Sketches and Vows


Most women dream of getting married to the man who holds their hearts, and Angeline is one of them. Hindi niya ito ipinagkakaila. Noon pa man ay nailarawan na niya sa kaniyang isipan kung saan siya ikakasal, kung ano ang isusuot niya, ang kantang patutugtugin habang binabaybay niya ang pasilyo tungo sa minamahal niya, at kung sino ang groom na ninanais niya.

"Today is a perfect day to get married." Nakangiting sambit ni Angeline sa sarili, hawak-hawak ang isang Biedermeier bouquet. It consists of different types of five-layered flowers that formed a ring and in different colours. She was wearing a simple off-shoulder, white dress, accented with pearls on the linings. Her hair was styled to look like a rose.

Napakaaliwalas ng kalangitan ngayon. Hindi gaanong malamig ang ihip ng hangin at hindi rin gano'n kainit ang sinag ng araw. Para bang nakikiayon ang panahon sa araw na ito.

Unti-unti nang dumarating ang mga tao at nakikita niya mula sa bintana at nakikita ang malalawak na ngiti ng mga ito. She couldn't help but reminisce that specific day...

Nakaupo siya malapit sa dalampasigan at hawak ang kaniyang sketch book, sinusubukang i-drawing ang napakagandang tanawin ng dagat na pinapalibutan ng bundok at nasisinagan ng sinag ng araw, nang tabihan siya ng kaniyang kaibigan.

"Drawing ka ng drawing ng tanawin pero ako ni minsan ay hindi mo man lang sinubukang i-drawing," sambit nito sa kaniya habang pinupunasan ang mamasa-masa nitong buhok galing sa dagat.

Bahagyang natigilan si Angeline sa kaniyang ginagawa at tiningnan ang ngayo'y nakangising si Daniel. May pagka-chinito ito, may kaputian, matangkad at makakapal ang mga kilay. "Bakit naman kita ido-drawing, eh, hindi naman magandang view ang mukha mo?" seryoso nitong sagot bago bumalik sa kaniyang pagdo-drawing.

Matagal na silang ganito kung mag-asaran. Palibhasa'y magkababata kaya naman balewala na sa kanila ang mga ganitong biruan.

"Kaya walang nanliligaw sa 'yo, eh." Natigilang muli si Angeline sa ginagawa ngunit hindi rin naman niya malingon ang binata dahil isinusuot nito ngayon ang kaniyang dala-dalang puting t-shirt upang magpalit.

"Walang nanliligaw sa akin dahil hindi naman ako nagpapaligaw." Paglilinaw nito sa kasama na ngayon ay umupong muli sa tabi niya.

"Whatever." Walang ganang sagot ni Daniel rito saka tumayo at inilahad ang kamay na siyang tinitigan lang ni Angeline. "Tara, maglakad-lakad na lang tayo para matuyo na yung shorts ko bago makauwi!" Anyaya nito sa kaniya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Angeline bago tinanggap ang kamay ni Daniel at nagpahila patayo. Kinuha nila ang mga kagamitan nila saka nagpasyang maglakad-lakad malapit sa karagatan hanggang sa marating nila ang isang burol kung saan may nakatayong isang lumang simbahan.

Maraming tao ang naroon at may dekorasyong pang-kasal.

Naupo ang dalawa sa malapit habang pinapanood ang masaganang palakpakan ng mga tao habang papalabas ang bagong kasal mula sa loob ng simbahan. They looked happy and very much in love. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng mga bisita nila sa gitna ng palakpakan at hiyawan.

Nakangiti si Angeline habang pinapanood ang mga ito. Iisang kasal pa lamang ang natatandaan niyang dinaluhan niya at iyon ay noong limang taong gulang pa lamang siya. She doesn't remember that much because, like any other child, all she wanted was to play with the other children.

"Do you want to get married someday?"

Unti-unting naging isang linya ang kaninang naka-kurbang labi niya. Sinulyapan niya si Daniel na seryosong nakatingin sa simbahan. Paalis na ang mga tao at paniguradong papunta na sila sa reception area.

"Sixteen pa lang tayo pero 'yan na ang tinatanong mo. Eh kung..."

"Eh kung sagutin mo na lang kaya ang tinatanong ko?" putol ni Daniel sa dapat na sasabihin niya habang sinalubong ang mga titig niya. He looked serious.

Napalunok si Angeline dahil hindi niya alam kung bakit ganito ka-seryoso ang tanong ng kasama nito, "Oo naman," tanging naisagot niya at maging siya ay nakititig na rin sa simbahan.

"Ano'ng dream wedding dress mo?"

Napaisip si Angeline. 'Ano nga ba?'

She pictured herself being a bride to the man she loves and a wide smile automatically painted on her lips. "Siguro simpleng white gown lang... yung off-shoulder," she said dreamily. "Yung buhok ko nakaayos na parang hugis rosas. Tapos yung bouquet naman ay hugis bilog na may iba't ibang bulaklak."

Napangiti rin si Daniel sa paglalarawan niya, "Eh, wedding song?"

Inilagay ni Angeline ang hintuturo sa kaniyang baba at bahagyang nag-isip, "Born for You ni David Pomeranz. Kasi ibig sabihin, itinadhana akong makapiling 'yong taong 'yon habang buhay."

Itinuwid ni Daniel ang kaniyang pagkakaupo at ini-imagine rin ang mga detalyeng sinasabi ng dalaga sa kaniya.

"Any wedding destinations you have in mind?" he asked further.

"Sa Saint Ignatius Chapel sa Baguio City," walang alinlangan nitong sagot. Nakangiti pa rin ito at para bang ayaw na niyang lumabas sa kaniyang imahinasyon.

Napabalik na lamang siya sa kaniyang ulirat nang tawagin siya ng kaniyang ina, "Angeline! Halika na at baka ma-late pa tayo."

Kasalukuyan silang nasa isang lodge house malapit sa Saint Ignatius Chapel. Tumayo na ito upang sundang ang kaniyang ina na masayang-masaya. She gave a final glance at her reflection at the full-body mirror.

"Off-shoulder, white gown, check." Mahinang banggit niya. "Rose-styled hair, check." Tiningnan niya ang hawak nitong bouquet, "And lastly, isang hugis bilog na bouquet ng iba't ibang bulaklak. Check na check!" ngumiti ito sa kaniyang repleksyon bago tuluyang lumabas ng silid.

Isinara na niya ng husto ang pinto at kinakabahang nilakad ang hallway papalabas. Isang puting sasakyan ang naghihintay sa kaniya sa labas - ang sasakyang magdadala sa kaniya sa chapel.

Saint Ignatius Chapel is located inside the PMA compound. May stairway na papunta roon at napapalibutan ng ilang mga punong kahoy. She always dreamed of getting married at a place like this - simple, tahimik, at maganda ang view. A perfect place where she would promise to love and cherish her groom till death do they part.

Pinagbuksan siya ng pintuan upang makababa mula sa sasakyan at inakyat ang hagdan, kung saan sigurado siyang naghihintay si Daniel, Hindi na naman niya maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan...

Pagkauwi nila noong araw ding iyon ay agad siyang umupo sa paanan ng kaniyang kama, inilabas ang isa pang sketchbook na itinago niya sa ilalim ng higaan, at binuklat ang mga pahinang naglalaman ng mga sketches niya sa binatang nagugustuhan niya — si Daniel.

Pinasadahan ng kaniyang mga daliri ang mukha ng binata habang sinasariwa sa kaniyang isipan ang kanilang usapan. Kinikilig siya dahil tinanong siya ng kaniyang nagugustuhan tungkol sa kaniyang dream wedding, 'posible rin kayang may lihim siyang pagtingin sa akin?' tanong ng mura nitong isipan.

That sketchbook was filled with her favourite memories of the young lad but she never had the courage to let him know how she truly feels. Saka na, kapag nasa tamang edad na sila, o kapag mas naiintindihan na niya ang konsepto ng pag-ibig, iyon palagi ang idinadahilan niya sa kaniyang sarili.

At last, she's now at the final step.

Naglakad ito patungo sa pinto at rinig niya ang pianistang tinutugtog ang kantang ninanais niya habang naglalakad sa pasilyo. Nasusulyapan na rin niya si Daniel na abot-tainga ang mga ngiti. He look great wearing a royal blue suit hugging his broad shoulders, his jawline became more prominent as they grew older, and his eyes reflected love.

Nagsitayuan ang mga tao at napansin niyang napako ang tingin ni Daniel sa gawi niya.

Ngunit alam niyang isa lamamg itong ilusyon. Unti-unti niyang nilingon ang babaeng nasa likuran na niya. Mukha siyang isang prinsesa sa wedding gown na suot niya at mangiyak-ngiyak pa ito dahil sa wakas ay lalakad na ito sa altar patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya.

Angeline gave the bouquet to the bride before facing forward again. Tumingala siya upang pigilan ang butil ng mga luhang nagbabadyang bumuhos mula sa kaniyang mga mata.

'Today is a perfect day to get married,' sambit ng utak niya. 'I am at the chapel where I want to share my vow to the man I love, wearing the dress I dream of while my favourite song is playing as I walk down the aisle, and my groom is happily waiting at the altar... but, too bad, I'm not his bride.'

End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top