EPILOGUE
HER P.O.V
Sa buong buhay ko, palagi akong nagsisisisi mga naging desisyon ko. Maliit man o malaki. Dahil alam ko sa sarili ko na halos lahat doon ay hindi bukal sa aking kalooban. Ngunit ngayon, wala akong maramdakan kahit na katitig na pagsisisi. All my life, I was fed with lies and regrets.
Gusto ko lang namang mabuhay ng isang normal na tao pero bakit parang hayop ang turing nila sa akin?
I get it. Mumha akong baboy but that can't justify anything dahil tao pa rin ako. Nasasaktan. Gaya ng sakit na naramdaman ng mga taong tinuring kong kaibigan, kapatid, at pamilya.
Bago ko pa man pasukin ang RPW o mas kilala bilang Role Playing World, I had a goal.
Oplan: Find Peer, Then Cheers!
Plano kong humanap ng mga kaibigan na kaya akong tratuhin ng tama at kaya akong tanggapin kahit ano pa ako.
And I did. I found nine amazaing people.
Akala ko magihing masaya na ako pero hindi. Nagkamali ako. My family abandoned me. Everyone hates me for being me. But what can I do? Nothing. Dahil isa lang akong mahinang tao para sa kanila. A weakling. Bukod sa pag-iyak at pagmumukmok sa isang tabi, wala. Wala akong ibang magawa.
I'm afraid. Afraid of everything. Hirap akong lumabas sa comfort zone ko. Hirap akong makapag-adjust. Ngunit mas mahirap pa pala ang saktan ang mga taong itinuring kang isang kayamanan.
Nabuntis ako, and worse...I don't know who's the father. Itinakwil ako ng pamilya ko nang malaman nilang isa akong disgrayadang babae. Masakit. Sobra.
Grabe, ang swerte ko.
Wala ako kahit na katiting na pera kaya huminto ako sa pag-aaral at nangupahan. Akala ko dito na titigil ang problema ko.
Muli, nagkamali ako.
I almost lost my baby because of stress. I need to work dahil wala na akong pera. Gutom na gutom na ako. Walang trabaho ang tumatanggap sa akin, marahil ay kinausapat binayaran sila ng pamilya ko. Dumating pa sa puntong nagpalaboy-laboy ako sa kalye ng ilang linggo.
Noong mga araw na in-active ako, I was busy fighting...for my baby's life and mine.
Sa sobrang pag-iisip kung saan ako makakakuha ng pera hindi ko namalayang dinugo na pala ako.
The doctor said that I should take my vitamins but the only problem is...I can't buy them. Gipit na gipit na ako. Hindi ako makabili maski ni isang gamot.
I tried everything to the point that I almost die. People around my neighborhood keeps on telling me that I should sell my phone but I refused. Dito ko lang sila pwedeng makausao sa cellphone, ang pamilya ko. Ang pamilya ko sa RPW.
Life is really challenging me. I sacrificed everything, even my beloved phone dahil muntik na namang mawala sa akin ang anghel ko. Bago ko ibenta ang cellphone ko, magpapaalam muna ako sa kanila.
Nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakapagpaalam sa kanila ngunit iniisip ko pa lang na aalis ako sa RPW ay hindi ko maiwasang maiyak.
But I need to do it. For my angle. My baby.
Imbes na magpaalam ako sa kanila ng maayos, ginulo ko pa sila. Hindi ko naman gustong sabihin na aalis ako sa RPW dahil mawawalan na kami ng koneksyon sa kanila.
Dalawa ang rason ko kung bakit hindi maayos ang ginawa kong pagpapaalam sa kanila. Una, gusto kong kalimutan na nila ako. Gusto kong maging masama sa paningin nila para kapag umalis ako ay hindi nila ako hintayin dahil walang kasiguraduhan kung babalik pa ba ako.
Pangalawa, ayokong kaawaan at bigyan nila ako ng tulong. I want to grow independently. Sa mga mensaheng ipinapadala pa lang nila sa akin ramdam ko na ang sinseridad at kagustuhang tumulong kaya natakot ako. Natakot ako na baka kapag sinabi ko ang problema ko...baka tulungan nila ako. Hindi. Ayoko. Gusto kong tumayo sa sarili kong paa kahit mahirap. Gusto kong patunayan sa mga magulang ko na kahit mag-isa lang ako, kaya ko.
Totoo ang mga sinabi ko sa kanil na plinano ko ang lahat. For their downfall. 'Yon ay dahil may rason ako.
May traydor sa hood. Alam na alam ko kung sino 'yon.
I did not have any regrets dahil alam kong mas nakakabuti ang ginawa ko dahil mas hangad pa ng traydor na 'yon ang mas maging miserable ang lahat.
Naih, Neri, Iza and Janie. Apat na babaeng tinuring akong kaibigan at kapatid. Masyado silang mahalaga para sa akin kaya labag man sa kalooban ko ay sinaktan ko sila. Lalo na si Naih at Neri. Neri doesn't like me but that doesn't mean na hindi niya ako tinuring na isang kaibigan.
I'm sorry.
Naz, Niko, Luka, and Ian. Ang mga lalaking iyon...kahit pilyo, maaasahan pa rin. I enjoyed their company, especially Luka. He's kind and jolly, masyado nga lang maligalig but despite of that, he's a good man and deserves everthing good. Silang lima, deserve nila lahat ng good things.
And Kit, I admit, I like him more than a friend. Pero sa sitwasyon ko ngayon...mukhang malabo na masunod ang puso ko. Siguro sa panaginip ko na lang talaga. Hindi pwedeng maging kami. Sana kung mag-krus ang landas namin, ipagdarasal ko na sana hindi kami ang itinakda para sa isa't isa dahil higit pa sa akin ang deserve niya. Mayroong ibang babae na mas deserving pa...kesa sa akin.
Find Peers, Then Cheers.
I accomplished my goal...almost. I found peers pero hindi pang habang-buhay na gaya ng inaasahan ko. But we did celebrate every milestone we unlocked. Maliit man o malaki. We toased a wine for that...using emojis.
I found Peers but can never Cheers on real life.
This is Richelle Shane Palanas in Real World...signing off as Elle Rich Vionścion Kim in Role Playing World.
'Till we meet again, my friends.
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top