Ikatlong Sinta: Concealed
~~~~~
Zake Martinez's point of view
It was a very hectic day. Kakadismiss lang sa amin kanina at kasalukuyan akong nasa restroom. I fixed my uniform and added more wax to my hair.
I looked pretty neat and tidy. Gwapo kumbaga. I laughed at my own thought. I've always had high confidence. Alam ko sa sarili kong gwapo ako.
"Bro, kilala mo ba si Sarah?" tanong sa 'kin ng kaibigan kong lumabas galing sa isang cubicle.
Tumango ako bilang sagot. Of course, I know her. She's a close friend and a classmate. Yeah, we're not even close.
"Pakilala mo naman ako. I heard that she's pretty." he chuckled and washed his hands on the sink.
I glared at him, "No, I don't think I should. Papakilala kita just because you heard she's pretty? Bro, that's dumb."
Iwinasik ko ang basa kong kamay malapit sa mukha niya at lumabas nang banyo. He's a jerk. It's irritating how they have a messed up mindset.
"Allie, sandali lang!" narinig ko ang isang pamilyar na boses.
Nilingon ko ito at napansin ang babaeng tumatakbo papalapit sa 'kin. It was late when I realized that there was a piece of stone below, causing her to trip and fall to me.
Nang malaglag siya sa aking bisig ay bahagya kaming nakipag titigan sa isa't isa. I saw her eyes sparkling, her smooth hair and cute lips. I was drawn to her.
"Sorry, hindi ko sinasadya." hindi nito ng tawad bago tumayo ng maayos.
"Okay lang, mag-iingat ka sa susunod." I smiled.
Nauna na siyang umalis kasama ang kaibigan. So, that was Sarah? She's pretty-- gorgeous, I must say.
After that day, I always found myself looking at her. Ni hindi mabubuo ang araw ko nang hindi ko nasisilayan ang mala diyosa niyang mukha. Seeing her would make me feel better.
My feelings went on for many years. It felt pretty heavy already. Gusto kong umamin, I want to confess my feelings properly. Kaso alam kong hindi puwede. Malaki ang tyansa na iwasan niya ako and I wouldn't want that.
Sa sobrang tagal kong pagkagusto sa kaniya ay imposibleng hindi ko malaman kung may iba siyang gusto. She liked Jacob, her friend's best friend. Their situation were pretty funny, pero mas nakakatawa dahil trying hard pa 'rin si Sarah kahit alam niyang walang pag-asa.
I was right. She came back that day with a sad expression drawn on her face. Her love confession failed. I couldn't laugh after that. I saw myself in her.
Trying hard even though alam mo na maliit ang tyansa. I couldn't laugh at her, all I wanted to do was to make her smile. And that's the day where I started talking to her little by little hanggang sa naging komportable kami sa isa't isa.
"Nasaan si Allie?" was what I heard pagkalapit ko sa room namin.
Dismissed na kami at napansin kong nakalimutan ko ang payong sa room. Akala kasi ni mama uulan, ayon pinagdala ako nang payong para sa wala.
I think I'm witnessing some kind of drama here. Muli akong sumilip sa room at napansing si Sarah pala at si Jacob ang nag-uusap.
"Nauna na siya." said Sarah.
Hindi ko maintindihan. Akala ko ba gusto niya si Jacob? Posible kayang wala na siyang nararamdaman dito?
"Sarah, tapatin mo nga ako. Pinaghihiwalay mo ba kami ni Allie?" tanong ni Jacob na nagpalaki nang mata ni Sarah.
Mag kaibigan si Sarah at Allie at alam kong kahit gaano pa kagusto ni Sarah si Jacob ay hinding hindi niya magagawa 'yon. She's a friend, for god's sake!
"Hindi, talagang nalito lang siya sa inakto mo kanina kaya naisip niyang mauna, para makapag-isip." I saw a different expression on her eyes.
She was sad. Nalulungkot dahil ganito ang pakikitungo sa kaniya nang taong gusto niya. He's a jerk, is what her
eyes say.
Nabigla ako nang hampasin ni Jacob ang desk nang upuan na malapit sa kaniya. I can't stand here anymore. I have to do something. Akmang papasok na ako nang room nang may marinig na tunog mula sa table.
"Aray," anito at hinimas ang ibabaw ng ulo. Was Allie there the whole time?
Akala ko ba nauna na siya? Lumapit ito bigla kay Jacob at itinulak ang lalaki palayo. I was in shock. What's happening here?
"Jacob, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit napaka-laki ng galit mo kay Sarah?" she asked in annoyance.
Napa-singhal ako sa nakikita. Is Allie that dumb? Hindi na siya bata para hindi mapansin. It's clear that those two fought.
"Allie, kasi--"
"Jacob, hindi kita maintindihan. Ito pa ba ang Jacob na kakilala ko? Ikaw pa ba ang Jacob na nagustuhan ko?" ani Allie bago tuluyang hatakin si Sarah palabas ng room.
Nilagpasan lang nila ako. I was speechless. So simula ngayon maghihiwalay na sila ng landas? That's not what she said pero that's probably what it means.
I was about to walk away nang may marinig akong bumagsak sa room. Napalingon ako dito at napansing nasa lapag ang bag ni Jacob habang naka hawak sa noo niya ang kamay. What the hell is with these two?
Sinundan ko ang pag labas nila Sarah. They're currently waving at each other at naghiwalay na ng landas. Napansin ko bigla ang hitsura niya. She looked like she wanted to cry, pero pinipigilan niya.
Nagmadali akong maglakad palapit sa kaniya. "Hindi ka pa ba uuwi?" ani ko bago siya pantayan at sabayan.
"Zake? Uh, pauwi naman na. Ikaw?" umiwas ang kaniyang mata.
I gave her a light laugh, "Hindi dito ang daan mo pauwi. You usually cross the street pero nag-iba ang landas mo ngayong araw."
"Paano mo nalaman?" nabalik sa kaniya ang aking mata nang marinig ang tanong.
"Wala lang, pansin ko lang." I lied. Kamuntikan pa akong mabisto.
"Nothing much, gusto ko lang sana mag-ikot."
"Saludo ako sa 'yo." sabi ko na ikinatigil niya.
"Saludo saan?"
"Buti nakakayanan mo 'yung kaibigan mo. Ang hirap maipit sa dalawang taong mabagal kumilos. Halata namang may gusto sa isa't isa, bakit hindi pa sila mag date?"
She laughed. Napangiti tuloy ako bigla, "See, you smiled. Sa tingin ko pwede na akong comedian." ani ko na nagpatawa muli sa kaniya.
I felt great. I made her smile and laugh, ano pa ba ang kaya kong gawin? Ang sarap sa pakiramdam na kahit umaasa ka lang, atleast napapasaya mo siya.
She told me she wanted to eat so andami naming inikot. Mga naglalako ng fishball, buko juice at ice cream. Pumunta pa nga kami sa park para lang mag-swing.
This is the best day of my life. Hindi ko na alam kung ano pa ang magpapasaya sa 'kin bukod sa kaniya. She's the only person who'll make me this happy.
Only you, Sarah. Gusto kita. I like you so much and it feels heavy. Pero kahit gaano pa kabigat ang nararamdaman ko, I don't want to declare my feelings.
Ayokong matulad sa 'yo. Kuntento na ako na ganito tayo. Because I'm pretty sure mawawala lahat ng ito sa oras na malaman mo ang nararamdaman ko.
Whatever happens, my feelings will always be concealed.
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top