Chapter 2
Isang malakas na sampal ang nagpatumba sa akin. Hindi ko inaasahan iyon. Galing ako ng part-time job ko at ito ang sasalubong sa akin. Isang sampal at masasakit na salita. Hindi ako tumayo at hinayaan ang sarili sa malamig na sahig.
"Raya naman. Hindi ba sinabi ko sa iyo na mag-iingat ka sa kilos at pananamit mo. Usap-usapan ka na naman a! Ang sabi ng kapit bahay natin ay tomboy ka raw. Ano 'to? Totoo ba ang hinala ng lola mo? Kapag ito nakarating sa lola mo pareho tayong malalagot!" bulyaw ni mama.
Iba ang paraan ng pananamit at kilos ko. Aminado ako sa bawat nangyayari sa buhay ko. Masakit na mahusgahan ng tao pero mas masakit mahusgahan ng mga tao na dapat sila ang unang iintindi sayo. Kailangan kong baguhin ang sarili ko para mag-fit sa expectation ng parents ko. Kahit madalas ay nakakapagod na, kahit ang hirap na wala naman akong magagawa, pero sino ba ang niloloko ko? Sarili ko lang naman 'diba?
Bakit kailangan natin magbago para mahalin tayo ng ibang tao? Bakit kailangan natin magbago para matanggap nila tayo? Kailangan ba talagang tayo ang mag-adjust lagi? Hindi ba puwede na maging totoo tayo sa sarili natin at sila ang mag-adjust para matanggap tayo?
Hindi ako ang anak na gusto nila. Pero gusto ko ako iyon. At gagawin ko ang lahat para maging proud sila. Sa buhay may mga pagkakataon na susubukin ang pagkatao mo. Pero sa sitwasyon ko halos araw-araw sinusubok ang pagkatao ko. Sa sobrang pagkagusto ko na magustuhan ako ng tao, pati iyong totoong ako nawawala na. Dumating sa punto na hindi ko na kilala ang sarili ko.
"Felicia, hayaan mo na ang anak mo. Galing sa trabaho pagbubuhatan mo ng kamay." Hinawakan ni papa ang balikat ni mama.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawang pag-awat ni papa. Kahit papaano ay pakiramdam ko may kakampi ako. Si papa ang madalas na nakakausap at nakakasundo ko pero madalas ay wala siyang ginagawa kapag si mama na ang nagde-desisyon. Hindi siya under siya ni mama kundi dahil sa may respeto siya kay mama. Kapag may gusto akong makuha si papa ang mahihingian ko ng tulong pero kapag nalaman ni mama ay wala ang tulong na inaasahan ko kay papa.
"Nakakainis ang batang 'to e. Ang dali lang naman ng pinapagawa ko, natin sa kaniya. Hindi niya pa magawa. Raya, babae ka! Babae! Kumilos ka at manamit ka na parang babae!"
NASA loob ako ng kuwarto ko. Pagkatapos nang nangyari ay hindi na ako naglakas ng loob na lumabas at kumain kasama sila. Total, mas masaya sila kapag wala ako. I felt so helpless in this house, I felt so useless and alone in this house. Ang hirap kapag ikaw lang sa sarili mo ang tutulog sayo at wala ng iba. Sa totoo lang ay sanay na ako. Halos araw-araw naman nangyayari na pinapagalitan at pinag-iinitan ako ni mama. Pero dumadating pa rin sa punto na akala ko sanay na ako pero bakit ganoon masakit pa rin.
Pagkatapos ako sermonan ulit ni mama ay pinaakyat ako ni papa para magbihis na. Pero imbes na bumaba ay nagkulong ako sa kuwarto ko. Hindi pa ako nagbibihis. Iyak lang ako ng iyak. Basang-basa na ang unan ko ng luha at sipon. Hindi na rin ako umaasa na kakatok sila para sabihin na kakain na. Lagi naman nangyayari 'to. Ang kapatid ko na wala namang pakielam sa akin, mas natutuwa pa nga siya kapag pinapagalitan ako.
NAGISING ako sa gitna ng gabi. Ang lagkit ng pakiramdam ko. Nakakadiri ang itsura ng buhok ko. Tuyong luha at sipon. Naiinis at naluluhang inayos ko ang sarili. Tinanggal ko ang punda ng unan ko at inilagay sa laundry basket ko. Pinilit kong kumilos kahit pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Napagdesisyonan kong maligo para maalis ang lagkit ng katawan ko. Pagkatapos ko maghanda ng gagamitin ay pumasok na ako sa bathroom.
Huminto ako sa dapat ng shower faucet, binuksan ko iyon at hinintay na umagos ang tubig sa katawan ko. Hindi ko napigilan ang umiyak habang umaagos ang tubig mula ulo pababasa katawan ko. Napaupo ako habang naiinis na sinasabunutan ang sarili. Paulit-ulit kong sinuway ang sarili na tumahan na pero ayaw makinig ng mata ko.
Gusto ko lang naman ay matanggap ako. Isa akong bixisual, parehong nagkakagusto sa babae at lalaki. Para akong lalaki kung kumilos kahit na nakapalda. Nakabuka ang mga binta at maangas kung lumakad. Siga ang dating pero tahimik lang. Hindi ako palakaibigan dahil takot ako sa husga na maririnig ko mula kanina kapag nalaman nila kung ano ako.
Nagsisimula pa lang ang karera ng LGBT. Pero kahit na manalo ang LGBT sa paghingi ng pagtanggap at karapatan, hinding-hindi ako matatanggap ng pamilya ko. Kabilang ang pamilya ko sa makaluma kung mag-isip. Dapat ganito, dapat ganiyan ka, hindi ka dapat ganito, hindi dapat ganiyan dahil kung hindi dalawa lang ang pagpipilian mo. Ang itakwil ka o magbago ka.
Umayos ako ng tayo at nagsimulang kumilos. Nilalamig na ako, nanginginig na rin pati ang kalamnan ko. Nakalimutan kong tignan kung anong oras na. Baka alas-tres na nang madaling araw dahil madalas akong magising ng ganitong oras. Sa totoo lang ay hirap lagi akong matulog, nakakatulog lang ako ng mabilis kapag napagod ako sa sobrang kakaiyak. Hindi lagi umaabot ng eight hours ang tulog ko lalo na at paputol-putol.
Lumabas ako ng bathroom na suot ang pantulog. Habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya ay nadako ang tingin ko sa study table ko. Sigurado ako na hindi ako makakatulog, mas mabuti na magsulat na lang o hindi kaya ay lumikha ng kanta. May mga ilan akong kanta na nabuo sa ganitong oras. Mga kantang hinugot ko sa sakit.
Lumapit ako sa swivel chair ko. Ipinatong ko ang tuwalya sa upuan ko. Maingat na inabot ko ang gitara sa tabi ng study table ko. Kinuha ko ang isang notebook na itim at lapis. Ito ang kasangkapan sa pagbuo ng kanta. Papel, lapis at ang nararamdaman. Everything will be set when your heart is ready to tell the story, when the pain is ready to shout, when the hapiness is ready to inspire others.
"Kay hirap ng sitwasyon.
Kay sakit ng pagkakataon
Kailan ko ba makakamit ang kalayaan na matagal ko ng hinihiling
Kay tagal ko nang naghihintay
May pag-asa pa ba o ipapaubaya na lang sa kaniya," pagkanta ko.
Huminto ako dahil naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Nagugutom na ako. Inilagay ko ang gitara sa tamang lalagyan. Maingat na binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Madilim na sa buong bahay. Siguradong tulog na ang lahat. Sa tapat ng kuwarto ko ay ang kuwarto ni kuya. Sa taas ng pinto niyon ay may wall clock. Hindi ako sigurado sa oras ngayon. Mabuti na lang at may liwanag na pumapasok sa bahay mula sa labas. Alas-dos na ng madaling araw. Mas maaga sa inaasahan ko pero mas mabuti na rin iyon para makagawa ako ng mga dapat kong gawin.
Hinayaan kong nakabukas ang pinto ko bago ako maingat na naglakad papuntang kusina. Mabuti na lang hindi ako nagshinelas dahil maririnig ang mga yapak ko lalo na kapag nas hagdan ako. Pagdating ko sa kusina ay binuksan ko ang ilaw nito. Walang kahit anong nakalagay sa lamesa. Mukang hindi sila nagtira ng ulam para sa akin.
Binuksan ko ang refrigerator para maghanap ng makakain. Sana naman kahit biscuit lang ay mayroon. Umilaw ang loob ng refrigerator na walang laman kundi puro tubig at rekado sa pagluluto gaya ng bawang, sibuyas, kalamansi, kamatis at iba pa.
Napabuntong-hininga ako, pagkahalong dismaya at pagod ang naramdaman ko. Kahit isa wala akong makain. Nagugutom na ako, kanina pa tumutunog ang tiyan ko. Sumasakit na rin ito na parang pinipilipit at sinuntok ng paulit-ulit. Umayos ako ng tayo at inabot ang pitsel. Tubig na lang ang gabihan ko. Wala namang masama sa tubig lang ang gabihan. Sanay naman ang tiyan ko sa tubig lang. Kumuh ako ng baso at umupo sa mesa bago uminom ng tubig paunti-unti. Nakakapagod ang buhay, isipin mo na lang na ginagawa mo naman lahat para maging proud sila pero kulang pa rin. Ginagawa mo naman lahat pero parang kulang pa rin. Nakakapagod na ang magpanggap na maayos lang ang lahat kahit hindi.
Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha mula sa kaliwang mata ko agad ko naman iyong pinunasan. Ilang mga yapak ang kumuha ng atensiyon ko. Napatayo ako sa kaba. Hindi pa ako handa na humarap kay mama o kay kuya kung sakaling sila iyon. Nagmamadaling binalik ko ang pitsel sa refrigerator at ang baso sa lababo. Lalabas na sana ako ng kusina para bumalik na sa kuwarto nang makita ko si papa. Mukang iinom ito ng tubig. Halatang bagong gising lang niya dahil sa inaantok na mata nito. Nang makita ako nito ay ngumiti siya.
"Ang aga mong nagising, Raya," inaantok na puna nito.
Napipilitang ngumiti ako at tumango.
"Um, una na po ako, pa."
"Sandali, kumain ka na ba? Hindi ka bumaba kanina a." Hinawakan ni papa ang balikat ko at sinilip ang muka ko.
"Ahy, ano po. Wala na pong pagkain e. Busog pa naman po ako."
Ang galing ko talaga magsinungaling. Ang sakit na ng tiyan ko sa gutom.
"Maupo ka. Nagtira ako ng pagkain mo. Huwag ka lang maingay dahil baka mapagalitan tayo ng mama mo. Alam mo naman iyon. Pagpasensyahan mo na lang." Naglakad si papa papasok sa kusina.
Sumunod ako kay papa. Nakita kong may kinuha siya sa taas ng refrigerator. Kumuha siya ng gagamitin at ininit ang pagkain. Napabuntong-hininga ako bago umupo sa harap ng mesa. Napalunok ako dahil may munting bara na namumuo sa lalamunan ko. Pagpasensyahan daw. Lagi na lang. Pagdalas naging ginagawa, nakakasawa, nakakapagod din.
"Lagi ko naman pong ginagawa, pa," halos pabulong na sabi ko.
Naghahalo si papa ng niluluto niya. Amoy adobo ang bumalot sa kusina. Paborito ko, isa ito sa paborito kong ulam. Pinatay ni papa ang stove at siya ang naghain ng pagkain sa harap ko. Pagkatapos niyang ilapag ang plato na may kanin at ulam ay umupo siya sa katapat ng upuan ko.
"Sana hindi ka magsawa. Lahat naman tayo gumagawa ng sakripisyo para sa pamilya."
"Talaga po? Kung ganoon bulag po ako kasi hindi ko nakikita ang sakripisyo na ginagawa ni kuya. Alin po ba doon? Ang matulog maghapon? Maglaro ng online games magdamag? Ang bagsak na mga grado? Pa, may trabaho ako, matataas grado ko, taon-taon umaakyat ako sa intablado. Hindi naman ako madamot sa pera na kinikita ko a. pero bakit parang hindi makita ni mama yun?
"Kapag kinakapos tayo sa budget sa akin naman kayo lumalapit. Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sa pamilya natin, pa. Pero sana naman kahit konting respeto man lang sa buong pagkatao ko mabigay niyo, mabigay ni mama." Suminghot ako sabay hinga ng malalim.
"Ang mama, maraming pinagdaanan. Mahirap ang buhay natin. Pasalamat nga tayo na maganda ang bahay na tinutuluyan natin ngayon."
"Thankful naman po ako, pa, sa lahat ng meron ako. Pero hindi ko maiwasan kuwestiyonin kung bakit ganoon ang trato ni mama sa akin. Parang hindi niya ako anak. Parang mas gugustuhin niya na mawala ako rito. Hindi ako lumaki sa puder niyo, pa. Baka iyon ang dahilan pero hindi e. Baka dahil sa kasalanan ko sa pamilya natin."
Hindi ako lumaki sa puder ng parents ko. Kung sino-sino ang nag-alaga sa akin nung bata ako. Ang lola ko, mga tita ko, mga ninang ko at ang iba'y pinsan ko, na narito lang din noon sa maynila.
"Raya, wala kang kasalanan. Hindi mo naman ginusto na magkasakit. Kung baon man tayo ngayon sa utang iyon ay dahil hindi kami naging handa sa ganitong sitwasyon. Kung sakitin ka hindi mo rin kasalanan iyon."
"Kung ganoon sino ang sisihin ko, pa? Ang pangbabae niyo? Pa, madalas sabihin ni lola na baka ako raw ang magbayad sa lahat ng mga kasalanan mo. Sa pangbabae mo. Bakit kasi hindi na lang kayo makontento kay mama? Akala ko ba mahal niyo ang isa't-isa? Pinaglaban mo nga siya kay lola at sa dati mong asawa hindi ba?" puno ng panunumbat na sabi ko.
"May mga bagay na hindi mo pa maiintindihan, Raya. Ang mabuti pa ay kumain ka na at babalik na ako sa kuwarto."
Pagkatayo ni papa ay uminom muna siya ng tubig. Inilagay ang isang pitsel at baso sa harapan ko bago tuluyang umalis sa kusina. Mahirap siguro ang tanong ko kaya hindi masagot ni papa. Bata pa lang ako ay alam ko na ang sitwasyon sa pagitan ni papa at mama. Pareho silang may unang asawa. Si mama ay kasal sa una nitong asawa samantalang si papa ay kasal din sa una nitong asawa, pero hindi kami ang pangalawang pamilya dahil pang-apat kami.
Magulo ang pamilya ko. Hindi ko alam kung ilan ang totoong mga kapatid ko. Hindi ko nga alam kung ako ba ang bunso sa side ni papa. Pang-apat na kinakasama ni papa si mama pero hindi nakontento si papa sa kaniya. Aware kaming magkapatid doon. Babaero ang tatay namin. Noong bata nga ako ay sa kasamaang palad ay natatawag kong tita ang kabit ni papa. Kapit-bahay pala namin akala ko kaibigan lang ni papa.
Napabuga ako ng hangin bago nagsimulang kumain. Mabuti na lang at nagtira si papa ng pagkain. Sumasakit na kasi talaga ang tiyan ko. Kahit na ganiyan si papa ay mas naramdaman ko ang pagiging magulang niya kaysa kay mama. Pero kahit ganoon sila hindi pa rin mawawala ang pangarap ko na mabigyan sila ng maayos na buhay kahit na kapag dumating ang panahon na iyon at hindi pa rin nila magawang kilalanin ang mga ginagawa ko para sa kanila ay ayos lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top