jan 24 | fake wedding, real feelings
2 4 t h o f j a n u a r y .
--------
"Are you ready?"
"Kahit saan naman basta nando'n siya, ready ako."
Lumapad ang ngiti sa 'king mga labi. The happiness I am feeling right now is like a river and a sea when crossed, endless. I don't know what exactly I should act. Hindi ako mapakali sa aking inuupuan dahil alam kong ito ang araw na magtatatak sa 'min na kami ay para talaga sa isa't isa . . . kahit alam ko namang hindi ito totoo, hindi pa puwede.
"Hoy! Ayusin mo nga 'yang mukha mo! Mukha kang natatae, 'kala ko ba dapat pogi tayo ngayon?" panggigising sa 'kin ng bestfriend kong maasim ang mukha.
Inis ko siyang inirapan at inayos ulit ang sarili. "Sorry, ha?! Ilayo mo nga 'yang mukha mo! Crush mo na naman ako niyan?!"
"Kapal mo naman?! Si Father crush ko, woi!"
Nawala ang kaba ko sa kabalustagan ni Siree. Ang hagalpak ng tawa namin ay umalingawngaw sa loob ng kwarto. Talagang ginawa niya kasing target ang pinsan ni Dia na kung hindi siya binabara sa mga banat niya, pinagsasabihan namang kapatid lang tingin nito sa kaniya.
"Tumigil na nga kayo. Maggagabi na, oh, palabas na ang mga bituin. Baka dumating na rin ang bride tapos ang gulo-gulo niyo pa." Lumakad si Dionne papuntang sulok ng silid at nakakunot ang noong inayos ang mga gamit doon. "Naku talaga. Natapos nga nating iresolba ang isyu kanina, kayo naman diyan ang mukhang magkaka-isyu."
Napanguso si Siree dahil nagdadada na naman ang nanay-nanayan niyang mas bata sa kaniya. Tinawanan ko lang sila at tiningnan ang selpon. Wala pa ring mensahe mula sa kaniya. Mukhang kinakabahan din siya gaya ko.
A wedding where all of my friends are present, but not my parents. Alam nila ang event na 'to pero pinili nilang huwag mangialam. They chose to let us feel the feeling of having this day just for us, teens.
Kahit alam kong hindi totoo ang kasal na ito, masaya at kabado pa rin. Ito lang kasi ang makakaya ko upang tuparin ang pangakong ginawa namin sa isa't isa. Na kahit hindi pa kami successful sa buhay, naging akin pa rin siya. Na kung sakaling kunin man ang hiniram kong buhay, alam ko sa sarili ko na natamasa ko na ang buhay na kailanman ay hindi ko hiniling noon.
"Lux," a voice emerged from my back. Nang tiningnan ko ito, si Dia ang bumungad sa 'kin. Nakangiti at kahit ang stress niyang tingnan sa iniinda rin niyang karamdaman, ang ganda pa rin niya. "Be happy and fight for the life you deserve."
Nanubig ang gilid ng aking mga mata. Imbes na umiyak, niyakap ko na lamang siya nang mahigpit at binulungan, "I don't want to cry, Dia, so shut up. Okay? Masisira nilagay n'yong foundation!" Nahampas ako ng mabigat niyang kamay kaya kaagad na akong lumayo at parang sira na binigyan siya ng tawa.
Gaganti pa sana ako nang biglang tinawag na ako ni Ellaine, isa rin sa mga kaibigan ko at ni Levi, nagsasabing paparating na raw ang bride. Dumoble ang kaba ko nang mataranta na ang lahat at nasali na ako sa pagiging praning. Inakbayan ako ni Tristan at dinala kung saan dapat na nakatayo ang groom. Ngising malapad siya at akala mo naman ay hindi nawala ng ilang linggo nang biglaan tapos ay nandito sa kasal ko't parang multong sumulpot lang bigla-bigla.
The venue is where I confessed my love for her and where I confessed my hindrance of loving her forever; at the back of my home's apartment. Enchanted lights glimmered as the sun sets on the horizon, making the moon and stars float as if audiences in our little ceremony. The faces of the people who supported us from the beggining sparked as if they were the ones who will say the vows of eternity later. Simple yet elegant decorations are flocking around the corner, making the venue more majestic as it should be.
While hands and lips are trembling, the love of my life suddenly moves her strides towards the direction where I am standing, waiting for her to reach the goal for this night. The strand of her hair loosed that's making her more of a goddess, and her dress that resembled her purity shines like a diamond. I can't get ahold of her beauty, it's making my eyes produced tears that shows how emotional I am today.
"Bish, like what ate Dia said, be happy and fight for the life you deserve. Hindi mo pa deserve ang mamatay, okay? Dapat mapapaaga mo pa ng tulog ang darling mo!" biglang singit ng isang boses-kargador sa likod ko na siyang pumutol sa page-emo ko. Ngumisi pa ito at binaling na ulit ang tingin sa lalaking nasa likod, si Father Ace na siyang kunwaring magkakasal sa amin.
Napabuntong-hininga ako. Tama nga naman sila. If I know I deserve this kind of life, I should fight for this. Hindi iyong hahayaan ko nalang na maaabutan ako sa taning na binigay ng doktor. And I should be happy, not crying like a hurt mammal like this. Nasa harap ko na si Levi, oh, ang poging babae na bumihag sa 'kin. Tapos iiyak-iyak ako?!
Papalapit na siya. At sa huling hakbang niya patungo sa akin, nilagay niya ang sariling palad sa palad kong nakalahad saka kami naupo sa upuan sa harap ni father. Seryoso na naman ang mukha niya at sanay na kami roon.
Nagsimula ang seremonya. Kahit hindi totoong kasal, isinagawa niya pa rin ang tamang proseso. Hanggang sa umabot sa parteng magsasabi na kami ng mga pangakong isasaad para sa isa't isa.
"Levi, Lavinia, darling, o kahit ano pang pangalan ang ginamit mo. Thank you for having me at this very special moment for us. Kahit alam kong mahirap para sa atin ang panatalihin ang sitwasyong ito, lumaban ka. Tandaan mo sanang nandito lang ako palagi sa 'yong tabi bilang kabiyak mong pang-habambuhay. Tandaan mong kahit minsan ay hindi tayo nagkakasundo sa mga bagay-bagay, hindi pa rin mawawala ang pagmamahal na sa 'yo ko lamang itinanim. Pangako ko sa 'yong ikaw lang hanggang sa aking huling paghinga."
Sunod-sunod na mga luha ang nahulog sa 'king mga mata. Ramdam ko naman na ang paparating na mga pagsubok. Gusto kong maging matatag siya para sa asawa niya, para sa 'kin.
"Lux, Krypt, darling . . . alam ko kung gaano kahirap para sa 'yo ang pinagdadaanan mo ngayon tapos nakaya mo, kakayanin natin. Kahit patay ang kakalabanin natin, ayos lang! Basta'y nandiyan ka sa tabi ko at hinahawakan ang kamay kong pulidong ginawa para sa 'yo. Ikaw at ikaw lang hanggang sa huling pagtulog. Kakayanin natin 'to, labanan natin."
I saw her eyes softend as it landed on mine. Umiiyak na rin siya. Kahit wala pang sinasabi si Ace, hinagkan ko na siya at doon na humagulgol. Dinig na dinig ko naman din ang mga iyak ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung saan sila naiyak; sa aming drama ba o sa mensahe namin.
"As the assigned priest of this so-called wedding, I, Ace Brooks, announced you, Lux and Lavinia as husband and wife. You may now kiss the bride..."
Since this is not an actual wedding, my lips only landed on her forehead. Kantyawan ang maririnig sa buong backyard. Hanggang sa tumahimik bigla dahil sa pagsigaw ni father, hinahanap ang wedding certificate. Sumingit naman si Ellaine na may dala-dalang papel at mukhang iyon na ang wedding certificate.
Rinig ko naman ang maktol ni Siree sa likod. "At talagang kinalimutan ang wedding certificate?!"
Hindi ko na ininda pa ang ingay sa paligid. Nananatiling nasa kaniya ang aking paningin.
"I am . . . beyond happy. Thank you."
Lumapat ang aking noo sa kaniya, kasabay ng pagtulo ng luhang kanina pang walang tigil sa pag-agos ang siyang naging unang hikbi niya sa unang minutong naging mag-asawa kami. Sa mga sandaling ito ay parang naging sing-dami ng mga bituin ang aking mata bagama't pati sa kaluluwa niya'y kitang-kita ko ang nag-uumapaw na mga emosyon.
"Let's fight together, Lux. Make the moon and stars be the witness of our endless love."
***
if you are reading this, thank you! spread love, mga itlog!
love,
ruru
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top