Ikapitong Kabanata

Nagising na lang ako na nasa sariling silid na ako rito sa ospital.

“Ayos ka na ba, ‘nak?” tanong ng isang ginang na Julie ang ngalan. Kita ko ang naluluha niyang mga mata.

Ngumiti na lang ako.

Tinignan ko naman ang iba pa niyang kasama. Nakatingin lang sila sa akin at nakikita ko ang lungkot sa kanilang mga mukha. Hindi nila iyon maitatago kahit nakangiti ang kanilang mga labi.

“Gusto ko ng ice cream,” sabi ko.

“Sandali lang at ibibili ka namin,” sabi ni ate Jana.

“Ngunit, nilalagnat ka pa.” Tinignan ko si kuya Kasper at sinimangutan siya.

Napahinga na lang siya nang malalim saka nagboluntaryo na siya na ang bibili.

“Nasaan ang phone ko?” tanong ko at napaupo sa kama ko.

May narinig akong mga yapak papalapit. “Ito oh,” sambit ni ate Nimpha nang makalapit na siya habang iniaabot ang phone ko.

Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

May napansin akong app sa phone ko. Dati ko pa ‘to napansin ngunit ngayon ko lang bibisitahin.

“Anong meron dito sa Tiktok?” tanong ko at tumingin kay ate Nimpha.

“Tignan mo na lang.”

“Okay,” sabi ko.

Videos naman pala ang mga nandito. Pwede ka rin gumawa ng sarili mong video. Account ko nga pala ang nandito at marami na rin pala akong nagawang videos. Mahilig ba ako sa app na ‘to?

“Hindi, ako ang mahilig diyan.” Sino iyon? May kumausap ba sa akin? Aish. Kausap ko na naman ang sarili ko.

Mayamaya’y dumating na si kuya Kasper. Agad ko namang kinuha ang ice cream ko. May tig-isang ice cream pala kami.

“Sandali, selfie tayo!”

Tumitig lang ako sa phone ni ate Nimpha at ngumiti. Ayon, may pic na kami.

Ganito ba talaga? Pic muna bago kain?

Sinimulan ko na ngang kainin ang ice cream ko kasabay ng panonood ng videos sa Tiktok.

Ang gagaling naman nilang sumayaw.

“Hanna.” Nilingon ko ang tumawag sa akin.

“Bakit po?”

Lumapit sa akin si ate Nimpha. “Sayaw tayo?” pang-aaya niya sa akin.

Umiling ako. “Pasensiya na po, ayaw ko po. Saka na lang po.”

Nginitian niya lamang ako at pumwesto sa isang sulok at nagsasayaw sa harap ng phone niya. Siguro sa Tiktok app.

Ibinaling ko na lang ang atensiyon ko sa kinakain kong ice cream. Hindi ko pa kasi ubos.

Nang maubos ko ito ay naisipan kong lumabas sa aking silid. Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin. Tila hinayaan naman na nila ako ngunit ramdam kong may nakasunod sa kanila.

Nagpunta ako sa parke ng ospital. May mga iilang taong nandito.

Nahiga ako sa damuhan at tinanaw ang kalangitan. Mabuti na lang at hindi pa ganoon mainit.

Nagpatugtog ako ng musika sa aking cellphone at sinabayan ito.

Biglang sumakit ang ulo ko nang ang awitin na ay ang Panibagong Bukas. May alaala na pumasok na isipan ko.

Graduation day namin. Marami raw akong awards, ako ang valedictorian. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao sa akin ngunit ramdam ko ang kaba ko noong panahon na iyon. Takot na takot ako sa ‘di malamang dahilan.

Natapos ang seremonya at may mga narinig akong bulungan ng iba kong kaklase. Ayaw ko. Ayaw ko nang pakinggan. Masakit pero wala namang katotohanan.

Nagtakip ako ng tainga kasi parang nandoon talaga ulit ako sa panahong nangyari iyon. Tila ba nandoon ako at pinapanood ang kaganapan. Walang magawa kung hindi ang manood lang sa nangyayari.

“Hanna? Hanna!”

Nilingon ko ang tumawag sa akin at bigla na lang akong napayakap sa kaniya. Takot na takot ako tulad noong panahong iyon.

“Sshhh Hanna, nandito lang ako.” Niyakap niya ako nang mahigpit.

“Ang pait ng aking nakaraan, Maxvien.”

“Sigurado ako na hindi naman lahat. Ayos lang Hanna, malalampasan mo ‘to. Mahirap man para sa iyo na alalahanin ang nakaraan, kailangan mong gawin ito.”

Napaiyak na lang ako.

Hinaplos-haplos niya ang likod ko. Tila naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa aking ulo.

Ilang minuto ang lumipas at napatanong ako sa kanya. “Bakit ka pala nandito?”

“Hindi pa kasi pinapalabas si kuya, sa Sabado pa raw.”

Napatango naman ako.

“Oh, you’re listening One Ok Rock songs?”

“Huh?”

“Wala, never mind na lang. Tara?”

“Saan?” tanong ko na puno ng pagtataka.

“Sa rooftop ng ospital.”

“Eh? Ang taas kaya nito. Paano tayo makakapunta roon?”

“Hagdan pero para mas madali ay gagamitin natin ang elevator.”

“Elevator? Ano iyon?”

Ngumiti siya at hinawakan ang pulsuhan ko. “Malalaman mo rin.”

Hinila niya na ako at sabay kaming tumakbo.

Nasa loob na kami ng elevator. Wala kaming ibang kasama.

Ilang minuto ay nakaramdam ako ng panghihina at may alaalang pumasok sa isipan ko.

Nasa elevator ako kasama ng iba pang tao na hindi ko malaman kung sino.


“Akin na kasi!”

“Wala nga ako ng hinihingi n’yo! Hindi ko pwedeng ibigay sa inyo ang perang mayroon ako!”

Sinampal ako ng isa sa kanila nang napakalakas dahilan para mapahandusay ako at manghina. Nahihilo ako at hindi makahinga dahil tila sinumpong din ako ng asthma. Hindi ko alam kung kailan nangyari iyon. Parang bata pa lang ako noon. Nagtawanan ang mga kasama ko sa elevator.

“Tirahin mo na, boss!” tinig ng isa sa kanila.

“Maawa kayo sa kaniya. Hindi na nga siya makahinga tapos gagalawin n’yo pa,” sabi ng babaeng kasama nila.

“Well, tama kayo. Kawawa naman ang grade 5 na ‘to. Iniwan pa ng kaniyang kasamahan.”

“Gusto ko pa naman siya kaso hindi kami bagay.”

“Isang gap lang naman, boss!”

“Pake ko? Hindi naman ako gusto.”

Hindi pa rin ako makahinga nang husto, buti na lang at nagbukas na ang elevator at nakita ko ang mga kasamahan kong nagpunta rito pero hindi pa rin malinaw ang mukha nila.

“Ayos ka lang, bes?” tanong nila.

Tango lang ang naging tugon ko. Niyakap naman nila ako at humingi ng tawad dahil nawalay ako sa kanila.

“Matagal pa ba?” mahinang tanong ko kay Maxvien.

“Kaunti na lang Hanna, kapit pa.”

Nahihilo na talaga ako at hindi ko na kaya. Naramdaman ko na lang na sinalo niya ako nang maramdaman ko ang pagkatumba ko.

Nagising ako at nandito na kami sa rooftop. May silungan dito.

“Nakapunta ka na ba rito?” tanong ko at nilingon siya.

“Gising ka na pala. Ngayon lang ako magpunta rito.”

Tumango naman ako.

Mayamaya’y nakarinig kami ni Maxvien ng iyak. Napalingon kami sa paligid at nakita namin sa isang sulok ang isang lalaki na tila kasing-edad lang namin.

Naglakad kami palapit sa lalaki at sinubukan naming kausapin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top