Kabanata Dalawampu't Walo

Nang makalayo na sila sa paaralan ay sumakay sila sa jeep at nagtungo sa isang kainan.

“Anong gusto mo kainin, Hanna?” tanong ni Harlene nang makahanap sila ng mauupuan. “Ako ang magbabayad ngayon.”

“Ikaw na ang bahala, Kambz. Salamat.”

Nguniti na lang si Harlene.

“Sige. Mag-order na ako. Dito ka muna. Kapag naiihi ka pala, sundan mo lang itong way,” sabi ni Harlene kasabay ng pagturo ng daanan, “tapos pagdating sa dulo, nandoon ang comfort rooms.”

“Okay,” maikling tugon ni Hanna.

Tinapik ni Harlene ang balikat ni Hanna bago tuluyang iniwan muna ang kaibigan.

Mayamaya pa ay tumayo si Hanna mula sa pagkakaupo at nagtungo sa comfort room. Pagkapasok niya ay agad tinignan ang kaniyang sarili sa salamin. Ngumiti siya pero agad ding binawi ang kaniyang ngiti.

“Let me fix my hair a bit. A high ponytail will do. There! Mas maganda ka tignan. Nana is here! Ako muna ngayon, Hanna.”

Mayamaya pa ay may pumasok din sa comfort room. Tinignan ni Hanna ang pumasok mula paa hanggang ulo.t

“Wow ha! Kung makatingin ka. Oo na mas maganda ka!” sabi ng babaeng kapapasok lang.

Tinaasan siya ng kilay ni Hanna saka ngumisi.

Dumeretso na lang ang babae sa isang cubicle.

Tumingin na lang muli siya sa salamin. Tinanggal niya ang suot na jacket saka ipinulupot sa kaniyang beywang.

“Feels better. Hindi na mainit masyado.”

Natapos nang umihi ang babae kanina kaya naman humarap din siya sa salamin. Binuksang gripo saka naghugas ng kamay.

“Ikaw ba si Hanna?” tanong ng babae.

“Hanna who?”

“Ah wala. Nevermind na lang.”

“Okay,” maikling sabi lang ni Hanna saka lumabas na sa comfort room.

“Saan kaya ako pupunta ngayon?” tanong ni Hanna sa kaniyang sarili.

Palabas na sana siya sa pintuan ng restaurant pero may pumigil sa kaniya.

“Hanna, saan ka pupunta? Naka-order na ako ng kakainin natin.”

Hindi nagsalita si Hanna at nakatingin lang siya sa taong pumigil sa kaniya.

“Hay naku! Halika na nga,” sabi lang ni Harlene at hinila si Hanna sa kanilang pwesto.

Wala nang nagawa si Hanna kundi ang sumunod na lang.

“Bakit ka nagtanggal ng jacket? Ang lamig kaya!”

“I don't feel cold. Ang init kaya. Nga pala, what did you order? Ilan ambag ko?”

Natawa saglit si Harlene. “Nag-cr ka lang nakalimutan mo na sabi ko kanina. Ako na magbabayad, ‘di ba? Nga pala, I ordered carbonara, pizza, fries, and coffee.”

“Really? Nice!”

“Oo. Hintay lang tayo saglit at darating na ‘yong kakainin natin. Nga pala, saan ka sana pupunta kanina? Bakit palabas ka?”

“Hindi ko rin alam, naisipan ko lang lumabas.”

“Sure ka, Hanna?”

“Yes. By the way, who are you?”

“Eh?” gulat na reaksyon ni Harlene. “Ikaw naman, Hanna! Parang hindi mo ako kilala ah. Ilang years na tayong besties oy!”

“Talaga? But where were you when I was bullied?”

“What do you mean, Hanna?”

“See? You are not my bestie.”

“Ikaw naman, Hanna. Bakit bigla kang nagkaganyan. I was hospitalised that time, ‘di ba? Hindi mo naaalala?”

“Oh right. By the way, don’t call me Hanna. I’m Nana.”

Nabigla si Harlene sa sinabi ni Hanna dahilan para hindi ito agad makapagsalita.

“Nabigla ka. Don’t worry, I do no harm.”

Mayamaya pa ay may waiter na nagdala ng na-order ni Harlene.

“Mga ma’am, ito na po ang order n’yo. Enjoy!” sabi nito at maingat na nilapag sa lamesa ang mga pagkain.

Agad na kumuha si Hanna sa pizza at kaagad na sumubo.

“Dahan-dahan lang Han— Nana, alam kong paborito mo iyan.”

“Oh? Yeah, it’s our favourite.”

“I see. After natin kumain, saan mo gusto pumunta?”

“Lead me to Hanna’s crush.”

“Bakit?”

“Gusto ko makita.”

“Okay. In one condition, payag ka?”

Nangunot ang noo si Hanna. “No way!”

“Idi hindi tayo pupunta.”

“Argh! Fine. Ano iyon?”

“You claim that you are Nana, but I will still call you Hanna. Kapag nagreklamo ka, hindi ako papayag sa request mo.”

“What the— okay. Fine. Call me Hanna.”

* * *

“Iyan ang bahay nila?” tanong ni Hanna nang makarating sila sa tapat ng tirahan nina Maxvien.

“Oo.”

Mag-dodoorbell na sana sila pero nagbukas ang gate.

Napangiti ang nagbukas nang gate nang makita si Hanna.

Agad namang kinilig si Harlene nang masilayan ang masiglang paglapit ni Maxvien sa kaibigan at kaagad na niyakap ito. Walang naging reaksyon si Hanna at hinintay lang na kumawala si Maxvien sa yakap.

“Sino ka? Bakit mo ako niyakap? Alam mo bang pwede kitang idemanda?”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Maxvien dahil sa sinabi ni Hanna at napalitan ng gulat at lungkot ang kaniyang nadarama.

Lumapit si Harlene kay Maxvien saka bumulong, “Siya raw si Nana.”

Nang marinig ang sinabi ni Harlene ay humarap siya kay Hanna.

“Pasensiya na, Nana. Nana, ‘di ba?”

Ang kaninang naiinis na mukha ni Hanna ay tila nagliwanag.

“You know me!”

“Oo naman. Mahal kita e.”

Napabuntong-hininga si Hanna. “You sure?”

“Oo naman.”

“I’m not Hanna. Hanna is the one you love, right?”

Ngumiti si Maxvien at hinawakan ang dalawang kamay ni Hanna. “I love you all. Si Hanna, Nana, or kahit anong pangalan pa ang sabihin mo,” tumingin siya sa mga mata ni Hanna, “iisang mukha lang ang mamahalin ko. Ikaw iyon.”

Napangiti si Hanna pero kaagad ding pinawi. “Good to know. Let go of my hands.”

Sumunod na lang si Maxvien.

“Tara sa loob,” pag-aya ni Maxvien.

“Ayaw ko. Aalis na ako. Nice seeing you,” sabi ni Hanna at tinalikuran na si Maxvien. Nagsimula na rin siyang maglakad palayo.

“Sundan na lang natin,” suhestiyon ni Harlene.

“Yeah. Nga pala, anong nangyari at siya si Nana?”

“Kahapon pa siyang si Nana. Galing kami sa school namin noong highschool. Kahapon sana kami pupunta rito kaso umulan naman na kaya umuwi na lang kami. Akala ko nga babalik na siya sa dati Hanna pero hindi pala.”

“I see.”

“Sa tingin mo, saan siya pupunta?”

“Hindi ko rin alam, but I know which this way leads.”

“Wait, it’s familiar. Anong gagawin niya sa park?”

“To relax, maybe?”

Nang makahanap ng pwesto si Hanna ay nahinga siya sa may damuhan.

“Why did they follow me? As if I’m gonna do something horrible. Hindi ako kagaya ni Hanna.”

Sa hindi kalayuan ay pumwesto sa isang mahabang upuan sina Maxvien at Harlene.

“Hindi ako sanay na makita si Hanna naka naka-high ponytail ang buhok at hindi nagsusuot ng jacket kahit sobrang lamig.”

“Have you ever noticed that before? Bago mangyari ang accident sa kaniya, napansin mo ba na minsan ganyan siya mag-ayos.”

Napaisip si Harlene sa tanong ni Maxvien. Mayamaya pa ay nagsalita na siya.

“Parang oo. Meron. Ang sabi niya lang lagi noon, hindi na siya nilalamig. Hindi na rin siya nakikipag-usap ninuman.”

Napabuntong-hininga si Maxvien.

“It already existed, but no one seems to really ask her about what’s wrong.”

“Akala ko ganoon na talaga siya, pero ngayon, I realized na there’s something really going on pala. Noon pa. Sana mas na-curious ako at nag-follow up question sa mga panahon na iyon.”

“Mahirap din naman kasi malaman kung may problema sa isang tao o wala. Our assumptions might turn out wrong.”

Mayamaya pa ay nag-ring ang phone ni Harlene. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay ang kaniyang nanay.

“I need to go. Ikaw na bahala sa kaibigan ko ah.”

“Sure.”

Nang makaalis na si Harlene ay naisipan ni Maxvien na lapitan si Hanna.

Naramdaman ni Hanna na may papalapit sa kaniya.

Nahiga rin si Maxvien sa tabi ni Hanna.

“Why follow me?”

“To make sure you are safe.”

“Kaya ko ang sarili ko.”

Lumingon si Maxvien kay Hanna saka ngumiti lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top