Bonus Chapter: Private Beach

NAKATANAW SI KRISTA mula sa balkonahe ng pribadong beach house na nirentahan niya.

Sasaglit lang naman siya roon. Maga-unwind. Pagkatapos, dederetso na siya ng ibang bansa. She chose to fly to Germany. Hindi gaano nakakaabot sa Pilipinas kasi ang mga balita roon. Kaya kung may Pinoy man na makakita sa kanya, hindi naman siguro makakaabot sa Pilipinas o mapo-post sa social media.

Hindi niya alam. Hindi niya sigurado.

Krista felt her belly.

Would you be scary like your father? Or me? We're both scary people...

Muling humampas ang malakas na alon sa mga bato.

Huwag ka sana matulad sa amin... pero paano? Hindi kita kayang ipamigay.

The waves kept crashing to the shore... to the big chunks of smooth stones that bordered the sand. Humaplos kay Krista ang preskong hangin.

Ibig sabihin, ako ang magpapalaki sa iyo... matututo ka mula sa akin. Ano ang matututunan mo sa akin? Hindi naman ako naging mabuting tao?

Yumuko siya para tingnan ang kamay na nakalapat sa kanyang puson.

Ito ang dinadanas ng mga tulad ko anak... nag-iisa sa huli. Huwag kang tutulad sa akin.

Krista closed her eyes.

Despite how painful her thoughts are, it felt more liberating being told to her child in the silence of this private beach. Every drop of hurt was eased by the peacefulness of the place.

Tumingin sa bandang kanan ng balkonahe si Krista. Natanaw niya na may pumapanaog na private plane sa helipad doon.

Nawala ang kapayapaan na ilang linggo lang niya na-enjoy.

Sino ang bagong dating? Wala naman sa usapan namin ng may-ari nitong bahay na may makakasalo ako sa pag-stay ko rito.

Bumalik siya sa loob ng bahay, dinampot ang balabal at binalot sa sariling katawan. She descended the stairs, the ends of her flowy skirt tossed against her ankles. Lumabas siya para salubungin kung sino man ang maglalakad sa dalampasigan para puntahan ang tinutuluyan niyang bahay.

Baka naman inspector lang iyon o maintenance. Bulto ng iisang tao lang kasi ang natanaw niya. Mukhang wala pa itong dalang mga gamit.

As his image became clearer, Krista felt more still. She protectively placed her hand on her belly, on her child. Unti-unting gumapang ang takot sa kanyang buong pagkatao nang makilala na si Kaiser iyon.

Her face softened with worry.

Ano pa ba ang kailangan nito sa kanya?

Bakit nandito ito ngayon?

Nakuha pa nitong mag-abala na puntahan siya rito. For what?

Lalong tumapang ang mukha niya.

Bree! Hindi mo ba ginawa ng maayos ang mga iniwan kong trabaho? Akala ko ba, gusto mo ang lahat ng iyon? Bakit nandito ngayon si Kaiser?

Minsan ko na nga lang sa iyo ipagkatiwala ang mga bagay-bagay...

Tears rimmed her eyes.

If Bree failed, Krista was aware that Kaiser might have this insane idea to disturb her peace. Demand her to abort the baby.

Ano ba ang pakialam ng lalaki kung anak nila iyon? Para kay Kaiser, hindi nito anak ang nasa sinapupunan niya.

She immediately turned away and went back inside the house.

Paano niya haharapin ang lalaki?

Should she go to the kitchen?

Doon siya dinala ng mga paa.

Sa oras na magtangka itong pilitin siya na saktan ang anak nila, masasaksak niya ito.

Tamang-tama at silang dalawa lang ang naroon.

Yes, she loved him, but it was crazy how she hated it.

Or maybe, Krista just hated it because her feelings remained unrequited.

Siyang pasok ni Kaiser. Humarap si Krista sa direksyon nito.

"You're still here," titig nito habang sigurado ang mga hakbang palapit sa kanya.

"Oo," she tried to seem as composed and collected as possible. "Ano ang ginagawa mo rito?"

Natigilan ito. May pag-aalangan ang titig sa kanya, nag-iisip na naman ang lalaki. Iyon na lang palagi ang ginagawa nito, ang mag-isip. No wonder he aged so fast, so fast it drifted him further away from her.

"How are you?" buwelo nito, mas bumagal ang mga hakbang papunta sa kanya.

Umiwas siya ng tingin. "Payapa ako rito."

Nakokonsensya ka na ba sa ginawa mo sa akin, Kaiser?

"Pero nag-iisa."

"Sanay na ako," nakaw niya ng sulyap sa tila pagod nitong mukha.

"Paanong nasanay? Ilang taon mo akong nakasama."

"Sa kama," diin niya. "Doon lang kita nakasama, Sir Kaiser."

He looked away. It was as if something restrained him and his mind was telling it to set him free... a tug of war within himself.

"I've been with you all the way, you know that," paliwanag nito. "You owe me all the opportunities you had."

"Hindi pa ba bayad ang utang na loob ko sa iyo? Kaya ka nandito? Ano ngayon ang sisingilin mo sa akin? Now that you can't fuck me anymore or milk money out of me through my projects, ano ngayon ang sisingilin mo sa akin?" pamimintana ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata.

"You owe me all the opportunitied you had, but it has always been you... it's you who flourished it. It's you and your talent and your passion and your hard work and your sacrifices, that made those opportunities fruitful."

Hindi niya masalo ang emosyonal na titig ng mga mata nito.

"Did you know that one time, it crossed my mind that what if you love me?"

Naluluhang napalingon si Krista sa lalaki.

"But I crossed it out," pagak nitong tawa. "I thought it was stupid. Paano ka mai-in love sa matandang katulad ko? Tanggap ko naman na may kailangan ka lang sa akin kaya pumayag kang.... Pumayag kang magpagalaw sa akin." In his urge to control his emotions, he clenched his fist tightly. "Paano ka magkakagusto sa isang tulad ko? Hindi ko naman kayang ibigay lahat ng gusto mo. Hindi lang naman pera ang gusto mo sa mundo, Krista. Alam ko na gusto mo rin maging masaya, gusto mo ng... ng mas energetic na sex life... 'yung mga bagay na nabibigay ng mga naging lalaki mo, 'di ba?"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Krista habang umaapaw pa ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Kaiser.

His hands shook. "Oo, alam ko. Alam ko ang lahat ng iyon, Krista. Masakit sa loob ko, pero hindi ko naman kayang huwag kang bantayan... minsan natatakot ako sa mga kaya mong gawin para sa career mo, na kahit buong katawan mo, ipamimigay mo lang ng gan'un-gan'un lang—"

"Hindi!" iyak niya. "Hindi!"

He was frozen at her outburst.

"Noong una, oo! Sinadya kong pumatol sa iba! Noong una, hindi ko ginusto na may mangyari sa atin! Nahihiya ako! Narurumihan ako sa sarili ko! Ang baba-baba ng tingin ko sa sarili ko dahil sa ginawa mo sa akin! Pero it's not your fault, Kaiser. Hinayaan kita na gawin mo ang gusto mo sa akin. The fault was mine! At kung iniisip mo na 'yung mga naka-sex ko nung nakaraan ay dahil pa rin sa may pagkukulang ka, hindi iyon totoo! I did those to get the projects I want! And do you want to know why?"

Nanghihinang napaluha na lang ito.

"Because I don't want to fail you."

"Krista..."

"Ayokong isipin mo na walang kwenta lahat ng ginawa mo para sa ikakaganda ng career ko. Ayokong itapon mo ako at ipagpalit sa mga mas batang artista dahil wala na akong pakinabang sa iyo, tulad nitong ginawa mo ngayong buntis na ako!"

"Hindi kita tinapon dahil buntis ka," nanghihinang abot nito sa mga braso niya. "Nagalit ako, Krista... Punong-puno ako ng galit dahil iniisip ko na anak mo iyan sa ibang lalaki. Nagseselos ako, Krista. Iniisip ko na hinayaan na kita na gawin ang mga gusto mo, kahit na nasasaktan ako, kaya bakit kailangan mong paabutin sa ganito?"

"Paano kung anak mo ito?" she shuddered, crying gently as Kaiser pulled her close into an embrace.

"That's why I am here... What if... it's mine?"

"It's yours," she sobbed on his shirt. "There's always a protection we are using... when I do it with other men... I lied about my birth control pills when you fucked me... I'm sorry! Natatakot kasi ako. Natatakot ako dahil ipagpapalit mo ako kay Bree! Ayokong mawala ka sa akin!"

"As a talent, yes, bibitawan kita. But not as my partner. I don't want to meddle with your career anymore because you're becoming lazy it's becoming clear to me that you already lost your passion in acting. Nanghihinayang ako," he cupped his face and wiped her tears. "Nanghihinayang ako kaya nagagalit ako ng ganoon. Isa pa, matanda na ako, pasensya na sa mood swing ko paminsan-minsan."

"You're aware," simangot niya habang dinadama ang mga daliri ng lalaki na pumupunas sa kanyang mukha.

"Yup, but sometimes I can't help it."

At nagtama ang mga mata nila. Lalo lang namintana ang mga luha nila.

"At ayoko ring mawala ka sa akin," he gently murmured. "Sana lang... mapagpasensyahan mo ang mga pagkukulang ko. I know, I came to late in your life, you don't deserve me in this state— that's also the reason why I can't be honest with you with how I feel, Krista—"

"Is that about the sex again? I like it slow and gentle," she smiled, her heart rejoiced and pained at the same time. "If it's about how old you are, well..." Krista chuckled lightly. "Ano ba? At least, hindi mo ako makikitang tumanda at pumangit."

"You're upsetting me again," he hissed, drawing his face closer to hers.

"Are you using intimidation to get me again?"

"Maybe, I am. Mabuti nang magmukha akong masama... sa huli naman, magiging masaya ka rin sa piling ko, Krista. This time, I will make sure of that."

Naiiyakat magaan na humalik siya sa mga labi nito. Then they shared a warm embrace.

.

.

.

***

AN

And soooo, hanggang dito muna ang UD, hahaha~ Ang dami ba? Bukas back to normal na hahaha~ <3 <3 <3 Comshop-comshop muna ako ngayon, kaya pasensya na kung hindi ako asap makakareply sa comments/messages ninyo. Gayundin if nagagahol ako mag-UD, i live in a new place kasi, so yeah, unlike before na may direct line ng internet. Still, a happy new place to live in for me, share ko lang sa mga curious hahaha~ <3

Kitakits sa magiging UD ko bukas :*

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top