Chapter 2: Too Much Coincidence

NAKATALIKOD SI BREE at ang liwanag mula sa papalubog na araw sa kanyang harapan ay lumikha ng silhueto ng perpektong hubog ng kanyang katawan. She was clad in a two-piece bikini, scorching in full sensuality and sexually arousing.

She lifted her arms, tossed her wavy hair before looking over her shoulder. Bahagyang umangat ang balikat na iyon, tila tinuturo ang pilyang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. The side of her eyes beautifully reflected the glow of the sunset, making them shine from brown to gold-like.

Pagkatapos, nakita siyang nakahiga sa dalampasigan. Humahagod ang mga kamay sa basang katawan ni JD Cesar. Abala nung una ang lalaki sa paghalik sa gilid ng kanyang leeg, sa panga… bago nagtama ang mga mata nila. Nagpalitan sila ng matunog na mga halikan. Humalik ang kahel na liwanag sa kanyang mukha habang bumubuka ang mga labi. Kapos-hininga kaya may kahinaan sa kanyang pag-ungol.

Mabilis ang naging mga pangyayari. Mabibigat na ang naging mga hakbang ni Bree, suot ang kanyang pulang high heels habang sinusugod si Leticia Sobel. Leticia turned to face her-- stunning and innocent-looking. Galit naman ang nasa kanyang mga mata bago huminto sa harap nito na sexy sa puti nitong dress. Bree sarcastically grinned.

"You think you'll have him to yourself? Gusto mong malaman kung ano ang ginawa ko sa kanya? Kung ano ang kaya kong gawin na hinding-hindi mo kaya?"

Matapang na ngumisi ito. "Shouldn't I ask you that? You think you'll have him to yourself? You think I'll annul my marriage with my husband?" Nilapit ni Leticia ang mukha sa kanya. "Slut."

Nag-angat ng kamay si Bree para sampalin si Leticia. Pero bago pa dumapo ang palad niya sa mukha nito, naputol na ang senaryo.

Napunta siya sa alaala ni Bree kasama si JD sa tabing-dagat, nagpapalitan ng malalagkit na tinginan at nakakalokong ngisi sa isang bar, ang maharot nilang pagsasayaw.

Ako ang nauna… pagmomonologo ni Bree. Sa akin nanggaling ang unang sarap…

At nasa alaala na sila ng paggising ni Bree, nang bigla na lang nawala si JD. Inangat niya ang kumot para mas takpan ang dibdib, halata na hubo't hubad siya sa ilalim niyon. Confusion were in her eyes.

Lingid sa kanyang kaalaman na nagmamadaling umalis ang lalaki, binalikan ang mga kaibigan na kasama sa isla na iyon para mag-bachelor's party celebration. Hindi nakaligtas sa mga imahe ang perpekto at inosenteng hitsura ni Leticia, sa puti nitong wedding gown, nakangiting naglalakad at nakatanaw sa nakaabang na si JD sa altar.

Sa akin din manggagaling ang huli.

And flashes of Bree seducing, making-out and having censored sex with JD began playing. Salitan ang naging mga kaganapan. Nakatitig si Bree sa mga mata ni JD sa isang dimly-lit na office room. Kita ang sarang blinds sa background. She was straddling him, he was caressing her ass.

"I'm better, right?" she sexily murmured before her red lips sucked his ear. Nagnanasang napapikit si JD bago siya hinawakan sa pisngi, siniil ng halik. Masarap pagmasdan ang pagiging hayok nila.

"Oo," he murmured in her lips.

Sumunod ang paghiga ni Leticia sa kama. Pinaimbabawan ito ni JD. She gave her hand for him to kiss. He kissed close to the wedding ring before JD sexily stared into her eyes. Ngumiti ang babae rito. Then, JD dipped until they shared a slow, sensual kiss.

"Welcome to the best experience of your life," Leticia hotly spoke in between their slow kisses.

Umitim ang screen, lumabas ang titulo ng pelikula-- The Rightful One. At sumunod ang petsa ng premiere night.

Bumalik si Bree sa reyalidad nang marinig ang palakpakan ng audience. Pinalabas ang trailer ng bago nilang pelikula sa isang late night talk show kung saan magkakatabi silang nakaupo nila JD Cesar, na gaganap bilang Harold, si Leticia Sobel bilang Chelsea, at siya, si Bree Capri, bilang si Josephine. Late night talk show ang sadya nila pero umaga ini-shoot.

Alam niya ang plot twist ng kwento, na biktima ng shotgun wedding doon si JD, kaya hindi napagbigyan noong nakiusap ito sa mga magulang ni Leticia na umatras sa kasal nila. Doon magugulo ang utak ng mga tao kung sino sa kanila ni Leticia ang papanigan. Ang babaeng walang malay na nagmamahal ng totoo, o siya na handang lagpasan lahat ng limitasyon para lang makapiling ang minamahal. Sino sa kanila ang The Rightful One para magkaroon ng happy ever after? For Bree it was an outstanding movie, despite the fact that it has a cliché base plot. Ito ang mas seryoso niyang movie role sa loob ng ilang taon ng pagiging isang aktres. If this becomes a blockbuster, maraming mga taga-showbiz industry ang nakakapanood sa kanya, mga kritikong makakapansin sa acting prowess niya. Maraming mas magagandang role ang iaalok sa kanya kapag na-impress ang makakanood ng pelikula.

'Yung hindi puro na lang required siyang maghubad at kuhanan na inaangkin ng kung sinu-sinong mga lalaki.

She needed this. Hindi na siya bumabata sa edad na thirty-five. Pasalamat siya sa tila natural na pagiging youthful-looking at sa expert na sponsored dermatologist kaya alagang-alaga ang hitsura niya. Walang makakaisip na patungo na siya sa kwarenta. Mag-kwarenta man siya, mahahanay pa rin si Bree panigurado sa mga aktres na walang kamatayan ang kagandahan at kaseksihan tulad nila Angel Aquino, Dawn Zulueta at Alice Dixon.

Nagsimula na ang interview proper. As usual, kunwari, masayang-masaya sila na pinag-guest sila sa show. Magkakamustahan at biruan sila. Inasahan na niya na medyo basic ang magiging tanong sa kanya ng host, dahil ngayon pa lang nakikilala si Bree bilang aktres. Madalas siya sa mga indie na pelikula o 'di kaya sa mga pelikula ng malalaking movie corporations na low-budgeted, 'yung nireserba para sa mga corny na sexy comedy na pantawid ang kikitain pandagdag budget sa mas malalaking movie projects nila.

The interview finished soon. She was thankful. Parang nagpapasaring kasi 'yung talk show host kung deserve ba ng katulad niya ang big break sa The Rightful One. He was implying that she wasn't exactly a good role model, marami ring reklamo sa kanya. Buti na lang at sinalo siya ni JD. He was brave and honest enough to say that she was good to work with. Stepping stone niya ang pelikulang ito kaya nagpakatino-tino siya. Nagkamali lang siya nung patulan sa nakaraang party ang kaaway na artista na si Krista.

Nag-retouch lang siya at pinalabas sa kabilang tainga ang ilang komento ng manager niyang si Ken. Lumabas na si Bree mula sa dressing room, nadatnan na nasa labas pa rin ng studio na iyon si JD at Leticia dahil hinarang ng mga TV reporter. Humihingi lang ng maikling oras ang mga ito para kamustahin sila at i-promote ang bagong pelikula.

Soon after, nagpalitan sila ng magalang na ngiti nila JD at Leticia. Naunang tumakas si Bree mula sa mga paparazzi. They didn't mind her leaving that much.

Nakasunod si Manager Ken. Tumalak na ito nung silang dalawa na lang ang nasa hallway.

"Hindi ka dapat umalis agad! Akala ko ba gusto mo ng exposure?"

Bree scoffed, did not look back. "Tapos na nila akong interview-hin. I had enough kaplastikan for the day."

"Hindi ko na uulitin pa sa iyo--"

"Na nasa showbiz ako," pagak niyang tawa. "Na required talaga na maging plastik ako?" nang-uuyam na ang karugtong niyong tawa.

Sumusukong nasapo na lang ni Manager Ken ang noo nito. Palihim na sumulyap si Bree dito, tinatago ng loose curls niyang itim na buhok ang ngiti. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Manager Ken, kung bakit hanggang ngayon kasama pa niya ito at hindi siya sinusukuan. She had always wanted to show that appreciation to him. But for some reason, something was holding her back. If it were her past experiences, or the fact that no one really genuinely cares for her, hindi na iniisip pa masyado ni Bree. Anuman ang maging sagot kasi sa dalawa, masasaktan lang siya.

At least, now, she knew that being detached would keep her alive in this industry.

"You know I'm never fine, right, Manager Ken?" deretso na ang naging kanyang tingin.

Come to think of it, now that she was feeling stressed, she needed a good fuck.

"Hindi ka talaga magiging okay, dahil kahit sa akin, ayaw mong i-open up iyang dinadala mo."

She had a bitter smile. Dahil ilang beses ko na iyang ginawa. Pero malalaman ko na wala namang pakialam ang mga tao sa pinagdadaanan ko. Gusto lang nila malaman para mahanapan ako ng kahinaan.

Her high heels tapped as she made faster strides. Natanaw niya ang isa sa mga exit doors ng gusali. May naglarong ideya sa kanyang isip.

She's getting laid, no matter what.

Alam niyang tatanggi si Manager Ken, kaya naman…

Tinakbo niya ang pinto.

"Bree!" gulat na tawag sa kanya ng bakla, muntikan pang pumiyok.

Pagbukas niya ng pinto, naka-recover ito sa gulat. Hinabol siya nito pero mabilis na sinara ni Bree ang pinto. Sinandalan iyon at pinihit ang lock.

That was pure luck. Buti bukas ang pintong ito.

She released a sigh. Then smiled. Inangat niya ang bitbit na pouch bag. Halos lapit lang ang pagkaputla ng pink nitong kulay sa kaputian ng kanyang pencil skirt at frilly na off-shoulder.

Nilabas niya ang cellphone, inipit ng braso ang pouch. Balewala sa kanya ang pagkatok ni Manager Ken sa kabila ng pinto.

She swiped through her contacts. Sino kaya ang available ngayon para maka-sex?

She wanted something quick. Ayaw niyang mapagod masyado. Oras na ngayon para masigasig silang mag-promote ng The Rightful One kaya kaliwa't kanan ang magiging guestings nila. Isa pa, may rehearsal sila mamayang 5PM para sa isang intermission number na gagawin sa isang sikat na noontime show.

Bree landed on Tony's name-- a scriptwriter. Sadly, he doesn't share the same imagination with his stories when it comes to bed. That didn't matter. She could use it to her own pleasure and advantage with a soulless quickie. Tinungo niya ang hagdan at umupo roon. Nakakangalay din kaya tumayo nang naka-heels. She's been using heels for years but only when in front of cameras. Kaya hindi siya naging komportable sa mga iyon.

Naghahanda na siya ng sasabihin sa lalaki habang nakatitig sa phone number nito. The last time they had sex, she blew him off for ejaculating too soon. Damn, that man never really cared if she came or not. That's her first thoughts. Huli na nang maisip ni Bree na baka ginalingan niya ng masyado kaya nawalan ng kontrol si Tony.

We can talk about it. We can definitely talk about it. He will thank me for his improvement in the sex department, pilya niyang ngisi.

Napalis iyon nang makarinig ng pagsara ng bakal na pinto mula sa ibabang palapag. Sa sobrang tahimik ng stairway na iyon, tila basag na salamin ang katumbas ng pagbagsak ng pintong iyon pasara.

Shit, tumayo na siya. Imposibleng si Manager Ken iyon. He always assume na deretso labas na ako ng building kapag tinatakasan siya.

Maingat na humakbang si Bree pababa ng hagdan, binabalik ang cellphone sa pouch na dala. She tried her best to quiet the tapping of her high heels.

Pero mukhang narinig iyon ng kung sinong nasa ibabang palapag. Humakbang ito palapit sa paakyat na hagdan.

Sumilip.

Napahinto si Bree sa paglakad nang matanaw ang lalaki.

As usual, the man was prim and proper in his suit. The goody-two-shoes gentlemanly vibe. Kulay abuhin ang suot nito.

Ewan kung bakit napangiti siya.

It was only Virgo Kristofer Ferdinand. Him and no one else in there.

She gracefully descended the stairs. Her hair bounced, her breasts slightly cooperated as well. Bree knew she was displaying her killer gorgeousness. Kita niya iyon sa pagkislap ng interes sa mga mata ng lalaki, nakaabang ito sa paanan ng hagdan.

"Now, isn't this too much of a coincidence, Mr. President?"

"That's what I like about you," maluwag nitong ngisi sa kanya. Nag-alok na ito ng kamay. "Campaign period pa lang, pero pinapanalo mo ako."

She giggled. "Kasabihan nga ng mga Christian, claim it and it's yours."

Mahinang tumawa lang ito. "You don't look religious to me."

"Because I wasn't. I'm just aware."

He smiled. She was glad Virgo wasn't as self-righteous as she thought at first.

Nilapag na ni Bree ang kamay sa palad ng lalaki. Inalalayan siya nito pababa sa huling mga hakbang ng hagdanan.

Nagkaharap na sila nito. Bree could not deny the heat that suddenly arose and stirred within her. Bumalik na naman sa kanya ang ginawa nilang kalokohan ni Virgo sa kotse nito nung gabing iyon.

How long had it been? Two weeks ago?

"And what are you doing here?" hagod niya sa braso nito. "This is not a place for a president."

"Not also a place for a sexy star," he spoke lowly like a seduction line with his hot gaze scanning her beautiful face… the top of her breasts.

Now she was pleased. She was always pleased when people look at her with admiration. Kahit may kahalong pagnanasa pa iyon.

"Wrong," naughtiness was innate in Bree, her smile and eyes displayed all of it for Virgo. "I can be filmed being fucked in here… if the director decides to."

"Now that's a professional," kalkulado at kampanteng lapit ng lalaki. Napatingala tuloy siya rito. "Kahit saan maasahan mong gagawin ang trabaho niya.

Virgo looked neat in his short trimmed hair. Kitang-kita tuloy ang kagwapuhan nito at magandang pangahan. 'Yung tipo ng panga na nakakalalaki talaga. His eyes were not grey, but not that black as well. Tuwing napapatitig siya sa mga iyon, may lightness sa pagiging itim niyon. His lips had a slight plump to it, thick straight brows magnified his piercing look.

Why was she flirting with the presidentiable right now? She should be calling Tony now. Getting fucked. Feeling that fleeting high to help her cope with her stress.

Umatras si Bree. "You didn't answer my question, Mr. President."

Damn, she was only prolonging the conversation.

"Demanding the president, Miss Bree?" authoritative dominance sparked in his eyes, challenging her by cocking his head to the side.

"If asking questions are demads for you, we won't get along," ngiti niya. "Now, if you'll excuse me--" lalagpasan na niya ang lalaki nang hablutin siya sa braso. She lifted her eyes on him.

"I don't know why you're here," he lowly muttered. "But it's good, Bree. I really need a good fuck right now. And you said, you'll be available when I need one."

Damn her false promises. Kung ano-ano talaga ang mga nasasabi niya kapag nakakalasap ng sarap.

That fuckery inside Virgo's car…

"Sa tingin mo, makakaalis tayo rito nang hindi makukuha ang atensyon ng mga tao?"

He grinned, delight was in his eyes.

"No," he huskily whispered,"that's why we're not leaving."
.
.
.
***
AN
.
Enjoy reading everyone! 💖
.
ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top