Chapter 15: Question
NAKAUPO SI BREE SA SOFA. She slightly slouched with her legs crossed, wearing her silk pinkish robe while holding her tea cup nestled by a small plate. Ginamit ni Bree ang pinakatatabibng china set sa pag-serve ng tsaa para sa kanila ni Virgo bago umalis ang binata.
Wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa harapan ng kanyang bahay. Nakatingin si Bree sa kawalan at nasa malalim na pag-iisip nang makarinig ng doorbell.
Kumunot ang noo niya. Kung si Virgo iyon at may nakalimutan, panigurado na dederetso na lang ng pasok ang lalaki.
Unless...
Maingat na bumukas ang pinto, sumilip muna si Manager Ken bago siya nito nakita. Tumama sa kanya ang matalim nitong tingin. Bree immediately looked away.
Shucks, walang buhay na reaksyon niya sa sariling isip.
Hindi naman ganoon ang magiging tingin sa kanya ng manager kung wala siyang ginawa na hindi nito gusto. In her peripheral vision, he was already taking up big strides toward her.
"Good morning," walang lingon na bati niya rito bago dahan-dahang inangat ang cup para sumimsim ng mainit na tsaa.
"Bree," hinto nito sa kanyang tapat. Nakasuot si Manager Ken ng may kanipisang long-sleeved shirt na kulay itim at denim jeans. Fit iyon sa balingkinitan nitong katawan. His thinning hair was neatly swept to the side.
She put the tea cup back on top of the plate she was holding. Nag-angat si Bree ng tingin dito. Tinapatan niya ang talim ng titig mula sa mga mata nito. She was unfazed as she lifted the corner of her mouth to a faint grin.
"Yes," aniya.
"Ang... Ang..." hindi nito mahagilap ang sasabihin, tumuro ito sa pinto na naiwanan nitong bukas.
Hinilig niya ang ulo.
"That's Senator Ferdinand!" Manager Ken finally blurted, slightly pitching his voice higher, making that signature gay sound.
"Yes," ngiti niya rito.
"Don't tell me—"
Nagbaba siya ng tingin, may tangka na uminom ulit ng tsaa. "Then I won't tell..."
"Bree!" nasa tono na nito ang panenermon. "Kailan pa itong affair ninyo!?"
Hindi niya tinuloy ang pag-inom. Tiningala ni Bree ang manager. "Affair? Nakita mo lang na nanggaling si Senator dito sa bahay ko, may affair na agad kami?"
"This early in the morning?" giit nito.
"Yeah, so?" she shrugged. Nilapag na niya ang platito at teacup sa katabing mesita. "Maaga siyang pumunta para siguro hindi kami maintriga ng mga tao diyan na ang lalawak ng imagination."
Manager Ken narrowed his eyes on her, his tone was still dubious. "I know you, Bree..."
Napabungisngis lang siya.
"May nakita akong marka sa leeg niya."
Dumeretso siya ng upo, muling tiningala ang kausap.
"Oh, really?" gulat niyang singhap. "Why, I didn't notice that. Should I have asked him where he got that mark?" Dahan-dahan siyang tumayo, bahagyang umatras si Manager Ken. "Or just shut up and think that maybe he has his own personal life or sex life na hindi ko na dapat pakialaman pa, right?"
Nakatayo na siya sa harapan ni Manager Ken. Bree inched closer to him, smiled sexily and patted his cheek. Then, Bree smoothly strode past him, turned to pick up her teacup and carried it with her to the kitchen counter.
Sumunod sa kanya ang manager.
"Kung ganoon, ano ang ginagawa niya rito?"
"He appreciated the movie, Manager Ken," ngiti niya pagkahinto sa counter. Nilapag niya roon ang mga bitbit. "He decided to come here personally to let me know that his sister has written a good review about me in one of her blogs. Moreover, he just found out that his sister is one of my biggest fans. Gustong humingi ng pabor nung tao na kung pwede mag-spare daw ako ng oras para maka-bonding ang kapatid niya."
Lies. Bree knew that most of her statements were lies.
"I know that there's social media, but do you think a presidentiable would effort to post a message for me on social media? Or make an effort to get my phone number?" mahina niyang tawa habang abala sa paghahanda ng teacup at platito para sa kanyang bagong bisita.
Namewang lang ito. There was still disapproval in Manager Ken's eyes.
"Kinausap niya ako," anito. "At binalaan na walang dapat makaalam na bumisita siya rito."
"Kahit naman ako, Manager Ken," harap niya rito mula sa kabila ng counter, "ayoko may makaalam dahil alam mo naman ang mga tao."
Sinalinan na niya ng tsaa ang teacup para sa kanyang kausap. Pagkababa sa teapot, muli niyang inikot ang counter para lapitan si Manager Ken.
"Tea?" alok niya.
He reluctantly took the cup. Nakataas pa ang hinliliit nang angatin ang teacup mula sa pinapatungan niyong platito. Sumimsim ito ng kaunti, nagdududa ang mga mata na nakatutok pa rin sa kanya.
Bree just smiled.
Binaba na nito ang cup. "Siguraduhin mo lang na totoo itong mga pinagsasasabi mo sa akin. Iba si Senator Ferdinand sa mga naging lalaki mo noon, Bree. Malaking gulo ang hinahanap mo kapag in-involve mo ang sarili mo sa kanya."
"Oh, come on," dampot ni Bree sa sarili niyang tea cup. "Paano'ng gulo? Isn't he loved by the majority? Ang taas ng ratings niya lately. Malakas ang laban niya this election."
"Oo, pero—"
Patalikod siyang sumandal sa counter, tumingin sa malayo.
"Imagine, Manager Ken," she sighed dreamily, "the president of this country and me... an actress... being together... don't we sound so powerful?"
"Kung gusto mo na humaba pa ang career mo, hindi mo papangarapin iyan," realtalk sa kanya ng manager. Ito 'yung klase ng Manager Ken na sobrang naa-appreciate ni Bree. Uminom ito saglit bago nagpatuloy. "Alam mo naman siguro ang nangyayari sa mga artista na kinakasal sa mga pulitiko. Kung hindi madalang na ang nagiging projects, tuluyan nang umaalis sa showbusiness."
Napaisip si Bree, pero hindi pinahalata ang pagkalito sa kausap. Nilingon niya si Manager Ken at nginitian.
"At bakit ganoon?"
"Maraming dahilan, pero hindi mo na maalis na maraming problemang dala ang mga pulitiko na iyan. May mga tao na... gusto silang itumba. At minsan, pati pamilya nila, damay sa panganib na iyon."
Bree looked away and lost her smile. She felt so stupid for something like that to linger in her mind... That she and Virgo would be a very powerful couple. Just give her a few more years, and Bree was so sure that she could conquer the entertainment industry... and Virgo would conquer the country... the political industry.
The blinding shimmer of ambition shone in her eyes earlier. Hindi man sila maging couple ni Virgo, she figured that she could use his help to finally get the career she wanted.
Iyon ang mga ilusyon na naglalaro sa kanyang isip kanina habang nakaupo, bago siya nadatnan doon ni Manager Ken.
Bree was wondering that maybe, Virgo could help her get the boost she needed to be recognized as a great actress.
Maybe, he could buy a TV network for her... give her a better publicity... make her competition like Krista cry and beg for her mercy once her requirements or legalities to work became void for some reason beyond their understanding...
But those disillusions did not last long. Dahil iyon sa pagmulat sa kanya ni Manager Ken sa mga risks na kahaharapin niya.
"I don't want that," that murmur slipped out of her mouth.
"Yes, girl, you wouldn't want that," satisfied nitong ngiti. "Lalo na ngayong may natanggap akong tawag mula kay Direk Karlos!" napalitan ng matinis na excitement ang tinig nito.
Namilog ang mga mata ni Bree. "Direk Karlos?" harap niya kay Manager Ken.
"Oh, yes, girl!" abot-tainga nitong ngiti sa kanya. Binaba nito saglit ang teacup. "Isa siya sa mga nanood sa premiere ng movie ninyo! May current movie project sila ngayon na pinupulido na lang ang mga scripts, pero nung napanood ka raw niya, na-visualize niya na fit ka para sa isa sa mga characters sa movie na iyon."
Isa sa mga characters... Napalis ang ngiti ni Bree.
Nilapit niya muli ang mug sa mga labi. "Isa sa mga characters. So it means, hindi ako magiging lead character doon."
"Ano ka ba, choosy ka pa? At this point, Bree, maganda na dalasan mo ang exposure mo. People are starting to appreciate you, tulad ni Direk Karlos," usog nito para magdikit ang mga braso nito. Bumulong ito. "Imagine, girl, that is Direk Karlos. Medyo baguhan, pero ang dami nang naging awards. Ang gaganda ng mga reviews sa mga movies na dinirect niya. Blockbusters pa."
Sumisimsim pa rin siya ng tsaa at inubos iyon. She pursed in her lips to lick off the tea that touched them. Nasa malayo ulit ang tingin niya at nag-isip.
"You'll be there if ever magsimula na kami ng shooting, 'di ba?"
"Oo naman, no!" mahinang tawa nito at lumayo para kunin muli ang teacup nito. "Lagi mo naman akong kasama kapag may shooting ka."
Bree lowered her eyes and viewed her empty cup. "You know that I don't like working with male directors, right?"
Manager Ken knew that, but not the reason why. Nabahiran ng pag-aalala ang mukha nito.
"Alam ko, pero is this the time to be gender discriminative?" nilakipan iyon ni Manager Ken ng tensyonadong pagtawa para hindi siya ma-offend. Bree knew that tactics of her manager, and she appreciate that small effort on his part to be honest with her but at the same time, make sure that it would not hurt that feeling that much or make her feel any discomfort.
Pilit ang kanyang naging ngiti. "Huwag tayo sagpang ng sagpang agad, Manager Ken," aniya. Pumihit na si Bree paharap sa counter para ilapag doon ang teacup na ginamit niya. "Tingnan muna natin kung may mag-aalok sa atin ng mas maganda-gandang project."
Tumango-tango ito. "Sure. I respect that."
"Thank you."
"And I came here para tulungan kang mag-ready," nanumbalik na ang excitement nito. "Showing na mamayang gabi sa lahat ng sinehan ang The Rightful One!"
"Oh," pinalungkot niya ang mukha nang lingunin ito at saluhin ang mga mata, "I don't want to watch myself again. I'd rather just take the day off and do something else."
Ayaw lang aminin ni Bree na kahit ang ganda ng kinalabasan ng pelikula, nao-awkward-an pa rin siya kapag pinapanood ang sarili na gumaganap bilang ibang tao. Dahil siguro, alam na alam niya sa sarili na hindi iyon ang totoong siya.
"And you should take the day off too, Manager Ken," she sweetly smiled at him. "You will need a lot of beauty rest dahil sa susunod na mga araw, maha-haggard ka sa dami ng phone calls ng mga gustong imbitahin ako for guestings," mahina niyang tawa habang kinukuha ang inabot nito na teacup. Ubos na kasi ang inumin ng kanyang manager.
Tinaasan siya nito ng kilay. "What's going on? Nawala yata ang pagiging palaaway ng talent ko?"
Mahina siyang tumawa habang maayos na sinasalansan ang mga ininuman nila.
"I'm just having a good day, Manager Ken," her cheeks had a slight touch of pink upon saying that.
.
.
.
***
.
.
.
ISANG LINGGO NA LANG bago ang botohan, kaya hindi na nagtaka si Virgo nung makatanggap ng imbitasyon mula sa isang TV Network para sa isang televised na debate ng mga presidentiable candidates.
Komportableng nakaupo ngayon si Virgo sa backseat ng puting Porsche Macan na laging gamit nila ni Greg tuwing may mga lakad sila na related sa pulitika. He wore a pair of white jeans and a white short-sleeved polo that fitted the firm sculpt of his body. A few strands of his dark hair sexily hung over his right eye, touching his dark brow.
Sinipat niya ang relo. Kapag ganito kasing haharap siya sa publiko, hangga't maaari ay hindi siya sumusilip sa cellphone. The internet nowadays— they provide deadly distractions and a combination of bad vibes sometimes. Kaya mas pinipili niyang ikondisyon na lamang ang sarili imbes na sikaping makapag-multi-task sa ganitong mga pagkakataon. He didn''t have to by the way, because he already has a PR team to work on that. Kaya lang, para kay Virgo, maganda pa rin na personal niyang nalalaman kung ano ang hinaing ng mga tao o kung alin sa mga ginagawa niya ang dapat ituloy-tuloy dahil naa-appreciate ng mga ito.
Nanatili siyang relaxed dahil maaga pa. Tiyak niyang may kaunting allowance pa sa oras kapag narating na nila ang event place na pagdadausan ng debate.
Nilipat niya ang tingin sa salamin sa ibabaw ng dashboard.
Tulad ng inaasahan, nakabuntot ang dalawang sasakyan na lulan ang ilan sa mga tauhan ni Jordan.
"Iligaw ko ba sila, Sir?" pansin sa kanya ni Greg.
"No need, Greg. Jordan and I had a deal."
"Pero nitong nakaraan, pinabalik mo ako dahil masyado silang nanghihimasok sa personal mong buhay."
"Exactly. Kaya nga parte lang sila ng convoy, at ikaw pa rin ang may hawak ng manibela diyan."
"Bakit mo naman sila pinabalik, Sir?"
Hinilig niya ang ulo. He was getting bored so he began checking his phone lying on the seat.
"You know that there's a saying about bringing your friends close and your enemies closer," aniya. "But of course, you bring your enemies closer when you are already prepared for it."
Hindi ito tumango o umimik, pero sapat na ang pananahimik para ipaalam kay Virgo na nauunawaan ni Greg ang nais niyang ipahiwatig.
Pagka-check niya ng cellphone, tadtad iyon ng missed calls mula kay Ginnie.
Kanina pa siya kinukulit ng kapatid na kung makakahabol daw siya, samahan niya ito kahit sa last full show man lang ng The Righteous One. His sister was pretty obsessed with that movie already, lalo na at sa wakas, napansin ito ni Bree. Alam niyang pagdadahilan lang ng kapatid na manoood ito ulit para makita ang magiging reaksyon ng ibang mga tao sa pelikula.
He called her.
Virgo! Ano, makakahabol ka ba mamaya para sa last full show? Rinig ang ingay ng mga tao sa background nito.
"Well..."
Come on, and make up your mind! Ang haba ng pila rito! I totally forgot that I should have reserved for tickets online!
Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. "You know my reputation, Ginnie—"
Kaya nga magla-last full show tayo, 'di ba... late night na iyon...
"Why don't you invite Jordan?"
He's busy. May date daw siya.
Kumunot ang noo niya. As far as Virgo knows, wala sa bokabularyo ng pinsan ang salitang date.
"Oh, really?" maluwag niyang ngisi at napasandal sa kinauupuan. "With whom?"
I don't know. Hindi naman niya sinabi...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top