Laro
Laro tayo!
Tagu-taguan... Maliwanag ang buwan...
Wala sa likod...Wala sa harap...
Pagbilang ko'ng tatlo...Nakatago na kayo...
Isa.
Dalawa...
Tatlo!
"Aaaah!!"
Naririnig niyo ba ang isang manipis na tinig na boses ng babae?
Isa pa! Laro tayo!
Tagu-taguan... Maliwanag ang buwan...
Wala sa likod...Wala sa harap...
Pagbilang ko'ng tatlo...Nakatago na kayo...
Isa...
Dalawa...
Tatlo!!
Hahahaha!!
Nakikita mo ba? Ang imahe ng isang dalagang kumakaripas ng pagtakbo, hinahabol ang hininga, kaba ang nanaig. Nakatago sa likod ng puno.
"UWAAH!"
Alam mo ba ang tunog na iyon?
"Uwaah! Uwaah!"
Tumpak! Ito'y hagulgol ng sanggol! Hagulgol ng sanggol kasabay ng paglitaw ng itim na hugis mula sa di kalayuan ng puno, isang anino ng kahindik-hindik na nilalang.
"Uwaah! Uwaah! Uwaah"
Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?
Handa ka na ba?
Isa...
Dalawa
Tatlo!!!
Takbo!!!
Madilim ang gabi, maraming kababalaghan ang maaaring mangyari...Takbo...Takbo...
Tick-tock, tick-tock, tumatakbo ang oras...
Takbo bago pa maubos ang panahon...
Takbo, takbo bago mahuli ng anino...
Takbo, takbo, takbo, bago ang buhay ay makitlan...
Kaawa-awang dalaga, hinahabol ng anino, maging hininga'y hinahabol na rin niya. Hanggang kailan tatakbo mula sa kadiliman?
Tick-tock, tick-tock, tumatakbo ang oras...
Takbo bago pa maubos ang panahon...
Takbo, takbo bago mahuli ng anino...
Takbo, takbo, takbo, bago ang buhay ay makitlan...
Sa wakas, siya'y nakaabot din sa dulo ng gubat, sa isang kalyeng tinatawag na Kalye Maravillas.
"Sakay! Bilis!"
Dali-daling sumakay ang dalaga sa loob ng sasakyang minamaneho ng isang binata. Naglaho na nga ang anino pero hindi mabubura ang trahedyang nakatakdang maganap sa mismong kalye ng kababalaghan.
Sa isang iglap, tumagilid sasakyan, di mawari kung liliko, iikot, bibilis, o hihinto. Nagpagulong-gulong lamang ito sa kalsada.
Baliktad na ngayon ang posisyon ng kotse. Nasa loob pa rin ang dalawa. Ngunit, ilan kaya ang mabubuhay?
Paulit-ulit na niyugyog ng dalaga ang binata at tinawag ang ngalan nito subalit hindi na ito tumutugon. Wala na. Nakapikit na ang kanyang mga mata. Duguan na, di humihinga at may matulis na bagay na di na matukoy kung sa aling bahagi ng makina nanggaling, na nakatuhog sa kanya. Patay na ang binata. Ngunit ang dalaga? Lumalaban. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban?
Naghihingalo man at duguan na rin, sinikap niyang humingi ng tulong.
"T-tu-ulong...Tulong..." Halos pabulong niyang tawag. Hanggang sa dumaan ang lalaki. Sino siya? Siya rin ba yung anino? O isa nanamang masamang elemento?
"P-parang awa mo na....T-tama na..." pagsusumamo ng dalaga ngunit hindi siya nito pinakinggan. Sa halip ay pinatay siya nito.
"Waah! Waah! Waah!"
Akmang aalis na sana siya hanggang sa marinig niya ito. Umatras siya ng konti pero ilang sandali lang ay agad rin siyang umalis.
Di nagtagal, ang Kalye Maravillas ay wala nang laman at ang sasakyang kanina'y nagpagulong gulong, ngayon ay nilalamon na ng apoy hanggang sa wala nang matira dito.
Kung inaakala mong doon nagtatapos ang lahat, nagkakamali ka.
Paglipas ng ilang taon...
Sa gitna ng gubat, sa kadiliman ng gabi, ilang kabataan ang nakatipon sa bonfire. Nagkwekwentuhan, nagkakatuwaan. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa alitan ng dalawang kilalang pamilya sa kanilang bayan- ang Pamilya Divinigracia at Pamilya Corpuz.
"Talaga?!" gulat na tanong ng isa.
"Oo pare! Sabi sa'kin ng lola ko, dating magkaibigan yang sina Señor Ronald Corpuz at Señor Hernan Divinigracia. Sabay nilang itinatag ang 'Suntuoso' kaso nabuwag daw sila dahil sa korupsyon ng Pamilya Corpuz! Kaya ngayon, nagkanya-kanya sila. Yung mga Divinigracia sa La Mejor at yung mga Corpuz sa El Bueno." sabat ng isa.
"Ganun ba? Akala ko nasira yung pagkakaibigan nila dahil sa isang babae. Sino nga iyon? Si..Si R-rose...Rosa..Rosalinda? Rosalinda!" sulpot na tanong naman ng isang dalaga.
"Ibang kwento naman yun bes. Yung si Rosalinda Bernardo, kaibigan yan ni Señor Ronald. Kaya nagkakilala sila ni Señor Hernan at naging kabit siya nito. Kaya nga nagkaroon ng Señorita Arabella Divinigracia. Ay Bernardo lang pala kasi bastada lang siya." sagot nung binata.
"Pero siya lang naman yung nag-iisang tunay na Divinigracia, diba?"
"Hindi noh. Si Señorito Matteo yung legal na anak."
"Mga shunga! Legally adopted si Arabella. Anak sa pagkadalaga ni Señora Mercedes si Señorito Matteo, at inampon. Kaya si Arabella lang talaga yung legal."
"Myghad guys! Para kayong mga isip bata. You keep believing those stuff na hindi naman talaga nangyari. Ano ba kayo guys, wag kayong maniwala sa fake news. Gosh! Wala namang records ni Arabella or Rosalinda in history so ibig sabihin, it's not true. Gawa-gawa lang iyan ng mga tao."
"Hindi naman ibig sabihin na walang proof, hindi totoo. May basis naman siguro yun lahat."
"Tama na nga yan. Baka mamaya, multuhin pa nila tayo!"
"Bakit? Takot ka?"
"Hindi ah!"
"Weh!"
"Tulog na nga tayo! Tara na, balik na tayo sa tent."
Akmang aalis na sana sila hanggang sa...
"Umm, guys, may inaasahan pa ba tayong darating dito?"
"Oo, si Lena."
"Ahh, siya ata yun oh!"
Itinuro niya ang isang babaeng nakaputi mula sa kalayuan. Mabagal at kalmado lang ang paglakad nito. Dahil dito, sabay nila itong tinawag at kinaway-kawayan.
"Lena! Lena! Dito!"
At sumunod nga ang babae sa kanilang direksiyon. Mas lalong naexcite ang magbarkada dahil darating na ang isa pa nilang kaibigan. Subalit ang kanilang pagkasabik ay napalitan ng pag-aalinlangan, pagkabahala, kaba, takot habang papalapit ang kanilang "kaibigan".
"Lena?"
Ngunit di ito sumagot. Sa halip, ang narinig nila ay iyak ng isang sanggol.
"Lena? Lena!"
Habang palapit ito, mas nagiging malinaw ang nilalang na lumilitaw mula sa kadiliman.
Habang papalapit ito, palakas ng palakas ang iyak ng sanggol.
"Uwah!"
"Anuba? Saan ba nanggagaling yung iyak????!"
"Uwah! Uwah!"
Habang papalapit ang nilalang, mas lalo lamang lumakas ang pag-iyak ng sanggol at ang iyak nito ay umalingawngaw nang nakakabingi sa kanilang mga tenga.
"Di ko alam! Ah! Ansakit sa tenga!"
Habang papalapit ang nilalang, lumalakas din ang ihip ng hangin, maging ang mga puno'y nayuyugyog na rin ng hangin, at ang apoy na kanina'y nagbibigay liwanag, ngayo'y napatay na rin ng hangin at nabalot na ng kadiliman ang gubat. Nagsiyakapan sila sa takot. Ang tanging nagbibigay liwanag na lamang sa madilim na gabi ay ang nilalang na lumulutang.
"Uwah! Uwah! Uwah!"
"TAMA NA!" Pagmamakaawa nila.
Sa wakas, nakita na nila ng malapitan ang nilalang na akala nila ay si Lena. Nakita nila na nakasuot ito ng puti, mahabang mahaba ang itim na buhok, duguan, ang mga mata'y puno ng luha, ngunit nakakatakot ang titig nito na para bang gusto niyang manglamon ng tao, na para bang gusto niyang hablutin sila. Maputla ang mukha nito, walang paa, pero lumilitaw, maraming pasa at sugat sa mukha at katawan.
Nanlaki ang mga mata ng magbarkada, tumayo ang mga balahibo at halos maiihi na sa takot.
"Tulungan niyo ako."
Yun na lang ang nasabi ng nilalang.
"MULTO!!! TAKBO!!! AAAHHH"
Dahil sa takot, nagsitakbuhan ang mga magkakaibigan, nagkawatak watak ng direksyon.
May isang pares na nagtago muna sa likod ng isang malaking bato. Namatyagan nila ang papalapit na elemento. Lumalakas ang hangin, ang mga dahon ay kumakaluskos sa sahig.
Palapit na ang multo....
Isa...
"Uwaah!"
Habol ang hininga, naluluha at nangingig sa takot ang dalwa.
Palapit na ang multo....
Dalawa...
"Uwaah! Uwaah!"
Nilingon ng babae ang nasa gilid. May babaeng nakahandusay, duguan. Wala nang buhay. Yun yung kaibigang inaantay nila. Si Lena. Na ngayon ay patay na.
"S-si...Len--"
Tinakpan ng isa yung bibig ng babae para hindi sila matunugan ng multo. Ngunit, makakatakas pa kaya sila?
Palapit na ang multo....
Tatlo...
"Uwaah! Uwaah! Uwaah!"
Wala na silang takas. Nasa harap na nila ang multo.
"Aaaah!!!!!" Sigaw nilang dalawa sa takot. Sinubukan nilang makatakas. Yung isa, nadapa ng dahil sa isang malaking ugat mula sa puno, nauntog ang ulo sa malaking bato, PATAY.
"Oliver!!" hinagpis ng babae. Ngunit ito ay hindi panahon upang magluksa. Hindi ito panahon upang tumigil sa pagtakbo.
Tick-tock, tick-tock, tumatakbo ang oras...
Takbo bago pa maubos ang panahon...
Takbo, takbo bago mahuli ng anino...
Takbo, takbo, takbo, bago ang buhay ay makitlan...
"AAH!" sigaw ng babaeng nadapa at nabali ang paa.
Paano pa ba tatakbo?
Palapit na ang multo....
Isa...
"Uwaah!"
Pagapang-gapang ang babae. Wala nang iba pang pamimilian. Kailangan niyang makatakas kahit gaano pa kahirap. Kahit na napapagod na.
Palapit na ang multo....
Dalawa...
"Uwaah! Uwaaah!"
Hanggang kailan tatakbo mula sa kadiliman?
Palapit na ang multo....
Tatlo...
"Uwaah! Uwaah! Uwaah!"
Nilingon ng babae ang multo, ilang pulgada na lamang ito mula sa kanya. Paatras na siya nang paatras habang nakagapang, nakaharap sa multo at nagmamakaawa rito.
"Parang awa mo na....Tama na!" pagsusumamo niya ngunit hindi siya nito pinakinggan.
Palapit nang palapit ang multo, habang siya ay paatras nang paatras.
"Tulungan mo ako." sabi ng multo.
"Wag kang lalapit sa akin!"
Palapit nang palapit ang multo, habang siya ay paatras nang paatras.
"Tulungan mo ako."
"Ano?! Ano bang kailangan mo?!"
Palapit nang palapit ang multo, habang siya ay paatras nang paatras.
"Amera...Tulungan mo ako...Amera..."
"S-sino si A---?!"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin pagkat nahulog na siya sa bangin, sa bangin kasama ang kanyang mga barkadang nahulog rin sa bitag ng multo, sa bitag ng kamatayan.
Ito ang karumal dumal na sinapit ng magbarkada sa gubat sa tapat ng Kalye Maravillas. Ito ang trahedyang hindi mababaon sa limot, sa halip, ito ang balitang lilipad na kasimbilis ng apoy, lilipad ng dahil sa isa sa mga binata ng barkadang nakatakas nang buhay. Nang dahil sa kanya, umabot ang kababalaghang naganap sa gabing iyon sa buong Pueblo Carcel. May ibang naniwala at iniwasan ang kalyeng iyon. Samantalang may ibang di natakot sa bantang iyon.
Ang kababalaghang ito ay umabot sa mansyon ng Familia Divinigracia. Nandoon si Giselle, si Matteo, si William ay si Madison.
"Kalokohan! Hindi yan totoo! Mga tarantado lang talaga sila." Bulyaw ni Matteo.
"Hon...kalma lang...Baka totoo naman yung sinasabi nila. It's better to be safe than sorry." - Giselle.
"Whatever, Giselle."
"Mom, Dad, wag naman kayong mag-away please?" pakiusap ni William.
Samantalang si Madison, tahimik lamang. Walang kibo. Parang wala namang pakielam ang pamilya niya sa kanya. Hanggang sa may narinig siyang kakaibang boses. Boses ng isang babae, manipis, matamis at malamig na boses na humuhuni.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Para bang hinihila siya nito palapit sa kanya. Hindi niya na napigilan ang sarili at tuluyang sumunod sa boses na ito. Para bang wala siya sa sarili. Blanko ang isip, patuloy siyang humakbang tungo sa boses na ito hanggang sa umabot siya sa isang liblib na bahagi ng mansion na di niya pa kailanman nakita. Para itong isang bodega, parang lumang kwarto. Madilim ang silid, pero maraming kandila, madumi ito, maalikabok.
"Uwaah!"
Narinig niya ang iyak ng sanggol. Sinundan niya ito at ang kanyang nakita ay larawan ng isang babae.
Tila'y pamilyar ang kanyang mukha. Hindi niya lang masabi pero parang malapit ito sa puso niya.
"Uwaah! Uwaah!"
Lumingon siya sa pinanggagalingan ng iyak. Namatay ang mga ilaw sa silid. Bahagyang natatakot siya pero gusto niyang malaman kung ano ba itong tumatawag.
"Uwaah! Uwaah! Uwaah!"
May bahagyang bumukas na pintuan may konting sinag ng araw na lumulusot mula sa nagbukas na pinto. Ang langitngit nito ang mas lalong nagpakaba sa kanya.
"MADISON!!" pamilyar ang boses na iyon... Pero di niya ito pinansin at tumuloy pa rin siya sa pintuan.
Paglabas niya, nakita niya ang sarili niya nung siya ay bata pa lamang. Naglalaro sila ni Kira at ng iba pang kalaro ng bola hanggang sa naihagis ito ni Madison at nagpagulong-gulong ito sa kalsada, palayo sa kanilang magkakaibigan.
"Yung bola!" sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan.
"Madison, habulin mo yung bola!" -Kira.
"Oo, sandali lang!" - Madison.
Sinundan niya nga ang bola. Ang weird. Hindi ito tumitigil. Di niya namaayan na umabot na siya sa Kalye Maravillas. Doon tuluyang huminto ang bola, huminto ito sa tulong ng isang dalagang kasingtanda lang ni Madison ngayon. Binigay ng babae ang bola sa bata. Saka lamang napagtanto ni Madison na ang kaharap ng batang Madison ay ang babae sa larawan na kanyang nakita sa silid kanina. Ngunit sino siya? Bakit siya?
"Madison!"
Maging ang matandang Madison ay lumingon din sa tumawag sa kanya. Ang mga kaibigan niya lang pala.
"Kira!"
"Madison, kanina ka pa namin hinihintay. Hali ka na!"
"Wait lang. Magtha-thank you lang ako sa ale."
"Ha? Sinong ale?"
"Siya--"
Ngunit paglingon ng dalawang Madison, wala na ang babae.
"Wala naman ah."
"Pero kausap ko lang siya kanina. Siya nga yung nakapulot sa ball."
"Eh saan siya pumunta?"
"Di ko alam..."
"Tara na. Laro na lang tayo ng tagu-taguan!"
"Sige!"
Habang umalis na ang mga kabataan, ang matandanng Madison naman ay nanattili at namataan ang babaeng kausap ng batang Madison kanina. Nasa di kalayuan lang siya, patungo sa gubat.
"Ms.! Teka lang!"
"MADISON!! MADISON!!" ayan nanaman ang boses ng lalake. Muli, hindi niya ito pinansin. Sa halip, nag-aalinlangan man, sinundan niya ang babaeng ngayon ay nakangisi na. Nasa kalagitnaan na siya ng gubat pero hindi niya na ito makita.
"Ms? Ms nasan ka na?"
"Uwaah!"
"Ms?"
"Uwaah! Uwaah!"
Lumingon siya at nakita niya ito.
"Uwaah! Uwaah! Uwaah!"
"Ms..Sino ka? Anong kailangan mo?"
"Tulungan mo ako."
"Ano?"
"Tulungan mo ako."
"P-paano?"
"Amera...Tulungan mo ako...Amera..."
"Sino si Amera?"
At dito nagsimulang magbago ang wangis ng babae. Mula sa mala-anghel na mukha, ito'y namutla, napuno ng galos, duguan, kahindik-hindik ang wangis. Ang hangin ay umihip ng malakas, mga puno'y umuugoy, dumilim ang kalangitan, lumalakas ang iyak ng sanggol at ang kanina'y matamis na huni, ngayon ay nawala na. Dito na nagsimulang matakot si Madison.
Akmang tatakbo pa sana siya, subalit ang susunod na hakbang ay patungo na sa bangin, sa bangin ng mga patay na.
"Tulungan mo ako."
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako."
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako. Tulungan mo ako."
"AYOKO!"
"Tulungan mo ako."
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako."
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako. Tulungan mo ako."
Mas lalo lamang lumalakas ang mga litanyang nagpaulit-ulit, bagay na ikinasakit lamang ng tenga't ulo ni Madison. Magulo ang kanyang isip. Gusto na niyang makawala sa kanyang sinuong. Sana ay panaginip lang lahat toh. Ngunit wala na siyang takas.
"Tulungan mo ako."
Papalapit na ang multo, paatras siya ng paatras, tinatakpan ang tenga.
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako."
Papalapit na ang multo, paatras siya ng paatras, tinatakpan ang tenga.
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako. Tulungan mo ako."
"TAMA NA!!!"
"MADISON!! MADISON!! MADISON!!! Madie, wake up!!" ayun nanaman ang boses ng lalake, ang boses ng kanyang kapatid na ginigising na siya.
Biglaan naman itong bumangon mula sa pagkakatulog dahil sa pagyugyog dito ng kapatid. Pawis na pawis siya, hinhingal, takot na takot, namumutla. William was relieved that finally, nagising si Madison pagkatapos ng ilang beses nitong paggising sa kapatid na tila'y patay na.
Was it all just a dream? Or was it a vision? Perhaps a memory? Was it all just a nightmare?
TO BE CONTINUED
================================================================================
Maravillas- Spanish word, in Filipino, it means "mga kababalaghan"
Suntuoso- sumptuous, magnificent, rich, palatial
El Bueno- the good
La Mejor-the best
Pueblo Carcel- jail
LOL, napagtripan ko lang toh. Hindi naman nakakatakot diba? hahaha
Dedicated to:
GlaiSanya halle_hallez Sangrelenisabelle mariehoy glaizadclovers Glendiel
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top