Ikalabing-isang Kabanata
Mayamaya pa ay nagsalita si Julie. “Gano’n ho ba, Doc? Sige. Basta po gawin ninyo ang makakabuti sa anak ko.”
Ngumiti ang mga doktor at tumango. Nagpaalam na rin sila na aalis na.
Kinabukasan ay nagpunta si doc Raven sa silid ni Hanna.
“Magandang umaga po, Doc,” pagbati nila kay doc Raven.
“Magandang umaga. Ililipat na si Hanna sa Psych ward. Doon sa building na katabi ng building na kinaroroonan natin ngayon.”
“Bakit po?“ tanong ni Hanna.
“Gising ka na pala, bunso,” wika ni Jana.
Ngumiti lang si Hanna kay Jana saka ibinaling ang tingin kay doc Raven.
“Doc? Doc Raven po ‘di ba? Bakit ka po nandito?”
“Si Annah ba kausap ko ngayon? Alam mo kasi, nandito ako upang sabihin na ililipat ka na sa Psych ward. Ayos lang ba iyon sa iyo?”
Ngumiti si Hanna saka tumango. “Opo.”
Makaraan ng ilang minuto ay nagpunta sa sila sa Psych ward. Pagdating dito ay naninibago pa si Hanna. Agad siyang napahiga sa kama.
Isa o dalawa na lang ang maaaring magbantay sa kaniya kaya naman naiwan sina Nimpha at Jana.
“Hanna,” pagtawag ni Jana kay Hanna.
Hindi lumingon si Hanna.
“Annah?”
Lumingon si Hanna kay Jana. “Yes po?”
“May gusto ka bang kainin ngayon?” tanong ni Jana.
Nag-isip muna si Hanna at may pahawak pa sa panga niya. “Banana cue po.”
“Okay sige at bibili ako.”
“Bibili ka talaga, ate, or iluluto mo?” tanong ni Nimpha.
“Depende. O siya sige na. Alis na muna ako.”
Umalis na nga si Jana. Mayamaya ay pumasok sa silid sina doc David at doc Nenith. Naabutan nila si Hanna na gumuguhit.
“Good morning Hanna, ano iyang iginuguhit mo?” tanong ni doktora Nenith nang makalapit kay Hanna at maupo sa gilid ng kama.
“Who’s Hanna? Ako lang naman po ang mag-isang gumuguhit dito.”
“So who are you then if you’re not Hanna?”
“Ann,” maikling sagot ni Hanna.
“So Ann, can we talk to Hanna?” tanong ni doc David.
“Who is she? I don’t know her.”
“She’s you.”
“Get out. Ayaw ko nang may kausap ngayon. Busy ako sa pagguhit.”
“Doc, I guess it’s Nana who we’re talking right now.”
“Oo nga yata, doc Nenith.”
“Em. Nana, can we talk to you? Just this time please.”
“Sana pumayag sa sabi mo, doc David.”
“Bakit po?”
“How old are you?” asked doc David.
“How old am I po? Ah... I’m 7? No 8. Ah no! In between? Hindi ko alam.”
Napabuntong-hininga si doc David.
“Nana, what do you love doing?”
“This,” sagot ni Hanna at ipinakita ang kwaderno na pinaggugugitan niya.
“Oh. What’s that?” tanong ni doc Nenith.
“Just trees.”
“Nana, can you tell us a story?” malumanay na tanong ni doc David.
“What story po?”
“Mga ginawa mo?”
“Magsasabi ba siya, Doc?” bulong na sabi ni doc Nenith kay doc David.
“I hope.”
“Ah... Mga ginawa ko. Ang dami para isa-isahin ko pa. ‘Wag na n’yo po alamin.”
“Okay sige. Nana, are you aware that you have MPD?”
Nangunot ang noo ni Hanna. “Ano po iyon?”
“Aside from you, may iba ka pang personalities,” sabi ni doc Nenith.
“Ah alam ko po iyan. Nasabi ninyo kahapon hindi po ba? Nakinig din ako.”
“So then, you know the other personalities?” tanong ni doc David.
“Not that much. Mas kilala ko po si Annah. She’s six years old and she love candies and other sweets.”
“Nana, can we now talk to Annah?”
“Sige po pero sa susunod na. Umalis na po kayo,” maawtoridad na sabi ni Hanna.
“Pero Nana, can you let us?”
“Fine!”
Isang minuto ang lumipas...
“Doc David and doc Nenith, bakit po?”
“Ikaw na ba iyan Annah?” tanong ni doc Nenith.
“Opo.”
“Nana told us that you love sweets.”
“Nana? I know her! Ang bait po niya pero may pagka-bad rin. Tama rin po siya na I love sweets.”
Napangiti si doc David. “Annah, kilala mo si Ann?”
“Nope. I only know Nana.”
“Okay, Annah. Do you want to take medicines.”
“Opo.”
“You sure?” paninigurado ni doc David.
Tumango si Hanna.
Napangiti ang dalawang doktor.
“Nararamdaman ko na mabilis ang recovery nito,” sabi ni doc Nenith.
“Tama ka,” sang-ayon ni doc David at tumango kay doc Nenith.
Ibinaling ni doc David ang atensiyon kay Hanna. “Sige ha Hanna? Alis muna kami.”
Nangunot-noo si Hanna pero tumango na lang.
Sumapit ang gabi at tapos na silang kumain.
“Hanna, take your medicines.”
“I wanna eat banana cue first.”
“Sige. Sandali lang ha. Ito na oh Hanna,” sabi ni Jana at iniabot kay Hanna ang banana cue.
“Sino po si Hanna? Bakit tinatawag n’yo akong Hanna? Annah po name ko.”
Napangiti si Jana. “Kumain ka na lang, Annah.”
“Okay po.”
Maraming kinain na banana cue si Hanna. Pagkatapos ay uminom siya ng gamot.
Simula noon ay naging tuloy-tuloy ang pag-inom ni Hanna ng gamot pero may pagkakataon na kailangan pa siyang pilitin. Binibigyan na lang siya ng kahit anong gusto niya bago makainom ng gamot.
Bumisita ulit sina doc David at doc Nenith kasama na rin si doc Raven kay Hanna.
“Good afternoon, Hanna,” pagbati ni doc David kay Hanna.
Ngumiti naman si Hanna pero nakatutok siya sa kaniyang cellphone.
“Hanna, tumingin ka sa amin,” sabi ni doc Nenith.
Sinunod naman agad ito ni Hanna.
“Bakit po?”
“Sinong kausap namin ngayon?” tanong ni doc Raven.
“Ann,” maikling sagot ni Hanna.
“Ann, kumusta ka?” tanong ni doc David.
“I’m fine.”
Napangiti ang doktor na nagtanong. “Are you taking your meds?” tanong ni doc David.
“Yeah.”
“Now Ann, can you remember some events in your past?” tanong ni doc Nenith.
“Yeah. I remember the day of my baptism. I was in grade 4 that time.”
Napatango si doc Nenith. “Ann, do you remember all your past?”
“Yes and sometimes it makes me cry.”
“Does it hurt you?” tanong ni doc Raven.
“A little this time,” nakangiting sagot ni Hanna.
“That’s good to hear,” sabi ni doc Raven.
“K. Umalis na kayo dahil matutulog na ako.”
“Wait, Nana?” sabi ni doc David.
“Matutulog na po ako dahil inaantok na.” Humikab si Hanna.
“Okay sige. Sleep well, Hanna,” malumanay na sabi ni doc Nenith.
“I’m Nana!”
“Sleep well, Nana,” sabi ni doc Nenith.
Pumikit na nga si Hanna.
Kinausap naman ng mga doktor si Kasper na kasalukuyang nagbabantay kay Hanna. Umalis muna kasi ang kasama niya kanina na si Lance.
“Tomorrow, we want to talk to all of you.”
“Kami po, doc David?”
“Yes, the family.”
“Okay po, Doc,” sagot naman ni Kasper.
“Sige. Alis na kami,” pagpapaalam ni doc David.
Tumango naman si Kasper saka sila pinagbuksan ng pintuan.
Nakalabas na sa silid ang mga doktor kaya isinara na ulit ni Kasper ang pintuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top