Unang Sinta: Reciprocated


~~~~~

Allie Gomez's point of view

"Allie!" narinig kong hiyaw ni Jacob sa tapat ng bahay.

"Sandali lang!" sigaw ko pabalik habang nagsusuot ng sapatos.

Hindi nanaman siya makapag hintay!
Marami pa kaming oras para gumala, pero dahil maagap na tao si Jacob, wala ng oras para doon. Ewan ko sa kaniya, pati ako kailangang maaga pumasok.

Nang matapos sa pagsuot ng sapatos ay hinablot ko na ang backpack sa sala at lumabas ng bahay.

"Napaka tagal mo talaga kumilos, Allie." reklamo ni Jacob habang umiiling iling.

At heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng isang matangkad at gwapong nilalang. I've liked him since elementary and It has been 9 years already. Nasa high school na kami ngayon pero hindi ko pa 'rin alam kung gusto niya ba ako o hindi.

Kahit papaano, nirerespeto niya 'rin naman ang nararamdaman ko. Sa tuwing may ibang babae na lumalapit sa kaniya, itinataboy niya dahil concious siya sa feelings ko.

Sa totoo lang, feeling ko ako ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa 'rin siyang taong nagugustuhan. Wala siyang girlfriend o kahit manlang taong nagbibigay interes sa kaniya ay wala.

Hindi kaya't oras na para sabihin sa kaniyang puwede na siya? Na hindi niya na ako kailangang isipin. Na mahalin niya ang taong gusto niyang mahalin ng hindi ako inaatupag. Sa tagal ng pagkakagusto ko sa kaniya, imposibleng hindi ako magpaka-martir.

"Oh, ano pang itinatayo-tayo mo riyan? Bilisan mo na at mala-late tayo!" protesta nito habang naka-pamewang.

Wala sa sariling natawa ako sa inakto niya. Paano nga bang hindi ko siya magugustuhan? Kung lahat ng bagay tungkol sa kaniya ay nagpapangiti sa 'kin?

"Hindi pa tayo mala-late, Jacob. May isang oras pa tayo at walking distance lang ang school. Napaka-OA mo talaga!"

Tumabi ako sa kaniya at sinabayan siyang maglakad. Siguro, huling araw na namin 'tong maglalakad papasok sa eskwela bilang magkaibigan. Dahil sigurado ako, sigurado akong magbabago lahat ng ito, at hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi.

Nang makarating sa tawid ay akmang maglalakad na ako nang hatakin niya ang kamay ko. Nabalik ang tingin ko sa kaniya ng may nagtatanong na kilay.

"Dito ka sa kabila," turo niya sa kaniyang kanan.

Nang makapuwesto sa kabila ay hinawakan niya ang aking kamay at tsaka kami sabay na tumawid. He had always been like this, 'you're like my sister'. Kung akala niyo ay pinaka mababa na ang friend zone, no. Mas malala ang sister zoned.

Pagkarating sa gate ay naghiwalay na kami ng landas, dahil nga hindi naman kami magkaklase. Kumaway ako sa kaniya ng paalam bago patuloy maglakad. Ngunit sa hindi ko inaasahang dahilan, tumigil ako at tumingin muli sa kaniya.

Ang kaniyang matipunong likod ay naglakad palayo hanggang sa hindi ko na ito maaninag. Kakayanin ko kaya?

Nang makarating sa classroom ay sinalubong ako nang aking kaibigan, si Sarah. Sarah was also a friend of mine, ever since the start of highschool. Siya ang palagi kong kasama sa school, dahil nga hindi naman kami mag kaklase ni Jacob.

"Hi, Allie! Ang aga mo nanaman, ah." she laughed and motioned me to sit beside her.

Sinabayan ko ang kaniyang tawa bago tuluyang maupo sa aking upuan. Inayos ko ang gamit at bag bago sumulyap sa aking relos. May thirty minutes pa naman ako.

Humarap ako kay Sarah at napansing sa iba nanaman siya nakatingin. Napairap ako. Napaka lalim ng pagtingin niya kay Zake. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit hindi pa siya umamin.

Well, wala naman akong karapatan magsalita. Mas okay nang hindi umamin, atleast hindi magiiba ang trato sa'yo.

"Sarah, ayan ka nanaman. Anlalim nanaman ng titig mo kay Zake." I uttered, which made her look at me.

Diretsong tingin parin ang pinupukol niya kay Zake na para bang may kakaiba dito, bumuntong hinga siya bago tuluyang humarap sa'kin.

"Kayo, kamusta na kayo ni Jacob? Wala pa bang sagot?" tanong niya na tinanguan ko.

Simula ata ng highschool noong umamin ako sa kaniya, 4 years na ang lumipas at wala pa 'rin siyang imik. He's always avoiding that topic. Hindi ko 'rin alam kung bakit.

"Alam mo, Sarah, sa tingin ko oras na para itigil ko 'to." banggit ko na nagpalaki ng mata niya.

Bahagya siyang umiling at hinawakan ang kamay ko. Nakakapagtaka na parang hindi siya sang-ayon sa aking plano. Bakit kaya?

"Allie, hindi puwede. Sa tagal mong naghintay, ngayon ka pa ba susuko? Hindi ba't nangako ka sa 'kin na ipagpapatuloy mo 'to? Isang taon na lang at magko-kolehiyo na tayo. Sigurado akong makukuha mo na ang sagot na inaasam mo."

Tama siya. Ngunit hindi ko kayang makita si Jacob na nahihirapan. Siguro kung hindi lang niya nalaman ang nararamdaman ko para sakaniya, baka mayroon na siyang taong nagugustuhan ngayon.

Umiling ako kay Sarah, "Sarah, hindi naman ako nagmamadali. Jacob can take his time to think carefully. Ang akin lang, kung hindi niya sana nalaman ang nararamdaman ko, baka may tao na siyang nagugustuhan ngayon. Hindi ko kayang nakikita siyang mag-isa."

"Allie, siguradong sigurado ako na parehas lang kayo ng nararamdaman ni Jacob sa isa't isa. Lahat ng taong nakakakilala sa inyo ay napapansin 'yon." pilit niya akong pinipigilan, ngunit sigurado na ako sa desisyon ko.

"Nasanay kasi kayong magkasama kami at ganon ang trato sa isa't isa, kaya ganiyan ang iniisip niyo. Sarah, okay lang naman ako. 'Wag kang mag alala, kakayanin ko." I smiled to assure her.

Tumango na lamang siya at umayos ng upo dahil dumating na ang guro sa classroom. Sigurado na talaga ako. Sigurado na ako sa desisyon ko. I have to do this, for Jacob.

Ilang subject ang lumipas at unang break na namin. Mayroon lamang kaming dalawampung minuto para dito. Sabay kami ngayong naglalakad ni Sarah patungong canteen.

Pagdating doon ay inilibot ko kaagad ang aking mata sa kabuuan. Hinahanap ko nanaman siya. Nang matagpuan ito ay lumawak agad ang ngiti sa aking labi at akmang maglalakad patungo sa kaniya nang may pumigil sa'kin.

Si Sarah, nakahawak ang kamay niya sa aking pulsuhan. Nagtaka ako at ibinalik ang tingin sa mata niya.

"Hindi ba't ititigil mo na? Kung ganoon, subukan mo nang sanayin ang sarili mo na hindi lumalapit sa kaniya. Mahirap na kung may kasama siyang iba at ganito ka parin umakto." she smiled sadly.

Napatango ako. Tama, kailangan ko na talagang sanayin ang sarili. Ibinalik ko ang tingin kay Jacob na nasa malayong lamesa sa kabuuan ng canteen, kumakain na may kasamang babae.

Lumiit ang ngiti sa aking labi. Nagpapasalamat ako ng sobra kay Sarah. Kung kaya kong pigilan ang sarili, gagawin ko na ngayon pa lamang. Basta masanay lang ako sa ganito. Kailangan ko ng magbago, para sa kaniya.

Tuluyan naming pinasok ang canteen at bumili ng aming makakain. Hindi ko alam ngunit napaka liit ng sikmura ko. Halos wala akong ganang kumain pero pipilitin ko. Bumili na lamang ako nang tatlong biscuit at isang tubig

Nang matapos kumain ay paalis na sana kami ng canteen ni Sarah nang may isang matangkad na nilalang ang humarang samin.

Dahan dahan kong inangat ang ulo at hindi ipinahalata sa hitsura kung gaano ako nabigla. Bakit siya nandito? Sa pagkakaalam ko, pagkatapos niya kumain ay diretso siya sa klase. Pero bakit pa 'rin siya nandito?

"Oh, narito ka pala. Bakit hindi mo manlang ako nilapitan o sinabayan kumain?" tanong nito.

Halatang nalilito ito at naghihintay ng sagot. Tinignan ko na lamang si Sarah na bahagya akong tinanguan. Ano ang ibig sabihin ng tango niya? Nagpalabas ako ng malalim na hinga. Hindi ko alam kung papaano sasagutin si Jacob!

"Ah-- hindi kasi kita nahanap pagkarating namin, akala ko ay wala ka pa kaya nauna na kami. Ikaw, bakit hindi mo kami sinabayan?" pagbalik ko ng tanong sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit pero napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Sarah. Gusto ko nang umalis, gusto kong umiwas but I always find myself looking for him.

"Kasi ano--"

"Pasensya ka na, Jacob. Marami pa kasi kaming kailangang gawin ni Allie. Mauuna na kami, ha?" pagputol sa kaniya ni Sarah at hinatak ako paalis.

"Sarah..." tawag ni Jacob sa pangalan ni Sarah.

Napaka kakaiba nito. Napalingon ako sa kaniya at napansin ang naka kurba niyang kilay na parang galit.

"Jacob, may kailangan talaga kaming gawin. 'Wag kang mag-alala, hindi kita nila--"

Natigil ako nang may maaninag sa likod niya. Isang matangkad at magandang babae, may mahabang buhok. Siya nanaman.

"Jacob? Malapit na mag math, hindi ka pa ba bababa?" aniya at kumapit sa braso ni Jacob.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Sarah. Gusto kong tumakbo paalis, pero hindi puwede. Kailangan kong sanayin ang sarili.

Nang magtama ang aming tingin ay nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan ito ng isang peke.

"Oh, kung hindi nga naman si Allie. Hindi pa ba kayo bababa?"

She was about to walk towards me nang harangan siya ng isang kamay. It was Jacob's hand. Nabalik ang tingin ko sa kaniya at hindi parin nawawala ang galit sa mata niya habang nakatingin kay Sarah.

Wait, what the hell is happening? Bakit ganun na lang siya umakto kay sarah?

Hindi ko na siya naitanong pa dahil sila na lang ang umalis nang hindi nagpapaalam sa 'kin. Tama. Tama ang ginagawa mo, Jacob. Let's continue with this.

Nang makarating sa room ay inihiga ni Sarah ang ulo niya sa desk. Halatang maraming iniisip. Ganun 'din ako. Hindi ko pa 'rin malaman kung bakit nangyari ang ganoon.

"Sarah..." mahinahon kong tawag sa pangalan niya pero hindi siya lumingon.

"Sarah, okay ka lang ba?"

Tumango na lamang ito bilang sagot. Napag pasiyahan ko na lamang na 'wag itong guluhin. Kahit ako, kung ganoon lang naman na tingin ang ipukol sa 'kin ni Jacob ay talagang iisipin ko kung bakit.

Ilang oras na ang lumipas at dismissed na kami. Oras na ng pag-uwi pero hanggang ngayon, hindi pa 'rin ako nagliligpit ng gamit. Nakatulala ako, habang ang mga kaklase ay nag unahan pang umalis ng classroom.

"Allie, ano na ang gagawin mo?"

Inangat ko ang braso ko. Hindi ko talaga alam.

"Sarah, iwasan ko na lang kaya si Jacob?"

Tama. Mamaya, pag dating niya dito ay magtatago ako. Si Sarah naman ay sasabihin na nauna na ako. Hindi ko na 'rin siya sasabayan sa pag pasok at pag uwi.

Hindi ko alam pero ito na lang ang paraang naiisip ko. Napansin kong tumango si Sarah sa aking naisip.

"Kung gagana, bakit hindi? Mag-aadlib nalang ako. Magtago ka 'dun sa ilalim ng table." Turo ni Sarah sa harapan na sinunod ko naman.

Nasa akin na ang gamit at ang tanging hinihintay na lamang namin ay ang pagdating ni Jacob.

Nang maaninag siya ay inayos ko ang pagtatago. Nakakasilip pa 'rin naman ako kahit papaano.

"Nasaan si Allie?" halos umecho ang boses ni Jacob sa kabuuan ng classroom.

"Nauna na siya." nag-aayos na ng gamit si Sarah.

Nabigla ako nang hampasin ni Jacob ang desk ko, dahilan para gumawa ito ng malakas na ingay.

"Sarah, tapatin mo nga ako. Pinaghihiwalay mo ba kami ni Allie?"

Hindi ako makapaniwala sa tanong na narinig ko. Seryoso ba si Jacob? Paano niya nagagawang itanong ito sa aming kaibigan?

"Hindi, talagang nalito lang siya sa inakto mo kanina kaya sinabi niya sa 'kin na mauuna na lang siya, para makapag isip." Isinuot na ni Sarah ang bag saka tuluyang hinarap ang galit ni Jacob.

Hindi ko na nakayanan pa at biglang tumayo dahilan para mauntog ako. Napahiyaw ako sa sakit at hinawakan ang ibabaw ng ulo ko.

Napunta sa akin ang atensyon nilang dalawa, gulat. Naglakad ako papalapit at bahagyang itinulak si Jacob palayo.

"Jacob, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit napaka laki ng galit mo kay Sarah?" Hinawakan ko ang kamay ni Sarah.

"Allie, kasi--"

"Jacob, hindi kita maintindihan. Ito ba ang Jacob na kakilala ko? Ikaw pa ba ang Jacob na nagustuhan ko?" hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi ngunit huli na ng marealize kong naglalakad na kami ni Sarah palayo sa classroom.

Nang makarating sa gate ay bumuga ako ng hangin. Bahagyang natawa si Sarah at hinimas ang likod ko.

"Oh siya, mauuna na akong umuwi. Ingat ka, Allie!" kumaway siya bago naglakad palayo.

Bumuntong hinga ako bago naupo sa pinakamalapit na bench. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo ang isip ko.

"Hindi ka ba uuwi nang mag-isa? Bakit parang may hinihintay ka?"

Nakilala ko ang boses dahilan para mapatayo ako sa gulat. Bigla itong tumawa na parang isa akong comedian. There it goes again, his smile. Nawawala lahat ng galit ko sa tuwing nakikita ang ngiti niya.

Umiling iling ako at naglakad palayo. Dapat na akong masanay. Hindi puwede ang ganito. Nang makatawid ay binagalan ko ang lakad. Gusto ko pang gumala gala bago umuwi ngayon kaso hindi ako sanay mag isa.

Naramdaman ko bigla na may humawak sa aking kamay kaya bahagya akong lumingon. It was him. Ano ba ang problema niya at bakit niya ako sinusundan?

"Jacob, tapos na tayong tumawid. Bitawan mo ang kamay ko." Walang gana kong sambit na hindi niya sinunod.

"Hindi ka puwedeng pumasok at umuwi nang mag isa, Allie. Paano na lang kung masagasaan ka o madisgrasya?"

Dahil sa narinig ay natigil ako. Ganito nga pala ang trato niya sa 'kin. Isang kapatid.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, "Hindi na ako bata, Jacob. Kaya puwede ba, tigil tigilan mo ko sa mga ganiyan mo. Napapagod na 'ko."

I walked away from him. Bakit ba ang hirap ng plano ko? Ang hirap abutin nang gusto ko.

I found myself in front of our house. Bumuntong hinga ako. I guess this is the end? Dahan dahan akong humarap sa kaniya at akmang magpapaalam nang bigla niya akong niyakap.

"Allie, 'wag mo naman akong takutin. Bukas, sabay pa tayong papasok, sabay mag lu-lunch at sabay uuwi."

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya at umiling iling habang nakangiti.

"Hindi, Jacob. Huling araw na natin ngayon. Tignan mo ang langit, sang ayon--" hindi ko naituloy ang balak sabihin nang bumuhos ang ulan. Ah, so you don't like this too?

"Jacob," kinuha ko ang kamay niya. "Oras na para sa iba ka naman tumingin. Hindi sa lahat ng oras, ako ng ako. Hindi puwedeng ako lang ang tao sa mundo mo. Marami ka pang makikilala."

Inayos ko ang buhok dahil natatakpan na nito ang aking mata. Hindi ko na 'rin mapigilan ang iyak. Hindi ko kaya, hindi ko kaya ang ginagawa ko. Pero para sayo, kakayanin ko.

Nagkahalo na ang tubig ulan at ang aking luha sa pagdaloy mula sa mukha.

Umiling iling si Jacob sa narinig, "Hindi, hindi 'ko gusto 'yon."

"Pero 'yun ang dapat. I'm just your little sister, I'm just your childhood friend, I'm just someone you know. At hanggang 'dun nalang tayo."

"No, you're not my sister nor my friend."

Lalong sumakit ang aking damdamin. Pati ang ganong klaseng ugnayan, dapat putulin? Hindi ko napigilan ang aking luha na sunod sunod dumaloy kasabay ng ulan.

"You're the girl I like. The girl I love and the girl I would love to be with my whole life. That's what you are to me, Allie. Kaya't hindi puwedeng matapos tayo dito."

I froze. Natigil ako sa puwesto nang mabigla sa narinig. Kasabay nun ay ang unti unting paglapit ng kaniyang mukha sa akin.

Nang maramdaman ang paglapat ng aming labi sa isa't isa ay nanatili pa 'rin akong nakatayo. I'm dreaming, I'm really dreaming. Hindi ito totoo.

"I'm sorry if it took so long. Sorry kung pinaghintay kita. I wasn't sure of my feelings before. Ayaw kitang saktan."

Tango lamang ang tanging naisagot ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam ang iisipin at sasabihin. Dahil sa tuwa, hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya.

"Gustong gusto kita, Jacob. Being with you makes life so much better." I whispered into his ear.

And there we were, hugging each other under the rain. Kahit kailan, hindi ko naisip na may magandang nangyayari sa ulan. I like Jacob so much, and so does he.

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top