"I had to sneak away from Greg," matiim nitong titig sa kanya.

Masaya siya na natatanggap pa rin ng lalaki ang mga mensahe niya kanina.

"Dito ko gusto makipagkita kasi baka may makahalata kung bakit napapadalas sa bahay ko 'yung kotse mo," paliwanag niya.

"Understood," he smirked, lowering his eyes.

Naramdaman ni Bree ang paghagod ng kamay ng lalaki sa kanyang bewang. Huminto iyon sa likuran ng kanyang balakang para hapitin siya palapit sa katawan nito, padikit sa dibdib nito. Their nearness was breathtaking. The heat of his presence made her restless. But on the exterior, Bree had to be the great actress she was— so cool and composed. Even if her eyes and smile were slightly slipping out the truth, betraying her act.

Napatingala siya kay Virgo habang naglalapit ang mga mukha nila at tuluyang natatakpan ng anino ng suot nilang mga hood ang mukha ng isa't isa.

"So why come all the way here?" he tenderly crooned, his eyes fantasizing her lips.

"Because I have already made a decision about your offer," aniya.

"I figure it's a yes," titig nito sa mga mata niya.

His eyes shone through the darkness of the shadows around them— like a metallic, black pearl seizing her gaze like a trap. Nakaramdam siya ng pagpiksi sa dibdib. Hindi makapaniwalang napaawang ang mga labi niya.

"You won't bother to let me know if it's a no, right?"

"Yes," she breathed out. Noon lang niya napagtanto na parang kakapusin siya ng hininga sa paglalapit ng kanilang katawan tulad nito.

"They must have hurt you so bad," haplos nito sa kanyang pisngi. His touch was slightly rough, lingering and tender. "So bad, you agreed to this."

"Matutupad mo ba talaga ang pinangako mo sa akin?" titig niya rito. "Makukuha mo ba talaga ang TV network na pinagta-trabahuan namin ni Krista? Baka naman sinasabi mo lang iyan para makuha kung ano ang gusto mo sa akin."

He grinned. "I have to, Bree. Not just for you. It's for the two of us."

Fear slowly crept across her heart.

"Both of us?"

"Ang media ang nanira sa ama ko," he devilishly sneered before spreading a smirk across his dangerously handsome face. His eyes sparked with raw, dark intent. "And I am sure, ang media rin ang lumapastangan sa iyo. Makatarungan kung ipapakita natin sa kanila na nagkamali sila ng mga taong kinanti, 'di ba?"

She should have been enveloped by fear. She should have stepped backed and second guessed. But maybe, Bree was already tired of being the nice girl here.

It was time for them to fight back.

Ngumiti na rin siya.

"That's the smile of a winner," he throatily groaned as Virgo lowered his head.

"They're so biased, Virgo..." she softly complained that made him chuckle lowly.

"Don't worry. We'll get them," he promised.

Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Magaan ang naging halikan sa ilalim ng anino ng mga nagtataasang puno na pumapalibot sa kanila.

.

.

.

***

.

.

.

NASA LOOB NG PRIBADONG DINING ROOM ang ilan sa mga executives ng TV network na pinagta-trabahuan ni Krista. Naroon din ang head ng News and Public Affairs. Prente ang dalaga sa pagkaka-de-kwatro, nakasuot ng fishnet stockings sa ilalim itim na tube dress na humahapit sa kurba ng katawan nito. Malayang nakaladlad ang buhok ng babae, medyo nababagot sa takbo ng diskusyon sa silid na iyon.

Katabi nito si Kaiser Peralta, ang kasalukuyan niyang permanenteng kaibigan. The label was a bit conflicting to understand— kaya sa madaling sabi, ito ang madalas na kasama niya sa pagpaparaos. He was an executive of the TV Network, with concerns in making sure their family legacy continues. Ilang henerasyon na ba ng mga Peralta ang napagpasahan ng ownership ng TV Network? At si Kaiser Peralta, sa edad na 68, ang pinakamatagal na nag-handle dito.

"Sigurado ba kayo na nilimitahan ninyo ang air time ng mga ads ni Senator Virgo?" He sounded flat and controlled, which only added an air of tension in that table.

"Yes, Sir, "sagot ng head ng News and Public Affairs ng kanilang network. "Kinausap nga rin namin ang campaign manager niya. May bagong ad na naman kasi sila na gustong ipa-air. I tell you. It's a really good one. It could pin his win this election. Pero hindi ko pinayagan na ma-approve iyon. Isang ad lang mula sa kanila ang ie-ere ng network natin ng paulit-ulit and that's it. That's what I told him."

"Then," Kaiser's stare was cold, "why does he keep getting a good standing?" His wrinkled hand slightly slid on Krista's thigh. Umakyat ang kamay nito at humawak sa tuhod ng babae. Sanay na ang dalaga kaya walang emosyon na tumitig sa kamay ng ginoo.

"I assume it's the campaign online, Sir," wika ng isa sa mga kasama nila sa silid na iyon. Isang babae na nasa late thirties na nito na naka-semi formal na dress at blazer. What made her look too formal was how high her hair was tied to a bun. "Let's admit it, nowadays, mas hooked na ang mga tao sa internet kaysa sa TV. Kaya kahit na konting air time lang ang binibigay natin para sa TV ads ni Senator Virgo, nakakaabot pa rin ang presence niya sa maraming tao dahil sa internet. Hindi pa kasama doon 'yung mga posters at flyers at personal na pagbisita niya sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas."

"The devil really works hard," sarkasmo ang nalalasahan ni Kaiser mula sa bibig nito.

"You can say that, Sir."

"Then what the fuck did I hire you all for if you can't incinerate that devil to the hell where he belongs?" he spoke under his breath coolly, but that made it more threatening for everyone sitting around that table.

Tumindig na ang ginoo para iwanan ang mga tao sa silid na iyon. It was not the physical effects of his age— his white hair and his slouched lanky feature— that made these people respect him. It was the intimidation because of how powerful he presented himself— the sharp, decided gaze, the formal clothes that fitted him to perfection, how he used his age to define expertise and wisdom, and how fatal his words pierced its listeners.

Halos kaladkarin ni Krista ang sarili para lang makasunod dito. Inaantok kasi ang babae sa ganoon kaseryosong mga diskusyon. Pero obligado na sumama dahil para siyang stress ball ni Kaiser na pinipiga-piga at himihimas-himas ng patago sa mga hita o tuhod. Dinampot nito ang coat at sinuot para magmukhang disente.

Tahimik ang hallway ng hotel nang masabayan nito si Kaiser sa paglakad.

"Bakit ba masyado kang threatened kay Senator Virgo?" tanong nito dala lang ng kuryosidad. Isa pa kasing segundo na hindi ito magsalita, siguradong ikababaliw na nito.

"Dahil sigurado ako na babagsak ang TV Network sa oras na maluklok siya bilang pangulo," buong tiwala nitong disclosure kay Krista.

Natawa ang babae. "My God, don't tell me naiisip mo tutuparin niya ang deathwish ni Aries Ferdinand! Na ano? Gawing empire itong Pilipinas? Para pamilya lang nila ang magsasalin-salin ng pwesto bilang presidente?"

Hindi nilingon ni Kaiser ang babae.

"And how will that affect your TV Network?" pamulsa ni Krista ng mga kamay.

"He'll ban us."

"Prrft! Paano naman niya magagawa iyon? I'm sure malaki ang kinikita ng network ninyo. Manghihinayang ang gobyerno kapag nawala ang pinakamalaki magbayad ng tax sa kanila."

He turned and snapped at her. "Wala ka talagang alam, ano?"

Napanguso na lang si Krista, nagtaas ng kilay.

.

.

***
AN

Good evening, everyone! Welcome sa panibagong Chapter ng #Slide !!! <3 Enjoy reading and kitakits bukas at sa Sunday para sa kasunod na mga updates!

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top