Kabanata Dalawampu't Isa
Kasalukuyang kumakain kami ng agahan nang makaramdam ako ng sakit ng ulo. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa matinding kirot na aking nadarama.
Napansin naman ako ni Harlene at agad na tinanong kung anong problema.
“Masakit ulo ko,” sabi ko at pilit iniinda ang sakit ng ulo ko.
Hindi ko na rin naituloy pa ang pagkain ko kasi nawalan na rin ako ng gana.
“Sigurado ka bang ayos ka lang na mag-isa rito?” tanong ni Harlene. Tinatawag na kasi ang lahat na magpunta sa loob ng simbahan.
Tumango na lang ako bilang tugon.
Ngumiti lang siya pero kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. “Sige, maiwan muna kita rito, Kambz. Magpagaling ka. Inumin mo na rin ‘yong gamot mo.”
“Sige,” mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya.
Umalis na nga siya rito sa basement. Naiwan akong mag-isa. Ininom ko na iyong gamot ko para kahit paaano’y mabawasan ang sakit ng ulo ko.
Nahiga ako at ipinikit ang aking mga mata. Nais kong matulog na lang pero hindi ako pinapatulog nitong sakit ng ulo ko at ang mga alaalang naglalaro sa isipan ko. Mga alaalang hindi ko masigurado kung nangyari ba o baka naman parte lang pala ito ng imahinasyon ko.
Nakikita ko ang batang ako na umiiyak dahil pinagalitan ng magulang. Gano’n din ang ako na nagagalit sa hindi ko makilala kung sino. Paulit-ulit nakikita ang sarili ko na sinasaktan ko mismo. Talaga bang nagawa ko ang mga bagay na ito? Para akong nanonood ng isang palabas, palabas na ako ang bida.
“Open your eyes and look at me,” utos ng isang boses na hindi ko malaman kung kanino galing. Natakot ako bigla at ayaw kong imulat ang aking mga mata. Ayaw ko man pero may kung anong nag-udyok sa akin. Sa pagbukas ko ng aking mga mata, ang puting kisame ang bumungad sa akin. Sa kisame ay tila may guhit ng isang mukha. Mayroon nga bang guhit dito o akala ko lang mayroon.
Ipikit ko na lang muli ang aking mga mata. Sa pagpikit ko, may likido akong naramdaman na umagos mula sa aking kaliwang mata. Bakit? Anong dahilan at biglang napaluha ang aking mata?
Masakit pa rin ang ulo ko. Sobrang sakit. Hindi ko na yata kaya pang indain. Gusto kong isigaw na lang ang sakit na aking nararamdaman ngunit hindi ko magawa dahil walang boses na lumalabas sa aking bibig. Siguro, mabuti na ring ganito upang hindi ako makagawa ng ingay.
Mayamaya’y nakaramdam ako ng antok hanggang sa tuluyang nakatulog na.
Nagising ako dahil sa pagyugyug at paggising sa akin ni Harlene. Napaupo ako sa higaan namin.
“Buti naman at nagising ka na. Ang haba ng tulog mo. Alam mo ba na Friday na ngayon?”
Umiling ako.
“Halos 24 hours kang tulog! Mula pa kahapon. Hindi ka nga magising e. Ngayon lang.”
“Gano’n ba?”
Tumango siya. “Oo. Kumusta na pakiramdam mo? Masakit pa ba ulo mo?”
“Hindi na. Wala na akong nararamdamang —” naputol ang sasabihin ko nang bilang tumunog ang tiyan ko.
Napatawa naman si Harlene. “Tara na sa labas nang makakain ka o gusto mo dalhan na lang kita ng kakainin mo?” sabi niya nang matapos siyang tumawa.
“Ano munang ulam?” tanong ko. “Ikaw, kumain ka na?” sunod kong tanong.
“Tapos na kaming lahat, ikaw na lang ang ‘di pa. Ang ulam natin ngayon ay adobo, ‘di ba paborito mo ‘yon?”
“Talaga?”
“Oo. Oh siya, dito ka na lang at ako na ang kukuha ng kakainin mo.”
Ngumiti ako. “Salamat!”
Nginitian niya lang ako at tumayo siya sa pagkakaupo saka naglakad na palabas dito sa kinaroroonan namin.
Natapos na ang agahan kaya naman nagpuntahan na sa loob ng simbahan ang iba, samantalang ako, nag-aayos pa ng aking sarili.
Lumipas ang mga oras at kainan na ulit. Mamayang 1 PM ay Amazing Race na.
“Kumusta, Hanna ko?” tanong sa akin ni Maxvien.
“Ito, ikaw pa rin ang gusto.”
Napatikhim ang mga nakarinig sa sinabi ko. Wah! Bakit kasi iyon ang sinabi ko?
Nakita ko naman si Maxvien na nakangiti. Kahiya!
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na siya pinansin.
Mayamaya pa ay tapos na kaming lahat na kumain kaya handa na kami para sa next activity namin, ang Amazing Race!
Halos tatlong oras ginanap ang Amazing Race at pangalawa ang grupo namin na nakatapos ng race.
Agad naman akong naligo at nagpalit ng damit kasi naulanan kami at naputikan din. Nadulas pa kasi ako kanina pero hindi naman masakit.
Pagsapit ng gabi ay Solidarity Night na, kung saan napuno ang simbahan ng iyakan. Dito kasi nailalabas ang emosyon mo.
“Rinig ko mga iyak mo,” sabi sa akin ni Harlene nang makarating kami sa aming higaan dahil oras na para matulog.
“Talaga? Sure ka na sa akin iyong narinig mo? E alam mo namang halos lahat ay umiyak.”
“Yeah,” sambit niya saka tumawa nang mahina. “Isa ka na ro’n!”
“Ikaw din, Kambz,” ani ko saka napangisi.
“Ang iyakin pala natin.”
“Tama ka,” ani ko saka humiga na.
Humiga na rin si Harlene. “Pero Kambz, ‘di ba nasabi mo noon na ‘Crying doesn't make you weak’?”
Napangiti na lang ako kahit hindi ko matandaan na sinabi ko iyon.
“Matulog na tayo, Kambz,” sabi ko na lang.
Nakatulog na nga kami at paggising ko sa umaga ay agad akong nag-ayos ng aking sarili. Sa pagkakaalam ko ay ito ang huling araw namin dito.
“Aga mo nagising, Kambz ah, excited kang umuwi?” inaantok na sabi ni Harlene dahil kagigising lang niya.
“Hindi naman. Maaga lang ako nagising. Unlike you,” sabi ko at marahang tumawa.
Tinignan lang niya ako nang masama. Agaran siyang bumangon para makapag-ayos na rin. Inayos namin ang aming mga kagamitan para madali na lang naming kunin mamayang uwian.
Natapos na ang mahigit isang oras na misa kaya kainan na. Nakipagkwentuhan ako sa aking mga kagrupo habang kumakain.
Nasabi ko rin sa kanila na may DID ako. Naintindihan naman nila. Oo, alam kong may DID ako kaya minsan natatakot ako sa posibleng magawa ko.
Nasa biyahe na kami pauwi. Kasabay ko sina Harlene, sa dyip na sinakyan nila papunta sa venue ng youth camp.
Ramdam ko ang pagod at inaantok ako. Ramdam ko na kasi ang pagbigat ng talukap ng aking mata kaya naman pumikit na ako at umidlip.
Naalimpungatan ako nang gisingin ako at sabihing nasa tapat na kami ng daan papunta sa aming bahay.
Nagpaalam na ako sa kanila at tinahak ko na ang daan pauwi sa amin.
Pagdating sa bahay ay nadatnan ko ang aking mga magulang. Hindi ko na muna sila kinausap at agad akong dumiretso ng aking kwarto para matulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top