jan 6 | starry night, gloomy day

6 t h  o f  j a n u a r y .

------

Napahilamos ako sa aking mukha at napaupo sa upuan malapit sa pintuan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. O mas tamang sabihin na hindi ko na alam kung kailan ko sasabihin sa kaniya ang totoo.

Natatakot ako...

"Ayos ka lang, Bish?" biglang sulpot na tanong ni Siree. Naupo siya sa aking tabi at agad na hinimas ang aking likod. Mukhang alam na niya kung ano ang iniisip ko. "I think now is the right time. Tingnan mo, oh, saya-saya n'yo na. Tanggap na nga ni Tita si Levi, e. H'wag mo na siyang paglihiman. Mahirap na kapag huli na ang lahat..."

Napailing ako at bumuntong-hininga. "Hindi ko nga alam kung paano, Bish, e. Help me, please..."

Tumingin siya sa paligid bago binalik ang tingin sa 'kin nang may awa sa mga mata niya. Pumikit ako sa inis. Ayaw ko talagang kinakaawaan ako at alam kong alam niya iyon. Sadyang matigas lang talaga ang babaeng 'to at hindi natitinag.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa lounge ng Seisma Heiya. Wala ang iba dahil mukhang may mga pasok at busy sa buhay. Samantalang ako ay hindi pumasok, nagkataon namang hindi rin pumasok ang babaeng 'to dahil tinatamad daw.

"Okay, ganito..." Unti-unting sumilay ang ngiting may kilig sa kaniyang labi.

Napairap naman ako. Alam ko naman kasing kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ng babaeng 'to. Sana nga lang sa pagkakataong ito ay matino na. Kung hindi, mukhang mas mauuna pa talaga siya sa langit kaysa sa 'kin.

•••

"Darling!"

Gabi na at nandito pa rin ako sa headquarters. Sinabihan ko na rin naman si Mama na matagal akong makauuwi ngayon dahil may gagawin lang. I know she understands me and my situation.

Lumakad ako papunta sa babaeng nagparamdam sa akin ng libu-libong emosyon sa bawat araw na kami ay magkikita. Siya lang ang taong kayang gumawa sa akin nito. Nang dahil sa kaniya, nakalimutan ko ang kasarian na tinanggap ko simula pa no'ng bata pa ako. Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal at pag-aalagang natatangi; iba sa pinaramdam ng mga kaibigan at pamilya ko.

"Gabi na, ah. Bakit nandito ka pa rin?" bungad niya. Nagtataka ang kaniyang mga mata at sinuyod pa talaga ang kabuuan ko. Gwapo talaga ng babaeng 'to.

"Come, let me show you something." Binalewala ko ang tanong niya at hinila siya papunta sa likod ng apartment na siyang nirentahan at ginawang headquarters ng SeiHe. "Cover your eyes for me."

Nagtataka man, ginawa niya pa rin iyon. Hinanda ko muna ang kailangang ihanda bago ko siya marahang pinalakad sa hinanda ko.

"In the count of three, put your hands down and open your eyes, okay?" Tumango ito kaya nagsimula na akong magbilang. "One... two... three!"

As her eyes opened, the view surprised her, I know. A blanket was on the grass with finger foods on the center. There were also pillows that we can use when laying down. And in front of the setup, there is a telescope that I borrowed from our founder, Dionne.

A not-so-romantic setup for others, but for me, this is the best. Thanks to Siree's idea.

"Let's go?" bulong ko kay Levi. Napangiti ako nang lumingon ito sa akin nang nagtutubig ang mga mata. Kaagad niya akong niyakap at paulit-ulit na sinabi ang tatlong salita na nakapagpahihina sa 'kin. "Hush! Tara na bago pa mas lumalim ang gabi."

Naupo kami sa kumot at sabay na kinain ang mga pagkain na nandoon. Nagkuwentuhan at nagtatawanan. Kami lang dalawa ang magkasama. I love it this way. Sana ay bumagal ang oras at panatilihing ganito kapayapa ang aking emosyon at pakiramdam. Pero hindi, alam kong mabilis na lumilipad ang oras. Kaya nararapat lang na sulitin ito.

"I love you, Darling."

Tapos na kaming kumain at ngayon ay sabay naming pinapanood ang buwan at mga bituin sa kalangitan.

Napatingin ito sa 'kin at binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi. Tinuro niya ang langit sabay sabing, "Sila ang saksi kung gaano kita kamahal, Lux. Please, stay with me. Papakasalan pa kita, soon."

Nanginig ang mga labi ko at agad siyang niyakap. Eto na naman ako sa pagiging emosyonal. Hindi ko talaga ito mapipigilan kapag siya na ang gumaganiyan sa akin.

Niyaya ko siyang humiga. Pareho kaming nakatihaya habang magkahawak-kamay na pinagmamasdan ang ganda ng mga bituin.

"Darling..."

"Hmm?"

"I... have something to tell you." Nilingon ko siya at nakitang nagtataka na naman siya sa kinikilos ko. "P-Please, don't be mad at me for hiding this thing from you. Hindi ko lang talaga kayang makita kang naaawa sa akin."

Tuluyan na siyang tumagilid at humarap sa 'kin. Ganoon din ang ginawa ko. "Pinagsasabi mo?"

"No matter what happens after this night, please keep yourself strong. Don't depend on me. I want you to be happy with just yourself."

Naguguluhan na talaga siya, alam ko. Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na siya. "I have Chronic Lymphocytic Leukemia," I finally said with my firm voice.

Saglit pa siyang natigilan, pinoproseso ang sinabi ko. "Ano... 'yan?"

Pinipigilan kong matawa. Akala ko kung ano na ang nasa isipan niya, e. Hindi pa pala niya alam ang sakit na 'yon.

I caressed her hair and smiled despite from the overflowing sadness on myself. "It is a cancer of the blood and bone marrow, Darling. Dami kasing ginawang lymphocytes ng bone marrow ko, e. Pasaway!"

Humalakhak ako at binigyan siya ng tingin. Hindi siya natawa sa joke ko. Nakakatawa naman 'yon, ah?

"Seryoso ka?"

Bumalik ang lungkot sa akin. I landed my watery eyes on her and gave her a quick kiss on her forehead. "Unfortunately, yes."

"B-Bakit..." hindi niya natapos ang pagsasalita at humagulgol nalang. Napaiyak nalang din ako at kaagad siyang niyakap nang mahigpit kahit nakahiga pa rin kami. Ilang oras kaming nanatiling ganoon. Hindi pa rin siya kumakalma pero nakapagsasalita na. "Bakit hindi mo sinabi agad? I-Ilang buwan mo nang iniinda iyan?"

"I can't say," tanging naisagot ko.

"Luna and her children are the witness of our love. They know how much I love you, Darling. No matter what happens, please, remember my love for you. It is endless..."

"Darling naman, e!" She sobbed continuously. "Huwag ka namang magsasabi ng ganiyan! Akala mo naman mamamatay na! Magpapagamot ka pa, okay? Sasamahan pa kita... kasi magpapakasal pa tayo kapag naging Published Author na ako at Astronaut ka na. Don't say bad words, okay? Hmm..." Umiiyak pa rin siya.

I wiped her tears away even if I am also crying. "We will never know what the tomorrow will be, Darling. M-Malay mo—"

"Huwag mong ituloy. Hindi 'yan mangyayari, okay?" Pinahiran niya ang mga luhang tumatakas sa 'king mga mata. "Magpapagaling ka pa..."

Hinaplos niya ang aking mukha patungo sa aking buhok. Paulit-ulit niyang hinalikan ang bawat parte ng aking mukha habang tumutulo pa rin ang mga luha. Habang ako naman ay pinagmamasdan lamang siya nang may ngiti sa labi pero umaapaw rin ang emosyon kaya tumutulo ang mga tubig na nagmistulang ilog sa mga mata.

Tumitig siya sa akin at sa wakas ay ngumiti. "They are the witness of how much I adore you. You are the sunshine on my gloomy days and the brightest star in my dark life..."

"Sleep now, Darling..."

***

if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!

love,
ruru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top