Ang Pamilya Divinigracia

"MADISON!! MADISON!! MADISON!!! Madie, wake up!!" ayun nanaman ang boses ng lalake, ang boses ng kanyang kapatid na ginigising na siya.

Biglaan naman itong bumangon mula sa pagkakatulog dahil sa pagyugyog dito ng kapatid. Pawis na pawis siya, hinihingal, takot na takot, at namumutla. Nakahinga na rin ng maluwag si William na sa wakas, nagising si Madison pagkatapos ng ilang beses nitong pagyugyog sa kapatid na tila'y patay na.

"Liam?"

"Finally Madie! Nagising ka na rin. You know, I thought, na binabangungot ka na naman. I was so scared that this time, I'd lose you...What's wrong Madie? Why is this always happening to you?"

"Hindi ko nga rin alam...Sorry na Liam kung pinag-alala pa kita..."

"Madie, I'm worried...Ano ba ang napapanaginipan mo?"

"There's this...lady in white, multo siya...Duguan siya, namumutla, may scar sa cheek, sobrang haba ng kuko, magulo yung buhok niya, puno siya ng galos all over her body...Malamig siya, basta nakakatakot... And there's always this cry of a baby everytime she's near...And she just keeps repeating the same lines, na tulungan ko daw siya pero hindi ko alam kung paano...Iisang ngalan lang yung inuulit niya...Amera. Who's that?...I know it's weird pero I think I look like her...Liam, natatakot na ako, I don't know what's wrong with me, ever since my last birthday, palagi nalang ganito, hindi ko na kaya, natatakot na ako..." takot na salaysay ni Madie. Nanginginig at natataranta na siya, kaya pinakalma siya ng kapatid na si William.

"Shh, Madie, calm down, I got you...It's just a dream, ok? Walang mangyayaring masama sa'yo...Come here..."

At dahil sa isang yakap mula sa taong totoong nagmamahal sa kanya, unti-unting nawala ang takot sa puso ni Madison.

Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto nila.

"Ehem, mga anak, baba na tayo. Breakfast time. " si Giselle lang pala, ang kanilang ina.

"Oh of course. Tara na. Baka beast mode na naman si Dad." sagot ni Liam.

Bumaba na nga sila at kumain. Umupo sa kabisera ang padre de pamilya, si Matteo Divinigracia.

"Mabuti naman at naisipan niyo pang bumaba, Madison and Giselle. It's been a decade." bati niya sa mag-ina niya.

"Sorry Hon." sagot ni Giselle. 

"Sorry din Dad." dugtong ni Madison.

Natahimik nalang silang dalawa pagkatapos humingi ng tawad. Wala silang laban eh. Si Giselle? She may be the wife, but she has no say. Palaging si Matteo ang nasusunod. It's been years and their love was never stronger. It just kept growing weaker as each year passes by. Si Madison? Matteo has no time nor love for her. For some reason, hindi niya ito mapagtuunan ng pansin at pagmamahal gaya ng binibigay niya kay William.

"Stop wasting time and take your seats. Malalate pa tayo sa work. And you William, aren't you supposed to be preparing for your graduation?"

Agad nang umupo ang lahat. 

"Yes, dad. We are graduating later. Are you going to attend?"

"I'm not sure son. I'll try to make it for you."

"Mom?"

"Of course, anak, I would not want to miss my children's graduation. "

"Giselle, kindly remind me again, kung gaano karami ang dapat mong trabahuin?"

"Hon, graduation toh ng mga anak natin. Mas importante pa ba yun kesa pamilya?"

"Well, mom's right" si Madison.

"Shut up, Madison. No one asked for your opinion." pagsusungit ni Matteo.

"Sorry..."

"Dad, leave her be. Wala naman siyang ginagawang masama." 

"Sa bagay, hindi naman dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang mga katulad niya."

"Matteo..." Giselle warned with her killer eyes.

"Ano Giselle? May problema ka? "

"Matteo, ang aga-aga eh..."

"Oh, Giselle, here we go again.."

"Mom, Dad. " si William.

Sawang-sawa na si William sa paulit-ulit na litanya ng ama at ina niya every morning. Ganito nalang sila palagi. Mainit ang ulo ni Matteo, iniinsulto sina Giselle at Madison, mag-aaway sila Giselle at Matteo. It's a cycle that keeps on repeating and he's so sick of it.

"What?!" Matteo asked, irritated.

"We have an after party later after the graduation. Madison and I are going. We'll be back by 12." pag-iiba ni William ng topic. Gusto niya sanang magalit at magwala kaso umiiwas nlng siya sa gulo.

"Who says you're going?" sagot ni Matteo.

"What? Why not?"

"Partying? What for? It's a waste of time. Buti sana if you can make connections there but no, you're just going to get wasted and who knows baka maging drug party pa yan."

"Dad, hindi kami adik! Can't you just give me and Madison some time to breathe?"

"Watch your tone young man. Is this the future CEO of La Mejor? Son, you're not growing any younger. Matanda ka na and you're having responsibilities. Instead na pagpaparty ang atupagin niyo, why not, asikasuhin mo muna ang pamamahala mo sa La Mejor? Tutal, there's no other heir than you."

"Bakit hindi si Madison yung pilitin niyo Dad? Tutal, between us, siya naman yung mas may capacity."

"Don't use that as an excuse, William. You, and only you, are the sole heir of La Mejor. Wala nang iba. Let Madison do what she wants."

Tahimik lang si Madison but deep within, nasasaktan na siya. Si William lang ang sole heir ng La Mejor. Siya lang. Eh si Madison? Anong lugar niya? Forever hidden in the shadows. At yung, "let her do what she wants?" Pampalubag loob lang iyon. It's not that she wants the company. She is just seeking for a place in their family.

Si William? He had enough. Yes, he's the luckier one. But he's tired of getting too much attention. Yes, mas natututukan siya. But bawat kilos niya, bantay sarado. Lahat pinakekealaman ni Matteo. Puno siya ng gabay at pagmamahal. Puno na siya. Hindi na siya makahinga. Sa sobrang inis, napatayo na siya at binuhos niya lahat ng sama ng loob niya.

"You know what, Dad? Nakakasakal ka na eh. The problem with you is that yung gusto mo, ikaw lang yung palaging nasusunod! Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na ayokong magmanage ng business natin?!" 

"And what do you want to do?! Party all night?!"

"Party?! Yun yung tingin niyo sa ginagawa ko? Dad, I want to be a musician, like Mom bago mo siya kinulong. Mas gusto kong maging katulad ni Mom kesa sa'yo! Nakakasakal ka! I hate you!"

"William!" suway ni Giselle sa anak dahil alam niyang gulo lang ang hatid nito, pero walang gustong magpaawat.

"Anong sabi mo?!"

Sagad na ang pasensya ni Matteo kaya napatayo rin siya at kinwelyuhan ang anak. 

"Matteo, wag!"

Naalerto naman sina Giselle at Madison kaya agad na inawat nila ang dalawa, si Giselle sa asawa niya, at si Madison sa kapatid niya.

"You hate me?! Bakit William?! I GAVE YOU EVERYTHING! LAHAT GINAGAWA KO PARA SA FUTURE MO! LAHAT TOH PARA SA'YO BECAUSE I LOVE YOU SON!"

"NO DAD! You don't love me. You DON'T love me or mom or Madie or anyone in this world but YOURSELF! ADMIT IT DAD! Kailangan mo lang ng pantapat sa mga Corpuz because all you wanted was to be the best!"

"Well of course William. Who doesn't want to be the best?"

"HINDI NAMIN KAILANGAN IYAN! ALL WE NEED IS YOUR DAMN LOVE AND UNDERSTANDING!"

"LIAM TAMA NA!"

Binitawan ni Matteo si William at agad namang inalalayan ni Giselle ang anak. Itinuon ni Matteo ang pansin kay Madison. Hinigpitan niya ang paghawak sa braso nito.

"ARAY...Dad...Tama na, nasasaktan ako"

"ISA KA PA EH! Who told you that you can raise your voice?! WHO SAID NA PWEDE MONG SIGAWAN SI WILLIAM?! WALA KANG KARAPATAN!"

"DAD, I'm sorry..."

"MATTEO! TAMA NA! BITIWAN MO SIYA" Pag-aawat ni Giselle sa asawa ngunit mas malakas ito kaya nung tinulak siya nito ay natumba lamang siya sa sahig. Samantalang si William, agad na pinigilan ang ama.

"BITIWAN MO ANG KAPATID KO!!"

Walang laban si Matteo kay Liam kaya pinakawalan niya na si Madison. Agad namang niyakap ni Liam ang kapatid.

"Are you ok?" tanong niya kay Madie.

"I'm ok...Si Mom..."

Dahil dito, agad nilang inalalayan ang ina.

"Yan! Sige! Magkampihan kayo!"

"Madie, Liam, go to your room muna. Mag-uusap lang kami ng Dad niyo." utos ni Giselle sa mga anak sabay buntong hininga.

"But Mom, paano kung saktan ka niya?" pag-aalala ni Liam.

"Liam, wag ng matigas ang ulo."

Dahil wala na silang choice, napilitan silang umakyat sa kwarto nila at magtago at umiyak na lamang sa takot. Samantalang sina Giselle at Matteo, naiwan sa baba.

"Don't start at me, wala akong panahon para sa drama mo."

"DAMMIT MATTEO, HINDI TOH DRAMA! THIS IS OUR FAMILY! Ganito na lang ba tayo every time? Nag-aaway? Di magkasundo? Nag-iinsultuhan? Nagkakasakitan? Nakakapagod na eh! THIS IS THE REASON WHY CORPUZ WILL SURPASS YOU!"

"Shut up."

"NO I WILL NOT SHUT UP!"

"SHUT UP."

"NO! YOU LISTEN! Bakit di mo kaya pakinggan yung anak mo?! Bakit di mo pagbigyan ang gusto niya?! Tutal, palagi ka naman niyang pinagbibigyan!"

"SHUT UP!"

"YAN! YOU NEVER LISTEN KAYA KA MALALAMPASAN NG MGA KAKOMPETENSYA MO! YOU NEVER LISTEN! SA UGALI MONG YAN, MAIIWAN KA TALAGA SA---"

"I SAID SHUT UP!!!"

Di na natuloy ni Giselle ang sasabihin dahil sinakal na siya ng asawa. 

"WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN AKO!!''

"M-matt-e--o...T-tama n-na..."

"ANO?! TAMA NA?! NO! YOU DON'T GET TO TELL ME WHAT TO DO. AKO ANG PADRE DE PAMILYA. AKO ANG MASUSUNOD!"

Marahas niya itong binitawan at agad na pinalo kaya natumba ang huli sa sahig. Muli niya itong pinalo kayo nagdurugo na ang kanyang mga labi. 

"ARAY! TAMA NA!"

Di pa siya nakuntento dito, tinadyakan niya pa ang asawa, at hinablot ang buhok habang pinagsasalitaan ito.

"TANDAAN MO, GISELLE, WALA KANG KARAPATANG PANGUNAHAN AKO. SUSUNDIN MO LAHAT NG GUSTO KO, KUNG AYAW MONG MASAKTAN. NAIINTINDIHAN MO AKO??!"

"O-oo..."

Labag man sa loob ni Giselle, pinarinig niya na lamang rito ang sagot na nais niyang marinig para tumigil na ang karahasan nito. 

"Good."

Sa wakas pinakawalan na siya ni Matteo.

"Nawalan na ako ng gana." sabi ni Matteo sabay tapon ng table napkin sa lamesa. "Mauna na ako sa office. Bahala ka nang maghanap ng masasakyan."

Without further adieu, the cold heartless patriarch of Familia Divinigracia left.

Naiwan si Giselle na umiiyak sa gitna ng sahig. Umiiyak siya hindi dahil sa sakit ng katawan kundi sa nagawa sa kanya ng asawa. Napaisip siya kung ano ba ang kulang sa kanya. Kung ano ang naging kasalanan niya to deserve all this pain. 

Little did anyone know that her children were watching but couldn't help her. 

"Mom..."

They slowly approached her, pulling her into an embrace. As they were to raise her up, hinimatay siya. 

"Mom!" pag-aalala nina Liam at Madison. 

Tinawag na nila ang mga katulong para tulungan silang dalhin ito sa kwarto at bigyan ng lunas.

Lumipas ang oras at kinailangan ng umalis ng magkapatid kahit na gusto sana nilang bantayan muna ang ina. Nagpahatid muna sila sa driver nila at si Giselle ay natutulog para mahimasmasan sa sinapit sa bakal na kamay ng asawa.

Nasa kalagitnaan na ng graduation ang magkapatid. 

"Liam, sa tingin mo aabot si Mom?"

"Pagkatapos ng inabot niya kay Dad? I don't think so. Dapat nalang muna siyang magpahinga."

"Eh si Dad?"

"Screw him. If I ever see him again, I don't know kung anong pwede kong gawin sa kanya."

"Pero Liam, tatay pa rin natin siya."

"Hanga din ako sa'yo noh. Sa kabila ng lahat ng ginagawa niya, kaya mo pa rin siyang kilalaning tatay."

"Mahal niya tayo, kaya ganun siya. Pagpasensyahan mo na."

"Psh. Whatever. If he really cares, dadalo siya sa graduation natin."

Meanwhile, nagising na si Giselle. Nananakit pa rin ang kanyang katawan pagkatapos ng nangyari kanina. Ngunit imbes na isipin ang sakit, agad niyang inalala ang kanyang mga anak.

"Anong oras na??"

"Quarter to 3 po, Señora."

"Shit, yung graduation ng mga anak ko." Walang pag-aalinlangan siyang bumangon at ininda lahat ng sakit. Ang nasa isip niya lang ay yung mga bata.

"Señora, wag po muna kayong bumangon!"

"Ok na ako, manang. Salamat na lang. Yung kotse, pakihanda nalang po please."

"Señora, wala na pong kotse. Yung isa nasa kay Senor Matteo at yung isa naman po nasa mga anak niyo."

"Shit...Di bale manang, mauna na ako." 

Kumaripas na ng takbo si Giselle palabas ng subdivision. Kukuha sana ng grab si Giselle kaso lahat sila, cancelled by the driver. Pumapara siya pero walang lumalapit, lahat sila puno na. Wala na siyang pamimilian. Tumakbo na lamang siya. Wala nang pakialam si Giselle. Basta ang importante makaabot siya sa graduation. Kung kailangan niyang tumakbo, tatakbo siya. Kahit ilang beses siyang madapa, babangon siya. 

Sa sobrang bilis ng pagtakbo, muntikan na siyang masagasaan ng kotse. Huminto naman ito at lumabas para i-check up siya.

"Ms, okay ka lang?" tanong ng lalake.

================================================================================

Op, okay, hanggang dito lang muna. Galit agad silang lahat noh? Mabilisan toh ahahha. 

So, aabot kaya sina Giselle at Matteo sa graduation ng kanilang mga anak?

Sino itong lalakeng muntikan ng mabanggaan si Giselle? Ano ang magiging papel niya sa buhay ng mga Divinigracia?

For you peeps, enjoy, especially to @halle_hallez  @glaizadclovers @GlaiSanya @Sangrelenisabelle @mariehoy 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top