Ikalabinsiyam na Kabanata

Hindi na lamang nagsalita ulit si Kasper nang marinig ang inis na sagot ni Hanna. Sa isip niya’y kailangan na lamang niyang intindihin ang bunso niyang kapatid. Nagtungo na siya sa kaniyang silid at humiga na sa kaniyang kama.

Si Hanna naman ay biglaan na lang na nakatulog nang hindi niya namamalayan.

Sa kabilang dako naman ay hindi makatulog si Maxvien kakaisip kay Hanna. Nakararamdam siya ng pag-aalala para kay Hanna. Iniisip niya kung ano na kaya ang nangyayari na naman sa mahal niyang binibini. Mayamaya’y may kumatok sa pintuan niya. Tumayo siya upang buksan ang pinto ng kwarto niya at bumungad sa kaniya ang kuya niya.

“Ano ginagawa mo rito?” agad na tanong ni Maxvien.

“Makikipagkwentuhan,” mahinahong sabi ni Marcus.

“Himala, Mr. Ley at makikipagkwentuhan ka ulit sa akin.”

Pinapasok na ni Maxvien ang kapatid sa kwarto niya saka niya isinara ang pinto.

“How many times do I have to tell you to stop calling me Mr. Ley?”

Hindi pinansin ni Maxvien ang sinabi ng kapatid at nahiga na lamang siya sa kaniyang kama.

“Wow! Hindi ka na namamansin niyan?”

“Whatever! So ano pagkukuwentuhan natin?”

Umupo muna sa isang sofa si Marcus bago magsalita.

“Well, about you and Hanna.”

Nangunot-noo naman si Maxvien. “Bakit kami?”

“Did you already confess to her?”

Napaupo si Maxvien sa kaniyang kama at tinignan niya si Marcus.

“Oo kanina,” panimula ni Maxvien. Ikinuwento niya ang nangyari kanina sa kapatid.

Napatango-tango naman si Marcus. “Buti naman at nakapagsabi ka na ng nararamdaman mo sa kaniya.”

“Maraming beses na kaya kaso mukhang hindi maganda na ngayon ako nag-coconfess sa kaniya. Dapat siguro no’n pa nagsabi na ako bago lumala iyong kalagayan niya.”

Lumapit si Marcus sa kapatid niya at inakbayan. “Alam mo, para sa akin lang ‘to ah? Mas mabuti nga na ngayon ay sinasabi mo sa kaniya ang nararamdaman mo at ipinapakita mo na nandiyan ka para sa kaniya. You’re showing your love to her. Iyon nga lang, hindi mo pa rin masiguro kung mahal ka rin talaga niya kasi nga she has DID. I advice na basta lagi mo lang sabihin o iparamdam sa kaniya na mahal mo siya, na tanggap mo siya. Huwag mo rin siyang susukuan kung talagang siya na ang gusto mong para sa iyo.”

“Himala, ngayon ka lang ulit nagsalita ng mahaba. Ano nakain mo, kuya?”

Napangiti na lang si Marcus. “Kung ano-anong napapansin mo. By the way, can I ask?”

“About?”

“About iyong kasama n’yo kanina ni Hanna.”

Napangisi naman ng nakakaloko si Maxvien. “Crush mo ‘no?”

“Hindi. Diyan ka na nga!” ani Marcus at dali-daling lumabas ng kwarto.

Naiwan namang tumatawa si Maxvien.

“Mukhang nagkakagusto na ulit ang kuya ko, take note! Mukhang gusto rin siya ng taong gusto niya,” sabi na lang niya sa sarili niya.

Kinabukasan ay nagpunta si Maxvien sa bahay nina Hanna at inaya siyang dumalo sa Youth Camp 2018. Apat na araw iyon mula Mayo 30 hanggang Hunyo 2.

Kagyat namang nag-ayos is Hanna at nag-impake ng kakailanganin niya sa camp. Ngayon niya lang kasi nalaman na may camping pala. Hindi kasi siya masyadong nag-oonline kaya hindi siya updated sa simbahan. Hindi rin naman kasi siya pumupunta ulit ng simbahan.

Nasa labas na sila ng bahay nila Hanna nang huminto si Hanna sa paglalakad. “Sandali. Bigla akong nahiya pumunta. Hindi na kasi ako sumipot sa simbahan tapos —”

“Ano ka ba, Hanna! Tara na!” napalingon sila sa nagsalita.

“Sino ka po?” tanong ni Hanna samantalang si Maxvien naman ay inaalala kung ano na ulit ang pangalan ng kaharap nila.

“Ay! Nakalimutan mo rin pala ako. Si ate Andrea mo ito! Anyway, ang mahalaga ngayon ay nakita ulit kita na excited pumunta ng Youth Camp.” Lumapit si Andrea kay Hanna at niyakap siya. Gumaan naman ang pakiramdam ni Hanna kaya niyakap niya pabalik si Andrea.

Kumawala na sila sa yakap.

“Sabay ka na sa amin Hanna o kay Maxvien ka sasabay?”

“Pwede po bang kina Maxvien na ako sasabay?”

Napangiti na lang si Andrea. “Oh siya sige. Mauna na lang ako sa inyo. Ingat! Kita ulit tayo sa venue.”

Pagkaraan ng dalawang oras...

“Nagsulat ka na ng ngalan mo?” tanong ni Maxvien kay Hanna.

Tumango lang si Hanna bilang tugon.

“Halos kasabay lang pala nating dumating sina ate Andrea,” ani Maxvien habang nakatingin sa grupo ng mga kabataan na dumating.

Tumingin din si Hanna sa tinitignan ni Maxvien. “Halah. Kasama nila si Harlene!” gulat ngunit masayang sabi ni Hanna.

Sinalubong nila ang kararating lang at ayon nagyakapan ang magkaibigang si Hanna at Harlene.

Kumustahan ang naganap bago opisyal na magsimula ang Youth Camp.

Magkasama sa iisang grupo sina Maxvien at Hanna. Masaya si Maxvien dahil kagrupo niya si Hanna. Mabuti raw iyon at mababantayan niya nang husto si Hanna. Ibinilin kasi ni Kasper sa kaniya na bantayan at gabayan niya si Hanna.

“Bakit hindi mo ginagalaw iyang pagkain mo, Hanna?” tanong ni Harlene. Kasalukuyan na kasi silang kumakain kasi tanghalian na.

“Busog pa kasi ako. Hindi ka na sana kumuha pa ng kakainin ko.”

“Sabi mo kasi kanina gutom ka kaya kumuha na rin ako ng kakainin mo.”

“Ay sinabi ko ba? Hindi ko matandaan. Sige, ipilit ko na lang kainin ito. Salamat.”

Nagsimula na ring kumain si Hanna. Agad niyang naubos ang pagkain na ikinagulat nina Harlene, Maxvien, at Marcus na kasabay niya sa pagkain.

“I thought you’re not hungry,” wika ni Marcus.

“Ayos ka lang, Hanna? Ang bilis mo kumain,” tanong ni Maxvien.

Hindi nagsalita si Hanna at tumango na lang. Tumayo si Hanna at kinuha ang pinagkainan niya at ipinunta niya ito sa may lababo.

“Ibang Hanna na naman ba ang nakasalamuha natin?” tanong ni Harlene.

“Maybe. Pero baka wala lang iyon sa mood at baka may naalala siya kaya gano’n,” sabi ni Andrea.

“Pasulpot-sulpot ka naman, ate Andrea!” gulat na sabi ni Harlene.

“Pasensiya na,” ani Andrea saka tumawa. “Intindihin na lang natin siya.”

Mayamaya pa ay bumalik na si Hanna sa dating pwesto niya.

“Tapos ka nang kumain, Hanna?” tanong ni Andrea. Nagtanong siya kahit nakita naman niya ang nangyari kanina.

“Ako po ba ang kinakausap mo?” inis na tanong ni Hanna.

Tumango si Andrea.

“Hindi ako si Hanna at oo, tapos na akong kumain.”

“Hanna is your name kaya paano mo nasabing hindi ikaw is Hanna?”

“Hindi nga kasi sabi ako is Hanna e!” napataas na ang boses ni Hanna kaya napalingon sa gawi nila ang iba.

“Then if you’re not Hanna, who are you?” malumanay pero may diin na tanong ni Harlene.

“I don’t know me but I’m sure I am not Hanna,” madiing sabi ni Hanna.

Naguluhan ang mga nakarinig sa sinabi ni Hanna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top