Ikalabinlimang Kabanata
“Ang kyut n’yo tignan! Kakilig!” wika ni Harlene. “Oh siya. Maiwan ko muna kayo,” saad ni Harlene saka siya tumayo at naglakad paalis.
“Namiss kita, kuya Maxvien!” nakangiting sabi ni Hanna at kumawala sa yakap nila. Sa puntong iyon, alam na ni Maxvien na ibang Hanna ang kasama niya.
“Kumusta, Ann?” nakangiting tanong ni Maxvien.
“Ayos naman po. Ikaw?”
“Ayos din, katabi kasi kita. Alam mo ba na birthday mo ngayon?”
Napatingin si Hanna kay Maxvien at saka sa paligid niya. Kita niya ang mga dekorasyon at ang mga taong naroon sa lugar.
“Gano’n ba? Hindi ko alam e. Anong date na po ba ngayon, kuya?” nagtatakang tanong ni Hanna at nakakunot-noo rin.
“May 1,” sagot ni Maxvien.
Napatango si Hanna. “Ah okay po. Ang pagkakaalam ko kasi ay December 1 ang birthday ko. Anyway, I’ll just enjoy this birthday celebration.”
Napangiti na lang si Maxvien at ginulo ang buhok ni Hanna. Napabasungot naman si Hanna na medyo ikinatawa ni Maxvien.
Mayamaya pa ay bumalik sa table nila si Harlene.
“May palaro kayo mamaya, Hanna?” tanong ni Harlene.
“Hanna? Who’s that po?” tanong ni Hanna.
“Oh I mean, Ann? Nana? Annah? Sino ba kausap ko?” nalilitong tanong ni Harlene.
“I’m Annah po. You po? Sino ka po?”
Napangiti si Harlene. “I’m Harlene. Hanna’s best friend. So, ano? May palaro kayo mamaya? By the way, happy birthday!”
Ngumiti si Hanna. “Aywan po. Thank you!”
Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na ang palaro. Ang mga kapatid ni Hanna ang nagpapalaro.
Masaya naman si Hanna na nanonood sa nangyayari. Kita ang tuwa sa kanyang mukha, lalo na at si Annah ang katauhan niya ngayon.
Pagpatak ng ika-anim ng gabi ay natigil na ang palaro kaya naman kainan na ulit. Bago iyan ay inawitan muna nila si Hanna.
Abala ang lahat sa pagkain. Sa table nina Hanna ay nagkukuwentuhan silang tatlo nina Harlene at Maxvien.
“Kailan enrollment sa SU?” tanong ni Hanna.
“Ikaw na ba ‘yan, Hanna?” ani Harlene.
Tumango na lang si Hanna saka ngumiti.
“Sa last two weeks ng May,” sagot ni Maxvien.
“Oiy! Ang lapit na. Ka-excite naman!”
Natawa ang dalawa sa inasta ni Hanna. Halatang excited talaga.
“Grabe ka naman ma-excite, Hanna. So, Maxvien, ano ang requirements?”
Napatikhim si Maxvien. “Hindi ko alam e pero mag-po-post naman sa FB ang school. Tignan na lang natin. Ay wait, may post na pala ata sila. Napa-aga ngayon ang announcement nila.”
“Anong name ng page ng SU?” tanong ni Harlene sabay kagat sa cake na kinakain niya.
“Starlight University Updates, dito nakalagay lahat ng announcements and such. Pero may main page ang school.”
“Ano naman ‘yon?” tanong ni Hanna.
“Starlight University.”
Napatango na lang si Hanna sabay inom ng juice.
“So, kailan tayo mag-eenroll?” tanong ni Harlene.
“Advice ko lang, mas mabuti kung sa last week of May kayo mag-enroll kasi hindi siksikan,” saad ni Maxvien. “Based on my experience.”
“Hindi ba parang baliktad? Kasi kapag last days of enrollment, madalas doon nagmamadali ang mga mag-aaral.”
“Pero sa SU, hindi gan’yan eh. Ewan ko rin kung bakit,” tugon ni Maxvien sa sinabi ni Hanna.
“Oh okay. Sabay ka na sa amin Maxvien para may guide kami,” wika ni Harlene sabay tawa nang mahina.
“Sige ba. No problem. Sabihan n’yo na lang ako kung kailan na tayo mag-eenroll.”
“Okay,” ani na lang ni Hanna.
Nagpatuloy sila sa pagkain at kung ano-ano na ang kanilang napagkwentuhan.
Lumipas ang mga araw at nasa tapat na ng gate ng Starlight University sina Hanna. Namamangha si Hanna sa kaniyang nakikita.
“Tara na sa loob?” patanong na sabi ni Maxvien.
Nakangiti naman na tumango sina Hanna at Harlene.
Naglakad na sila papasok sa paaralan. Maghang-mangha ang magkaibigan na Hanna at Harlene sa kanilang nakikita.
“Woah! Grabe ang lawak ng school na 'to!” ani Hanna.
“Oo nga,” sang-ayon ni Harlene.
Napangiti na lang si Maxvien.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at nagtanong sila sa isang nakasalubong nila kung saang room ang para sa enrollment. Nakangiti naman silang sinagot.
Unang room na pinuntahan nila ay ang room for grade 10 enrollees. Pumasok na si Hanna at Harlene. Kailangan ng gabay ni Hanna dahil baka biglang mag-shift ito ng personalidad.
Mayamaya pa ay natapos na si Hanna. Nauna siyang lumabas sa silid dahil kinausap muna ni Harlene ang gurong nagbabantay sa silid na iyon na siyang posibleng magiging class adviser ni Hanna. Sinabi ni Harlene ang sitwasyon ni Hanna at naintindihan naman ito ng guro. Pagkatapos ay lumabas na rin siya.
Sunod naman na pintuhan nila ay ang room for grade 11 enrollees for those who will take HUMSS strand. HUMSS kasi si Harlene. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin siya.
“Maglibot-libot muna kayo. Kahit ako na mag-isa ang pupunta sa room for grade 12 enrollees,” ani Maxvien.
“Ano strand mo?” tanong ni Harlene.
“STEM.”
“Oh okay. Sige. Libot muna kami. Hindi naman kami mawawala rito ‘no?”
Natawa si Maxvien. “Hindi, Hanna.”
Tumango na lang si Hanna saka hinila si Harlene palayo sa harapan ni Maxvien.
Napadpad silang dalawa sa hardin ng paaralan. Manghang-mangha sila sa ganda ng mga bulaklak na nakatanim rito.
“Wah! Ang gaganda naman ng mga bulaklak na ito,” ani Harlene at lumapit sa mga bulaklak sabay selfie. “Alam mo ba mga pangalan nila?”
Lumapit si Hanna kay Harlene at naki-selfie na rin. “Hindi e. Itong rose at sunflower lang ang alam ko.”
“Ako rin e,” ani Harlene. “Ang gaganda talaga ng mga bulaklak. Like us, Kambz!” sunod na sabi ni Harlene saka natawa nang mahina.
“Sinabi mo pa!”
“Buti na lang naisipan nating dito mag-aral ‘no, Hanna. Kung hindi, baka hindi na natin makikita ang kagandahan ng hardin na ‘to.”
Napangiti naman si Hanna. “True. Buti na lang.”
Umalis na sila sa hardin at napadpad naman sila sa isang cafe na medyo malapit sa hardin.
“Dito na muna tayo,” saad ni Harlene habang papasok sila sa cafe.
Ngumiti at tumango na lang si Hanna.
Pumwesto sila malapit sa may bintana upang mapagmasadan nila ang kapaligiran.
Bumili sila ng egg sandwich at lemon cucumber smoothie.
“Tapos na kaya mag-enroll si Maxvien?”
“Yie Kambz! Miss na agad si Maxvien.”
Napangiti si Hanna. “Halata ba masyado?”
Natawa naman si Harlene. “Oo na lang. Kainin na natin ‘to baka mamaya, hinahanap tayo ng crush mo!” sabi ni Harlene sabay kagat sa sandwich niya.
Enjoy na enjoy sila sa pagkain at pagkukuwentuhan nang...
“Sabi ko na e. Dito ko kayo makikita.”
Nilingon ng dalawa ang nagsalita.
“Maxvien!” ani Hanna at tumayo saka nilapitan ang binatilyo sabay yakap dito.
“Miss mo ‘ko agad?”
Kumawala na sa yakap si Hanna.
“Syempre, kuya!” masiglang sabi ni Hanna saka siya bumalik sa upuan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top