Chapter 23: A Piece Of Her Past
HINDI ALAM NI BREE KUNG SAAN MAGSISIMULA. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakaupo sa pasilyong iyon. Katahimikan ang namamagitan sa kanila ni Virgo.
Nagnakaw siya ng tingin sa lalaki. Why would the future president of the Philippines be sitting here beside her? On an empty hallway? Nakaupo sila sa carpeted nitong sahig, nakasandal sa pader na kahanay ng ilang mga pintuan ng silid na walang mga gumagamit, dahil wala namang lumalabas-pasok doon.
Pinaglalaruan ng kamay ng lalaki ang stick ng sigarilyo na hawak nito. Nakapatong ang braso sa nakataas na tuhod. Hindi nito alitana kung nakasuot ng mamahaling suit habang nasa ganoong posisyon.
Virgo turned to her. Alam niyang pinag-aaralan siya ng lalaki. Hindi naman denial si Bree na obvious sa mga mata niya na naiiyak siya. Tumingala siya. Nahigit ang paghinga.
"Hindi makakatulong iyan," basag nito sa katahimikan. "You can't stop feelings when they want to show."
Pinilit pa rin niya na pakalmahin ang sarili.
"You have to let go of the tears."
"Ano ba ang ginagawa mo rito?" lingon niya sa lalaki. "No one should see us here."
"I'm here to ask you that," matiim nitong titig sa kanya. "Nandito ako dahil nag-lunch meeting kami ng mga kapartido ko."
Umiwas na lang siya ng tingin sa lalaki. Tinaas ni Bree ang mga tuhod para mayakap ang mga binti.
"May kinausap lang ako."
"Who could that be," he breathed out. Sinandal na nito ang likod ng ulo sa pader.
"Krista."
Lumingon ito sa kanya. "Krista?"
"She's famous. Dapat kilala mo siya," mapait niyang iwas ng tingin dito.
"Why would a girl make you cry?"
"Hindi pa ako umiiyak."
"You're about to."
She released a heavy frustrated sigh. "Galit ako. Sobrang galit. Nakakainis dahil nakakaiyak ang sobrang galit. Hindi dapat ganoon kapag nagagalit ang isang tao."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "You think so?"
Nakipagtitigan na siya kay Virgo. "Iwanan mo na lang ako dito. Baka hinahanap ka na ng mga ka-lunch meeting mo."
Mahina itong tumawa. "I'm on a break from them. It's not like you to worry about me," may himig panunukso iyon.
"I am not worried about you," iwas niya ng tingin sa lalaki. Kung bakit parang nahihiya siya, ewan. Mas occupied ang isip niya ng problema kay Krista kaysa sa nararamdaman para kay Virgo ngayon.
"Eh 'di huwag kang makialam kung may mga maghanap sa akin o wala."
"Baka makita nila tayo."
"You really never relax," he sounded amused, staring at her with a hint of wander behind his concern.
Yumuko siya. Napagtripan na kutkutin ang kinauupuang carpet.
"Akala ko," hindi rin niya napigilan ang hindi mapakwento, "makukuha ko na 'yung big break na ilang taon ko nang pinagta-trabahuan, Mr. President."
"You got a movie offer? You're finally a leading character in a movie?"
"Sana," matamlay niyang sagot. She was plucking the carpet carefully with her delicate fingers. "Dapat..."
"And this Krista... she got the role from you?"
Tumango-tango siya. Ayaw na niyang umimik dahil parang hikbi na ang lalabas sa pagitan ng kanyang mga labi.
"Aren't you being too sensitive about this? In your age, Bree, you should have already learned that some roles are not really given to you, some will be yours, some will be assigned to another actress..."
"Alam ko," bahagyang pag nginig ng kanyang boses, "Pero wala akong tiwala kay Krista. Nung una, gustong gusto ako ni Direk Karlos para sa role. Tapos, dumating lang si Krista..." Nasapo niya ang noo. "Hanggang dito na lang ang ikukwento ko."
"You know I can't help you if I don't know the whole story."
She nodded.
"The reason why the government can't help its people is that... ayaw ninyong i-contribute ang hundred percent ng kaya ninyong i-contribute para masolusyunan ang problema natin."
"Huwag mo akong idamay sa politics mo," irap niya rito.
"I have already told you this before, Bree," he took her hand away from the carpet she was plucking. Pinatong ni Virgo ang palad niya sa tuhod nito bago pinatong ang kamay sa kamay niya para ipirmi ito. "We're not different, you and I. Ang mundo mo at mundo ko, hindi nagkakalayo."
Hindi maalis ang mga mata niya sa kanilang kamay. There was something comforting... an assurance when their hands touched in that way.
"Hay, Virgo," hirap na hirap niyang iling bago siya tuluyang sumabog.
He watched her intently. Patiently remained seated, letting her take her time.
Binagsak na lang niya ang ulo at pinakawalan ang mahihinang mga hikbi. Iyon lamang ang munting ingay na namutawi sa tahimik na pasilyo. Naramdaman niya ang maingat na maghagod ng kamay ni Virgo sa ibabaw ng nanginginig niyang kamay.
"You're here because it's your politician sales pitch, isn't it?" she bitterly spat. "Ang tumulong sa mga tao?"
He just smiled at her, empathy seemingly mellowed in his eyes.
Nanghihinang sumadal siya sa balikat ng lalaki. Dinama ni Bree ang panunulas ng mga luha sa kanyang mukha. Their hands moved. Hindi alam ni Bree kung sino ang unang kumilos. Kung paanong nagtagpo na ang mga palad nila. They warmly touched and pressed against one another. Their fingers filled the gap between each others'.
"Siguro, para sa iyo..." panlalaban niya sa panginginig ng boses, "maliit na bagay lang na hindi ko nakuha 'yung role... pero... para sa akin... iyon ang dahilan kaya... kaya hanggang ngayon nandito pa ako..." mapakla ang naging tawa niya, hindi buong puso. "Kaya hindi pa ako tuluyang nawawala sa katinuan... o nagpapakamatay..."
He just listened and let their fingers knot.
"Wala naman kasing... wala talagang tumulong sa akin..." She swallowed. "I did not make it here without paying for it... without hurting... without..." She shut her eyes tightly. "At ang sakit-sakit sa pakiramdam na isang pitik lang ng mga daliri ni Krista, nababalewala lahat ng paghihirap ko dahil naaagaw niya ang mga bagay na kailangan kong paghirapan para lang marating ko.
Hindi ko alam... Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin... Wala naman siyang dapat ikainggit sa akin... Lalo na ngayon..."
Bree slowly opened her eyes and saw the wall on the other side blurred.
"Ako ang dapat na magalit, Virgo. Ako ang may karapatan. Tama itong nararamdaman ko ngayon na pagkamuhi sa kanya, pero bakit nasasaktan lang ako?"
Narinig niya ang pagkawala ng buntong-hininga nito.
"At ano ba ang maitutulong mo sa akin? Wala naman. Kahit mismong gobyerno, hindi ako natulungan."
"In what way?" mabigat nitong saad.
Tumikom lang siya.
"Bree," he gravely warned her.
Ayaw niyang umimik.
Hanggang dito...
Hanggang dito lang dapat ang ibahagi niya kay Virgo tungkol sa kanyang buhay.
Napasinghap siya nang humigpit ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. A small cry slipped from her lips as he seemingly intend to crush her hand with his grip.
"Tell," he gritted.
Bree closed her eyes.
Natatakot siya.
Sobra-sobra.
Bakit?
Bakit kay Virgo pa niya ito ikukwento?
At bakit si Virgo lang ang higit na interesadong makinig?
.
.
MAAGANG DUMATING si Bree para sa shooting ng pelikula.
Naka-set na ang mga camera at iba pang equipment sa lumang bahay na isa sa mga set locations nila. Baguhan, kaya namamangha pa rin si Bree sa hitsura ng paligid, kahit na halos dalawang linggo na silang nagshu-shooting.
Naramdaman niya ang kamay ng manager noon sa kanyang balikat. Gulat na napalingon tuloy siya rito.
"Kabisado mo na ba ang script mo para sa scene na ishu-shoot ngayon?" tanong ng lalaki sa kanya.
Masiglang tumango-tango siya. "Opo."
May kakaiba sa ngiti nito. "Galingan mo. Huwag mo akong ipapahiya sa kanila."
She nodded. Bahagyang yumuko ito para magtapat ang mga mata nila.
"Tandaan mo, career mo rin ang nakasalalay dito. Kung gusto mo na tuloy-tuloy ang maging dating ng projects mo, dapat dito pa lang, kayang-kaya mo nang maging professional."
Medyo kinabahan siya. Desi-otso pa lang noon si Bree, pero naiintindihan niya ang klase ng pressure na binibigay ng manager. Alam niya na ganoon ito noon sa kanya dahil mahirap na eksena na itong ishu-shooting nila.
Mula nang mabasa nga ni Bree ang script, medyo nakaramdam siya ng takot. Wala kasi siyang kaide-ideya kung paano ang actual na bed scene. Kaya naman, paano niya maisasa-arte iyon at magmumukhang kapani-paniwala sa mga makakapanood niyon sa pelikula?
At hindi pa naman accessible masyado noon ang internet, kaya ang pagsimple niya ng renta ng mga CD o DVD na may bed scenes lang ang naging magandang reference ni Bree para may mai—arte.
"Hindi pwede ang mahina ang loob dito." Her manager encouragingly tapped her shoulder.
"Naiintindihan ko," paling ang kanyang ngiti.
"Sige," layo na nito sa kanya nang matanaw ang isa sa mga crew na papalapit na sa kanya. "Get ready."
Nilingon ni Bree ang crew na gumabay sa kanya papunta sa isa sa mga silid ng bahay na iyon. Nasa silid na iyon ang sinet-up na dresser tables kung saan sila inaayusan.
They made her wear a sheer night gown. Walang panloob kaya medyo nakaramdam si Bree ng panlalamig. Even her hands were cold out of tension. Hindi siya komportable sa ganito, pero gusto niya maging professional na artista kaya dapat niyang kayanin.
Namilog ang inosente niyang mga mata nang abutan siya ng packing tape.
Nag-angat siya ng tingin sa crew.
"Para saan ho ito?" walang muwang niyang tanong.
"Pantakip sa ano mo," the crew awkwardly replied.
Bahagyang nakaawang ang labi ni Bree, naghihintay na klaruhin nito ang pinapahiwatig na dapat niyang takpan.
Nang mahalata na wala siyang kaide-ideya, tumuro ito sa pagitan ng mga hita.
She swallowed. Pantakip ang tape sa ano niya?
Dala ng pagiging first timer at hiya, natakot siyang kwestiyunin ang instruksyon. Tumango-tango lang si Bree at nilagay na lang ang tiwala sa mga kasama niya sa set na iyon... sa kanyang mga co-actors... sa kanyang manager...
Tumayo na siya nang matapos ayusan para gumamit ng banyo dala-dala ang tape.
Pagkatapos, tinanaw ni Bree ang kama na hihigaan niya para sa eksena. Ang plot kasi ng pelikula, isa siyang rape victim. At ang kaso niya ang mae-encounter ng pulis na bida sa pelikulang iyon.
Nayakap niya ang sarili nang mapagtanto na hubo't hubad ang co-actor na makakasama niya sa eksena.
"Be professional," paalala sa kanya ng manager. "Huwag kang mabahala. Kailangan talaga na nakahubad siya para mas realistic ang pagkaka-shoot sa eksena."
Kabado man, tumango-tango si Bree.
"Alam kong awkward, pero ayusin mo lang ito, Bree, para hindi na paulit-ulit ng take. Ayaw mo naman siguro ng ganoon, 'di ba?"
Oo. Ayaw niya. Nahihiya kasi siya. At hindi siya komportable na may nakahubad na lalaki sa kanyang harapan.
At nagsimula na ang pag-roll ng camera. Mahigpit ang direktor, metikuloso at panay ang sigaw. Madaling mairita dahil hindi pa naman ganoon ka-advance noon ang mga gamit sa pagshu-shooting ng pelikula. Matinding hirap sa parte ng lahat ang magpaulit-ulit ng shot dahil hindi pa naman ganoon ka-improved ang editing system ng mga pelikula.
Nagtulug-tulugan si Bree. Nagpigil siya ng hininga nang maramdaman ang pagbuka ng lalaki sa kanyang mga hita. Umarte siya na nagising at titili. Tulad nung nasa script, tinakpan nito ang kanyang bibig ng malaki nitong kamay. Tinutok nito ang hayok na ngisi sa kanya. Her heart was trembling at genuine fear.
Kapwa nila ginampanan ang hinihingi ng kanilang mga karakter. Kunwari, nanlalaban siya at pinupwersa naman siya nito. Tahimik ang buong paligid na saksi ng eksenang iyon, buo ang atensyon sa kanila at sa kanilang mga trabaho para manatiling maganda ang pagkakakuha ng camera sa nangyayari.
Until things felt wrong.
Umulos ito ng umulos. Naramdaman niya ang pagkapa ng kamay ng lalaki sa tape na tumatakip sa hiwa niya.
Her whole being was alarmed. Doon na siya totoong nanlaban. Gusto niyang tanggalin nito ang kamay sa kanyang bibig, sigawan ang lalaki kung bakit tinatanggal nito ang tape.
Natanggal ang tape. Bree squirmed harder and received a slap that made her dizzy.
Pwersahan itong pumasok. Her scream was muffled. Nanlalaban ang katawan niya habang unti-unting dumadausdos ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
.
"BREE!" kalabog ng kanyang manager sa pinto. "Ilang oras ka na diyan."
Nakasubasob pa rin ang mukha niya sa mga palad. Walang humpay ang pagluha.
Walang naniniwala sa kanya. Wala raw nangyari.
They said she was only having a negative visualization.
They said she was only exaggerating.
Natural lang daw na maramdaman niya ang pagdikit ng ari ng kaeksena niya na may suot naman daw na condom. Sinigurado ng walanghiyang bumaboy sa kanya na hindi raw ito pumapasok sa kanya, na baka natigasan lang daw siya rito kapag nadidikitan ang tape niya kaya kung anu-ano ang nagiging akala ni Bree.
"Bree," napapatid na ang pasensya ng manager, "halika na rito. Magbe-break na lang daw muna tayong lahat sa shooting. Halika na at nang makainom ka ng tubig. You're just getting overwhelmed."
.
"Again!" pang-ilang sigaw na iyon ng direktor.
Muling nag-roll ang camera. Muling humiga si Bree.
Nang maramdaman ang pananansing ng kaeksenang makapal ang mukha, tinadyakan niya ito sa bayag.
"Cut!" bwisit na tayo ng direktor. "Cut! Cut! Cut!" Sumugod na ito sa kanila.
Dumadaing sa sakit na hawak ng lalaki ang pagitan ng mga hita nito.
"Tinadyakan niya ako!" galit nitong sumbong.
Umayos ng pagkakaupo si Bree.
"Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin mahimasmasan?" bulyaw sa kanya ng direktor. "Ituloy mo lang iyan at papalitan kita!"
Napayuko si Bree.
"Ang bago-bago mo pa lang, aksaya ka sa film! Wala ka pang maibubuga, hija! Huwag masyadong malaki ang ulo mo dahil ekstra ka lang dito!"
Pakiramdam niya ay maiiyak na siya kaya nagdadabog na nilisan ni Bree ang kama. Alertong hinabol siya sa labas ng bahay na iyon ng manager niya.
"Bree," hila nito para mapaharap siya rito.
Doon na nanukal ang kanyang mga luha. "M-Manager..." nginig ng kanyang mga labi, hinablot niya ito sa mga braso. "T-Tulungan mo ako..." iyak niya. "Ni-rape niya ako, maniwala ka sa akin..."
"Bree..." naguguluhan nitong titig sa kanya. Pero hindi makaya ng manager na makipagtitigan sa kanya ng matagalan.
"Ayoko na po..." iyak niya. "Ayoko na po..." panginginig ng buong katawan ni Bree. "Sa ibang pelikula mo na lang ako ilagay, Manager... Ayoko dito... Manager..."
.
.
Pero walang nakinig. Lumapit siya sa mga columnist nang hindi paniwalaan ng manager. Pero ang nilabas ng mga ito sa diyaryo ay gumagawa lang siya ng walang basehang isyu para sumikat. Ang lumabas sa mga blind item at tabloid ay nagpapapansin lang siya. At ginatungan iyon ng mga kasama sa set sa pelikula, na nung pinilit siya ng manager niya na tapusin ang pelikula, pahirapan pa bago siya makakuha ng magandang take. Na hindi siya marunong makisama sa mga kasama sa set. Na sobrang arte niya pagdating sa mga instructions at ayaw na ayaw niyang makakaeksena ulit ang may kasikatang aktor na rapist niya sa pelikula... at sa totoong buhay. Kung hindi raw siya laging late, hindi naman sumisipot sa shooting. Kung sumisipot naman daw, madalas makalimot ng mga linya o umiiyak sa gitna ng set para lang daw ma-cut ang pagshooting kapag naisipan niyang gusto niyang magpahinga.
Lumapit si Bree sa gobyerno. Iling lang ang natanggap niya dahil wala siyang katibayan sa mga binibintang niya. Na mismong mga kasama na niya sa set ang nagsasabi na walang katotohanan na pinagsamantalahan siya.
Tuluyan nang natuldukan ang pinaglalaban niya nang bisitahin siya ng kanyang manager. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinatuloy sa kwarto. Bedspacer pa lang naman kasi noon si Bree at wala pang kahati sa double deck ng silid kaya solo nila iyon ng manager.
Umupo sila sa gilid ng pang-ibabang kama.
"Bree..." hawak nito sa kanyang balikat, "itigil mo na ito. Sinisira mo lang ang career mo."
Nanatili siyang nakatulala sa kawalan. Wala siyang balak makinig dito. Hahayaan lang ni Bree na magsalita ng magsalita ang manager hanggang sa mapagod ito at iwanan na ulit siya mag-isa.
"Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganito," malumanay nitong paliwanag. "Ikaw ang nakursunadahan ni Rico, at hindi pwedeng hindi siya pagbigyan. Pasikat na siyang artista at napakiusapan na huwag taasan ang singil sa fee kung makikisama tayong lahat sa kanya."
Nakuyom niya ang palad. Nanginginig ang mga kamay nang makumpirma na hindi siya nababaliw. Na hindi siya nag-aakusa nang wala sa katwiran.
"Sa industriyang ito," patuloy ng manager, "dapat na sinasamantala mo na may mga lalaking nahuhumaling sa iyo. Gamitin mo sila sa tama, at magiging stepping stone mo sila para sumikat ka. Hindi sa ganitong paraan na sarili mong image at career ang sinisira mo, Bree."
Walang emosyon na tinitigan niya ito sa mga mata. Sinusukat ang sinseridad ng manager.
"This industry is not a paradise for everyone. May mga sinuwerte... mga artista na napapadpad sa mabubuting mga kamay, na pinagbubuksan ng pinto para makatrabaho ang mga tao na mas... mas maayos katrabaho, at mayroong mga tao na kailangang maghirap at gumamit ng diskarte para marating ang pangarap nila bilang artista... mga tao na kailangang may makatrabahong mga gago-gago dahil iyon lang ang oportunidad na bukas para sa kanila. At kahit na hindi ka sinuwerte, Bree, lamang ka sa kanila, dahil hindi ka na magiging tanga ngayong alam mo na ang bawat kalakaran dito."
Her hurt was repressed. The bravery in her eyes were only hiding them.
"This is the side of showbusiness you got yourself into, Bree. Welcome."
And her manager felt more remorseful than happy to welcome her there.
.
.
"DON'T BE SCARED," Bree bitterly laughed after sharing her tale to Virgo. Humigpit ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ng lalaki. "Wala kang nati-trigger na anumang trauma sa akin kapag may nangyayari sa atin." Dumeretso na siya ng upo at bumitaw sa kamay nito para punasan ng dalawang kamay ang sariling mga luha. "Everytime a new man fucks me, I feel one fuck further away from that animal." She smiled faintly. "It's just like... burying the bad memories with better ones. Nakakatulong makalimot..."
Nilingon niya si Virgo nang matuyo ng kamay ang basang mukha. Wala siyang makapa na emosyon sa titig nito. Mukhang malayo ang isip ng lalaki sa pisikal na presensya nito sa kanyang harapan. She gently patted his cheek.
"I have to go," tayo ni Bree. "Siguro naman, wala nang naghahanap sa akin dito." Pinagpagan niya ang suot na jeans. "Nag-overacting na naman kasi ang Krista na iyon. Natumba lang dahil siya naman ang naunang makipagsabunutan, tapos kung maka-Tulong! Tulong!" she mockingly mimicked Krista, "daig pa ang kinakatay na baboy."
Dahan-dahang tumayo na rin si Virgo mula sa kinauupuan nito.
"I'll visit tomorrow night," wika nito sa mababang tono.
Naguguluhang nag-angat si Bree sa lalaki, pero nakatalikod na ito at naglalakad palayo sa kanya.
"Bakit?" pahabol niya.
"Bakit ba tayo nagkikita?" walang lingon nitong sagot pagkahinto sa paglakad.
Para lang sa sex...
"Para lang sa sex, 'di ba?" tila narinig nito ang iniisip niya. "I promised to help you. So, tomorrow night, you'll be one more fuck further away from your past, Miss Bree."
Nagbaba siya ng tingin. Ano ang gusto nitong mangyari? Ma-flatter siya? Matuwa dahil naawa ito sa kung gaano kamiserable ang buhay niya? Wala pa nga siya sa parte ng pagkukwento kanina kung paano niya nakilala si Krista. Na naging ka-bedspacer niya ito. Na si Krista lang naman noon ang nag-comfort sa kanya, at nag-encourage sa kanya na ituloy-tuloy ang pagpursue sa pag-aartista.
Iyon pala, ginamit lang siya nito para makasama-sama sa kanya sa paghahanap ng mga pwedeng pag-ekstrahang mga pelikula o tv shows...
Para maagawan siya ng mga project...
"It was so tiring... to be always used... isn't it?" wika ni Virgo, hindi pa rin lumilingon, pero natatanaw na niyang nagsisindi na ang binata ng sigarilyo. "So why not use me?"
"Why would you want that?"
"My purpose is to serve people. In whatever way I can."
"I'm not a part of your politics."
She heard him scoff sexily. And that was his only reply to her.
"Nababaliw ka na," hindi niya napigilang ibulalas. Baka sakaling magising ang lalaki sa kahibangan nito.
He just smoked, pocketed his lighter and walked on.
.
.
***
AN
Ohayyoooo hahaha <3 Happy Sunday! Here's the last part of this week's updates for Slide <3 <3 <3 Kitakits next week para sa susunod na mga kabanata ;) Sure na meron, kasi super enjoy ko ang pagsulat sa story na ito, as much as naeenjoy ninyo ang bawat bagong chapter :* <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top