Familia Corpuz Pt. 1
At the late of a night, a man around the age of five-and-sixty sat on his swivel chair as he downed a glass of neat bourbon. His eyebrows were thick, the wrinkles on his face were visible, he wore eyeglasses, yet his beard was shaved.
A younger man entered his study, as though bearing bad news.
"So?"
"Wala pa rin, papa. Hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon. He's still in a state of comatose."
He rose from his seat and pulled his son in a warm embrace. He had an intimidating aura about him and yet he was a softie.
"He's going to be fine. The blood of the Corpuzes is strong. Lumalaban yang si Noah. I know it. Magpakatatag ka lang, Manuel."
"I know. I'm trying, dad. Pero bakit ganun? Parang sunod sunod yung trahedya sa buhay natin eh. Una si mom, si Kuya Jacob, yung asawa ko... ngayon naman ang anak ko. Kailan ba magtatapos toh?"
The old man patted the shoulder of his son, as though trying to comfort him.
"I wish I had the answer, but I'm afraid that even in my old age, my wisdom is at a limit. Ang alam ko lang, Manuel, ay matatapos rin ang lahat ng ito."
Father and son had their moment. Fair to say that they have a healthy family dynamic.
Maya maya pa ay pumasok ang sekretarya niya upang maibigay ang mga company reports.
"Sir Ronald?"
"Thank you, Beverly."
Kinuha niya ang mga dokyumento sabay suot ng reading glass niya at tila'y masaya siya sa mga impormasyong nakalakip rito.
"The world is not as cruel, son. Sa kabila ng mga paghihirap natin, may mga magagandang balita rin. Our company prospers and I have you to thank for that."
Manuel tries to muster a smile for Ronald. Masaya siya na proud sa kanya ang ama niya, pero deep inside, gusto niya ring sundin yung passion niya. This was not it. And Ronald was no fool.
"Anak, alam ko na hindi ito ang pinangarap mo. I know that you dream of becoming a doctor. And I am really sorry na ako ang naging hadlang sa mga pangarap ko. Kung ako lang, I would not pass this burden to you. Kung ako lang, I would handle this on my own," Ronald said empathetically as he pat his son's shoulder. He was genuine with his words. He is a very loving father at kahit hindi siya perpekto, sinusubukan niyang pasayahin ang lahat.
Ang kaninang nakayukong si Manuel, ngayon ay nakatingin ng diretso sa kay Ronald. He nodded. He understood obligation towards family and he does not resent them for his current circumstance.
"Pero hindi rin naman ako immortal. Kaya naiintindihan mo rin siguro kung bakit ikaw nalang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon?"
Muling tumango si Manuel, not in a robot-like manner, but as a son who loves his family dearly.
"Family is always and forever, son."
"Yes, dad. Makakaasa kayo."
"I know. I am very proud of you, Manuel. That you must always remember..." and he truly meant that. Manuel knew, which drew a genuine smile on his face. Ronald once more patted his back as he went to the table and fetched two more glasses of bourbon, handing out one to his son, and another round for himself.
He then cheerfully proposed his vision for the future, his hands gesturing left and right. Ronald was a great visionary. He said, "Hayaan mo anak, when we have enough resources, we will expand into the medical industry. Kahit magpatayo pa tayo ng ospital. Pangalanan nating 'Corpuz Medical Center'. O diba?"
Father and son chuckled and shared in the gleeful moment. Malapit ang loob nila sa isa't-isa kaya't napakagaan ng kanilang pamumuhay, kahit na mahirap na ang sitwasyon, nagagawa pa rin nilang magbiro at magtawanan.
The Corpuzes are less famous in comparison to the Divinigracias, and yet, behind closed doors, they are the epitome of a good family. Kaya nga ang tawag sa kumpanya nila ay 'El Bueno', which translates to 'the good'. But are they really perfect?
"Isa nanamang biktima ang natagpuang patay sa Kalye Maravillas, dalawang sugatan, at tatlong nawawalang panauhin. Sari-saring mga panayam ang nalakip mula sa mga survivors," the TV beside the table of Ronald's office revealed such news, kung kaya nagulantang naman ang mag-ama.
"Ani ng isa ay wala silang matandaan sa mga kaganapan. Samantalang ang isa naman ay nagsasabing nakakita sila ng multo. At ang isa naman ay tumukoy ng tila isang babaeng nakamaskara na nagligtas sa kanila mula sa di matukoy na panganib. Sa kasalukuyan ay nagluluksa ang pamilya ng bikitimang namatay, patuloy pa ring nagpapagaling ang mga sugatan at hinahanap na ng mga pulis ang mga nawawalang panauhin." patuloy na salaysay ng nagbabalita. Tumindig ang balahibo nina Ronald at Manuel sa balita. Jusko, kawawang mga bata.
"Matatandaang ilang buwan na ang nakakalipas mula noong naganap ang tinaguriang 'Maravillas Massacre' kung saang isang grupo ng mga magbabarkada ang nasawi, kaya't naging usap usapan na may kababalaghang nagaganap sa Kalye Maravillas. Mula noon ay patuloy lamang na tumataas ang bilang ng mga biktima. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang ugat ng mga pangyayari. Hinihikayat ng alkalde ng Pueblo Carcel ang mga mamamayan na umiwas muna sa lugar na ito upa---"
Pinatay ni Manuel ang telebisyon na tila'y hindi na niya kaya pang sikmurain ang balita ukol rito. Maging si Ronald ay ibinaba ang kanyang alak at humawak sa sentido niya.
"Alam mo, minsan gusto ko nang maniwala na may kababalaghan nga sa Kalye Maravillas. Kahit ang pamilya na'tin... marami nang nasawi, at marami sa mga pangyayaring iyon ay konektado sa lugar na'yon... "
"Mhmm..." yun lamang ang naisagot ni Ronald sa anak. Tila ba'y nais niyang ikwento ang nalalaman ngunit parang naiisip niyang mali atang ibahagi pa ito.
"Dad? You know something. Ayoko namang mangulit pero... maraming kwento na may kinalaman ang pamilya na'tin at ang mga Divinigracia sa mga kababalaghang ito... Are they in any way true? Ano ba talaga ang naging mitsa ng hidwaan sa pagitan ng mga Divinigracia at Corpuz?"
Napabuntong hininga na lamang si Ronald. He poured and downed another glass, and sat on his swivel chair, while gesturing for Manuel to sit on the vacant chair across where he sat.
"Manuel... this story... I don't know if there's any best way to tell it... but whatever I tell you, it must stay between us. It is not just for the Corpuz's sake. It's mostly for the Divinigracia's. What I know... Well, it's from my point of view. Siguro mali ako, pero ito ang alam ko."
Ronald paused for a while, contemplating his decision. The two met eye to eye, each waiting for the other's move.
"Tell me." Manuel was firm in wanting to quench his curiosity. Not long after, Ronald put down his glasses and began telling the tale of the past.
Circa 1984
Pueblo Carcel
RONALD'S POV
Hernan and I were the best of friends. At that time, he was still Hernan Bernardo, a fact that seems to slip the minds of many. Mga simpleng bata lamang kami na may mataas na pangarap, madalas walang matirhan kaya naman ganun na lang ang paghahangad naming magpatayo ng kumpanya na magbibigay naman ng bahay at mga gusali na magiging tirahan ng mga pamilya, mga estudyante, at ang mga may mataas rin na pangarap.
Tandang - tanda ko ang araw na nangako kaming marami kami maabot. Habang pinapanood ang lumulubog na araw, nakaupo kami sa tulay sa tabi lamang ng mga dikit-dikit at marupok naming bahay na yari lamang sa kahoy at dahon ng nipa. Mga bata pa lamang kami, mga musmos na walang alam sa buhay.
"Wala nanaman kaming kuryente at tubig sa bahay. Pinutualan na naman kami kasi hindi pa kami nakakabayad. Tapos anong susunod? Paalisin nanaman kami? Nakakapagod na yung palipat-lipat. Sana naman magkaroon tayo ng iisang bahay nalang," matamlay na salaysay ko sa kababata kong si Hernan.
"Ako nga rin, Ronald. Nagbabanta na rin yung kasera na kung hindi pa rin kami makakabayad sa susunod na buwan, palalayasin niya na kami. Ayokong umalis dito," sagot naman ni Hernan.
"Sana magkaroon tayo ng permanenteng bahay... Sana magkaroon tayo ng tahanang sa atin lang talaga. Pero parang wala talagang pag-asa eh."
Umiling si Hernan. Hindi. Hindi siya papayag na basta basta na lamang kaming susuko. Tumayo siya at nanindigan.
"Hindi, Ronald. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Kaya natin toh! Mangyayari pa yan! Kakayanin natin yan. Tatapusin natin ang pag-aaral natin. Magtatrabaho ako para may pangdagdag na pambayad. Tapos, magtatayo tayo ng sarili nating kumpanya. Yung mga nagpapatayo ng mga gusali at bahay. Magtatayo tayo ng sarili nating tahanan, tapos tutulungan rin natin yung iba. O diba?"
"Ang taas naman ng pangarap mo."
"Pangarap natin. Kaya natin toh. Ano, Ronald? Magkasanggang-dikit?"
May kakaibang diwa si Hernan, napakalakas ng kanyang loob na sa tuwing magsasalita siya at talaga namang mahihikayat kang sundin siya. Tumayo ako at naglakas loob na nangakong babaguhin ang aming kapalaran.
"Aba, siyempre, noh! Magkasanggang-dikit hanggang sa dulo ng lahat!"
Magkababata kami, mula elementary hanggang kolehiyo, at sabay naming tinupad ang pangarap namin. Unti-unti naming tinayo ang Suntuoso, na magbibigay karangyaan at kaginhawaan.
Parang kapatid ko na si Hernan. Siya nga yung tumulong saakin na ligawan si Margaret, na siyang naging asawa ko naman at ina nina Jacob - panganay ko, at Manuel - bunso ko. Sa susunod ko na lamang ikukwento ang aming pag-iibigan ng aking yumaong asawa. Si Hernan naman, hindi niya inuna yung pag-ibig. Tutok siya sa pag-aaral at pagtatrabaho, hanggang sa makilala niya si Mercedes, nag-iisang anak ng isang mayamang señor na handang magbigay ng pinansiyal na suporta sa kumpanya namin. Talagang tinamaan siya, kaya hindi nagtagal ay ikinasal rin siya.
Napakasaya ng araw ng kasal nilang dalawa, hanggang sa bigla na lamang nahimatay si Cedes sa harap ng altar. Simula noong araw na yun, para bang lumayo na ang loob ni Hernan sa akin, at tila'y nawala ang mga kislap sa kanyang mga mata. Palagi nga kaming magkasama sa trabaho, pero nawala ang kanyang ngiti, sigla, hindi na siya pala-kwento.
Ang nakakapagtaka pa, imbes na maging Mrs. Mercedes Bernardo na ang kanyang asawa, ay nanatili itong Mercedes Divinigracia, at sa halip, si Hernan ang nagpalit ng epilyedo. Siya ngayon ay naging si Hernan Divinigracia.
Ilang buwan pa lamang ang nakalipas mula noong ikasal sina Cedes at Hernan at nabiyayaan sila kaagad ng anak. Kaya naman, mas lalong nagsumikap si Hernan sa pagtatag ng Suntuoso. Araw araw, maaga pa siyang pumapasok sa opisina, at gabi-gabi, palagi siyang huli umuwi. Minsan nga umaga na siyang umuuwi. Kapag wala namang trabaho, naglalasing siya. In those nights na halos hindi na siya makatayo, sa amin siya natutulog.
"Hernan? Hernan!"
"Ha?"
"Ang sabi ko, hindi ka pa ba uuwi? Mag-uumaga na oh."
"Ayos lang ako, Ronald."
"Oi, teka lang. Nakainom ka ba?"
"Hindi ako lasing."
Ngunit batid kong nagsisinungaling siya mula pa lamang sa tono ng kanyang pananalita, sa mga namamagang mata niya at sa amoy ng alak sa kanyang hininga.
"Lasing ka nga. Hernan, ano ba? Ano bang problema mo? Simula noong ikinasal ka, ganito ka na..."
"Wala akong problema, Ronald. Nagagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko kaya pabayaan mo na ako. Kaya ko ang sarili ko," tila ba'y iniiwasan niya ako at nagsimula na siyang magligpit ng kanyang mesa.
"Si Cedes... Kamusta na? Kamusta yung mga check up niyo?" pangungulit ko sa kanya. Hindi ko susukuan ang kaibigan ko.
"Ewan ko," patay mali niyang sagot. Nakakagulat ang ugali ni Hernan. Hindi ito ang kaibigang nakilala ko.
"Ha? Bakit hindi mo alam? Hindi mo siya sinasamahan? P're, ano ba? Magiging tatay ka na. Ang pagiging tatay hindi lang sa materyal na bagay. Kailangang andiyan ka sa bawat hakbang ng buhay niya."
"Pwede ba, Ronald? 'Wag mo akong sermonan. Hindi ko kailangan ang payo mo," halatang irita niya nang sambit.
"Hernan, ang swerte niyo nga, magkakaanak na kayo. Yung iba nga diyan, nahihirapang makabuo. Biniyayaan kayo, Hernan. Pahalagahan mo naman yun."
"TUMIGIL KA NA, RONALD! Wag kang makialam sa buhay mag-asawa namin, pwede ba?! Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Yang batang yan- Hindi- ...."
Ramdam ko na parang mayroon siyang gustong isiwalat, subalit para bang pinipigilan niya ang kanyang sarili at mayroon talaga siyang gustong sabihin.
"Hernan? Ano 'yun?"
Napatigil si Hernan sa kanyang pagsasalaysay, at hinawakan niya ang kanyang sentido. Para ngang may malaki siyang suliraning kinakaharap. Naging mabuti siyang kaibigan sa'kin at palagi niya akong tinutulungan kaya nais ko sana na sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumulong sa kanya.
"Hernan, kaibigan mo ako, pare. Para na kitang kapatid. Kung may pinagdadaanan ka, nandito lang ako. Sabihin mo lang, tutulungan kita. Kausapin mo naman ako, " pagsusumamo ko sa aking kaibigan, para pagbuksan niya naman ako sa puso niya.
"Wala akong kailangan, Ronald. Pagod lang ako. Pabayaan mo na ako. Uuwi na ako."
"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Lasing ka pa naman. Hernan, hayaan mo naman akong tulungan ka o."
Hindi niya na ako sinagot, at hindi niya na rin ako pinansin. Dire-diretso na siya sa paglakad at pagmaneho.
Naguguluhan nga ako eh. Bakit ganito ang asal niya? Bakit parang hindi siya masaya gayung kasama niya na ang mahal niya at magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya? Napakapalad niya sapagkat magkakaroon na siya ng anak, samantalang kami ni Margaret ay hirap pa ring makabuo.
Hindi ko na sinundan pa si Hernan. As to what happened next, I can only guess...
(The succeeding parts (italicized) are no longer within Ronald's knowledge but they are canon/real.)
Sumakay na si Hernan na lasing na lasing sa kanyang kotse. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan at dire-diretso na siya sa kanyang pagmamaneho. As he maneuvered recklessly into loops and loops of endless roads, he sank into his real emotions. The pain buried deep beneath the pile of his shattered heart began to resurface, as though cutting his newly stitched up heart wide open again until it bleeds to its death.
Finally, in his moments of solitude, far away from the pretentious judgy crowd, all alone in the darkness, staring into the abyss, he let it all out.
"ARGHHHHHHH!!!!!!"
The lion roared, a cry of grief, pain, betrayal, despair. Walang tigil na sigaw nang sigaw si Hernan sa loob ng kanyang kotse, sabay hampas sa manibela ng kanyang sasakyan, at maging busina ng kanyang sasakyan ay tila sinasabayan siya sa kanyang paghihinagpis.
"ARGH! Puta- Bakit- AHHH! Walang hiya- Ayoko na! AYOKO NA! ARGHH!"
He could not form a coherent thought or word from his mouth. He was screaming and mumbling and shaking. Gusto niyang magwala. It's like tingles and itch all over his veins urging him to pop out of his skin and unleash hell. Yet he couldn't. It is impossible for him to scratch that itch. He could not squeeze his hands around Mercedes' neck to choke the life out of her. He could not burn the world down. He could not rip his own heart out to pluck out the splinters that keep him up at night, he could not erase the past. And that feeling of being helpless only triggered despair, adding fuel to the already blazing fire.
He could not even fathom what he felt at the moment. He was angry. He was furious. He was hurt, stabbed from the back. He felt sadness, misery, and an unquenchable thirst for salvation, all at once. Hernan was feeling too much all at once, and he wanted to suppress the emotions. Inside his mind, he is fighting to keep the door closed, but alas, the memories of that core moment, the day that was supposedly the happiest day and yet turned into a nightmare.
"Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko... Nagkamali ako... Nagpadala ako sa damdamin ko... Patawad..."
Yan ang mga litanyang paulit ulit na tumugtog sa kanyang gulong gulong isip na parang sirang plaka. Paulit-ulit niyang naaalala ang sakit, paulit-ulit siyang sinasaksak sa kannyang puso, paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili niya kung bakit siya nagawang lokohin ng sarili niyang kasintahan.
"Nagkulang ba ako? May mali ba akong nagawa o nasabi? Masyado ba akong mahirap? Hindi ko ba naibigay ang kailangan niya? Kulang pa ba ang ibinuhos kong pagmamahal para sa kanya? Pangit ba ako?! Hindi ba ako kamahal-mahal?! ANO BA ANG NAGAWA KO AT PINAGTAKSILAN AKO NG BABAENG MINSAN KO NANG MINAHAL?! ANO BA ANG NAGING KASALANAN KO PARA PARUSAHAN AT PASAKITAN MO AKO NG GANITO?!"
Lahat na lang ng dahilang naiisip niya, tinatanong niya sa sarili niya. Sa isang banda, hindi lamang siya galit kay Cedes. Galit rin siya sa sarili niya dahil wala siyang nagawa para mapigilan ito. Hindi niya rin masabi-sabi ito kahit kanino, kahit kay Ronald, dahil kahit ito na ang ginawa sa kanya, pinapangalagaan niya pa rin ang dignidad ng asawa niya.
He had no outlet, no friends, no help, no love. He had nothing. He only had tears, countless sleepless nights he cried himself to sleep, wallowing in the pain that was a burden only his to carry. Ngayon, ang mga luha niya'y walang tigil sa pag-agos mula sa kanyang mga mata na para bang gripo.
The walls in his heart began to constrict, making it difficult for him to breathe. This was what he feared. This was what he tried to stop. The moment he lets it all in, he'd lose it. There's no stopping the outflow of emotions. Then again, whenever else would he let it all out? He could not cry about publicly. It was only in solitary moments as this that he found himself free to express his grief. He had no one, nothing. He only had grief. But then again, what is grief, if not love persevering?
The itch in his nerves grew to be a swelling pain and he could not restrain himself any longer. Driven by his strong emotions, he released one final scream as he recklessly stepped on the gas. Approaching Kalye Maravillas, a dark tunnel vision, he sped the car aimlessly, his voice breaking and then...
BOOGSH!
His voice broke.
His heart broke.
His soul broke.
Now, not only did his car break, but so did he.
Tiyak na katapusan niya na noong nabangga siya sa Kalye Maravillas sa tapat ng isang puno. Pinilit niyang lumabas sa kotse kahit nahihirapan na siyang gumalaw. His vision was blurry, his forehead bleeding suffering a concussion, and he couldn't walk straight, soon enough, he fell down on the road almost lifeless. And he thought that the image of the moon in the sky was the last thing he would see before his last breath.
He was wrong.
For a moment, his vision cleared up, and he saw the image more beautiful than the moon. Nakita niya ang mukha ng isang babaeng tila isang diwata. Maamo ang mukha nito, kayumanggi ang balat, itim ang buhok, kulay rosas ang labi't mga pisngi nito, at kakaiba ang ningning ng kanyang mga mata. Parang isang anghel ang sumusundo sa kanya.
"Ginoo? Ano ang iyong ngalan? Ayos ka lamang ba??" tarantang tanong ng babae sa kanyang harapan.
Hindi makasagot ng matino si Hernan, at hindi rin siya gaanong makagalaw. Tila ba'y nagagawa niyang bahagyang ngumiti. Samantalang ang dilag naman ay pinapakiramdaman kung may pulso pa ba ito, at dahan dahang hinawakan ang kanyang ulo.
"Buhay pa siya. Pero jusko! Dumudugo ang kanyang ulo, tila mula sa pagkakabangga! Mabilis siyang nauubusan ng dugo. Kapag hindi siya naagapan kaagad ay tiyak na mamatay na siya," alalang sambit ng dalaga sa kanyang ama at iba pang mga kasama na nasa gilid lamang niya habang pinagmamasdan siyang binibigyang pag-aaruga ang nakahandusay na si Hernan.
"Anak, pabayaan mo na siya. Tumawag na lamang tayo ng tulong upang maidala siya sa ospital sa mundo ng mga tao. Kinakailangan nating manatili sa ating daigdig. Hindi dapat tayo makisalamuha sa kanila," sagot naman ng ama ng dalaga.
Kumuha siya ng panyo mula sa kanyang palda at idiniin ito sa pasa ng Hernan upang pigilan ang pag-agos ng dugo. Ngunit tila hindi ito sapat. "Ama, hindi na'tin siya pwedeng iwan! Mamatay siya! Tagapangalaga tayo ng buhay, tao man o taga-Maravillas. Kailangan na'tin siyang tulungan."
Walang nagawa ang kanyang ama kundi hayaan ang kanyang anak na tulungan ang estranghero.
"Ginoo? Ginoo, wag kang mabahala. Rosa ang aking ngala. Ito naman ang aking ama, si Raul. Gagawin namin ang lahat para maging maayos ka. Kumapit ka lamang," malumanay na sambit niya sa ginoo.
"Mga Valiente! Tulungan ninyo ako na dalhin siya sa Sulok Curar," utos ni Rosa sa mga mandirigma na mas kilala sa tawag na 'valiente'. Sama-sama nilang dinala si Hernan sa kanilang ospital na Sulok Curar.
Little did they know that this moment would change their lives forever.
-----------------------------------------------------------
H
APPY NEW YEARRRR 🥰
Dedicated to: rex1eight 😅🤗✨
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top