Ang Sitio Maravillas
Lumipas ang dalawang linggo, nagsasama na sa iisang tahanan sina Cedes at Hernan. Bagamat galit na galit pa rin si Hernan, kinakailangan niyang pakisamahan si Cedes sa paniniwalang asawa niya na ito, at gustuhin niya man o hindi, may obligasyon na siya rito. Nakatali na siya. Pero kahit nasa iisang bubong sila, di niya ito tinuring na asawa. Araw araw, subsob siya sa trabaho. Gabi-gabi, mag-isa si Cedes matulog dahil umaga na umuwi si Hernan.
Sa ngayon, abala si Hernan sa kanilang negosyo kasama ang kaibigan na si Ronald Corpuz upang maitatag ang Suntuoso, na ang ibig sabihin ay magnifico, kahanga-hanga, masagana at mapang-akit. Dalawang tao, iisang negosyo, iisang hangarin- ang itayo ang mga gusaling para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa, ang maging tulay para sa ikabubuti ng nakararami, at ang maging ilaw ng bawat mamamayan. Kasalukuyang nasa isang selebrasyon sila sa pagbukas ng Suntuoso.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Grabe, hindi ko alam kung saan magsisimula. Nagsimula lamang toh sa isang pangarap, isang pangarap ng dalawang batang palipat lipat ng tahanan. Minsan nga naranasan pa namin na matulog sa kalye. Yung mga kalyeng yun, lubak lubak pa. Kaya hinangad namin na walang pamilyang makaranas na mawalan ng matitirhan, at eto na ngayon, kasama ng kaibigan kong si Ronald Corpuz, sabay naming itinatag ang Suntuoso! Simula ngayon, kami na ang magiging haligi at ilaw ng Pueblo Carcel!" - si Hernan. Pagkatapos nun ay bumaba na siya sa entablado.
"Pre!" bati ni Ronald kay Hernan.
"Oi, pare!" sagot naman ni Hernan sa kaibigan habang kapwa silang nagkamayan.
"Congrats satin, sa wakas natupad na yung pangarap nating negosyo mula pa lamang nung nasa kolehiyo tayo." sabi ni Ronald.
"Naku, pare, salamat talaga sa'yo. Kung di dahil sa'yo sinukuan ko na tong proyektong toh." si Hernan.
"Sus, ano ka ba? Kapwa nating pinagtrabahuan iyon. Nga pala, eto yung asawa ko si Margaret. Margaret, eto pala yung kaibigan ko, si Hernan." pagpapakilala ni Ronald sa asawa sabay marahang hila rito nung dumaan siya.
"Hello, nagagalak akong makilala ka..." bati naman ni Margaret kay Hernan.
"Maging ako rin, señora. Aba't magsaya tayo pagkat sa wakas, sa hinaba-haba ng prosesyon, natuloy rin kayo sa simbahan." sagot naman ni Hernan sa mag-asawa.
"Salamat, nga pala nasaan naman ang asawa mo? Balita ko nahimatay siya nung nasa altar kayo. Anong nagyari dun? Kamusta na siya?"
Hindi agad nakasagot si Hernan. Masakit yun para sa kanya. Muli niyang naalala ang kataksilan ni Cedes. Ang munting ngiti niya kanina'y ngayon naglaho na.
"Oo nga pare. Ayos lang ba siya? Uy baka naman buntis na yun! Ninong ako ah!"
"Naku pare, mare, hayaan niyo na muna yun. Napagod lang ata kaya nagpapahinga pa. Sa ngayon, magsaya tayo!" pilit niyang sagot. Ayaw niyang pag-usapan ito. Kaya iniba na lamang niya ang tema ng kanilang pag-uusap at mas piniling magpakalasing para makalimutan ang problema.
Lumipas ang mga minuto, ang mga minuto ay naging oras at ang oras ay umabot na sa ala una ng umaga, saka lamang nakauwi si Hernan kay Cedes.
Nung pumasok siya sa mansion nito ay agad bumungad sa kanya si Cedes.
"Hernan? Saan ka galing? Lasing ka ba?"
"Hindi ako lasing Cedes. Pagod lang ako." Walang gana niyang sagot.
"Mukha nga. Halika, mamasahiin kita." buong paglalambing ni Cedes.
"Di na. Magpahinga ka na. Masama para sa bata ang nagpupuyat ka."
Bahagyang natuwa si Cedes dahil akala niya'y unti unting nang lumalambot ulit si Hernan sa kanya.
"Umm, Hernan, magpapakonsulta sana ako sa susunod na araw sa doktor. Baka pwede mo akong samahan?"
"Hindi. Hindi ako pwede. Titignan pa namin ang lote sa Kalye Esperanza para sa una naming proyekto. Magpahatid ka nalang sa tsuper natin o di kaya magpasama ka sa ina at ama mo."
"Pero Hernan, gusto ko sanang kasama ka...para sa magiging anak natin..."
"Anak natin? Anak ko na pala ngayon yung nasa tiyan mo?"
"Hernan..."
"Para malinaw Cedes, hindi ako magpapakaama sa bastado mo. Mag-asawa tayo pero hanggang sa papel na lang. Hindi ko ibibigay ang pangalan ko sa bastado mo. Hindi ako ang lilinis sa kahihiyang ikaw ang gumawa."
"Eh ano ang magiging epelyido niya?"
"Edi Divinigracia, malamang."
"Pa'no na yung sasabihin ng ibang tao?"
"Edi sana inisip mo muna yun bago ka lumandi!"
Mangiyak-ngiyak na si Cedes nang dahil sa narinig. Akala niya unti unting nang naayos ang mga nawasak na alaala. Akala niya lang pala.
"Hernan, hindi ko naman ginusto yun, kung alam mo lang--"
"Ayoko nang marinig ang mga katwiran mo Cedes. Hindi ba't half-Vietnamese yung lola mo? At diba't isa siya sa mga pinuno ng liblib na sociedad nilang hanggang ngayon ay babae pa rin ang nasusunod? O edi sabihin mo dun tayo nagpagaling. Dahil dun ka gumaling, nagpakasal uli tayo doon kaya sinunod yung epelyido mo dahil sinunod na rin natin yung tradisyon nila roon bilang pasasalamat na pinahaba pa ang iyong buhay. Ok na? Nasagot na ba ang tanong mo? Pwede bang matulog ka na?"
"Hernan, hindi mo ba talaga akong kayang patawarin?"
"Cedes pwede ba? Ang aga-aga eh!" naiirita na siya sa mga tanong nito kaya tuluyan nang lumuha si Cedes. "Gusto mong malaman ang sagot sa tanong mo?" dugtong pa ni Hernan. "Cedes, kung pagpapatawad lang, kayang kaya ko yung ibigay. Pero hindi ko kayang kalimutan yung sakit na idinulot mo dahil araw-araw, andyan yang batang yan na magpapaalala sakin ng kataksilan mo! Hindi ko na kayang ibalik yung dati dahil sira na ang tiwala ko sa'yo! Masaya ka na?!"
"Kung ganon, bakit hindi mo nalang ako iwan? Kung hindi mo na ako mahal, bakit hindi mo nalang ako hiwalayan? Tutal, yaman lang naman ng pamilya ko yung habol mo diba? Kaya ngayon, nang naitatag na ang pangarap mong Suntuoso, balewala nalang ako sa'yo, dahil mataas ka na!"
Napahampas si Hernan sa lamesa at bumulyaw, "LINTEK CEDES! GANUN BA TALAGA KABABA ANG TINGIN MO SA'KIN?! HINDI PERA ANG HABOL KO SA'YO DAHIL KUNG NEGOSYO LANG ANG PAG-UUSAPAN, KAYA KONG ITAGUYOD YUN NG MAG-ISA! LAHAT NG MERON AKO, YUNG SUNTUOSO, SARILING SIKAP KO YUN! HINDI PERA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANANATILI RITO!"
"EH ANO?!"
"GUSTO MONG MALAMAN?!"
"OO!"
"DAHIL KASAL TAYO AT MAY RESPONSIBILIDAD AKO SA'YO!"
"RESPONSIBILIDAD? YUN LANG BA AKO SA'YO?! WALA NA BANG PAGMAMAHAL DIYAN SA PUSO MO?"
"BAKIT CEDES?! MAY NATIRA PA BA SA PUSO MO NUNG PINAGTAKSILAN MO AKO? KASI KUNG PAGMAMAHAL LANG ANG PAG-UUSAPAN, YANG KATITING PAGMAMALASAKIT KO SA'YO NA LAMANG AMG PUMIPIGIL SAKING IWANAN KA! KASI KUNG AKO LANG, KUNG WALA NA TALAGA AKONG NATITIRANG NARARAMDAMAN PARA SA'YO, HINDI NA AKO PAPAYAG NA MAGING PANAKIPBUTAS MO KUNG ANG TINGIN MO LANG NAMAN SAKIN AY MUKHANG PERA!!!" galit na galit niyang giit kay Cedes sabay tapon ng mga gamit niya sa sahig.
"GANUN DIN BA KABABA ANG TINGIN MO SAKIN? NA ANG TINGIN SA'YO AY BASAHAN?! MAHAL KITA! MAHAL KITA!"
"KUNG MAHAL MO AKO, BAKIT MO AKO NILOKO?!"
"PAULIT-ULIT NALANG BA TAYO?"
"OO!"
Nagtalo nang nagtalo ang dalawa hanggang sa mapuno na yung bahay nila ng sigawan at hinanakit. Sabay sabay na silang nagsasabong ng sigawan, kung naroon ka, wala ka nang maiintindihan o maririnig
Kapwa na silang punong puno- si Hernan- puno na sa pagpapasensya at pagtitimpi ng nadarama, at si Cedes, puno na sa pag-asa at paghintay na magkakaayos pa sila.
"TAMA NA! MANAHIMIK KA NA!!" pagod at iratang pagpigil ni Hernan sa usapan nila sabay bato ng plorera sa sahig na siyang ikinagulat at tahimik naman ng huli.
Yun lang. Yun na ang huli nilang binitawan sa isa't-isa. Hindi na umuubra ang relasyon nila. Patapon na talaga. Kapwa silang lumuluha, pagod, kinakapos ang hininga, nagdurugo ang mga puso.
Katahimikan lang ang namalagi ng ilang segundo. Pero di nagtagal, umalis na rin si Hernan at muling naiwang mag-isa si Cedes, umiiyak, malamig, walang nagmamahal.
Samantalang si Hernan, wala sa katinuan, ay patuloy at mabilis lamang na nagmamaneho tungo sa kawalan, o di kaya'y tungo sa walang katiyakang madilim na daan, isang munting kalyeng lingid sa kaalaman ng nakararami ay mayabong pala ngunit binabalot ng kababalaghan- ang Kalye Ignoto.
At lingid sa kaalaman ng nakararami, may roong kakaibang lahing umusbong, isang angkang may taglay na kakayahan- ang angkang Maravillas.
Kasalukuyang nakatipon sila sa Veredicto, isang arena kung saan hinahatulan ang mga nagkasala sa batas ng Sitio Maravillas. At ngayon, meron silang isang mamamayang parurusahan.
"Ikaw, Emil Alborotador, ay hinahatulan ng isang daang kastigo at panghabang buhay ka nang pinagbabawalang muling umapak pa sa Sitio Maravillas dahil sa pagkakasalang pagnanakaw ng sagradong kagamitan ng Sitio Maravillas. Simulan na ang parusa," wika ni Raul Maravillas- ang pinuno ng kanilang angkan. Katabi niya ay ang dalaga niyang anak na si Rosalinda. Nang nagsimula na ang pagkastigo ay umalis na rin si Raul kasama ang anak na si Rosalinda at punasok na sa munti nilang tahanan.
"Ama..."
"Bakit, Rosalinda, anak?"
"Hindi kaya labis labis na ang parusang ibinigay mo sa kanya?"
"Rosalinda, nagkasala siya kaya dapat siyang maparusahan."
"Ngunit ama, bakit ba kailangan nating magtago mula sa mga tao sa labas ng Sitio Maravillas?"
"Anak, hindi ko pinaparusahan ang mga kalahi natin nang dahil sa pakikisalamuha nila sa mga tagalabas. Pinarusahan ko siya dahil sa pagnanakaw."
"Subalit hindi yun ang tunay na dahilan. Batid kong malaki ang hinanakit mo sa mga karaniwang tao ngunit hindi ko pa rin maunawaan kung bakit."
Nagbuntonghininga lamang ang ama nito.
"Iha, maupo ka muna. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat. Panahon na para malaman mo ang totoo lalo't nararamdaman ko na ang nalalapit na pagtatapos ng aking pamumuno rito, at ikaw ang papalit sa akin."
Sumunod naman ang dalaga at nakinig sa kwento ng ama.
"Makulay ang kasaysayan ng angkan natin. Nagsimula ito sa isang ninunong nay kakaibang taglay na kakayahan. Tinipon niya ang mga nakilala niyang may taglay na kakaibang kapangyarihan at yung mga busilak ang puso. Ang pinunong nagbuklod sa iba't-ibang lahi ay ang ninuno nating si Luna Maravillas. At bilang ang pinakamalakas sa lahat, ginawa niya ang bolang krystal, ang Esfera de la Vida. Napakamakapangyarihan nito. Ito ang bola ng buhay, ang nagpapasagana sa ating Sitio. Alam niyang balang araw, papanaw rin siya. Kaya ginawa niya ang Esfera para sa ikabubuti ng kanyang kinasasakupan kahit na wala na siya para pamunuan ito. Lahat ng kailangan at hiling ng mga tao, handa nitong ibigay. Kaya rin nitong muling bumuhay ng pumanaw. Ngunit tanging ang mga Maravillas lamang ang nakakapagpaamo nito. Kapag may ibang nagtangkang gamitin ito, may kapalit ang bawat hiling."
"Anong kapalit, ama?"
"Buhay. Buhay ang kapalit ng bawat hiling na tutuparin ng sinumang hindi Maravillas. Ang punyal na kaakibat nitong Esfera ang gagamitin para mag-alay ng buhay."
Ipinakita niya ang punyal na ito na nakabaon sa Esfera, ngunit umuusbong ang ulo. Idiniin niya ang ulo ng punyal sa Esfera at lumabas ito. Inikot niya ang munting ruweda sa ulo ito at lumabas ang patalim. "Ngunit, hindi lang ito ginagamit para higupin ang buhay mula sa anumang nilalang. Maaari niya ring ibalik ang enerhiyang binawi," Inikot niyang muli ang ruweda sa kabilang direksyon at ang dulo ng patalim ay bumukas at umilaw. Agad sinara ni Raul ang punyal at ibinalik ito sa gintong Esfera.
"At kapag ginamit ito sa masama at sa muling pagbuhay ng mga patay na, mas lalong lalala ang kalagayan ng humingi mula rito. Dala-dala niya na ang sumpa sa susunod niyang mga henerasyon. Dahil sa bawat buhay na kikitilin niya, mas lalong tumitindi ang mga pagnanais niya ng kung anu-ano, mas lalong titindi ang pagkauhaw niya sa dugo, hanggang sa unti-unti siyang mabaliw at tuluyang maging ibang tao. Yun ang kinakatakutan ko, anak, na 'pag nilabag natin ang batas na ito at ginamit sa masama ang esfera, maging ang mga anak ng mga hangal ay maaari ring mabaliw, maging malupit at hindi nila maiintindihan kung bakit pero basta nalang silang nananakit. Kung hindi lamang nanggulo noon si Samael."
"Samael?"
"Samael Estragos. Siya ang unang taong nakapasok sa Sitio Maravillas. Handa na sana ang lahat na tanggapin ang mga tao, pero naging mitsa lang yun ng gulo. Ginamit niya ang esfera para higitan lahat. Naging mabagsik siyang halimaw. Pero di kailanman nananalo ang kadiliman laban sa liwanag. Simula noong matapos ang digmaan laban kay Samael, isinara na ni Luna ang Sitio. Tanging tayo lamang ang makakalabas pasok, at makabubukas at makasasara ng Sitio Maravillas. Pero hindi yun napigilan ang kalupitan ng mga tao. Minsang lumabas ang ina mo, sinundan, napagkamalang mangkukulam at miyembro ng kulto, kaya sinunog siya ng mga tao."
Natahimik at natulala si Rosalinda sa kwento ni Raul. Hindi niya sukat akalain na ganito kalalim ang kwento ng kanilang lahi. Hindi niya alam na ganun pala kalupit ang mga tao.
"Ngayon naiintindihan mo na kung bakit takot na takot ako na magkaroon muli tayo ng uganayan sa mga tao? Ayokong matulad tayo sa sinapit ng ninuno natin o ng ina mo o baka mas malala pa sa sinumang tao. Hindi ako galit sa mga tao, Rosa. Pinoprotektahan ko lang ang lahi natin. "
"Nauunawaan kita ama. Ngunit tuluyan na ba nating susukuan ang sangkatauhan? Hindi ba't tao lang rin naman tayong biniyayaan ng kakaibang kakayahan? Baka naman may pag-asa pang magbago sila."
"Sana nga Rosa. Naniniwala akong meron ding taong busilak ang puso. Pero hindi ako handa na isugal ang kaligtasan ng lahat. Kaya patawad kung hindi ko mapagbibigyan ang hiling mo, Rosa."
"Naiintindihan ko ama. Higit sa sinuman, ang lahing Maravillas ang dapat nating unahin at pangalagaan. Ngunit paano tayo makaksiguro na hindi titiwalag ang mga pinarusahan natin?"
"Hindi sila ganun kasama. Ang mas ikinababahala ko ay ang magiging kapalaran ng kanilang mga magiging supling..."
Ngayon ay mas nauunawaan na ni Rosalinda ang lahat. Namalagi ang katahimikan habang iniisip nila kung ano ang dapat gawin upang maagapan ang mga nagkasala. Tahimik na sana ang lahat, bagamat nababagabag ang isip ng mag-ama, ngunit may isang di inaasahang pangyayari ang gigimbal sa kanilang lahat dahil sa dakong Kalye Ignoto, may dumadaang sasakyang napakabilis mag patakbo hanggang sa...
BOOGSH!
Sa sobrang bilis ay nabangga ito sa isang puno sa kanto. Dahil dito ay nagkaroon ng napakalakas na tunog na gumimbal sa buong Sitio.
"Ano yun?!"
"Mukhang dun banda sa Kalye Ignoto!" akmang tatakbo na siya tungo roon ngunit agad syang inawat ng ama. "Rosa, wag. Baka tao nanaman yan, baka mapahamak ka." pagpipigil ng ama niya. "Pero ama, paano kung malaking banta ito sa Sitio natin? Kailngan nating agapan dahil kung hindi baka magulo pa tayo." pagmamatigas ni Rosalinda. Wala na ring nagawa ang ama kundi sundan ito. Hindi nga nagkamali ang ama niya. Isa itong tao na nabangga sa malaking puno dahil sa sobrang mabilis nitong pagmamaneho.
Nag-aalinlangan man, nilapitan niya ito at inalalayan na makababa.
"Ginoo, ayos ka lang ba? Ano ang iyong ngalan?"
Ngunit kahit anong tapik niya sa pisngi nito ay wala na talaga itong malay, bagamat kahit papano, malabo ang paningin nito. At nakita nga ni Hernan ang maamong mukha ng umahon sa kanya mula sa nabanggang kotse, isang dalagang tila'y isang diwata. Kahit hindi pa malinaw ang lahat, kahit wala siya sa katinuan, tila'y nabihag na ang puso niya ni Rosalinda.
"S-salamat..." Pahabol niyang sabi pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"Ginoo! Ginoo! Gising!"
Paulit-ulit niya tiong niyugyog subalit hindi na talaga ito sumasagot. Pinakiramdaman niya ang pulso nito sa leeg.
"Humihinga pa siya, dalhin na natin siya sa curación!"
"Rosalinda, hindi maaari, tao siya! Kanina lang natin napag-usapan ang tungkol rito."
"Pero ama, hindi natin siya pwedeng iwan lang dito. Kailangan natin siyang tulungan, parang awa mo na. Hindi kaya't ipinagkatiwala sa atin ang kapangyarihang ito para makatulong sa nangangailangan? Ama..."
Labag man sa loob ni Raul, pinayagan niya ang anak sapagkat may tama rin ito. Tulong-tulong sila sa pagdala dito sa curacion, ang pagamutan ng Sitio Maravillas. Ngunit hindi ito isang ordinaryong ospital, dahil hindi kagamitang pang-medikal ang kanilang lunas, kundi mga dasal, haplos at pagmamahal.
Subalit, tama ba ang kanilang pasya na papasukin si Hernan sa Sitio Maravillas? O ito ba'y umpisa lamang ng sigalot?
Ilang buwan makalipas ang insidenteng ito...
Isang malaking pagsabog ang naganap mula sa sentro ng Sitio, patay na ang mga ilaw, halos wala nang buhay, walang sagana, walang nang aliwalas, bagsak na ang mga tauhan, patay na si Raul, bagsak na rin sa sahig si Rosalinda, nag-aagaw buhay, ninanakaw ang sandaling makahinga. Maya-maya, umusbong ang isang anino, palapit sa direksyon ni Rosalinda.
"T-tu-ulong...Tulong..." Halos pabulong niyang tawag. Hanggang sa dumaan ang isang misteryosong lalakeng hawak hawak ang mahiwagang bolang krystal sa kabilang kamay at ang punyal sa isa pang kamay. Lumapit siya kay Rosalinda....
"P-parang awa mo na....T-tama na..." pagsusumamo ng dalaga ngunit hindi siya nito pinakinggan.
Alam niyo ba kung ano ang ginawa niya?
Pinatay niya si Rosalinda.
=========================================
Veredicto=Verdict
Esfera de la Vida=Sphere of Life
Alborotador= troublemaker
Estragos= havoc
curación=healing
Special thanks to google translate
Samael="venom of God". In the Talmud, an archangel of death and destruction known as the accuser, seducer and destroyer. He is the equivalent of the biblical serpent who tempted Eve in Eden. He is also known as the Prince of Darkness and chief of the Dragons of Evil.
Read more at http://www.thinkbabynames.com/meaning/1/Samael#qm3LmhoE4lGeuBWg.99
Trivia:
"There have been many advances in women's rights in Vietnam, such as an increase in women representation in government, as well as the creation of the Vietnam Women's Union in 1930. Many scholars state that Vietnam was a dominantly matriarchal society prior to Chinese rule, which brought in Confucian patriarchal values."
So there, they were at a point in time a matriarchal society where women's surnames are the ones taken after by the male. Bale it's like a reverse roles, but today, some things changed.
"Women occupy both the domestic and outside sector in contemporary Vietnam. Women's participation in the economy, government, and society has increased.In the domestic sphere, little progress has been made to improve gender relations. Traditional Confucian patriarchal values have continued to persist, as well as a continued emphasis on the family unit. This has comprised the main criticism of Vietnam Women's Union, an organization that works towards advancing women's rights. Furthermore, recent shifts in Vietnam's sex ratio show an increased number of men outnumbering women, which many researchers have stated to in part be caused by the two-child policy in Vietnam."
Ok, klaro na ba @GlaiSanya @Sangrelenisabelle @halle_hallez mariehoy @glaizadclovers? Keri pa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top