Slay[One-Shot]

Third Person POV

Friday the 13th. Ang sinasabing malas na araw ng karamihan.

Naglalakad palabas ng kanilang paaralan ang isang grupo ng bardahan na binubuo ng apat ng lalaki, limang babae, at isang bisexual. Pagkalabas ng gate ay may nagsalita sa kanila.

"Guys! It's Friday! At isa lang ang ibig sabihin nun." Sabi ng isa sa kanila na si Gin.

"FRIDAY NIGHT!!" Sabay-sabay na sigaw nila maliban sa dalawa, si Yuki at Johan na nakabusangot ang mga mukha.

"Oh? Ba't ganyan ang mga mukha niyo? Dapat masaya kayo kasi... IT'S FRIDAY NIGHT!" Masayang sabi ni Dianne sa kanilang dalawa.

"Wala ako sa mood makisaya. Bagsak ako kanina sa exam kaya sigurado akong nakarating na ito kila Mom. Kaya paniguradong grounded ako." Malungkot na sabi ni Yuki sa kanila.

"Ako naman ay sinabihan ni Lola na umuwi ng maaga. At alam niyo naman yun masyadong paniwala sa mga malas malas lalo na ngayon at Friday the 13th. Haist! Nasisira lang beauty ko sa matandang yun eh." Sabi naman ng baklang si Johan.

"Ano ba naman kayo. Malapit na ang bakasyon kaya kailangan naman nating sulitin ang mga natitirang mga araw." Sabi ni Nicole. Sumang-ayon din ang karamihan at pinilit ang dalawa.

"Sige na Bakla! Bayaan mo muna yung Lola mo baka nga tulog na iyon ngayon eh. Pati ikaw Yuki. Bago ka ma-grounded sulitin mo na ang araw na ito." Pagpupumilit ni Angel. Napabuntong-hininga naman ang dalawa at napapayag din.

"Dapat lang na pumayag kayo kasi marami tayong titirahin." Nakakalokong sambit naman ni Michael.

"Titirahin?" Iba't iba ang naging reaksyon nila sa sinabi ni Michael.

"Haha! Ba't ganyan mga mukha niyo? Ano bang iniisip niyo?" Nang-aasar na tanong niya. "Hindi tao ang titirahin natin kundi----"

"Hayop? Kadiri ka ah!" Sagot naman ni Clark.

"Tae mo! Alak pare! Gago ne'to! Kung gusto mong tumira ng hayop huwag mo kaming idamay." Sabi naman ni Michael kay Clark. At nagtawanan silang lahat.

"Ilang alak ba ang kinuha mo, Michael?" Tanong ni Maggie habang nakalingkis ang mga kamay sa braso ng kanyang kapatid na si Miggy.

"Well, apat na karton na may lamang 24 na bote sa bawat isa." Sagot naman ni Michael.

"Ang dami naman ata, dude?" Gulat na tanong ni Miggy.

"Kaya natin yan, noh! Ang problema lang ay wala tayong shoting place." Sabi ni Michael.

"Hindi pwede sa'min." Sabi agad ni Clark.

"Pati sa'min." Sabay naman na sabi nila Maggie at Miggy.

"My house is not also available." Sabi din ni Dianne.

Nagtinginan sila kung kaninong bahay sila tutuloy.

"Okay. I guess hindi talaga pwede sa mga bahay-bahay niyo. So, I suggest my place. Is that okay to all of you?" Sabi ni Angel sa kanila.

"Huh? Wala ba yung parents mo? Di'ba strikto sila?" Tanong ni Johan.

"Nah. Wala sila ngayon dito sa bansa. And also the maids and the guards are all in their day-off. So, ako lang ang tao dun." Paliwanag niya sa mga kaibigan.

Nagliwanag naman ang mga mukha nila. At agad nagtungo sa mga kotse nila at nagsimula ng magtungo sa bahay nila Angel. Dalawang kotse ang gamit nila na pagmamay-ari nila Gin at Michael.

Pagkarating nila sa bahay nila Angel ay agad silang bumaba.

"Welcome to my home!" Masayang sabi ni Angel sa kanila kasabay ng biglang pagkulog at pagpatak ng ulan.

~*~

Yuki POV

"Pumasok na tayo. Nagsisimula nang umulan eh." Aya sa'min ni Angel kaya't dali-dali na kaming pumasok sa loob.

"Ano ba naman yan! Ngayon pa umulan eh." Reklamo ni Michael habang nakatingin sa labas.

"Hayaan mo na, Hon. Titila din yan mamaya." Sambit ng kasintahan niyang si Nicole.

Hindi ko alam pero pagdating pa lang namin dito sa bahay na ito ay kakaiba na ang pakiramdam ko at nangunguna dun ang kaba ko.

Nilibot ng paningin ko ang bahay. Hindi ito ang unang beses na tumapak ako dito sa bahay nila pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong matinding kaba. Parang may mali. Masama ang kutob ko sa mga maaaring mangyari ngayong gabi sa tirahan na ito.

"Are you okay, Yuki? You look pale?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Gin habang hawak ang pisngi ko. Nawala ang kaba ko at napalitan ng pagkailang.

"Y-Yeah. I'm f-fine. M-Masama lang ang k-kutob ko sa pwedeng mangyari ngayong gabi." Naiilang kong sabi.

"Parehas pala tayo. Nakaramdam ako ng kaba pagkapasok natin dito."

"Well. Baka naman talag---"

"Hoy! Mga Bakla! Ano? Maglalandian lang kayo d'yang apat? Balang araw magkakaroon din ako ng fafa. Bwahaha." Singit ni Johan. Lumapit naman siya kay Michael at hinila. "Pahiram muna si Michael, Nicole." Sabi nito kay Nicole na natawa lang at pinaubaya din si Michael sa kanya.

"Hon naman. Mare-rape ako ng wala sa oras dito eh." Reklamo ni Michael habang pilit na lumalayo kay Johan. Natawa naman kami tsaka kami pumunta sa living room.

"Girls, hinay-hinay lang sa pag-inom, ah?" Paalala ni Gin sa'ming mga babae. Ngunit nasa akin lang ang tingin niya.

"What?" Taas kilay kong tanong.

"Ikaw ang pinakamalakas uminom sa kanila kaya dapa---"

"Hayaan mo na si Yuki. Malay mo ito na ang last day ng kanyang kasiyahan. Alam mo na, grounded siya pagkauwi niya." Pagputol sa kanya ni Michael.

"Oo nga naman, Fafa Gin." Sabat ni Johan.

"Tsk. I'm just concern for her. Nagbabasakali lang akong baka mayroong mang-ahas sa kanya kapag nalasing siya." Sabi ni Gin na ikinamula ng pisngi ko. Kaya kumuha ako ng isang bote ng alak at tinungga yun. Panay din ang asar nila sa'min pero hindi nakaligtas ang matinding pag-irap sa'kin ni Angel at matalim na tingin ni Michael.

"Tigilan niyo na nga siya. Inom nalang tayo." Inis na sabi ni Angel na ipinagtaka ng iba. Hindi na ako nagtaka dahil alam kong matagal na siyang may gusto kay Gin.

Nag-inuman, nagkwentuhan, at nagkulitan. Halata rin sa amin ang mga may tama na. Ako naman medyo tinamaan lang. Ewan ko ba, sinunod ko lang ang paalala sa'kin ni Gin.

Tatlong oras din kaming nag-inuman at limang bote nalang ang natitira.

"Ayoko na! Sa inyo na yan!" Sabi ni Johan na biglang nawala ang kabaklahan at sumandal sa balikat ni Nicole. Wala naman yun kay Michael.

Hindi naman talaga bakla itong si Johan eh. Naging ganun lang siya upang mapalapit kay Nicole. At ginawa lang si Nicole na rebound ni Michael para makamove-on sa'kin. Nung umamin kasi siya sa'kin ay ni-reject ko siya. Dahil may gusto na akong iba.

"Guys. May kukunin lang ako sa kwarto ko. D'yan lang kayo ah." Paalam sa'min ni Angel at umalis na.

Nilibot ko na naman ang paningin ko sa bahay at bumalik na naman ang kaba ko. Tinignan ko naman ang mga kasama ko. Ang ilan ay nakatulog na. Ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang tingin sa'kin ni Michael na nakangisi pa na mas lalo pang nagpakaba sa'kin.

"Yuki. Nanginginig ka." Sabi ng katabi kong si Maggie.

"A-Ayos lang ako." Pinilit kong itinatago ang kaba ko.

"Yuki. Huwag ka nang kabahan. Hindi kita iiwan." Bulong sa'kin ni Gin at sumandal sa balikat ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Pero mas lalo akong kinabahan dahil alam kong may nakatitig sa'kin.

Maya-maya pa ay dumating na ang kinakatakutan ko. Biglang nawala ang ilaw kasabay ng pagkulog at pagkidlat dahil lakas ng ulan.

"A-Anong nangyari? Ba't nawala yung ilaw?" Kinakabahang tanong ni Dianne.

Kinapa ko naman ang phone ko at binuksan ang flashlight nito. Gising na ang lahat at biglang nawala ang kalasingan. Kita sa kanila ang kaba maliban sa mga lalaki.

"Guys!" Sigaw ng isang tinig na si Angel na may dalang mga flashlight. "Ito oh. Gamitin niyo." At binigyan kami ng mga flashlight.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil parang alam na alam niya talagang magbro-brown out. Ito ba yung mga sinabi niyang kukunin niya sa kwarto niya?

Napahawak ako ng mahigpit kay Gin ganoon din siya. Gusto ko nang umuwi.

~*~
Someone POV

Umaayon talaga sa'kin ang plano. Bwahahaha! Papatayin ko kayong lahat!

Sino kayang uunahin ko?

"CR muna ako, guys!" Paalam ng isa sa kanila kaya napatingin ako sa kanya. Lihim akong napangisi dahil siya ang uunahin ko.

~*~
Clark POV
[A/N: Warning! Mature Content!]

"CR muna ako, guys!" Paalam ko sa kanila. Malapit lang naman ang banyo nila dito kaya hindi ko na kailangang lumayo.

Habang umiihi ay parang may nakamasid sa'kin. Kaya napaikot ako ng tingin ngunit wala naman akong nakita. Pero maya-maya ay may kumalabit naman sa'kin kaya napalingon ulit ako pero wala.

Sino ba yun? Wala naman sigurong multo dito noh?

Maya-maya ay may yumakap sa'kin mula sa likod. Kaya napaharap ako sa kanya.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang makipaglaro." Sagot niyang nakakaakit. Alam ko naman yung laro na sinasabi niya eh.

Kaya hindi ko na napigilan at hinalikan siya. Binuhat ko siya at isinandal sa pader. Nagsimula ko na ring hubarin ang pang-itaas niya. At hinalikan muli.

Maya-maya habang hinahalikan ang mga hinaharap niya ay bigla siya nagsalita.

"Wait lang." Pagpigil niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. Ngunit nagulat ako nang tinulak niya ako sa pader at hinalikan.

Habang naghahalikan kami ay napatigil ako bigla nang may naramdaman akong matulis na bagay sa may bandang leeg ko. Pilit kong kumakawala sa halik niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Nagsisimula nang mamuo ang pawis ko.

"Why? Ayaw mo ba?" Tanong niya pagkabitaw niya sa halik. May hawak siyang kutsilyo habang isinusugat yun sa leeg ko.

"Ugh! A-Ano b-bang ginangawa m-mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Inaakit ka gamit ang kutsilyo ko." Sabi niya at bigla niyang tinusok sa may bandang dibdib ko kaya't hindi ko mapigilang mapasigaw ngunit tinakpan niya ang bunganga ko.

"A-Ano b-bang k-kailangan.. ugh.. mo? T-Tama n-na." Naiiyak kong bulong sa kanya. Pero mas tinusok niya pa ang dibdib ko. Pinipilit ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Nanghihina na ako. Ramdam ko ang paglabas ng dugo mula sa bibig ko.

"B-B-Bakit?" Bulong ko.

"Gusto ko lang namang kunin ang puso mo. Bwahahaha!" Mala-demonyo niyang sabi habang tumatawa.

"T-Tama n-na." Pakiusap ko.

"Let me slay you and take your heart." Bulong niya. "I need your heart." Tinanggal niya ang kutsilyo sa dibdib ko. Nanlalabo na ang tingin ko ngunit kita ko pa rin ang pagngisi niya kasabay ng pagdila niya sa kutsilyo.

Maya-maya ay pwersahan niya akong tinusok ng paulit-ulit sa dibdib. Hindi ako makasigaw dahil tinatakpan pa rin ng isang kamay niya ang bibig ko.

Maya-maya ay tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko kaya't napasigaw na ako ng malakas kasabay nun ang pagtanggal sa'kin ng isang bagay.

Ang puso ko...

At kasabay nang pagdilim ng aking paningin.

~*~
Dianne POV

Napalibot ako ng paningin sa mga kasama ko nang mapansin kong kanina pang hindi bumabalik si Clark. Nagpaalam ding umalis sila Maggie, Miggie, at Angel.

"Where the hell is Clark?" I asked.

"Baka tumae lang yun. Hahaha!" Sabi ni Michael. Wala namang natawa.

"AAAHHHHHHHH!!!"

Mabilis pa sa alas kwatrong napatayo kaming lahat dahil sa sumigaw ng malakas. I can't help but to feel nervousness. Alam kong si Clark yun.

Pagkadating namin sa CR ay agad kong binuksan yun. Nakasunod din ang iba. Wala kaming makita dahil walang ilaw. Binuksan namin ang mga flashlight namin ngunit napaupo nalang ako dahil sa gulat nang nakita ko si Clark.

Duguan siya at wala na siyang puso.

"Ahhhhhh!" Sigaw namin.

"Anong nangyari? Guys?" Tanong ng bagong dating na si Angel kasabay ng magkapatid na si Miggy at Maggie. "Ahhhh! My God! Anong nangyari?" Lumapit naman dun si Gin.


"Mukhang ilang ulit na pinagsasaksak ang dibdib niya at wala na ang puso niya. Pero sino ang walang pusong gumawa nito sa kanya?" Galit niyang sabi at tumingin sa'ming lahat. "Isa ba sa inyo?"

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Magkakaibigan tayo. Huwag ka na munang manisi." Inis kong sabi sa kanya.

"Eh tayo-tayo lang naman ang tao dito sa bahay na ito eh. Mabuti pa't tumawag na tayo ng mga pulis." At kinuha ang cellphone niya. "Sh*t! Walang signal!" Napatingin din kami sa mga phones namin. At pare-parehong wala.

"We have no choice but to get out of this house." Sabi niya. Tumakbo naman kami papalabas ng pinto pero naka-lock iyon.

"AHHHH! Bitawan mo'ko!" Dinig naming sigaw ni Maggie.

Napalingon namin kami dun at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Hawak-hawak niya sa leeg si Maggie at itinutok ang kutsilyo sa may dibdib nito. Bakit? Bakit siya pa?

"Sinong nagsabing pwede kayong lumabas sa pamamahay ko?" Seryosong sabi niya.

"Angel..." Dinig kong bulong ni Yuki.

"Angel!! Bitawan mo ang kapatid ko!!" Pagmamakaawa ni Miggy.

"Kapatid? 'Yan ba ang turingan niyo sa isa't isa? Parang hindi naman." Nang-aasar niyang sabi sa kaniya.

"Tumigil ka na! Kapatid ko siya! Bitawan mo siya!" Namamaos nang sigaw ni Miggy habang nakaluhod.

"Hindi kayo magkapatid! Kung magkapatid nga kayo hinding-hindi niyo gagawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng isang magkapatid. Kung magkapatid kayo, hinding-hindi mo dapat k*nak*nt*t ang kapatid mo!" Sigaw ni Angel. Nagulat naman kaming lahat sa sinabi niya. Umiiyak na si Miggy. Si Maggie ay pilit na umaalis kay Angel.

"B-Bitawan m-mo ako." Pakiusap ni Maggie. Gustuhin ko mang tulungan siya ay hindi ako makagalaw dito sa pwesto ko.

"I will take your heart, my dear." Nakangising sabi ni Angel kay Maggie at itinusok ang kutsilyo sa dibdib niya.

"Itigil mo yan, Angel!!!" Umiiyak kong sigaw.

"Walang makakapigil sa'kin! Bwahaha." At tumawa ng pagkalakas-lakas.

Tumakbo na ako sa pwesto nila pero napatigil ako nang bigla niyang hilain ang kutsilyo sa dibdib ni Maggie ngunit kasama nito ang puso nito. Napaluhod nalang ako at gustong masuka.

"WALANG HIYA KA! MAMAMATAY TAO KA! PINATAY MO ANG KAPATID KO!" Sigaw ni Miggy at sumugod sa kanya. Pero napatigil nalang siya nang tumarak ang kutsilyo sa may bandang puso niya. At walang kasindak-sindak na hinila ito ni Angel at lumabas ang puso nito.

"Two hearts. Plus Clark's heart. So, may pitong puso pa."

"Umalis na tayo dito!" Sigaw ni Michael. At tumakbo na kami pero napahiga nalang ako nang may humila sa buhok ko.

"Kukunin ko muna ang puso mo bago ka umalis." Sabi niya at pinagtutusok ako sa may dibdib at bigla siyang may hinila.

"A-Angel..." At nabalot ng dilim ang paningin ko.

~*~
Yuki POV

Kitang-kita ko kung paano tanggalan ng puso si Dianne bago kami makaalis. Umiiyak ako habang tumatakbo.

Akala ko ba kaibigan niya kami? Pero bakit?

Habang tumatakbo kaming anim ay hindi ko namalayan ang paghila sa akin ni Michael papunta sa ibang direksyon. Sisigaw na sana ako nang takpan niya ang bunganga ko. Ipinasok niya ako sa isang kwarto dito.

"L-Lumayo ka sakin!" Nanginginig kong sigaw pagkatanggal niya ng kamay niya sa bunganga ko.

"Shhh. Marinig ka ni Angel." Bulong niya at hinahalikan ang leeg ko.

"B-Bitawan m-mo ako..." Umiiyak kong pakiusap sa kanya pero parang wala siyang narinig at pinunit ang damit ko. Nanghihina na rin ako.

"Ililigtas kita kay Angel maging akin ka lang. Mahal na mahal kita." Bulong niya.

"T-Tigilan m-mo na a-ako! M-May Nicole ka na! At h-hindi kita m-mahal!" Sigaw ko.

"Rebound ko lang si Nicole at alam kong si Johan ang gusto niya. Please, mahalin mo ako. Akin ka lang." Pakiusap niya at sinunggaban ang labi ko. Tinulak ko siya ng pwersahan.

"Hindi mo ako pag-aari, Michael! Hindi kita mahal! May iba akong mahal!"

"Sino? Si Gin ba? Hahaha! Wala kang mapapala sa kanya. Ipaubaya mo na siya kay Angel. Kaya akin ka nalang!" Sabi niya at lumapit ulit sa'kin. Bago pa siya tuluyang makalapit sa'kin ay sinipa ko siya sa 'ano' niya. At tinadyakan ang mukha niya bago makalabas sa kwartong yun.

Pilit kong isinisigaw ang pangalan nila Gin habang tumatakbo. Napaatras naman ako nang makasalubong ko si Angel habang hila-hila ang bangkay na katawan ni Dianne. Nabitawan naman niya ito at humarap sa'kin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo na paalis. Ramdam kong hinahabol niya ako.

Gin... Johan... Nicole... Nasaan na kayo? Tulungan niyo ako.

Nagulat nalang ako nang may biglang humila sa'kin papasok sa isang kwarto. Napapikit nalang ako sa pag-aakalang si Michael ito.

"Ayos ka lang ba, Yuki?" Gumaan ang pakiramdam ko dahil boses babae ang nagsalita.

"Nicole!" At yinakap siya ng mahigpit habang umiiyak.

"Shhh. Tahan na." Bulong niya.

"S-Si Gin? At si J-Johan? N-Nasaan sila?" Kinakabahan kong tanong nang mapansin kong wala sila dito.

"Naghanap lang sila ng maaaring gamiting panlaban kay Angel." Napahinga naman ako ng malalim.

"Yuki. Ba't punit yang damit mo?" Nagsimula na naman akong umiyak.

"S-Si M-Michael. P-Pinagtangkaan niya a-ako." Sabi ko sa kanya. At kwinento ang iba pang detalye.

"M-Michael? Tsk. Sinasabi ko na nga ba may balak siya sa'yo mula pa nung pagkadating palang natin dito." Galit niyang sabi.

"S-Sorry." Bulong ko.

"Huwag kang mag-sorry. Dapat siya yun. Walang hiya yun! Kung pinaglaruan niya ako. Pwes ako rin! Tsk! Tsaka isa pa, hindi ko naman siya gusto eh. Iba ang gusto ko at si----"

"Johan." Pagpapatuloy ko. Kahit madilim ay kita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"P-Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya.

"I have my ways." Sabi ko. "Tsaka the feeling is mutual, Nicole."

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga yabag mula sa labas. Kung kaya't napayakap ako ng mahigpit kay Nicole. Ramdam ko rin ang kaba niya.

"Asan na kayo? Kukunin ko pa ang mga puso niyo. Anim na ang nakolekta ko. Apat nalang. Bwahaha!" Tumatawang sabi ng nasa labas.

Anim? Patay na rin si Michael?

"Yuki, sundan na natin sila Gin. Feeling ko, papasok siya dito." Mahinang bulong sa'kin ni Nicole. Sumunod naman ako sa kanya. Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto na alam naming si Angel yun.

Hinawakan ako ni Nicole sa kamay at hinila papasok sa malaking walk-in closet. May napansin naman akong isang papel na nakatago sa isang bulsa ng jacket. Kinuha ko naman iyon.

"Nicole. Tignan mo. May sulat." Bulong ko sa kanya. Binuksan ko naman iyon. Gamit ang flashlight ay sabay naming binasa ang liham.

'Kung sino man ang nakakabasa nito. Tulungan mo kami. Ako ang nanay ni Angel.'

Nagkatinginan kami ni Nicole at pinagpatuloy ang pagbabasa.

'Kung nababasa mo ito ay marahil ay patay na ako.'

'Tulungan mo kaming ibalik si Angel sa Mental Hospital. Kasalanan ko rin kung bakit siya nakalabas doon limang taon na ang nakalilipas. Siya'y ipinunta sa mental dahil sa pagpatay niya sa kapatid niya. Bata pa siya noon kaya't hindi pa siya pwedeng ikulong. Tinanggihan din siya ng DSWD. Kung kaya't sa Mental Hospital namin siya dinala. Ngunit nakapatay siya ng dalawa pasyente doon. Pumunta ako sa psychiatrist at sinabi nilang siya ay isang Psychopath. Nalaman ko rin na nagsimula ang pagiging psycho niya nang inamin niya sa'min na ginahasa siya ng kanyang ama. At hindi rin namin malaman kung bakit puso ang punterya niya.'

'Tulungan mo ako. Nakikiusap ako. Patigilin mo ang anak kong baliw sa pagpatay. Kung gusto mo pang mabuhay palabas ng bahay na ito sundan mo ang mapa. At may iniwan akong gamot. Iturok mo ito sa kanya. Sana ay hindi ka niya mapatay. Huwag mong hahayaan na kunin niya ang puso mo.'

Pagkatapos naming basahin yun ay tinignan ko ulit ying bulsa kung may iniwan pa siya. Laking tuwa ko dahil meron nga.

Dalawang syringe na may gamot.

"Magagamit siguro natin ito laban sa kanya." Sabi ko kay Nicole. Tumango naman siya. "Tignan mo itong mapa. May mga sikretong labasan. At isa dito ay itong nasa paanan natin." Umupo kami at binuksan ang maliit na pinto nito.

"Tara na. Bago pa niya tayo mahuli dito." Sabi niya at nauna nang tumalon pababa. Tatalon na rin sana ako nang biglang bumukas yung pinto ng closet. At niluwa nito si Angel na masama ang tingin sakin. Bago pa niya akong mahila ay tumalon na ako at dali-daling sinara ang pinto. Mabuti at may lock iyon. Rinig na rinig ang sigaw niya mula sa taas.

"Tara na. Mamaya ay mabubuksan na niya iyan." Sabi ko at tumakbo na kami. Para kaming nasa basement ng bahay nila. Tinignan ko ang mapa at hindi nga ako nagkamali, nasa basement kami. Lumiwanag ang mata ko nang makitang malapit na dito ang labasan.

"Malapit na tayo." Masaya kong bulong. Napangiti rin si Nicole. Tumakbo na kami papunta sa labasan nang may humablot sa buhok ko.

"Argh! B-Bitawan mo a-ako!" Sigaw ko.

"Balak niyo pa talaga akong takasan ah. Kukunin ko muna ang puso niyo."

"Hindi mo makukuha ang puso namin! Baliw!" Sigaw ko at sinipa siya sa t'yan. Kinuha ko yung syringe na nasa bulsa ko at lumapit sa kanya. Bago ko pa iturok sa kanya yun ay tinusok niya ako sa braso kaya't nabitawan ko yung gamot.

"Ano ito?" Tanong niya habang pinululot yung gamot. "Galing kay Mama. Sorry nalang dahil hinding hindi niyo na ako matuturukan." Natatawang sabi niya at pinalabas ang gamot mula sa syringe.

"Tumigil ka na! Marami ka nang napapatay!" Sigaw ni Nicole.

"Eh ano naman ngayon? Eh mas gusto ko pang mangolekta ng puso eh." Sabi niya at sinugod si Nicole. Tinusok niya ang likod nito.

"Nicole!!" Sigaw ko. "T-Tama n-na. T-Tumigil ka na." At tumakbo palapit kay Nicole at niyakap siya.

Pero parang wala siyang narinig. Papalapit siya sa'min habang hawak ang kutsilyo. Napapikit nalang ako at hinihintay na bumaon ang kutsilyo sa amin. Pero wala kaya napadilat ako.

Nagulat nalang ako dahil hawak niya ang braso niya. Napatingin naman ako sa may gawa nun. Si Gin kasama si Johan. Lumapit kami sa kanila at yinakap sila.

"Sorry. Kung ngayon lang kami nakarating." Bulong ni Gin sa'kin.

"Argh. Walang hiya kayo! Papatayin ko kayo!" Sigaw ni Angel at sumugod sa'min. Bago pa niya kami saktan ay sinipa agad ni Johan yung kutsilyo sa kamay niya. Sinipa naman ni Gin ang mga binti niya kaya napaupo si Angel. Pero napansin ko ang dugo na lumalabas mula sa kanya.

"M-May dugo." Sabi ko. Napatingin din sila sa mga hita ni Angel. Napahawak naman dun si Angel.

"A-Anak..." Bulong niya habang nanginginig na nakatitig sa dugo na nasa kamay niya.

"Buntis ka?" Tanong ni Nicole. "Sinong ama?" Hindi siya sinagot nito dahil sa panlalambot.

"Si Clark." Bulong ko.

"Huh? Paano mo nalaman?" Tanong niya pero hindi ko na siya pinansin at lumapit kay Angel. Linabas ko ang isa pang syringe at itinusok iyon sa braso niya. Hanggang sa mawalan siya ng malay.

Napaupo nalang kami at nagpapasalamat dahil natapos na rin.

"Tumawag kayo ng pulis at ambulansya. May signal na dito." Nanghihinang sabi Johan. Ako na ang tumawag. Makalipas ng ilang minuto ay dumating na rin sila.

Kinuha nila si Angel at agad na isinugod sa hospital. Nagpaiwan kami para ipaliwanag sa mga pulis ang mga nangyari. Nagamot na rin kami.

"Inspector. May nakuha sa loob ng bahay na 189 na bangkay at 5 sako na may lamang mga puso." Sabi ng isang pulis.

Nagulat naman kami sa sinabi niya. Seryoso? Ganun karami?

"Umuwi na kayo. Babalikan namin kayo bukas para tanungin ulit. Ipapahatid ko na rin kayo." Hindi na kami umangal na apat at sumakay na sa kotse. Pagkadating sa tapat ng bahay ay bigla akong nakaramdam ulit ng kaba.

"Ba't wala yung mga guard? At bakit sarado ang mga ilaw?" Bulong ko. Hinawakan naman ni Gin ang kamay ko at hinarap yung isang pulis.

"Officer. Maaari po bang samahan niyo kami sa loob ng bahay nila. May kakaiba po kasi sa loob eh." Tumango naman sila at lumabas kaming lahat ng kotse.

Pagkapasok pa lamang sa gate ay nakita  ko yung guard na wala ng puso.

"Ahhhhh!" Sigaw ko at napayakap kay Gin.

"Anong nangyari dito? SPO2 tumawag ka ng back-up." Rinig kong sabi nung pulis. "Dito muna kayo. Kami na muna ang papasok." At pumasok na ang dalawang pulis sa loob ng bahay.

"Tumawag ako kanina sa bahay. Wala daw si Lola pumunta daw dito kila Yuki." Sabi ni Johan.

"Pati ako." Sabi naman ni Gin.

"Same. Pero bakit dito sa bahay nila Yuki hindi naman ganun ka-close ang mga parents natin? H-Hindi k-kaya..." Sabi ni Nicole kaya't naging alerto kami. At agad na pumasok sa bahay.

At napaluhod nalang ako sa mga nakita ko dahil tama ang hinala namin. Ang mga magulang namin... Patay na.

At walang mga puso.

Lumapit sa amin ang isang pulis at may pinakitang sulat.

'Kung nakaligtas man kayo ay hindi ko hahayaang maging masaya kayo. Inunahan ko na kayo at pinatay sila.'
~Angel

Napahagulgol nalang kami dahil wala na ang mga magulang namin. Pati na rin ang mga magulang ng mga namayapa naming mga kaibigan andito rin.

Bakit? Bakit nangyayari sa'min ito.

~*~
Third Person POV

Sampong taon na ang nakalipas mula nung mangyari ang imsidente sa kanilang magbabarkada. Maraming nagbago simula nun.

Nabuhay ang bata na nasa sinapupunan ni Angel. At namatay naman si Angel pagkapanganak nito sa Mental Hospital.

Sila Gin at Yuki ay nagpakasal pagkatapos nilang grumaduate ng kolehiyo. Ganoon din sila Johan at Nicole.

Sa kabila ng pagkangulila sa kanilang mga magulang ay napagdesisyunan nilang magsama nalang sa iisang bahay hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral.

"Nakakamiss sila, noh?" Malungkot na sabi ni Johan sa kanila habang nakatingin sa mga libingan ng mga kaibigan at mga magulang namin.

"Sinabi mo pa." Sagot ni Nicole.

"Tara na doon. Hinihintay na tayo ng mga anak natin." Sabi ni Yuki na nakahawak sa kamay ni Gin.

Ang anak ni Angel ay inampon nila Gin at Yuki. Pinangalanan nila ito ng Angelika na mula sa pangalan ng kaniyang ina. May dalawang anak din sila. Dalawa rin kay Johan at Nicole.

Pagkalapit nila sa mga bata ay napansin agad nila na wala si Angelika.

"Nasaan ang Ate Angelika niyo?" Tanong ni Gin. Tinuro naman nila ang isang gubat.

Nagpaiwan sila Johan para bantayan ang mga bata. Hinanap naman nila Yuki at Gin si Angelika. Nakita nila ito sa isang puno. Nakatalikod siya sa mga ito kaya't hindi nila malaman ang ginagawa ng bata.

"Angelika, anak." Tawag ni Yuki sa kanya. Ngunit laking gulat nalang nila nang humarap ang bata sa kanila na duguan ang kamay at may hawak na puso ng hayop.

"I just want to slay her and get her heart."

~*~
END.

WeGotMarriedFounder
Here's my story.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top