Chapter 13: Smooth Move

UMIWAS AGAD NG TINGIN SI BREE nang matanaw na papalapit si Virgo kasama ang isang babae. Ayaw niyang isipin na lalapitan siya ng mga ito kaya naman pagkatapos makipag-beso-beso sa ilang mga celebrities na bumati, umupo na siya sa kanyang seat.

Nasa isang hanay ng seat na iyon si Bree kasama ang kanyang mga co-actors. Hindi naman lingid sa kanya na may namamagitan kina JD at Leticia, kaya ang isa't isa ang date ng mga ito sa movie premiere. Si Bree naman, ang manager na si Ken ang isinama. Ang iba naman ay dala ang kanilang asawa o nobya kaya napuno nila ang row na iyon.

And she was startled upon hearing her co-actors gushing. Pag-angat ni Bree ng tingin, kausap na ng mga ito si Virgo at ang kasamang babae.

They were wide-eyed, yet smiling from ear to ear. Naghalo ang emosyon na iyon dahil sino ba ang magiging normal kung bigla kang lapitan ng taong may posibilidad na maging pangulo ng Pilipinas?

Naramdaman ni Bree ang pagtayo ni Manager Ken. Tiyak niyang makikiusyoso ito kaya nauna na sa kanya na gumawi palapit kina Leticia.

Virgo gave everyone a very warm smile and a nod. Inabutan nito ng bungkos ng bulaklak si Leticia. Ngiting-ngiti na yumuko ang dalaga para sulyapan ang mga bulaklak. Then she lifted her eyes on Virgo and murmured a thank you.

Nagbaba na lang ng tingin si Bree.

"Bree," tawag sa kanya ni Manager Ken na dumaan na sa harapan niya para pumuwesto sa tapat ng upuan nito.

Pero pagtingala niya, si Virgo ang nasumpungan ng kanyang mga mata.

He tugged a smile. Medyo hiinilig nito ang katawan para alukin ang kamay. Tinayo siya nito kaya halos maglapit ang mga mukha nila. Naglapit sila dala sa kipot ng daanan sa pagitan ng mga seats ng sinehang iyon. Bree inched a bit backward, careful not to hit Manager Ken.

Paglingon niya sa Manager, kinakausap na ito ng nakikiusyosong katabi sa seat.

Bree returned her eyes on Virgo when she felt him pressing the flowers on her, a gesture requesting her to take the bouquet.

Nag-aalangan na tinanggap iyon ni Bree.

Virgo leaned over and murmured to her ear. "Congratulations."

"Why are you even here?" mahina niyang bulong. Pailalim at nanunukat ang titig ng mga mata niya sa lalaki.

"Why can't I?"

"I thought hanggang kama lang ang involvement natin?"

He chuckled sexily. He inched closer to her, blocking the view behind him to occupy all her attention. Virgo slyly checked if Manager Ken was still busy before teasingly licking his lower lip, tracing his dangerous smile.

"That's right. So what is it about my presence that bothers you?" he stated lowly. "It's not like, I came here to fuck your brains out with my hands while watching your movie, right?"

Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi. There was also a tingle of shyness.

Nilabanan iyon ni Bree.

"Make sure of that."

"Come on, alam mo naman na ayoko ring ma-scandal—"

"Then be more careful," she faked a smile, baka kasi makhalata ang mga tao sa paligid nila.

Mahinang tumawa ang lalaki at nginitian din siya. Parang sinadya nito nag awing obvious na pineke lang din ni Virgo ang pag ngiti.

"I am careful. But I can't be too careful, Bree. Should I avoid you people will notice it more, don't you think?"

Sumuko na lang siya. Pero nagbabanta ang kanyang titig dito. Ngumiti ulit siya."

Nandito lang ako as part of my campaign."

"Campaign?" hindi niya makapaniwalang titig dito.

"Alam mo na," he sounded smug, "kailangan, supportive din ang pangulo sa Philippine literature and arts... and cultural heritage."

"At talagang premiere pa ng movie ko ang pinili mong timing for that, Mr. President?" she forced a sweet smile.

Tumawa ulit ang lalaki.

Siyang tapik ng babaeng kasama nito sa balikat nito. Nilingon ni Virgo ang babae, tila may naalala at hinarap siya ulit nito.

"She's Ginnie, my sister," nagmamadali nitong bulong sa kanya, "your loyal and number one fan, take my word for it. Be kind. She's a blogger too. With a big following. You will need an excellent review from her, got it?"

Lumayo agad si Virgo, nagtatanong ang mga mata ni Bree na tumitig sa lalaki na sumimple ng kindat sa kanya bago nito hinarap si Ginnie.

"Here she is, Ginnie," anito sa babae bago nagmamadaling sumiksik sa gilid niya.

Bree narrowed her eyes on Virgo as he passed by.

Alam niyang sinadya ng lalaki na ikiskis ang siko sa gilid ng boobs niya.

Sinundan niya ito ng tingin pero mabilis na nagbago ang anyo ni Virgo. Masayang bumati at nakisali ito sa usapan ni Manager Ken at ng katabi nitong aktor.

Then she remembered Ginnie.

Lumingon agad si Bree sa babae at nginitian ito.

"Oh, hi, Bree!" masaya nitong bungad. "Wow, you look gorgeous tonight."

"Oh, thank you," lapit niya rito para makipagbeso sa babae.

"I'm Gemini Ferdinand, Virgo's sister," pakilala ng babae na tila nananantya pa kung paano siya kakausapin. "Just call me Ginnie."

"Nice to meet you, Ginnie—"

"I am also a big fan of yours, and this is the only chance I have to finally meet you," pigil nito ang mapa-high pitch ang boses sa sobrang excitement. "I know it might be an awkward moment too, but is it okay na magpapicture kasama ka?"

"Sure," masaya niyang sagot bago nilapag muna sa seat niya ang mga bulaklak.

Masayang nilabas ni Ginnie ang dala nitong cellphone at hinanda iyon.

.

.

PAGKATAPOS ng movie premiere, pahirapan bago nakaalis sila Bree ng sinehan. Nakasakay na sila ni Manager Ken sa kotse nang pigilan niya ito na utusan ang driver na paandarin ang kotse.

"Manager Ken," nakikiusap ang mga mata niya, "pwede ba na sumaglit ako sa sinehan?"

"Ano?" mataray ang dating ng boses nito. "At bakit? May naiwanan ka ba?"

Napunta ang mga mata niya sa bouquet ng bulaklak na galing kay Virgo. Inalis iyon ni Bree sa kandungan at pinahawak kay Manager Ken.

"Sandali lang ako," ngiti niya rito at walang anu-anong bumaba na ng kotse.

As she expected it, the coast was already clear. Wala na ang nagkakagulo na mga reporter kanina na panay ang tanong kung ano ang feeling na mapanood ang sarili mong pelikula, at pagre-request din na i-promote niya ang The Rightful One.

Hindi mapakali si Bree nang makasakay sa elevator. Siguro naman, humupa na ang dami ng tao roon.

Paglabas ng elevator, nagmamadali ang mga hakbang niya papunta sa cinema. She even almost slipped and stopped a bit. Tumakbo siya ulit. Mas maingat na dahil sa madulas na tiles ng sahig.

Narating niya ang pakay at nakita na nagsasalansan na ang mga tao. She took a deep breath, still in disbelief that inside this very movie theather was where she watched her biggest movie yet. Ito lang ang binalikan niya. Ang pagkakataon na tumayo sa tapat ng entrance ng cinema na iyon para namnamin ang ganitong pakiramdam.

Ang pakiramdam na unti-unting natutupad na ang kanyang mga pangarap. At kitang-kita iyon ng kanyang dalawang mga mata.

Her lips broke to a sincere smile, her eyes were teary.

If only she could stay in this moment forever. But she couldn't.

Dahil alam ni Bree na may mas igaganda pa rito ang career niya. Lalo na at nagkaroon na siya ng ganitong break sa wakas.

She had to get herself together. Umiling siya para itaboy saglit ang pagiging sentimental.

Yumuko si Bree at kinuha ang cellphone sa dalang pouch.

Kanina na marami pang tao, nahihiya siyang gawin ito. Ngayon siya magbabaka-sakali.

"Hi," lapit niya sa walang kamalay-malay na staff. Parang sasayad sa lupa ang bibig nito nang makita siya. "Pwede ba magpakuha sa iyo ng picture?"

Parang nahipnotismo na tumango-tango ito habang nakatulala. Then he snapped out of it. Bumalik ang sigla sa katawan nito.

"O-Opo! Sure, Ma'am!"

Bree smiled at him sweetly. "You're such a darling. Thank you."

At natural na mapang-akit ang kanyang pagkilos patungo sa malaking poster stand. Nakalarawan doon ang pinalaking movie poster ng The Rightful One.

Patalikod sa kumukuha ng litrato ang naging pose ni Bree. Maganda ang anggulo dahil hinawi niya ng kaunti ang unat na buhok para ipakita ang pagkaka-backless ng kanyang suot.

Pagkatapos kuhanan siya ng mga pictures, pinaunlakan ni Bree ang request ng staff na mag-selfie sila.

Habang wala pang nagliligpit sa red carpet, lumakad ulit doon si Bree.

She just wanted to relive the moment. Her steps were slow. Dinama ni Bree ang paglakad. Ngumiti. Walang pakialam kung may mangilan-ngilang staff ng cinema na makakita sa kanya. Ayos lang basta hindi siya dudumugin ng mga ito.

Huminto siya nang matanaw ang paglabas ni Virgo mula sa sinehan.

He looked quite stern.

Napalis iyon nang tumutok ang mga mata sa kanya. He granted her a lopsided smile.

His strides were confident as he approached her.

Umatras din si Bree.

"Bakit nandito ka pa?"

Mahina ang kanilang naging pag-uusap.

Namulsa ang binata at hinilig ang ulo. His eyes admired her.

"Just making sure the coast is clear. Nainip ako maghintay sa loob kaya dito ko na lang sana hihintayin si Greg."

Bree nodded. She smiled.

"I like that smile," maluwag na ngiti na rin ng lalaki. "I can see that you're really happy."

"I am," pigil niya ang bugso ng emosyon nang isagot iyon sa binata.

"I've never made you look that way. Now I have a new challenge for myself."

"Shut up," saway niya rito at baka kung saan pa mapunta ang usapan at may ibang makarinig. "You're good."

Kumislap ang mata nito. "Just good, Miss Bree?'

Ngumisi siya. Tuluyan nang nag-iba ang mood niya. Her guard was up once again. Bawat kataga kasi yata na bitawan ni Virgo ay pang-akit para sa kanya.

"You're wonderful.You're mindblowing. You're the best."

"Make sure that's not scripted," mahina nitong tawa.

"You're the one who performs. You should know if you're doing great, Mr. President," mahina niyang tawa.

"I'm always open, Miss Bree," hakbang nito palapit sa kanya.

She was alarmed.

"I'm open to second opinions," dugtong ng lalaki.

Nagnakaw ng tingin sa paligid si Bree. Kabadong tumawa. She had to act like nothing was wrong as Virgo pulled her into his arms.

"Virgo," gigil na bulong niya dahil nakapatong naman ang baba niya sa balikat nito, malapit sa tainga ng lalaki, "may mga tao. May usapan tayo."

"You don't relax," mahina nitong bulong habang tinatapik-tapik ang likod niya. "They won't have a clue."

Humiwalay na ito sa kanya. Umatras agad si Bree.

She faked a smile for the sake of the staff going to and fro in that cinema to clean up.

"Thank you sa pagsuporta sa pelikulang Pilipino,Mr... Senator..." sinadya niyang lakasan ang tinig. "Nice meeting you again," magalangna tango ni Bree bago tumalikod para lisanin ang cinema na iyon. May pupuntahan pa silang after party ni Manager Ken.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top