Kabanata Dalawampu't Tatlo
Nakauwi na sina Kasper at Hanna.
Pagdating sa bahay ay nadatnan nila ang kanilang mga magulang na nagmemeryinda.
"Kumusta ang first day of school, 'nak?" tanong ng nanay nila.
"Ayos lang po, Ma."
"Sigurado ka?"
"Oo nga po!" inis na tugon ni Hanna.
Magsasalita pa sana si Julie ngunit dali-daling umalis sa harapan nila si Hanna saka siya nagtungo sa kwarto niya. Isinarado niya ang pinto at siniguradong walang ibang makakapagbukas nito.
Pagdating sa kaniyang kwarto ay doon na nagsimulang maglabasan ang kaniyang mga luha. Ano na naman ba ang dahilan kung bakit tumulo ang kaniyang mga luha? Sobrang bigat ang nararamdaman na naman niya lalo na nang maalala ang ginawa niya kanina ngunit iyon ay dahil kay Nana, isa sa katauhan niya.
"Hindi niya dapat ginawa iyon!" sabi ni Hanna sa kaniyang isipan.
"Dapat lang iyon sa kaniya! I should have already killed him! Dumating lang si kuya."
"Mabuti nga iyon e. Dahil kung hindi siya dumating, Hanna will be known as killer! And that's because of you, Nana!"
"Then I'm sorry! I just want revenge. If not because of me, you'll be all in danger. I'm the one who protects all of us. I am your protector."
"You're just a kid like me."
"You're wrong, Annah. I'm already a teen. Same age as Hanna. Maybe the little me is a kid like you, here name is Nana. Of course, it should be! She's a little me but we're different."
"Gano'n po ba? Okay! E, nasaan siya?"
"Nagpapahinga."
Ayan na naman ang ibang katauhan ni Hanna, nag-uusap. Si Hanna naman ay tahimik na umiiyak. Ayaw niyang marinig siya at makita siya ng pamilya niya na umiiyak.
Sa kabilang banda naman ay kinuwento ni Kasper sa mga magulang niya ang nasaksihan niya kanina.
"Anong dahilan at nagawa iyon ni Hanna?"
"Hindi ko alam, Pa, hindi ko alam. Kausapin na lamang natin si Hanna nang malaman natin ang dahilan."
"Ngayon na ba?" tanong ng ama ni Kasper.
Tumango naman si Kasper bilang tugon at sinabing siya na ang bahalang magtanong kay Hanna.
Nagtungo sila sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Hanna. Kumatok si Kasper.
"Hanna, buksan mo 'tong pinto. Gusto ka namin kausapin."
Hindi nagsalita si Hanna at pinupunasan lang niya ang mga luha niyang 'di matigil sa pag-agos.
"Bakit mo sinasakal kanina si Jose? Galit na galit ka, Hanna. Maaari bang malaman?" mahinahong sabi ni Kasper.
Hindi alam ni Hanna kung paano ipapaliwanag ang nangyari. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Lumapit siya sa pinto at doon ay sumandal siya.
"Hanna," pagtawag ni Kasper.
"He nearly raped me!"
Nagulat sila sa narinig. Naitikom ni Kasper ang kamao niya. Nais niyang saktan si Jose.
"Kanina lang ba?"
"Hindi. Grade 7 ako no'n!" panimulang sabi ni Hanna saka ikinuwento ang nangyari noong gabing iyon. Nakaya niyang ikuwento kahit nahihirapan siyang magsabi.
Napapatanong ang pamilya ni Hanna sa kanilang isipan kung bakit ngayon lang nagsabi si Hanna. Nabibigla na naman sila sa nalalaman nila. Napapaluha na rin ang magulang ni Hanna.
Nakaramdam ng inis sa sarili si Kasper. Nasabi rin niya sa sarili niya na wala man lang siyang kwentang kuya. Hindi niya maprotektahan ang kapatid niya.
"Ano pa? Ano pa ang hindi namin alam sa iyo, Hanna? Pamilya mo kami pero bakit hindi mo sinabi no'n pa? Bakit itinago mo?" tanong ni Kasper.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam!"
"Anong hindi mo alam? Alam mo, Hanna! Ayaw mo lang sabihin."
Hindi alam ni Hanna kung ano na ang dapat niyang maramdaman. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.
"I've tried! Sinubukan kong magsabi! Pero hindi ko nagawa. Bakit?" Napatawa si Hanna. "Wala naman kayong panahon para pakinggan ako e!"
"Anong walang panahon? Lagi kaming may oras sa iyo, anak."
"Talaga, Pa? Yes, maybe you do! Pero hindi ko iyon naramdaman. Bakit? Hindi ko rin alam basta naramdaman ko 'yon! Sobra akong nababalot ng pangamba na magsabi ng problema dahil baka hindi n'yo ako maintindihan."
"You know we're familly, right?" wika ni Kasper.
Hanna faked a laugh. "Yeah right. Family. But why do I feel that I don't belong?"
"Feel mo lang 'yan, Hanna!" sabi ni Kasper habang pinipigilan ang sarili niya na makapagsabi ng mga salitang makakasakit kay Hanna. Iniintindi na lang niya ang kaniyang kapatid dahil alam naman niya na may depresyon si Hanna.
"Anak, nandito kami. Handa ka naming pakinggan. Sabihin mo sa amin ang gusto mong sabihin. Ilabas mo ang mga kinikimkim mong galit at sakit," maluhaluhang sabi ni Julie.
Hindi na nagsalita pa si Hanna. Ayaw na niyang magsalita dahil nahihirapan na siyang huminga ngunit ayaw niyang ipagsabi sa kaniyang pamilya.
"Hanna, nandiyan ka pa ba?" wika ni Kasper.
"U-Umalis na k-kayo. A-Ayos lang a-ako," nahihirapang sabi ni Hanna.
Walang nagawa ang pamilya ni Hanna kundi ang manalig na lang na talagang magiging maayos si Hanna.
Mayamaya pa ay nawalan ng malay si Hanna dulot ng 'di matigil na pag-iyak at hindi makahinga nang maayos. Nakahiga na siya ngayon sa sahig.
Hindi naman mapakali ang magulang ni Hanna at ang kuya niya. Binalak nilang sirain ang pinto ng kwarto ni Hanna pero naisip ni Kasper na baka magalit ang kapatid niya at baka kung ano pa ang magagawa niya. Hindi rin nila mahanapan ang iba pang susi para sa pinto ng kwarto ni Hanna.
Sa paaralang Starlight University naman ay hindi maiwasan ni Harlene na mag-alala. Kanina niya pa kasi tinatawagan ang phone ni Hanna at tinadtad na rin ng mga mensahe pero wala siyang natatanggap na tugon.
"Harlene? Harlene!" tawag ni Maxvien kay Harlene.
"Nakita mo ba si Hanna?" sabay nilang tanong.
"Akala ko kasama mo siya. Hindi ba napagkasunduan n'yo kaninang tanghalian na sabay kayong uuwi?"
"Oo nga, Max, pero hindi ko alam kung nasaan na siya. Maaga kasi silang pinauwi. E, samantalang kami, ka-didismissed lang sa amin."
"Baka naman nakauwi na siya?"
"Sana nga. Sandali tawagan ko si kuya Kasper."
"Sige para malaman natin kung nakauwi na si Hanna."
Tinawagan nga ni Harlene si Kasper at sinabi ni Kasper na nasa bahay na nila si Hanna. Nakahinga naman nang maluwag si Harlene kaya nagpasya na siyang umuwi na.
"Nakauwi na raw si Hanna."
"Mabuti kung gano'n. Tara, sabay na tayong lumabas dito sa school."
"Sige, Max."
Pagsapit ng umaga, nagising si Hanna at napansin niyang sa sahig na pala siya nakatulog. Nagtaka naman siya kung bakit pero isinawalang bahala na lang niya ito.
Nagtungo na lang siya sa kama niya at doon nahiga. Nakaramdam kasi siya ng pagod at nais niyang magkapagpahinga nang husto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top