Ikalawang Sinta: Unrequited


~~~~~

Sarah Lacon's point of view

Bumalik ang kaibigan ko, tahimik at walang imik. Ano ba ang nangyari? Kamusta ang pag-amin niya? Anong isinagot nito sa kaniya?

"Anong sabi niya?" tanong ko habang hawak ang kamay nito.

Iling lamang ang natanggap ko, "Wala. He was quiet and serious. Tumango lang siya at pinabalik ako."

Walang sagot. Wala siyang ibinigay na sagot sa nararamdaman ng kaibigan ko. Hindi ba't magandang sign ito? Ibig sabihin, wala nga siyang interes? Ibig sabihin may pag-asa ako?

Hindi ko ipinahalata ang saya. Natutuwa ako. Napag pasiyahan ko 'rin na umamin ngayon.

"Hintayin mo ko, babalik ako." paalam ko sa kaibigan saka tinakbo ang kahabaan nang hagdan paakyat sa rooftop.

Pag akyat ay nakita ko siya, nakaupo at nagbabasa ng libro. May ngiti sa labi na parang may magandang nangyari.

"Jacob!" tawag ko sa kaniya.

Inangat niya ang tingin sa 'kin at iniwan ang libro bago tuluyang nag lakad papalapit.

"Oh, Sarah, bakit ka nandito?" tanong nito.

Nakangiti kong kinuha ang kamay niya. Lumakas ang hangin sa paligid dahilan para tangayin ang buhok ko. Napansin niya bigla ang lawak ng ngiti sa labi ko.

"Gusto kita, Jacob." hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.

Gustong gusto kita, Jacob. Sana, ganoon din ang nararamdaman mo sa 'kin.

"Sarah, hindi ba't magkaibigan kayo ni Allie?" kumurba ang kilay ko sa kaniyang tanong.

Tumango ako bilang sagot. Bakit niya naitanong? Napaka layo ni Allie samin.

"Bakit mo 'to ginagawa? Magkaibigan kayo. Alam mong gusto niya ako, pero bakit?" bahagya niyang binawi ang kamay mula sa 'kin.

Natawa ako. Oo, magkaibigan kami ni Allie. Pero hindi ibig sabihin noon ay magpapatalo ako sa kaniya. Parehas kaming may gusto kay Jacob.

"Ano ngayon kung magkaibigan kami? That doesn't stop me from liking you--"

"It should, Sarah. Gusto ko si Allie, gustong gusto at alam mo 'yon."

Alam ko. Everyone knows. Pero ano ngayon? Chance ko ito, this is my one last chance.

"Alam ko, Jacob. Hindi ba't wala kang isinagot sa nararamdaman niya? Kaya--"

"Kaya sinasamantala mo? Kaibigan ba talaga ang tawag sa 'yo?"

Natigil ako sa narinig. Oo, kaibigan ako. Kaibigan na nag-aasam sa isang bagay na kahit kailan hindi ko makukuha.

"Pero Jacob, gusto kita. At pupwede mo akong magustuhan, subukan nating--"

"Wala tayong susubukan, Sarah. Gusto ko si Allie at wala akong planong magkagusto sa iba. Siya ang dahilan kung bakit ako nandidito. Siya ang dahilan kung bakit mo ako nakilala. Kaya pasensya kana, hindi ko maibabalik ang pagkakagusto mo."

He left me there that day, standing alone. Mahirap matanggap, pero ilang taon na 'rin ang lumipas simula nang mangyari 'yon. Hanggang ngayon, siya pa 'rin ang gusto ko. Hindi ba't ang bobo ko?

Sariling kaibigan ko, ginago ko. Karma na siguro ang nangyaring 'yon sa 'kin. Kahit ako, hindi ko mapapatawad ang sarili dahil sa nangyari. Tama si Jacob, hindi ako naging kaibigan kay Allie.

Pag dating sa classroom ay napansin kong wala pa 'rin si Allie. Tinungo ko ang upuan at ipinatong ang bag bago lumapit sa isa ko pang kaibigan-- si Zake at Chell.

"Hi, Chell! Good morning, Zake!" bati ko sa kanila bago tuluyang maupo sa upuang katabi ni Zake.

"Sarah, balita ko sinigawan ka daw ni Jacob kahapon. Anong nangyari?" nagulat ako sa itinanong ni Chell ngunit hindi ko ipinakita.

"Misunderstanding lang, hindi big deal." depensa ko at pilit na iniiwasan ang topic.

"Gusto mo batukan ko?" napatingin ako kay Zake dahil sa sinabi.

Tinawanan ko na lamang siya at umiling iling. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. I don't even know if I should treat yesterday as a bad day or not. Mas maraming magandang bagay na nagyari kahapon. Ilang minuto pa kaming nag-usap nang may tumawag sa aking pangalan.

"Allie! Good morning!" napalingon ako at nakita ang aking matalik na kaibigan.

"Good morning!" sigaw ko pabalik kay Allie.

"Oh, siya. Mauuna na ako ah." paalam ko sa kanila at akmang aalis nang may humawak sa kamay ko.

Nilingon ko ito at napansing si Zake ang nagmamay-ari ng kamay. Kung bakit niya ako pinigilan ay hindi ko alam. Umupo akong muli sa upuan at hinintay ang sasabihin niya.

"Mamayang lunch, sumabay ka sana samin." ani Zake.

Muli, tango ang isinagot ko. Ngayon niya lang ako inaya kaya bakit hindi? Masaya naman silang kausap at kasama.

"Oh, Allie, bakit parang ang ganda ng mood mo?" salubong ko kay Allie at tumabi sa kaniya.

Anlaki ng ngiti nito at todo tango pa. Natuwa naman ako sa inaakto niya. Mukhang may maganda ngang nangyari.

"Kami na." she smiled wider.

Natigil ako. My hand flinched. Tama ba ang narinig ko? Sila na nga talaga. Bakit pa ba ako magtataka, parehas naman sila ng nararamdaman sa isa't isa.

"Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba, parehas kayo ng nararamdaman." ani ko at hinimas ang kamay niya.

Buti pa siya, buti pa siya masaya. Pinilig ko ang ulo. Maling sisihin ko si Allie. Wala siyang ginawang masama. This is my fault for confessing my feelings.

"Oo nga pala, Allie, okay lang ba kung hindi ako sumabay sa 'yo mamayang lunch? Inaya kasi ako nila Zake." ngumiwi ako.

"Oo naman." ngiti niya at sinilip si Zake. "Kayo, kamusta kayo ni Zake? Tignan mo siya, oh. 'Yung mga tingin niya sa 'yo, kakaiba." ngumuso siya sa direksyon ni Zake at nilingon ko.

I ignored what she said. Zake is just a friend. Tama, kaibigan niya ako at kaibigan ko siya.

Nang mag lunch ay nagpaalam sa 'kin si Allie na mauuna na daw siya. Tumango na lamang ako at gaya nang plano, kina Zake at Chell ako sumabay.

Nasa canteen kami ngayon, kumakain. Hindi ko naman maialis ang tingin ko sa dalawa. Ang saya tignan ni Jacob at Allie. Buti pa sila, happy ending.

Bumuntong hinga ako. Kaya ang hirap masangkot sa love triangle, no matter what you do, may sasaya at may masasaktan.

"Okay ka lang ba, Sarah?" narinig kong tanong ni Zake.

"Oo naman." I smiled and continued talking to them.

Dapat akong mag focus sa ibang bagay. Dapat ko munang iwasan ang tungkol kay Jacob at Allie. Tanggap ko naman, pero mahirap tignan.

Nang matapos sa pagkain ay naglalakad na kami paalis nang makasalubong namin sila Jacob at Allie.

Hindi ko alam kung kaya ko silang harapin. This... They should've been together earlier kung hindi ko ginawa 'yon. Kung naging matino akong kaibigan.

Siniko ni Allie si Jacob at nagsasalitan ng tingin. "Sarah, sorry sa ginawa ko kahapon."

Tumango naman si Allie at tumingin sa 'kin, naghihintay nang positibong sagot. Kung hindi ko ba siya papatawarin, may magiiba ba? Wala na akong ibang choice kung hindi ang tanggapin ito.

"Ayos lang." ngumiti ako.

Hindi ko alam na nakapaglakad na pala ako palayo sa kanilang dalawa. I was already walking down the stairs, running away.

Nang matapos ang lunch, nagtuturo nang muli ang aming guro. Nakatunganga ako at walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi silang dalawa.

Napaka saya nilang dalawa. Bakit pa kaya nila pinatagal, kung parehas lang pala sila ng nararamdaman. Bakit ako naipit sa kanila? Bakit ako naging isang masamang kaibigan?

"Sarah, tara na. Kaka-dismiss lang sa atin." nabalik ako sa realidad nang yugyugin ni Allie.

Tumango ako at inayos ang gamit. Pagkatayo ay hinatak ako ni Allie palabas ng classroom. Naupo kami sa bench na nasa tapat ng gate. Sinilip ko siya at pansin pa 'rin ang laki ng ngiti niya.

Ang ganda niyang tignan pag masaya. Pati ako napapangiti kahit masakit.

"Ganon ka ba talaga kasaya, Allie?"

Pangiti ngiti itong tumingin sa 'kin at tumango. I held her hands with both of mine, "Okay, mabuti naman. Sana palagi kang masaya."

"Ikaw ba, Sarah, masaya ka?" natigil ako nang marinig ang tanong niya.

Ako? Hindi. I was never happy. Pwede bang may masayang nasasaktan? Kung puwede lang sana sabihin sa 'yo na gusto ko ang taong mahal mo. Ano kayang mangyayari satin, Allie? Ayokong mawala ka sa 'kin.

"Oo naman." ngiti ko at binitawan ang mga kamay niya.

Naaninag ko mula sa malayo ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa amin. Siya, ang taong gusto ko, pero bawal. Taong gusto ko, pero hindi ako gusto. Kung alam ko lang sana na ganoon ang mangyayari noong araw na 'yon-- 'di sana hindi na ako umamin. Sana hindi na kita nakilala, Jacob.

"Oh siya, Sarah, mauuna na kami ni Jacob. Ingat ka sa pag-uwi!" kaway nito sa 'kin bago tuluyang hawakan ang kamay ni Jacob.

Jacob, kahit huling beses nalang. Kahit kaunting oras nalang, payagan mo kong gustuhin ka. Dahil sigurado akong pagkatapos nitong araw na 'to, gagawin ko ang lahat para burahin ang nararamdaman ko sa 'yo.

My unrequited love...

~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top