Chapter 11: Reconcile
Enjoy reading everyone, especially meggymii ! <3
----------------------------
PAGKAUWI NI BREE sa tinitirahang bungalow, nagbihis agad siya ng silk na spaghetti strap top at shorts na hanggang kalahati lang ng kanyang hita. The pale pink silk smoothly touched her skin as she lay on her stomach on the bed. Inayos niya ang strap na dumulas pababa sa kanyang braso.
Nakangiting in-unlock niya ang hawak na cellphone. She just could not take away that smile after having breakfast with Virgo. Everything was light. Nagtanungan lang sila nito kung may mga lakad ba sila sa araw na ito. Thank God, Bree had no scheduled appearances today. Nagmamadali lang siya kanina na umalis sa vacation house ng lalaki para makasigurado na walang ibang tao na makakakita na nanggaling siya roon.
Or at least, no one would have any clue that she did not stay at her own house last night.
Wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula kay Manager Ken, which was weird. Hindi kasi nito pinapalipas ang araw na may samaan sila ng loob.
Naihilig niya ang ulo at nag-check naman sa Messenger niya. Wala pa rin. Nagkaroon tuloy siya ng palagay na baka pasuko na ito sa kanya.
Bree dropped the phone on the bed. Babangon n asana siya para makapag-timpla ng sariling tsaa. Then she let out a groan.
Oo na, tatawagan ko na siya, tila internal niyang pakiusap sa nangungulit na konsensya.
She got up from the bed, took the phone with her and called Manager Ken's number.
Habang hinihintay na sagutin iyon, naglakad na siya patungo ng salas. Nilapag niya ang naka-loud speaker na cellphone sa counter habang naghahagilap siya sa drawer ng kahon ng mga bags ng green tea. Nilagay niya iyon sa hinanda niyang mug nang sagutin ng manager ang tawag.
Hello, Bree?
She smiled. Sumulyap siya saglit sa orasang nakabitin sa pader ng kusina.
"Good morning, Manager Ken," masigla niyang bati rito.
Good morning, walang buhay nitong sagot. Mukhang naistorbo niya ang tulog nito base sa inaantok nitong boses.
"About yesterday," aniya bago natahimik saglit para kunin ang thermos. She poured the hot water in the mug. Napaatras si Bree dahil bumuga sa mukha niya ang maulap niyong usok. "Pasensya na."
Hindi ito sumagot, pero nai-imagine na niya ang pagtatakang gumuhit sa mukha nito. Tiyak na dumoble ang mga linya sa noo ng bakla na manager at nag-left and right ang pag nguso para i-analyze kung sinsero ba ang apology niya.
Sanay na ako, may kalakip iyong mahina na pagtawa.
Bree giggled too. "Sorry kung naistorbo ko rin ang tulog mo. I am just wondering kung may lakad o schedule ba tayo sa susunod na mga araw. Alam mo namang nakakalimot ako minsan."
At minsan, nakakalimutan rin ni Bree na i-type sa reminders ng cellphone niya ang mga ini-inform sa kanya ni Manager Ken na schedules.
Ano— lingid kay Bree na dumapa ito mula sa kinahihigaang kama, inignora ang naalimpungatan nitong nobyo na katabi matulog, at sinilip ni Manager Ken ang digital clock sa night table. Bukod kasi sa oras, naroon din ang petsa. Wala naman, Bree. No more guestings and movie promotions. Bigla itong sumigla. Congratulations,girl.
She sighed in relief. Ah, iba rin kaya ang hassle nung mga panahong panay pa ang mall tour nila ni JD at Leticia para i-promote ang pelikula. Laging nahuhuli ang mga TV guestings at interview sa schedule ng mga sikat na artista kapag may bagong movie.
But— dugtong ni Manager Ken na pumutol sa pages-celebrate ni Bree sa kanyang loob-loob, —we have to meet later in the afternoon. Pag-uusapan natin ang magiging appearance mo sa premiere night ng The Rightful One. It's your first major movie, Bree, kaya dapat makuha mo ang atensyon ng lahat paglakad mo sa red carpet.
Mas lalong tumamis ang kanyang ngiti. Buti na lang at naibaba na ni Bree ang thermos at natakpan iyon. Nang ma-realize kasi na sa wakas, makakalakad na siya sa red carpet, medyo natulala siya. It was as if she was still in a dream...A dream to beautiful to be even real.
From that wild sexcapade with Virgo, a breakfast with him and now this... her dreams as an actress slowly reveling before her, unveiling and coming true...
"Sure!" bawi niya sa pagkakatulala at binalik ang mga mata sa nakalapag na cellphone sa counter. "Siyempre naman, paghahandaan natin iyan, Manager Ken!"
Great! Now, speand your day relaxing, alright? And meet me at four o'clock, doon pa rin sa café kung saan tayo laging pumupunta.
"Got it," ngiti ni Bree habang ginagalaw-galaw ang tea bag na nakalublob sa mainit na tubig ng mug.
.
.
NUNG HAPONG IYON, huminto ang sasakyan ni Virgo sa tapat ng ng mansyon ng kanyang Tito Martin. Doon din naman kasi talaga nakatira ang kanyang pinsan na si Jordan. Pinagbuksan siya ni Greg ng pinto bago kampanteng bumaba ng sasakyan.
Pagkaalis ni Greg para iparada ang kotse ng maayos,walang anu-anong inakyat na ni Virgo ang hagdan paakyat sa front porch ng mansyon.
Tinulak niya ang pinto pabukas at sinalubong ng pagbati ng dalawang unipormadong katulong na napadaan. May dala itong mga basket ng sinamsam mula sa sampayan. Patungo ang mga ito sa grand stairs.
"Nandito ba si Jordan?" tanong niya sa mga ito.
"Opo, Sir!" sagot ng isa sa kanila. "Dadaan ko na lang po siya sa kwarto niya, Sir, para sabihing nandito kayo."
He had no time, and Virgo didn't like waiting.
"Huwag na ho. Ako na ang pupunta sa kanya. Salamat," patiuna niya sa mga ito at lakad-takbo ang ginawa niyang pag-akyat sa paikot na grand stairs.
Nang marating ang silid ni Jordan, hindi na siya kumatok dahil bukas naman ang pinto. Nadatnan niya ang pinsan na nagkalat ang mga damit sa kama. Nasa sahig naman ang mga sapatos na mukhang sinipa na lang nito matapos sukatin isa-isa.
Lumingon ito, mukhang inaasahan na may dumating na katulong. Kaya kita ang gulat sa mukha ni Jordan nang siya ang malingunan nito sa pinto.
Tumiim ang mga mata ni Virgo sa lalaki. Pumasok siya sa silid pero mga isang hakbang lang ang layo niya mula sa pinto.
"Pinsan," ngisi ng binata na magulo pa ang buhok. Nakasuot lang ito ng boxers at sando, mukhang bagong gising lang kahit hapon na. "Wala nang announce-announce, ah, napabisita ka?" he akimboed.
"Well," relaxed na silid ni Virgo ng isang kamay sa bulsa ng suot na jeans. He looked dark and neat even in a black v-neck shirt, "Sinadya ko talaga na pumunta rito. Mukhang may kailangan ka sa akin kagabi."
Natawa ito ng mahina. "Kailangan? What are you talking about?"
Ngumisi lang siya rito. Sarkastiko. "Jordan, alam natin ang likaw ng bituka ng isa't isa. Alam ko, na kotse ng tauhan mo ang bumubuntot sa amin ni Greg kagabi."
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Napaawang ang bibig na para bang tumatawa ng walang tunog. Then Jordan finally let it out. Napailing ng kaunti habang pinagtatawanan siya.
"Oh, shut it," lapit na ulit ng lalaki sa gilid ng kama nito. His eyes scanned on the clothes laid out there. "Bakit naman kita papasundan sa mga tauhan ko?"
"Kaya nga ako nandito," nanatili siyang seryoso at hindi apektado sa pag-arte ni Jordan na kunwari walang alam, "para itanong iyan sa iyo dahil hindi ko alam ang sagot."
"Look," harap ulit nito sa kanya, "baka kamukha lang iyon ng kotse ko o ng mga tauhan ko. There are so many cars with same colors and models here, you should have double checked!"
Greg did. Nag-report ito kay Virgo kaninang umaga pagkabalik nito sa vacation house matapos ihatid si Bree para siya naman ang sunduin. Pero ayon dito, hindi rehistrado ang plate number na nakita nitong gamit nung kotseng bumuntot sa kanila.
Aware din naman si Virgo na ginagawa iyon minsan ni Jordan sa kotseng pinapagamit sa mga tauhan nito, kaya hindi nawala ang suspisyon niya para rito.
"Hindi rehistrado ang license number sa plaka nung kotse," mariin niyang wika.
Jordan just snorted. Sanay na rin sa pagsisinungaling ang loko kaya naman parang balewala na rito iyon at sobrang relaxed ng kilos.
"Alam mo, sinasabi ko na kasi sa iyo na huwag kang umasa lang diyan kay Greg." Ayan na ang pagdudunung-dunungan nito. "Eh kung, siinasama mo na sa iyo ang mga tauhan ko, eh 'di sana, nalaman pa natin kung sino iyang sumusunod sa iyo. Baka nga namali na ng basa ng plate number iyang si Greg! Mahirap tumingin sa kotse kapag nasa likuran mo habang nagmamaneho!"
Hindi na umimik pa si Virgo. Nahuli na kasi niya ang isda mula sa sarili nitong bibig.
Anuman ang intensyon ni Jordan sa pagmanman sa kanila kagabi, aalamin iyon ni Virgo nang hindi ito maaalarma. Iyon ang dahilan kaya rin hindi na siya nakipagtalo pa rito.
"So," lapit ni Virgo sa tabi ng pinsan at sinulyapan saglit ang nakakalat nitong mga damit, "ano'ng okasyon at hindi ka makapili ng susuotin mo?"
"Oh," mahina nitong tawa at muling iiisa-isa ng mga mata ni Jordan ang damit sa kama, "well, nothing much. Sasamahan ko lang si Ate Ginnie."
Naningkit ang mga mata ni Virgo. Nakatatanda niyang kapatid si Ginnie, pero dahil magpipinsan naman sila, ate na rin ang tawag ni Jordan rito.
Dalawang taon lang ang itinanda ni Ginnie sa kanya, pero may mga pagkakataon na umaatake ang pagiging child-like nito, o'yung tipong naiisipang mag-enjoy-enjoy. O 'di kaya'y magbuhay dalaga. Hindi naman malaking isyu iyon dahil nagagampanan naman nito ng maayos ang pagiging ina sa dalawang anak na babae sa asawang si Aldrin Cervantes— ang pinagmulan ng pink na bote ng Desert Rose Champagne na pinaligo niya kagabi kay Bree dahil ito ang kasalukuyang President ng kumpanya ng alak ng angkan nito.
Nagtaka siya. Kapag naman kasi may trip gawin ang ate niya, madalas na siya o 'di kaya ang sarili nitong pamilya ang niyayang lumabas. Ngayon lang naalala ni Virgo ang mga missed calls ni Ginnie kagabi na kaninang umaga lang niya nakita.
He did not bother to call back because of some interruptions regarding his campaign. Kasama na roon ang phone calls mula sa kanyang mga kapartido at campaign manager.
"Saan?" mabilis na follow-up ni Virgo rito.
"Well," Jordan bent down to pick up a hanger of a red suit, "since you're phone mysteriously cannot answer her calls—," nagnakaw ito ng makahulugang tingin sa kanya, ngumisi at tumayo ng tuwid para sipatin ang hawak na damit, "—ako na lang ang tinawagan ni Ate Ginnie. Nakakuha siya ng dalawang tickets para sa premiere night ng The Rightful One."
"A movie? And she's not bringing her husband with her?" kunot ng noo niya.
"Of course not, remember, tinataboy niya lagi si Aldrin kapag may kinalaman na kay Bree."
He was slightly alarmed. Pero dahil nabanggit si Aldrin, nawala sa pagkaalarmang iyon saglit ang atensyon ni Virgo. Tanda pa niya noong kinukulit siya ni Ginnie na sa kanya na lang daw ang mga CD nito ng mga pelikula na kung hindi man supporting, ay kasama sa mga lead roles si Bree. Kahit kasi open-minded ang ate niya, may pagkaselosa ito lalo na raw noong sinubukan nitong ipanood kay Aldrin ang isa sa mga pelikula sa collection nito. Karamihan nga lang sa mga iyon ay CD burn o pirated dahil wala pa namang nare-release masyado na mga CD versions ng mga pelikula ni Bree. Hindi naman kasi ganoon kasikat ang mga iyon kaya hindi nag-aabala ang film company na i-reproduce sa CD format.
"I see," sang-ayon niya. At kung pelikula nga ni Bree ang panonoorin nila, obvious na hindi isasama ni Ginnie ang mga anak.
It also made sense why Ginnie got those tickets, isa itong blogger. At ngayong uso na rin ang YouTube, vlogger din ito.
"Aren't you coming?" ngisi ni Jordan. Kita niya ang pagkakalkula sa mga mata nito. "Isn't she your..." nagkibit-balikat na lang ito.
Virgo shrugged. "Not sure. Kailan ba iyan?"
"This coming Wednesday," itsa nito ng damit sa kama. Mukhang hindi iyon natipuhan ni Jordan na suotin para sa premiere night.
Virgo recalled his schedule before answering. "I can't make it... We have to be somewhere at night for my campaign so..." he shrugged and smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top