The Void Between Life and Death

Dahan-dahang minulat ni Liam ang kanyang mga mata at ang bumungad sa kanya ay ang kapatid niyang marahan siyang niyuyugyog para magising.

"Liam...Liam, gising...Liam!"

Dahan-dahan siyang bumangon at pinagmasdan niya ang paligid. Napakaaliwalas ng lugar, parang paraiso, parang langit. Puno ng mga halaman at mga bulaklak na namumukadkad, mga damo at punong mayabong at mayaman sa prutas. Napakaliwanag ng araw ngunit sariwa ang simoy ng hangin. Langit nga itong tunay.

"Madie? Nasa'n tayo?"

"I don't know. Last I remember, nasa Kalye Maravillas tayo and the car..."

"Are we....dead?"

"W-what? N-no, it can't be..."

Liam finally stood up and jumped around like he was a child, an innocent child who just got his eyes today. He was indeed happy that finally they're on the other side of life, away from the prison town- Pueblo Carcel, away from the toxic families, finally free of all duties, free of....everything. Free? Free. Free!

But Madie? Stayed sitting on the grass, still in disbelief. Free? Free is just a sugar coated word for death. They're dead. Not free. Death would mean they had no more chance to live, to see those they love. Free is death of choices.

"Liam?? We can't be dead! Hindi pa tayo pwedeng mamatay!"

"Why not? Madie, hindi ka ba masaya na malaya na tayo? At least dito, wala si Dad. Walang responsibilidad. Walang mag-uutos sa'tin na kailangan nating gawin ang mga bagay na ayaw nating gawin. Madie, we're free. Let's stay here."

"Liam, hindi pwede! Kailangan nating bumalik! Pano si Mom? She needs us Liam! Di natin siya pwedeng iwan kay Dad. At si Dad? Akala ko ba ok na kayo? Ayaw mo na ba?"

"Tss, panandalian lang yan. Hintayin mo, 1 or 2 weeks, babalik ukit yang ugali niya. Dito nalang tayo."

"Pero si Mom? Paano siya?"

"She's free then. Madie, don't you see? The only reason na nagtitiis siya kay Dad is because of us? But if we're gone, wala na siyang kailangang isakripisyo."

"Pero ayaw mo na ba siyang kasama? Ayaw mo na ba siyang mayakap muli? Ayaw mo na bang tuparin ang mga pangarap mo? Yung mga barkada mo? Ayaw mo na bang makita? Si Kira? Kira loves you Liam pero tinatago niya lang kasi nahihiya siya sa'yo. Liam, pa'no yung mga mahal natin? Iiwan nalang ba natin? Di ba ang selfish naman natin? Oo, wala nang problema rito, pero nasaan ang kalayaan kung di naman natin kasama ang mga mahal natin? Liam, please...bumalik na tayo..."

Natahimik si Liam at napayuko. Unti-unting nawala ang mga ngiti niya kanina. Tama si Madison eh. Ang selfish kung sarili lang niyang kaligayahan ang iisipin niya. Mamimiss niya rin naman ang mom niya. 

"Let's go? Bumalik na tayo..." Pagyaya ni Madie. Tumango lamang si Liam. Naunang maglakad si Madie, pero parang hindi sumusunod si Liam kaya nilingon niya ito.

"Liam--"

Subalit, wala na ang kapatid niya. Sa halip, isang malaki at lumang mansion ang biglang sumulpot. Yes, it's a haunted house. 

"What the--- Liam?! Liam nasaan ka??" Ngunit kahit anong sigaw at tawag ni Madie ay wala talaga si Liam. Just this haunted house, skies turning darker, wind blowing harder and those voices growing louder, the cries of an infant.

"Sh**. This can't be...Pati ba sa kabilang buhay, di niyo ako titigilan?? Pabayaan niyo na ako! Please!"

But the pleas only got louder, calling her towards the house, pulling her soul to enter the unknown. Ayaw niya naman talagang pumasok, until she heard Liam's voice calling her from the inside.

"Liam?!" Without ado, she ran inside the house.

Pagpasok niya sa mansion, agad sumara ang pinto. Sinubukan niyang buksan uli ito pero hindi na talaga bumubukas.

Isa...

And that's it. She's trapped. Naiwan siyang takot at mag-isa sa madilim na bahay na iyon. Only a few candles were lit. Maalikabok ang paligid, kinakalawang na ang mga gamit, tinubuan ng sapot. May mga pira-piraso ng sirang salamin, kubyertos, at iba't-iba pang gamit.

Dalawa...

Yung hapagkainan ay baligtad na, nagkakalat ang tela. Maging ang sala ay gutay gutay na. Halatang merong nakatira rito noon, pero para bang inatake sila ng napakabangis na nilalang at ang buong mansyon ay para bang binaligtad.

Tatlo...

Dahan-dahang umikot si Madie sa unang palapag.

"Liam?"

...

"AAAH!"

Biglang bumukas ang isang pinto. Para bang tumigil ang puso ni Madie sa nangyari. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa silid.

"May tao ba diyan?"

LUB-DUB...

LUB-DUB...LUB-DUB...

LUB-DUB...LUB-DUB...LUB-DUB...

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Madie. Ano nanaman kayang kahindik-hindik na kaganapan ang kanyang masisilayan sa munting silid na iyon? Dahan-dahan lamang siyang naglakad, at sumadal muna sa pader bago tuluyang pasukin ang silid.

Isa...

Dalawa...

Tatlo!

Pagtingin ni Madie sa silid, wala namang kakaiba. Ganun pa rin. Isang silid na sira-sira. May mga damit na kumakalat, at mga librong nahulog sa sahig. Pinulot niya ang isang librong kulay kayumanggi, na para bang mula pa noong unang panahon, dahil sa pagtataka kung ano ang laman nito. 

Nung binuksan niya ito, agad bumungad sa kanya ang kakaibang sagisag ng buwan, may mga kakaibang sulat, parang alibata. Ganun rin ang mga laman ng ibang pahina. Puno ng mga salitang parang mga enkantasyon, mga sumpa, mga orasyon.

Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila'y nauunawaan ni Madie ang mga nakasulat sa libro.

"hechizos básicos del clan maravillas. Maravillas Clan? Sounds so Spanish."

Hindi niya lang alam na binasa niya na pala ang pamagat ng bagong kabanata ng mga enkantasyon. Gulat siya na nauuunawaan niya ang wika subalit nangibabaw ang aliw bago niya pa napansin na naunawaan niya ang isang bagay na hindi niya dapat maunawaan at pinagpatuloy niya pa ang pagbabasa.

Isa...

"Si el viento nunca miente, entonces muéstrale a mis ojos la verdad y todos sus lazos..."

Dalawa...

At yun na ang segundo na napalaglag panga na lamang siya nang mapagtanto niyang nauunawaan niya ang wikang nakasaad sa librong iyon.

Tatlo!

Napatulala na lamang siya hanggang sa may naririnig siyang mga yapak sa sira-sirang piraso ng kristal kaya--




























"AAAH!"

Sigaw niya sabay tapon ng libro sa sahig noong makita niya sa salamin ang repleksyon ng isang dalaga, parehong-pareho sa mga panaginip niya. Kamukha niya, pero nakaputi, magulo ang buhok, itim ang mga mugto ngunit nanlilisik niyang mga mata, mahaba ang kuko handang mantusok at pumatay, may peklat sa pisngi, at may ngisi ng isang nilalang may masamang balak. Mababakas sa kanyang mukha ang hinagpis, pagdurusa at kalupitang pinagdaanan niya subalit mababasa rin ang galit at pagnanasa sa paghihiganti, kung kaya't tunay na kahindik-hindik ang kanyang wangis.

Dahil sa nakita ni Madie sa salamin, agad niyang nilingon ang babaeng inakalang niyang nasa likod niya, ngunit paglingon niya, walang bakas ng babae. Kaya, napagpasyahan na lamang niya na lumabas sa silid at bumalik sa may bandang hapagkainan, na malapit lamang sa hagdan. May nakita naman siyang letrato ng isang babae, kamukha ng babaeng nakita niya sa salamin, kasama ang isang lalake at hawak-hawak nila ang isang sanggol na babae.

"Sino ba kayo? ... Are you even real? ... Bakit ako?" Usal niya sa kanyang sarili habang nalulunod sa kanyang mga iniisip.

"HAHAHAHAHAHA" Biglang tunog ng parang bata na mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Agad siyang lumingon sa pinanggagalingan ng mga munting halakhak...

"Who's there??"

At paglipas ng ilang segundo, naramdaman niya ang mabilis na pagdaan ng hangin na naging sanhi ng paggalaw ng aranya (chandelier). Nababalisa na siya sa kakalingon at kakaikot sa bawat pagdaan ng di alam na nilalang na kanyang nararamdaman.

At pagkatapos ng ilan pang pag-ikot-ikot, napagpasyahan niyang umakyat sa ikalawang palapag at alas, bumukas ang isang pinto.

"This better be good..."

Huminga muna siya ng malalim bago siya pumasok.

LUB-DUB...

LUB-DUB...LUB-DUB...

LUB-DUB...LUB-DUB...LUB-DUB...







At muli, nakita niya---


















ang babaeng nakita niya kanina sa salamin, at ang babaeng nakikita niya ng paulit-ulit sa kanyang panaginip. Sa pagkakataong ito, ngumingiti na siya, ngunit yun ay ngiti ng ligaya at pangungulila. At si Madie naman, maayos at matapang ang tindig, walang bahid ng takot, ngunit bakas ang kanyang pagkabagot.

"Right. You again. Nice try, pero hindi na ako natatakot sa'yo. Look, I don't get it. I don't get you. Can we stop playing games please? Ano bang gusto mo? W--"

At napatigil na lamang siya noong bigla siyang niyakap ng multo.

"O...K...?"

Halatang nagtataka siya at mas lalong dumami ang mga tanong niya. Bakit? Ano ba talaga yung pakay ng babae sa kanya? Gusto ba siyang patayin ng multo? O nais ba siyang maprotektahan nito? 

Gayunpaman, hindi niya maipagkakaila sa kanyang sarili na nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso noong niyakap siya ng multo. Nararamdaman niya ang koneksyon nila sa isa't-isa. Hindi niya lang mawari kung ano ang kaugnayan nila sa isa't-isa. Pero sa munting yakap na iyo ay naramdaman niya ang isang bagay na hindi niya naramdaman noon- pagmamahal, yung pakikiramay ng pamilya. Hindi niya na napansin na niyakap niya na rin ang multo. At paglipas ng ilang segundo, unti-unti niyang naramdaman ang pagyanig ng kanyang kinaaapakan. Para bang may lindol at unti-unting nagkakawatak-watak ang piraso ng mansiong iyon.

"Wala na tayong masyadong oras. Kailangan mo nang umalis rito..."

"W-Wait, did you just finally say something more than Amera? And then papalayasin mo na ako? No way, marami kang dapat ipaliwanag--"

"Makinig ka sakin. Dumating na ang panahon. Dumadaan ka na sa banyuhay, at naipamalas mo na ang unang yugto ng iyong kakayahan noong nabasa mo ang libro at naunawaan mo ang enkantasyon, na siyang dahilan kung bakit nakikita mo na ako ngayon."

"T-Teka, b-banyuhay? K-Kakayahan? What is this?  A cult? And I'm what now? A metahuman? Ridiculous!"

"Oo. Tama ka. HIndi ka pangkaraniwan. Higit ka pa sa kung ano ang inaakala mo... Madie, konti nalang ang panahong natitira para sa'tin. Kailangan mong matuklasan ang nakaraan. Hukayin mo ang katotohanan. Hanapin mo sa puso ng gubat sa tapat ng Kalye Maravillas... sa Sitio Maravillas."

"Sitio what now?? Diba mapanganib doon??"

"Wag kang mag-aalala. Marami akong ipinadala para pangalagaan ka... Amera, nagmamakaawa ako, ikaw nalang ang pag-asa ng Sitio Maravillas."

Mas lalo lamang siyang naguluhan sa itinuran ng multo. Para sa kanya, lahat ng mga nangyayari ay imposible at di kapani-paniwala. Nais niya pa sanang magtanong, ngunit gumuguho na ang mansion, nagkawatak watak na ang mga bubong at pader. Sa ilang segundo'y maging ang sahig ay matatanggal na rin. Ilang hakbang na lang, at mahuhulog na sila sa bangin na malapit sa kinatatayuan ng kanilang bahay.

"Ok, as much as I want to chit chat with you, what now?? Tutulungan mo ba akong makabalik ng buhay or--?? Wait, what even is your name?? and--,"  natataranta niyang sunod-sunod na tanong habang nililingon ang nalalagas na sahig ngunit noong muli niyang tinignan ang multo...

"--Amera... Patawad. Pero kailangan mo nang mamaalam..." malungkot niyang sambit sabay tulak kay Madie sa bangin. At ito ang dahilan kung bakit hindi niya matiyak kung kakampi nga ba ang multo o kaaway.

Subalit hindi pa tuluyang nahulog si Madie.

"MADIE!!"

May pag-asa pa pagkat naroon rin si Liam na kanyang makakapitan. 

"LIAM!" sigaw niya nang buong galak at lumuwag-luwag ang bigat na kanyang nararamdaman dahil sa wakas, nagbalik na ang kaisa-isahang taong alam niyang maaasahan niya- ang kanyang kapatid. Ngunit hanggang kailan niya ito makakapitan? Gayong masyadong malakas ang mga alon ng hangin, mga lindol ng pagsubok na nais wasakin ang kanyang pagkatao.

"Madie, kumapit ka! Konting tiis lang!"

"LIAM, HINDI KO NA KAYA! MASYADONG MALAKAS ANG HANGIN!"

"NO, MADIE, STAY WITH ME! We CAN do this, TOGETHER. PLEASE!"

"I'm sorry, Liam, I can't... You have to let go of me--"

"--NO! I WON'T!! You--"

"LISTEN TO ME! Maybe the lady is right..."

"What?? WHO--LADY??" tanong niya ng buong pagtataka at pagkalito at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkapit kay Madie.

"Liam, I don't think I'll make it... at baka yun nalang ang tanging paraan..." saad naman niya sa kawalan ng pag-asa habang tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya nais magpaalam. Hindi pa siya handa. Pero ito ang kailangan.

"NO MADIE DON'T SAY THAT! I LOVE YOU! Ikaw lang yung naging kakampi ko! PLEASE DON'T LEAVE ME! I love you!" Katulad ni Madie, ang puso niya'y napupuno ng pagtangis at pighati. Ito na ba talaga ang katapusan? Dahil kung oo, ay hindi rin siya handa. Mas nanaisin niya na lang na mawala rin. Para sa kanya, walang saysay ang buhay niya pag wala na si Madie. Yun nalang ang nagbibigay kulay sa madilim niyang mundo.

"I love you too, Liam... but I'm sorry..."

Dahan-dahan niya nang niluluwagan ang pagkapit niya kay Liam kahit na pilit siyang hinihila ng kapatid pabalik. Tila'y naglalaro na sila ng paligsahan na tug-o-war. Walang sino man ang handang sumuko sa isa't-isa.

"Ok, fine. You win." si Madie. Tumigil siya sandali sa panlalaban sa kanyang kapatid. "Thank god." nakaginhawa rin ng maluwag si Liam at hindi na gaanong namwemwersa. Kaya naman nakatiempo si Madie at sumipa siya sa bato para makabitiw na siya kay Liam. pero hindi basta-bastang sumusuko si Liam. Nakakapit pa siya sa damit ni Madie. 

"Madie, don't let go!"

"Tell mom and dad I love them."

"No, Madie, pleaaaasssseeeeeee!" he begged to the top of his lungs. Para bang dinudurog ang puso niya. Ganun rin naman si Madie. Pero alam niya ang dapat gawin."

"Goodbye..." she whispered under her breath but it was loud enough for Liam to understand. Pagkatapos nun ay bumitaw na siya sa pirasong damit na tanging nagbibigkis sa ugnayan nila ni Liam at tuluyan na siyang nahulog sa bangin. Sa bangin ng pamamaalam.... At naiwan si Liam na sawi, mag-isa at tumatangis ng awit ng pamamaalam sa kapatid niyang pinakamamahal... Ito na nga ang kanilang pamamaalam, ang paghihiwalay ng landas...






....





***GASPS**** biglang paghahabol ng hininga ng isang nilalang muling nagbalik nang buhay.

"Time of death, 1:29 a.m." Ngunit ang isa, ay hindi pinalid na muling bumalik...

===============================

This is bullsh** honestly ahahhaa. It's like a vision before one of them comes back to life. It's a lousy foreshadowing so yeah, enjoy this boring crappy UD and take a hint coz I'll be dropping a bombshell next UD or probs next next UD.

Sorry and love lots GlaiSanya Kimdiazguadalupe Arghieglaiza Sangrelenisabelle mariehoy 




















============================
hechizos básicos del clan maravillas= Maravillas clan basic spells
si el viento nunca miente, entonces muéstrale a mis ojos la verdad y todos sus lazos= if the wind never lies, then show my eyes all the truth and its ties

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top