Chapter 3

"Babe?" tawag pansin ni Ivan sa akin.

Sarap upakan ni Ivan. Nasa loob kami ngayon ng kuwarto niya. Pinanatili kong bukas ang pinto ng kuwarto niya dahil baka machismis kami na kung ano ang ginagawa naming kababalaghan. Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Dito ako dumiretso pagkatapos ng shift ko sa convenience store. I'm here to tutor Ivan pero hindi naman siya tumitino. Nasa isang mesa kami at nakaupo sa carpeted floor ng kuwarto niya.

Sumitsit na naman ito at pilit na inaagaw ang atensiyon ko. Natapos na niyang gawin ang mga pinapagawa ko. Mabilis niya lang tinatapos iyon. Sa tingin ko ay kaya naman talaga niya ang acads niya talagang tamad lang siya mag-aral. Sayang ang talino niya. Kinakain lang ng katamaran. Ginagawa ko ang assignment ko kaya hindi ko siya mapansin-pansin.

"Raya babe, ako na kasi gagawa niyan," maktol nito.

Inis na inilapag ko ang ballpen na hawak ko at tinignan siya ng masama.

"Ivan, grade seven pa lang tayo kaya umayos ka."

Nagkibit-balikat ito at nagsimulang magpa-cute sa harap ko. Nakapangalumbaba siya at umusog ng mas malapit palapit sa akin.

"Raya babe, grade six student nga ginagawa na ang ahm, alam mo na kung ano iyon."

"So gagaya ka?"

"Of course not, pero kung gusto mo why not, sino ba naman ako para tumanggi." Nakangising sabi nito. Nakatikim siya ng marahan na hampas sa akin. Hindi iyon malakas dahil mabilis siyang magkapasa, kaya hangga't maaari ay hindi ko siya sinasaktan ng pisikal. "Nagbibiro lang, Raya babe. Siyembre may respeto ako sayo, isa pa nangako ako kay tito na tatalunin ko muna siya sa inuman kapag nasa legal age na tayo bago kita liligawan."

Napailing na lang ako sa tindi ng imagination niya. High school student na kami pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang pangako niya noong mga bata pa kami. Batang nangako sa hawak ng mga magulang namin na papakasalan ako kapag nasa tamang edad na kami. Sa totoo lang ay hindi ako umaasa sa pangako niya. Ang bata niya pa noon at ang nararamdaman niya ay puwede pang magbago sa paglipas ng panahon. Wala akong gusto sa kaniya o baka mayroon pero hindi ko lang maamin sa sarili ko.

Sa paglipas ng panahon maraming nagbabago, pati ang nararamdaman nagbabago. Kaya nga pinagdarasal ko lagi na sana magbago ang nararamdamn ni mama. Sana imbes na galit ay pag-unawa ang maramdaman niya. Naiintidihan ko ang galit ni mama. Nalubog kasi kami sa utang dahil sa nangyari sa akin. Isang trahedya na dahil kung bakit kinailangan kong tumakas sa dati kong school.

TINAPOS ko ang lahat ng assignments ko at mga project na pinatong ng mga teacher ko para sa grades ko na kailangan kong habulin. Pumatak ang alas-diyes ng gabi. Niligpit ko ang lahat ng gamit ko at tinulungan ako ni Iva. Gusto ko nang magpahinga pero pinigilan ako ni Ivan.

Pinili naming tumabay sa veranda ng kuwarto niya. May stool sa veranda na siyang dahilan kung bakit naabot namin ang harang sa veranda. Mataas kasi ang pagkakagawa sa harang ng veranda sa kuwarto ni Ivan. Magkatabi kami habang nakatanaw sa langit. Madalas namin itong ginagawa noon pa man. Kuwentohan habang nakatanaw sa langit.

"Sinaktan ka na naman ni Tita Felicia?" pagbubukas ng usapan ni Ivan.

Nanatili ang tingin ko sa kalangitan. Hindi naman ako magsisinungaling sa kaniya dahil kilalang-kilala na niya ako at kitang-kita ang bakat ng kamay ni mama. Namamaga iyon at namumula talaga.

"Hayts, sanay na ako."

"Sanay kana na sinasaktan ka. Raya, hindi masamang mapagod at magsawa. Lalo na kung nakakapagod at nakakasawa naman talaga."

"Ivan, may kaniya-kaniya tayong problema. Siguro kaya napunta sa akin 'to kasi kaya kong malagpasan 'to. Isa pa nandiyan ka naman. Sapat na sa akin na may isang kakampi ako. Kaya huwag kang mang-iiwan," kalmadong sabi ko. "Walang problema sa akin kung magka-girl friend ka basta iyong kakaibigan natin hindi mawawala."

"Sus, hindi ba sabi ko sayo. Hihintayin kita? Hindi kita iiwan."

Darating sa punto na ayaw mong umasa sa isang pangako pero kusa mo iyong mararamdaman lalo na sa taong pinagkakatiwalaan mo. May tiwala ako kay Ivan. Hindi niya ako iiwan. Kaibigan ko siya, kapatid, kasangga, kasama ko sa mga kalokohan, at higit sa lahat ay kakampi.

UMUWI ako ng bahay pasado 11pm. Buong akala ko ay tulog na sila mama dahil patay na ang ilaw sa buong bahay pero nagulat na lang ako nang bumukas ang ilaw pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Masama ang tingin ni mama sa akin. Wala na si kuya mukang nasa kuwarto na niya naglalaro na naman. May hawak na manipis na kahoy si mama kaya kinakabahan ako. Hawak ni papa sa magkabilang balikat si mama. Sumensyas itong umakyat na ako sa kuwarto ko. Nasa hamba pa rin ako ng pinto at hindi ko alam ang gagawin ko.

Napapalunok na pumasok ako at isinara ang pinto ng bahay. Kinakabahang hinarap ko si mama. Pinagpapawisan ako ng malamig.

"Ma, nag-tutor lang po ako."

"Tutor? O lumandi?"

"Tutor po, ma."

"Ano naman ang tinuro mo kay Ivan? Ang lumandi dis oras ng gabi? Magsisinungaling ka pa! E paano ka magtuturo kung ang tuturuan mo ay mas matalino pa sayong bobo ka! Ako pa talaga ang niloloko mo!" Hinampas ni mama ang kahoy na hawak niya sa braso ko.

Umawat si papa at pinapaakyat na ako sa kuwarto ko. Mas lumala ang gulo dahil mas nagalit si mama. Sila naman ngayon ni papa ang nag-away. Umiiyak na tumakbo ako papasok sa kuwarto ko. Rinig na rinig ko mula rito ang mga salitang lumalabas sa bibig ni mama. Nakaawang ang pinto ko habang sumisilip sa labas. Sigurado ako na tahimik lang si papa. Narinig kong nambabae na naman si papa.

"Pinag-away mo na naman mga magulang natin," malamig na turan ni Kuya.

Napaangat ako ng tingin. Nakita ko siya sa harap ng pinto ko, masamang nakatingin sa akin. Walang pasabing sinarado ko ang pinto ng kuwarto ko. Pagod na binaba ko ang bag ko sa gilid ng kama ko at pabagsak na humiga padapa sa kama. Wala na bang lala sa sitwasyon ko ngayon? Mukang nahiya pa kasi ang problem. Ayaw I-all out. Nakakagago naman ang buhay. Masyadong judgemental ang mga tao sa paligid ko. Toxic ang mundong ginagalawan ko.

Mabuti na lang talaga na kumain ako sa bahay nila Ivan baka kami magsimula mag-aral dahil kung hindi gutom na naman ang aabotin ko. Sunod-sunod na naman ang luhang lumabas sa mga mata ko. Hinayaan ko lang ang sariling umiyak nang umiyak. Ang hina ko. Ang hina-hina ko. Ang bilis kong umiyak sa simpling problema. Problema lang 'to, at lahat ng problema may solusiyon.

KINAUMAGAHAN ay tanghali akong nagising. Late na ako sa klase ko. Isang sakay ang layo ng subdivision namin sa school. Siguradong second subject na ako makakapasok nito. Mabilis ang naging pagkilos ko. Nang matapos ako ay hindi na ako nag-almusal pa. Sa likod ng bahay ako dumaan para hindi makita si mama.

Rest day niya ngayon kaya siguradong nandiyan siya. Ayoko naman na masira ang araw ko dahil sa bungad ni mama. Ako na lang ang iiwas sa gulo at problema. Tumakbo ako palabas ng bahay. Nawala na sa isip ko ang isara ng mabuti ang gate. Nagtatakbo ako palabas ng village. Wala na naman akong baon. Simula nang malaman ni mama na may kinikita ako ay tumigil na siya sa pagbigay ng baon sa akin. Wala namang problema sa akin iyon.

Palabas na ako ng village nang makita ko sa gate si Vanessa at ang ilan sa mga kaibigan niya. Lima silang lahat at tatlo sa kanila ay classmate ko, kasama si Vanessa. Wala akong balak na tawagin sila dahil una sa lahat ay hindi naman kami close. Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad sila. Bago kasi kami makasakay ng jeep or bus ay kailangan nasa kanto kami ng baranggay namin. Kung saan sasalubong sayo ang highway.

Natulos ako sa kinakatayuan ko nang humarap si Vanessa sa gawi ko. Mukang napansin niya na may nakasunod sa kanila. Gulat ang unang gumuhit sa muka niya bago ito napalitan ng tuwa, na kita sa ningning ng mga mata at lawak ng ngiti niya. Napipilitang ngumiti ako at kumaway sa kanila. Lumapit si Vanessa sa akin at umangkla sa braso ko na ikinagulat ko. Napaiwas ako ng kaunti pero hindi niya pinansin ang reaksyon ko.

"Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi mo kami nilapitan?!" Nakangiting tanong nito. Ang amo ng boses niya maging ang muka niya.

Nagsimula kaming maglakad. Ang kaninang kumbolan nilang lakad ay naging tig-dalawa na ang magkatabi sa paglalakad. Nasa pinakadulo kami ni Vanessa. Nasa harap naman namin ang dalawa naming classmate at nauuna ang dalawang hindi ko kilala. Mukang nasira ko ang bonding nila. Pakiramdam ko sabit at panira ako sa grupo nila.

"A, kasi, mukang busy kayo sa pinag-uusapan niyo," naiilang na sabi ko.

"Ano ka ba! Okay lang. Siya nga pala. Classmate natin iyong dalawa, si Careen and Angelica. Tapos iyong dalawa naman ay si Andrea at Jonalyn. Mababait 'yan."

Lumingon sila sa gawi namin ni Vanessa. Ngumiti sila at kumaway nang bangitin ang pangalan nila ni Vanessa. Nakalugay si Andrea at Angelica, ang pinagkaiba ay short hair si Angelica habang long hair naman si Andrea. Si Careen naman ay naka-messy bun na bumagay sa kulot niyang buhok. Sa tingin ko ay may lahi si Careen. Si Jonalyn ay simpling ponytail at mukang boyish siya dahil sa kilos niya.

"Sama ka lang sa amin. Hindi ka naman namin kakainin. Masaya kami kasama." Nakangiting sabi ni Jonalyn, tumaas-baba pa ang dalawang kilay nito.

Sumang-ayon naman ang mga kasama namin. Hindi naman siguro masama kung bubuksan ko na ang sarili ko. Muka silang mababait at mapagkakatiwalaan.

"Transferee ka hindi ba? Ibig sabihin ay wala ka pang kaibigan sa school natin. Mas maganda kung may squad ka na sasamahan, dahil baka ma-bully ka. Huwag kang mag-alala. Simula ngayon, parte ka na ng grupo," puno ng sinseridad na turan ni Vanessa.

Nagpasalamat ako sa kanila. Pakiramdam ko belong ako. Ngayon ko lang naramdaman iyong ganito. Sa wakas may matatawag na rin ako na kaibigan ko. Tropa ko. Grupo na lagi kong makakasama sa lahat ng kalokohan, sa problema man o masasayang pangyayari sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top