Ikaapat na Sinta: Revealed
~~~~~
Chell Ramos' point of view
Fuck! Hindi ako puwedeng malate. First week palang namin tapos may late na agad ako? I can't let that happen!
Tinakbo ko ang daan papunta sa building namin. Kahit hingal na hingal na ay diretso pa 'rin ako sa pag takbo. Sinilip ko ang oras sa aking relos. Ilang minutes na lang at mala-late na ako!
Napasinghap ako ng may bumangga sa 'kin. Nagkalat ang dala kong libro at mga papel. Kinagat ko ang labi sa inis. Great! Sobrang swerte ko talaga.
"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya." anito habang pinupulot ko ang mga papel.
"Okay lang, tulungan mo nalang ako dito para mapabilis." I said.
Nagmamadali na talaga ako. Wala na akong paki sa apology niya. I just need to arrive on time! Hindi talaga ako puwedeng ma-late.
"Mauna ka na, dadalhin ko na lang sa 'yo 'to mamaya." natigil ako sa pagpupulot at inangat ang lalaki.
He was attractive. Ang buhok niya na diretso, magandang mata, matangos na ilong at mapulang labi. Hindi ko napansin na napatitig na pala ako sa kaniya.
"Mauna kana, ako nang bahala dito." nabalik ako sa realidad.
Napaubo ako at tumango tango bago tumayo. I ran right away para makarating sa room. Besides, kasalanan naman talaga niya kung bakit nalaglag ang gamit ko. Nang makapasok sa room ay inayos ko ang bag at naghintay sa lalaki.
Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang guro. Nababaliw na ako, baka mamaya hindi ko pala siya kaklase! Paano kung kunin nalang niya ang mga libro at papel ko? No way, baka mamaya magpa recitation agad ang teacher. I don't know what to do! While panicking, may biglang kumatok sa pinto.
Napunta ang tingin ng lahat dito. He entered the room and greeted the professor. Thank god! Akala ko hindi na siya dadating. Pero bakit kaya niya naisipang magpa-late? Is he mad or what?
"Sir, I'm sorry I'm late. Nagka-emergency po kasi ako." anito at nag-abot ng late slip sa guro.
Tumango ang guro nang mabasa ang slip at pinayagan siyang pumasok. He walked towards me at iniabot ang gamit ko.
"Here," tinanggap ko ito mula sa kaniya. After that, naupo siya sa tabi ko at dinaldal ako through out the day.
That was the day I met him. We became friends after that. At hanggang ngayon, friends pa 'rin.
Halos araw araw kaming naghihintay sa gate. Hindi kami pumapasok hangga't hindi niya nakikita ang taong hinahanap niya. Hindi 'rin kami uuwi agad hangga't hindi niya nasisiguradong nakauwi ng maayos ang taong hinahanap niya.
It was exhausting. Nakakapagod sumunod sa kaniya. Pero sino ba naman ako para mag-reklamo? I chose to accompany him wherever he goes, so why am I complaining?
Siguro kahit na hindi ako importante sa kaniya, wala na akong paki. Basta close kami, nag uusap kami, nag papansinan kami. I'm that desperate.
"Oh, Chell, nandito ka na pala." narinig kong bati niya pag pasok ko pa lang sa gate.
He was there again. Leaning on the pole, still waiting for her. Siya nanaman. Nasanay na ako, sanay na sanay sa ganito.
"Hindi pa ba siya pumapasok?" tanong ko at tinabihan siya.
Tumango ito, "Hindi pa." he looked at his wrist watch before glancing at me.
"By the way, hindi mo na 'ko kailangang samahan mag hintay sa kaniya." natigil ako sa narinig.
'Why?' was the first question I thought of. Sila na ba? Are they already dating? Did I lose my chance? Am I already nothing to him? Natatakot ako na kapag sila na nga, mawalan na ako ng kwenta sa kaniya.
"Bakit naman?" I asked.
"You look like you're tired from following me everywhere. Don't worry, okay lang. I also prefer to wait for her alone."
Naka hinga ako ng maluwag. Buti nalang hindi ko narinig ang ayaw ko marinig. If I really did, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I smiled at him and shook my head.
"Hindi no, pagod ako kasi madaming pinagawa sa 'kin si mama bago ako umalis." dahilan ko at inayos ang dala kong gamit.
He just nodded. Tango lang, as usual. Sobrang nasanay na ako na friend lang talaga ang turing niya sa 'kin. Inasam ko na sana kahit best friend man lang, kaso hindi talaga puwede. What's important to him is his relationship with Sarah.
Bukam bibig niya palagi si Sarah. He's open to me about his feelings to her. Atleast pinagsasabihan niya ako ng nararamdaman niya, since I'm a friend.
Nang maaninag ang babae ay kinalabit ko siya, "Nandiyan na siya." ani ko.
Nanlaki ang mata ko nang maglakad siya papalapit kay Sarah. They were talking comfortably with each other. Laughing and smiling as if they're not strangers anymore. So may nag bago nga. Before, looking at her is enough. Seeing her smile is enough. Kuntento na siyang tignan si Sarah sa malayo. And I guess now, he can't take it anymore.
What if, his feelings were already overwhelming that it made him confess. Ano kaya ang mangyayari sa 'kin? Sa amin o sa kanilang dalawa?
Lumapit na 'rin ako sa kanilang dalawa at nakipag-usap. I don't care anymore. As long as he's happy, I'll support him. As long as he's smiling, it's enough for me. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili.
Nang makarating sa room ay napansin kong nakadikit pa 'rin si Zake sa kaniya. He was sitting on Allie's seat, beside Sarah.
Humalumbaba ako at pinagmasdan siya. Wala sa sariling napangiti ako. Napaka saya niyang tignan sa tuwing kausap niya si Sarah. His eyes were shining at mahahalata mo dito ang tuwa.
Nang makarating si Allie ay bumalik na si Zake sa tabi ko. Inayos niya ang gamit at nanatili ang tingin kay Sarah.
"Anong nangyari? Sobrang close niyo nang tignan ni Sarah, ah." tanong ko.
Hinarap niya ako, "Nag-usap kami kahapon, and I think that made her know me more. I took a big step yesterday." he chuckled.
Ah, oo nga pala.
"Kaya naman pala. Kulang na lang makipag palit ka ng upuan kay Allie, eh." biro ko.
"Puwede ba?"
I giggled, "Ikaw ah, kinakalimutan mong nandito ako."
Natigil ako sa pagtawa nang walang marinig na salita mula sa kaniya. I looked at him and saw a serious expression on his face.
Did he not like what I said? Masiyado na ba akong desperada para sabihin 'yon? Should I not have said that? Anong mali sa sinabi ko?
"Biro lang, ito naman." ani ko bago inatupag ang iba.
Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko. Bakit ganoon nalang ang reaksyon niya?
Ilang oras ang lumipas na hindi kami nakapag-usap. Natatakot ako. Paano nalang kung magkahiwalay kami dahil sa sinabi ko? Ganoon ba kababa ang pagka kaibigan namin?
"Chell, tara-"
"Mauna ka na, susunod na lang ako. May kailangan pa kasi akong tapusin." putol ko sa pag-aya niya.
"Sige, mauna na ako." he said and walked away.
Nagsinungaling ako. Wala naman talaga akong kailangang gawin. I don't know what came over me. I sighed. Mag-isa na ako ngayon sa loob ng room. Everyone's out for lunch.
"Chell, hindi ka ba magla-lunch?" narinig kong tanong ng isang kaklase.
Nilingon ko kung saan ito nanggaling. It was Terrie, classmate ko. Madalas 'din kaming mag-usap pero hindi naman kami ganoon ka close. Naupo siya sa tabi ko.
Umiling ako bilang sagot. Kinuha ko na lang ang baon sa loob nang bag at nag simulang kumain. Wala akong gana kumain sa canteen.
"Kamusta ka? Napapansin ko kasing close na si Zake at Sarah. Okay ka lang ba?"
Hindi ko naituloy ang pagkain. 'Okay ka lang ba?'. Puwede bang mag sabi ng totoo? Hindi, hindi ako okay. I'm so scared to the point that I just want to erase myself from his life.
Humarap ako sa kaniya at tumango. Wala na akong ibang choice kung hindi ang mag sinungaling. It's my expertise. Bago matapos ang lunch ay nagsibalikan na ang iba kong mga kaklase, including Zake.
Napansin kong may nais siyang itanong ngunit pinigilan niya. Mabilis makiramdam si Zake, at alam kong alam niya na iniiwasan ko siya.
He sat beside me, "Okay ka lang ba, Chell? May nararamdaman ka ba?"
"Okay lang, sadyang pagod lang 'to. 'Wag mo na akong alalahanin." alalahanin mo 'ko, Zake. I want you to worry about me.
"Bakit pala hindi ka sumunod sa canteen?"
"Ah, naisip ko kasi na sayang kung hindi ko na tatapusin, given I had free time. Nag hintay ka ba?" tell me you did. Sabihin mo saking pinaghintay kita.
"Hindi naman, okay lang." he smiled.
I can't do this anymore. I can't carry this burdensome feelings. Ang hirap mag pigil, ang hirap mag sinungaling, ang hirap mag panggap.
After so many classes, dinismiss na kami ng teacher. Everyone was getting ready to get out. Nag aayos ng bag at gamit, including me. I already decided to confess my feelings.
Halos nakalabas na lahat, kami nalang ni Zake at sila Sarah ang nasa loob.
"Aalis na ako, Chell. Magpa check-up ka sa doctor, baka kung ano na 'yang nararamdaman mo." paalam ni Terrie bago umalis.
Wala ako sa sariling napa ngiti. I really can't lie to her. Madalas na niyang masabi na halos transparent ako. Halata mag sinungaling.
"Chell, akala ko ba okay ka lang? You didn't tell me your were feeling something." nabigla ako nang kapain ni Zake ang leeg ko at noo.
Dahan dahan kong ibinaba ang kamay niya, "Okay lang ako. Pagod lang talaga 'to."
Napaka sama ng araw na 'to, halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Palagi nalang may gumugulo sa utak ko. Nang makarating kami sa gate ay sasabay sana si Zake kay Sarah nang hablutin ko ang pulsuhan niya.
"Zake, pwede ba tayong mag-usap?"
Tumango ito bago hayaang maunang mauwi si Sarah. Nilakad namin ang daan patungo sa parke, kung saan sila nagsama ni Sarah kahapon.
Nang makaupo sa swing ay mahigpit kong hinawakan ang sarili kong kamay. Hindi ko na talaga kayang magpigil.
"Zake, mag kaibigan tayo, 'di ba?" I asked.
"Oo naman. I'm your friend, Chell, so please tell me your problems." naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko.
Napangiti ako sa narinig at unti unti siyang hinarap, "Gusto kita, Zake."
And again, there was a long pause. Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin, shocked because of my confession.
"Wait, Chell, What do you me-"
"Wag kang mag-alala, Zake. I'm not asking for an answer. It's just... It was overwhelming. Sobrang lalim na nang nararamdaman ko sa 'yo kaya hindi ko mapigilang umamin. And now that I did," I looked straight o his eyes and smiled, "Sobrang gaan sa pakiramdam, Zake."
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng parke. Ang araw na palalim na at kulay kahel na langit. Ang katahimikan ng paligid at simoy ng hangin.
"So why don't you try it, Zake? Subukan mo 'rin kayang umamin sa kaniya? Halata naman na nahihirapan ka nang dalhin 'yan. I'm pretty sure it's as deep as mine."
Napatingin ako bigla sa kaniya nang marinig ang mahinang tawa. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. This laugh, this is the laugh I see when he talks to her. Am I valid now? Importante na ba ako sa kaniya?
"Alam mo, Chell, I always looked up to you. Ang galing mo kasing bumasa nang tao. It's like we're transparent, alam mo na agad ang nararamdaman namin. I envy you." he scratched his nape.
"Zake, sana pagkatapos nito, maayos pa 'rin tayo. Sana walang magbago sa ating dalawa. I can't lose you."
His face calmed down. Napansin ko bigla ang pagka amo ng mga mata niya. He slowly reached for my hands, holding it with his. Tumango siya at ngumiti.
"Of course you won't, you're my best friend, Chell. I also can't lose you. You're very important to me and I want you to know that."
Wala sa sarili akong napangiti. This is the Zake that I like. Ang Zake na mabait, Zake na matulungin, Zake na makulit, Zake na maaalahanin. He's my best friend and the guy I like. I'll like him willingly and stay by his side until I'm no longer his best friend.
That's how far I'm willing to go because I like you so much, Zake.
~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top