{4} • Room of Crowded Princesses

+

"Girls? Hey girls! She's waking up!"
A group of young women quickly moves toward a single spot.

"Ayos lang ba siya?"

"Hello, may masakit ba sa'yo?"

“Are you feeling alright?”

"OMG! She's so pretty!"

"Ano ba, girls? Will you give her some space? Baka ma-suffocate pa yan sa ginagawa niyo!"

Iyon ang mga sunod-sunod na naririnig ni Elsa mula sa kanyang buong paligid, habang unti-unti siyang nagkakamalay.

Pakiramdam niya'y masyadong marami ang mga taong naroroon. Ngunit ni-isa sa mga boses na kanyang naririnig ay wala siyang may nakikilala.

Dahan-dahan niyang binubuksan ang kanyang mga mata, habang inililibot ang mga tingin mula sa paligid.

At hindi siya nagkakamali.

Napakarami ngang tao ang naroroon, at puro ito mga babae.

At wari ba'y naka-suot ang mga ito ng iba't-ibang costumes, na para sa kanya ay parehong weird at fascinating kung titingnan ang mga ito.

There were twelve of them.
At halos lahat sila'y nakapalibot mula sa kanya.
Isang bagay na sobrang ikinataka naman ng dalaga.

"S--Sino kayo?" Pauna niyang naitanong, na may halong kaunting kaba, habang isa-isang tinitingnan ang mga binibini.

At kung hindi lang dahil sa mga nakakalulang suot nitong mga costumes, marahil ay inakala niya nang nasa langit siya, dahil sa unang tingin niya palamang sa kanilang mga mukha ay talagang masasabi niya sa sariling, pare-parehong naggagandahan ang mga ito, na wari ba'y mga anghel mula sa langit.

But why are they wearing costumes? -Elsa thought to herself...

"Girl, just calm down okay? We're not going to hurt you," sabi sa kanya noong dalagang naka-suot ng isang Snow White costume.

"S--Sino ba kasi kayo? A--At ba't ganyan ang mga suot niyo? Nasaan ba ako?" Muling sunod-sunod na naitanong ni Elsa. Halatang hindi pa rin mapakali.

Dahil sa naging tanong niya'y bahagyang nagkatinginan naman sa isa't-isa ang mga dalaga. Wearing the same expression as she is. Being clueless.
"A--Ang totoo niyan, hindi rin na'min alam eh," mahinhing sagot sa kanya noong babaeng naka-suot ng isang dilaw na damit, at may dala-dala pang libro.

"Tama siya," sabi naman noong isa pang dalagang may pagka-intsik at boyish sa pananalita.
"At kagaya mo, nagising nalang din kami, nandito na kami sa... Kung ano mang lugar na ito. At ito na rin ang mga suot-suot namin," aniya pa.

"We're all in the same page here, Elsa. So... just stay calm, okay? Hindi ka naman namin sasaktan," sabi naman noong dalagang sa unang tingin palamang ay mahahalata mo nang may lahi itong arabo.

Sa puntong iyon naman ay bahagyang napakunot ng kanyang noo si Elsa dahil sa sinabi nito. Nagtaka siya kung bakit alam nito ang kanyang pangalan.
"Te--Teka... Papaano mo nalaman ang pangalan ko?" She asked.

Dahilan naman upang kaagad na itinuro no'ng mga dalaga ang kanyang suot-suot na damit.
At doon niya lamang napansing nag-iba na rin pala ang suot niya.

“We just assumed na yan din ang pangalan mo, since... You're also wearing “that” costume,” aning muli no'ng dalagang may lahing arabo.

At tama ito, dahil nakasuot na siya ngayon ng isang wari ba'y asul na gown, na kumikinang-kinang pa. And she even noticed that her long dark hair is now dyed in a platinum-blonde-like color, at nakatarintas na rin ito, na wari ba'y may kung sinong nag-ayos sa kanya habang wala siyang malay kanina.

At kung hindi siya nagkakamali, kung sino man ang nag-ayos at nagpalit ng kanyang damit ay ginawa iyon upang maging kamukha niya ang coincidentally ay kapangalan niya ring karakter na si Elsa, mula sa palabas na Frozen.

“That's your name, right? You're... Elsa?” Tanong sa kanya no'ng babaeng naka-Snow White costume.
"I'm Snow, by the way," nakangiting pagpapakilala pa nito. "My surname's not White though. As a matter of fact, it's actually Browning. Pero no'ng bata pa ako, maraming beses nga talaga akong tinatawag na Snow White ng mga tao kasi.... well... magkamukha raw talaga kami. Actually, yan pa rin naman ang tawag nila sa'kin. Funny right? What about you? What's your full name ba, miss?" Muling pamonologong tanong pa nito.

Ngunit imbis na sagutin ang dalaga ay kaagad lamang na napatayo mula sa kanyang kinahihigaang kama si Elsa, at kaagad na napalinga mula sa buong paligid, trying to figure out where exactly is she, at kung naroroon din ba ang kanyang kapatid.
But sadly, she couldn't see her there.

At doon niya naman nakita ang kabuoang hitsura ng silid na kasalukuyan nilang kinaroroonan.

It was so stunning. So full of glitters, paint colors, and different kinds of girly-pretty designs. Isang silid na kaparehong-kapareho talaga ng kanyang nakita mula sa palabas na Ralph Breaks the Internet. Kung saan naroroon din sa iisang silid ang lahat ng mga Disney princesses.

"S--Si Anna? May nakakita ba sa inyo kay Anna? Y--Yong kapatid ko?" Tanong niya roon sa mga dalaga. Halata mula sa kanyang mukha ang nakapintang labis na pag-aalala.

"Teka... May kapatid ka talagang Anna ang pangalan?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya no'ng boyish na babaeng may scottish accent pa, at mayroong kulot at napakapulang buhok.

"Woah! That's a really awesome coincidence!" Sabi naman no'ng isa pang babaeng pula rin ang buhok.

Napasapo mula sa kanyang mukha si Elsa, still uncomfortable about the things that are currently happening to her.
"P--Please! Kailangan kong maka-alis dito! Nawawala ang kapatid ko! Kailangan ko siyang mahanap! I don't have time for this! W--Where's the exit?" Wikang muli ni Elsa, at pagkatapos ay muling inilinga sa buong paligid ang kanyang paningin, trying to search for some exit. But there were only two doors in there. Isa mula sa kaliwa at isa naman mula sa kanan. Mga pintong wari ba'y nagsisilbing entrance at exit ng kwarto.

Pareho niyang nilapitan ang mga ito, nagbabakasakaling makakalabas siya mula sa kahit isa manlang dito.

Ngunit kahit anong gawin ng dalaga'y hindi niya manlang magawang mapihit ang mga door knobs nito.

It wasn't even budging.

"Nice try, pero kanina pa namin sinubukan yan," says the girl wearing a Moana costume. "Pero maging kami ay hindi rin namin mabuksan."

Mayamaya nama'y may kinuhang stool mula roon si Elsa at ginawa iyong pamalo mula sa isa sa mga pintuan. She's trying to break it down, makalabas lamang siya mula roon, ngunit ni-galos ay hindi manlang nito natamo.

"Woah girl, chill!" Agarang pagpipigil sa kanya no'ng dalagang may napakahabang blonde na buhok.
"Lahat naman tayo rito gustong makalabas eh. And basically, we've all tried everything! Pati yang mga ginagawa mo at gusto mo pang gawin, pero sa tingin mo ba makikita mo pa kaming lahat dito kung nakahanap na kami ng isang paraan para makalabas?" Sabi pa nito, stating the obvious.

"Tama si Rapunzel," kalmado at seryosong pagsang-ayon naman noong dalagang kamukha ni Pocahontas, and is also the tallest girl among them.
"Ang mas mabuti pa siguro, umupo ka nalang muna para mapag-usapan nating lahat kung bakit nga ba tayo nandidito, at kung papaano tayo makakalabas," aniya pa.

"Yes, it would be best for all of us to discuss how we arrived here, especially now that... we're all awake," wikang muli ni Rapunzel.

Ariel sighs.
"Well, obviously, kung sino man ang kumidnap at nagdala sa'tin dito, he or she is probably obsessed with animated movies. Most specifically, Disney Princesses! I mean, look what they've done to us!" Aniya pa.

"Tama si Ariel eh," pagsang-ayon naman kaagad noong dalagang may lahing arano, Elsa assumes the girl's name is Jasmine.
"I mean, hindi pa ba halata? Lahat tayong naririto ay halos kamukhang-kamukha ang mga babaeng karakter sa mga disney movies! Me in particular, I'll admit, I do kinda resembles Jasmine."

"True. And not to mention, kapangalan din natin sila," sabi naman noong dalagang may lahing african-american. "The name's Tiana, by the way."

"Pero sino naman ang magtatangkang kumidnap sa'tin? At papaano niya tayo nahanap lahat?" Takang tanong ng dalagang si Cindy. “And for what?”

Merida rolled her eyes.
"The internet. Hello! Isang search lang mula sa social media, kahit sino ay pwede na tayong mahanap," aniya pa.

"Pe--Pero papaano naman ako?" Singit ng dalagang si Moana sa usapan. "Wala akong kahit na anong alam tungkol diyan sa social media! Ni-mumurahing cellphone ayaw nga sa'king ipahawak ni inay."

"Sa tingin mo ba may pake ako? And don't ask me questions. Sisihin mo ang boring mong mga magulang kung ba't ayaw ka nilang bilhan ng cellphone," mataray namang iniwikang muli ni Merida.

"Anong sabi mo--?" Lalapitan na sana siya ni Moana, ngunit bago pa man tuluyang lumaki ang tensyon sa dalawa'y kaagad nang pumagitna mula sa kanilang dalawa si Mulan.

"Woah woah! Girls, chill!" Wika niya roon sa dalawa, at pagkatapos ay ibinaling naman ang tingin kay Merida.
"Look, Redhead, pwede ka namang magsalita ng maayos lang diba? No need to be rude to others," aniya rito. “And last time I checked, the name of Merida's movie is Brave, and not Bitch.”

Ngunit pilit lamang siyang nginitian no'ng dalaga.
"I'll be who I want to be, China.
And sorry... but, being in the same room with all of you clowns is just making me sick. Hindi ko nga kayo kilala eh, and seeing all of those immature costumes is just making everything worst!" Sabi pa nito.

Rapunzel, then rolled her eyes in annoyance.
"Don't be such a diva, Red. And just so you know, wala ring may pake sa pagtataray mo. Dahil sa gustuhin mo man o sa hindi, wala kang ibang makakasama kundi kami lang, hangga't hindi pa tayo nakakalabas sa lugar na ito! Sa ngayon, wag ka na munang mag-inarte at makipag-cooperate nalang," Monologo niya pang wika rito.

Ngunit imbis na sumagot pa ay tinarayan nalamang ni Merida iyong iba at umupo sa may gilid kung saan tahimik lamang din na naka-upo ang isang dalagang nagngangalang Aurora.

Kanina pa naka-upo lamang mula roon ang dalaga. Halatang naiilang na makihalubilo roon sa iba.

Ngunit mas nailang lamang siya nang biglang tumabi malapit sa kanya ang nagtaray kaninang si Merida.

Pero gayo'n pa ma'y hindi naman siya binigyang pansin no'ng dalaga.

"Can we all just stop arguing muna? And figure out what's really going on around here?" Saad muli ng dalagang si Ariel.

"Well, kung ano man ang nangyayari rito at kung sino man ang may gawa sa'tin nito, talagang makakatikim siya sa'kin," muling sabi noong boyish na si Mulan, habang pinapatunog pa ang kanyang mga kamo.

Mayamaya nama'y dahan-dahang itinataas ni Aurora ang kanyang kamay, dahilan upang sa kanya naman agad na mapabaling ang mga tingin noong iba.

She wanted to speak. Ngunit pakiramdam ng dalaga'y parang umaatake ang anxiety niya. Ngunit dahil gusto niya na ring makaalis mula roon ay pinilit niya nalamang na makipag-communicate sa iba.
"Uhh... M--May nakikilala ho ba kayong Anton ang pangalan?" She asks.

"Anton? Ooh! Let me guess, boyfriend mo?" Curious na tanong naman ni Snow.

"H--Hindi. K--Kilala kasi siyang pervert s--sa'min eh. Kaya... Akala ko may nakikilala rin kayo," nauutal na aning muli Aurora.

Merida once again, rolled her eyes.
"And why would any of us care about this Anton creep you're talking about?"

"W--Wala lang. Baka kasi s--siya pala ang nagdala sa'tin dito."

"Wala eh, wala akong kakilalang Anton," says Rapunzel. "Kayo ba, girls?" She asks the others, ngunit pare-pareho lamang itong nagsi-ilingan.

"O--One more question tho..." Says Aurora once again, habang nakatingin kay Rapunzel.
"Totoong buhok mo ba talaga yan?" Tanong niya pa, habang itinuturo ang napakahaba niyang buhok.

"Oo nga pala! Kanina ko pa rin gustong itanong sa'yo yan eh!" Singit naman ni Ariel.

"I mean, it looks real to me," sabi naman ni Snow.

Rapunzel took a deep breath upon hearing Aurora's question and the other girls' reaction.
"Hindi," agarang sagot niya.
"Rapunzel nga talaga ang pangalan ko, pero hindi ganito kahaba ang buhok ko. I'm not even blonde! My hair's black. Nagising nalang ako kanina na ganito na ang buhok ko," kwento niya.

Isang bagay na ikinataka naman noong iba.
"Kung hindi mo pala tunay na buhok yan, eh ba't hindi mo tanggalin?" Tanong ni Moana.

"I've tried. But it's not a wig," sagot ni Rapunzel.

"Ibig mo bang sabihin, talagang nakadikit sa balat ng ulo mo ang bawat hibla ng buhok na yan?" Seryoso at hindi makapaniwalang tanong naman ni Pocahontas. "Pero... papaano?"

"I'm telling you girls, wala rin akong alam," sagot muli ni Rapunzel.

"It's because... kung sino man ang nagdala sa'tin dito, they want us to literally be in-character," sabat sa kanila ng kanina pang tahimik na si Elsa, na ngayo'y abala pa rin mula sa pagkulikot sa mga pader ng kwarto. Trying to figure out kung may makakapa ba siyang kakaiba na maaaring makapagbukas ng pinto o kahit na ano mang lagusan...

"So, you finally decided to communicate us, huh?" Seryosong ani sa kanya ni Rapunzel.

"Uh... Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Snow.

"I'm trying my best to find a way out. Hindi kagaya niyo na nakikipag-chikahan lang diyan," aniya pa.

"Well, FYI miss Let-It-Go, we're also trying to figure out kung papaano rin kami napunta rito. Hence the chikahan. At ilang beses ba kasi naming sasabihin sa'yo, na kanina pa namin sinubukan yang ginagawa mo no'ng tulog ka. I'm telling you, there's no way out," may halong pagka-inis namang sinabing muli ni Rapunzel

Elsa sighs.
"Kung gusto niyo talagang makalabas dito, the best strategy is to get moving instead of talking. No way out? Then don't give up trying. Even small holes could save our lives in a time like this," kalmado niya namang ani.

Dahil sa sinabi ng dalaga'y pare-pareho namang nagkatinginan iyong iba sa isa't-isa.

Naisip din nilang, may punto rin naman si Elsa..
"She's right," says Jasmine, habang nakaharap kay Rapunzel. At pagkatapos ay lumapit kay Elsa.

"So... What are we looking for exactly?" She asks.

"A clue, or anything. Like... A button. Baka sakaling may mga nakatago lang dito. Check the floors," aniya. Isang bagay na siya namang kaagad na sinunod ni Jasmine.

"Hidden clues ba kamo?" Snow asks in curiosity. "Yo'ng parang nasa mga Escape Rooms?" Muli niyang tanong.

Elsa nodded as an answer.

"Pero papaano kung imbis na lagusan palabas eh mga scary traps ang sumalubong sa'tin?" Tanong muli ni Snow. Halatang medyo pinangungunahan ng kaba. "Y'know? Like, sa mga Indiana Jones movie? Hindi niyo pa ba napapanood 'yon?"

Dahil dito'y muli lamang na napabuntong hininga si Elsa, at bored na tiningnan si Snow.
"Sinabi ko na sa inyo diba? The only way we could get ourselves outta here is if we'd start moving and stop talking," seryosong aniya pa roon sa dalaga, at muli nang ibinaling ang atensyon mula sa kanyang ginagawa, still looking for clues.

Dahil dito'y wala namang ibang nagawa si Snow kundi ang sundin nalamang ang dalaga.

And just like what Elsa told them, all of the other girls did what she said.
They started working together, trying to find a way out, with less talking.

Everyone helped, except Merida. Na hanggang ngayon ay bored pa ring nakaupo mula sa isa sa mga upuang naroroon.

They've searched almost the whole area. But still couldn't seem to find something that'll lead them to the outside, or any kind of doors.

At habang abala pa rin sa kanyang ginagawa'y napansin ni Elsa na lumapit sa kanya ang isa sa mga dalagang naroroon.

Her face looks familiar, not because she's wearing a disney character's costume, pero pakiramdam niya talaga'y nakita niya na ang dalagang iyon sa kung saan.

"Excuse me, di--diba kanina nabanggit mo ang tungkol sa kapatid mo?" The young girl asks.
It was Cindy. Cinderella's alter ego.

"Oo, bakit?" Tanong naman ni Elsa.

"Kung hindi kasi ako nagkakamali, nakikilala ko ang kapatid mo eh," aning muli ni Cindy.

"T--Talaga? Nakita mo ba siya rito?" Agarang naitanong naman ni Elsa.
But Cindy shooked her head in response.
"N--No! A--Ang ibig kong sabihin... Nakikilala ko siya sa labas. Isa siya sa mga naging kaklase ko dati eh. Pati nga ho kayo naaalala ko rin no'ng bata pa," aniya.
"A--Ako nga po pala si Cindy. Cindy Tremaine. Hindi ko alam kung naaalala niyo pa 'ko pero--"

"Ahh... Oo!" Agarang sagot naman ni Elsa. She smiled at the teenager.
"Ikaw 'yong palaging dinadala ni Anna sa bahay at naglalaro kayo ng Barbie diba?" Aniya, dahil dito nama'y napangiti naman si Cindy at bahagyang napatawa ng mahina.

"O--Opo, ako nga po 'yon," she said, then, It took Cindy four seconds bago tuluyang magsalita ulit.

She took a deep breath, at wari ba'y parang nag-bago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang muling maalala ang dating matalik na kaibigang si Anna...

She felt guilty about something. Isang bagay na hindi pa rin maintindihan ng dalaga.

"I--I'm pretty sure she's safe," says Cindy. Dahilan upang may halong pagtatakang mapa-tingin sa kanya si Elsa.

Cindy then smiled.
"Si Anna. She's a strong girl. A--At sigurado rin akong magkakasama rin kayo in no time," aniya pang muli.

Dahil dito'y napangiti naman si Elsa...

She's also worried about her sister.

At may pakiramdam din siyang, kung nasaan man sila ngayon ay may malaking posibilidad ding naririto rin si Anna.
Baka nasa ibang silid o lugar kasama ang iba pang mga tao.

And that alone is also one of the main reasons kung bakit gustong-gusto niya talagang makaalis sa lugar na ito.

Mayamaya'y unti-unti namang nawala ang mga ngiting nakakurba mula sa mukha ni Elsa nang maalalang, isa nga pala si Cindy sa mga unang nawala mula sa town nila.
“Kung... kung hindi nga pala ako nagkakamali... isa ka roon sa mga unang nawala, 4 weeks ago,” says Elsa, dahilan upang mapatingin sa kanyang muli si Cindy na may gulat na exspresyon. “What happened to you during those weeks?” Tanong muli ni Elsa.

“F--Four... Four weeks?” Hindi makapaniwalang naitanong ni Cindy...
“Pe--Pero... Sa naaalala ko po, kaninang umaga lang may umatake sa'kin... 'y--yong mga alaga kong daga... They—”

Rapunzel cleared her throat, dahilan upang hindi maipagpatuloy ni Cindy ang kanyang sana'y mga sasabihin pa.
“Ang akala ko ba, more searching at less talking?” Aniya pa, nang naka-arms crossed, dahilan upang ibalik nalamang nina Elsa at Cindy ang kanilang ginagawa.

+

Mayamaya lamang ay may isang wari ba'y makinang na bagay namang nakikita ang dalagang si Aurora mula mismo sa may bandang kinauupuan ni Merida...

Napakunot ang kanyang noo rito, kaya nama'y kaagad siyang tumungo mula roon.

Isang bagay na bahagyang ikinagulat at ikina-taka naman ni Merida.

"H--Hoy anong ginagawa mo? Namboboso ka noh?! To--Tomboy ka ba?!" Agarang naiwika nito.

"H--Huh? Hindi! M--May nakita lang kasi ako sa ilalim ng inuupuan mo eh," malumanay na sagot nito.

But Merida just rolled her eyes.
"Oh stop fooling around! I know a perv when I see one!" Duro niya pang muli sa hanggang ngayo'y may halong pagtataka pa ring nakatitig sa kanyang si Aurora.

Dahil dito'y napalingon naman sa kanila si Elsa.
At doon niya lamang din napansin na wari ba'y may isa ngang parang kumikinang na bagay mula roon mismo sa ilalim ng kinauupuan ni Merida. Kaya'y agad siyang napalapit mula rito.

"Excuse me, pwede ka bang tumayo muna riyan? Kahit ilang minuto lang," magalang na sabi ni Elsa kay Merida.

Ngunit imbis na agad na sumunod ay tinitigan lamang ng dalaga si Elsa mula ulo hanggang paa.

And raised an eyebrow.

"At pano kung ayoko? Anong gagawin mo? Gagamitan mo ako ng powers at patitigasin na parang yelo?" Pagtataray ni Merida kay Elsa.

Sa puntong iyon naman ay si Elsa na ang napairap, sabay napahinga nalamang din ng malalim.
"Pasensya na pero wala akong panahong makipagtalo pa sa'yo," aniya pa, at bahagyang itinulak palayo mula roon si Merida.

"What the heck?!--"
Dahil naman sa sobrang pagkagulat at pagkainis ay lalapitan niya na sanang muli si Elsa upang sabunutan ito. Ngunit kaagad lamang siyang napatigil nang humarang mula sa kanyang harapan si Aurora.

"J--Just calm down. I--It won't take long," ani ng dalaga, at pilit na napangiti nalamang kay Merida.

Sa sobrang lapit naman ng mukha ni Aurora ay wari ba'y bigla nalamang namula ang mukha ni Merida. Dahilan upang kaagad siyang mapa-iwas ng tingin dito.
"E--Edi sainyo na yan! Ampapanget niyo!" Tanging ibinulalas nalamang ni Merida rito.

Isang bagay na bahagyang ikinatawa nalamang ng mahina ni Aurora.

+

"May nahanap ka na ba?" Tanong ni Rapunzel kay Elsa, na ngayo'y nakatitig lamang doon sa maliit na kumikinang na bilog mula sa ilalim ng upuan.

"Ano 'yan?" Takang tanong ni Tiana.

"Hindi ko alam eh," answered Elsa.
"Pero kung titingnang maigi, parang isa siyang... pindutan," aniya pa.

"Pindutan? Kung gano'n, ba't hindi mo pindutin?" Asks Moana.

"W--Wag!" Sabat naman bigla ni Ariel.
"If you do that, w--what if may mga... Spike-like-things na bigla nalang magsilabasan sa room na ito?"

"Spike-like-things?" May halong pagtatakang naitanong naman ni Pocahontas, habang nakataas pa ang isang kilay.

"She's probably talking about-just like what happened in the Indiana Jones movie," saad ni Snow.

"Pero sa ngayon, that's our only option," says Jasmine. "Kung hindi natin ita-try, then there's a 99% chance na matrap na tayo rito habang buhay," aniya pa.

"Pero... Tama rin naman si Ariel eh," ani naman ni Belle.
"One wrong move, and we could all die in here together, and at the same time."

After that, everyone kept on arguing kung pipindutin ba nila iyon o maghahanap nalamang sila ng ibang paraan upang makaalis mula roon.

They're all afraid of the endless possibilities that might occur after pushing the said Mickey-Mouse-shaped-button.

Ngunit sa kahuli-hulian ay si Elsa nalamang ang gumawa ng huling desisyon.

Habang nakikipagtalo pa sa isa't-isa iyong iba ay napabuntong hininga na muna si Elsa, at pagkatapos ay kaagad na pinindot iyong kumikinang na bilog.
A sudden action that caused the others to stopped arguing with each other nang bigla nalang silang makarinig ng isang mahina, ngunit bahagyang mahabang pag-“beeb,” at pare-parehong napatingin kay Elsa...

"W--What did you do?!" Gulat na naitanong nalamang bigla ni Ariel sa kanya...












T o B e C o n t i n u e d . . . . . . .














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top