Ikalabimpitong Kabanata
Mayamaya pa ay tumunog ang selpon ni Harlene.
Sinagot niya ito. "Hello, tita. Bakit po?"
"Nasaan na kayo? Malapit ng gumabi ah."
"Nasa bahay po kami nina Maxvien."
"Okay, iha, papasundo ba kayo? O mag-commute kayo?"
"Commute na lang ho."
"Okay, sige. Ingat kayo! Bye!"
"Opo. Bye po."
Pinatay na ni Harlene ang tawag.
"Sinong tumawag sa iyo?" tanong ni Maxvien.
"Si tita, nanay ni Hanna. Nag-alala na naman siguro iyon."
"Ganiyan naman kasi ang mga magulang, nag-aalala para sa anak."
Napangiti si Harlene. "Para ko na ngang magulang ang mga magulang ni Hanna. Itinuturing nila akong parang anak nila."
"Ang swerte mo kung ganoon. Isa pa, kaibigan mo kasi ang anak nila."
"Nga pala, Max, pwede magtanong?"
"Ano iyon? Sige lang."
"Ah e. Nahiya ako bigla e," ani Harlene at may patakip ng mukha.
"Ayos lang. Ano ba iyon?"
"Ah... Ilang taon na iyong kuya mo? Ano rin pala ang pangalan niya?"
Biglang natawa si Maxvien.
Namula naman ang pisngi ni Harlene.
Nang matapos tumawa ni Maxvien ay nagsalita na siya. "Marcus Ley at 18 years old na siya. Wala pa iyon girlfriend kaya may chance ka pa."
Napatikhim si Harlene. "Tinanong ko lang naman e."
Natawa na lang si Maxvien.
"College na ba siya?"
"Nope. Senior High pa lang. Grade 12 na siya kasi panigurado naka-enroll na iyon."
"Ah... Okay. Late ba siya nag-aral?"
"Parang gano'n. Hinintay niya kasi ako. Gusto niya na magkaklase kami."
"Ay. Close kayo?"
"Oo naman kahit lagi kaming nag-aaway," saad ni Maxvien saka tumawa.
"Ang ingay n'yo naman," mahinang sabi ni Hanna.
"Gising ka na pala, Hanna," ani Harlene.
"Ay hindi. Tulog pa."
Natawa sina Maxvien at Harlene.
"Marunong ka na pala mamilosopo ah, Hanna."
"Same as you, Kambz."
Nagtawanan ang magkaibigan.
"Uwi na tayo, Kambz."
"Paano ba 'yan Max, uwi na kami."
"Ihatid ko na kayo, Harlene."
"Huwag na. Kahiya e."
"Hayaan mo siyang ihatid kayo. Delikado sa labas baka mapahamak pa kayo."
"Oh... Nandito ka na pala, kuya," gulat na wika ni Maxvien.
"Sige! Ihatid mo kami, Vien," ani Hanna.
"Oh sige. Sandali lang at ipaalam ko muna kay mama na gamitin ko iyong sasakyan namin."
"Ako na magsabi. Ihatid mo na sila."
"Salamat, kuya."
Lumabas na sila sa bahay at dumiretso sa sasakyan nina Maxvien. Sa harapan umupo si Hanna.
"Pwede ka na pala magdrive, Max?" tanong ni Harlene.
"Oo, hindi naman ako mahuhuli dahil gabi ngayon. Walang makakakita sa akin. Basta mag-ingat lang ako sa pagmamaneho. Isa pa, may student driver's license naman ako."
Tumango-tango na lang sina Harlene at Hanna. Pinaandar na ni Maxvien ang sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho.
"Saan bahay n'yo, Harlene?"
"Medyo malapit lang sa paaralan namin doon sa barangay namin."
"Okay. Alam ko ang papunta roon. Malapit ka naman pala sa paaralan, bakit hindi ka roon mag-aral?"
"Nais niya kasi akong makasama. Matagal kaming hindi nagsama niyan e," sabi ni Hanna. Siya na ang sumagot.
Napatango naman si Maxvien.
"Oh I see," wika ni Maxvien at nagpatuloy sa pagmamaneho. Nagpatugtog na rin siya para raw hindi sila mabagot sa biyahe. Ang pamagat ng kanta ay 'That's What Love Is'.
"Wah! That song! Favorite ko 'yan!" masayang sabi ni Hanna at sinabayan ang awit.
Napangiti naman si Maxvien. "Pareho pala tayo, paborito ko rin ang kantang iyan."
"Wow! Grabe kayong dalawa ah. Sana all. Baka iyan na theme song n'yo. Ayie! Stay strong!"
"Ang advance mo naman, Kambz!"
"Ayie! Kilig na 'yan."
Napangiti na lang si Hanna.
Kalahating oras ang nagdaan at nakarating na sila sa tapat ng bahay nina Harlene.
"Bye na! Salamat sa paghatid. Una na ako. Lalakad pa ako ng mga 10 minutes lang."
"Bye, Kambz!"
"Sige," ani naman ni Maxvien.
"Tara na?"
"Ayaw ko muna umuwi, Vien. Baka may alam kang pwedeng tambayan."
"Pero baka mag-alala mga magulang mo?"
"Maiintindihan naman nila ako. Tinext ko na si kuya."
"Ah okay. Sige. Tara. May alam akong lugar," wika ni Maxvien at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.
Habang nasa biyahe...
"Hanna,"
"Hmm?"
"Ilang taon ka na ulit?"
"17. Why?"
Napatango si Maxvien. "Nothing. I just asked. By the way, malapit na tayo sa sinasabi kong pupuntahan natin."
"Okay!" masiglang sambit ni Hanna.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na sila sa isang parke. Walang masyadong mga tao sa lugar.
Bumaba ng sasakyan si Maxvien at pinagbuksan niya ng pintuan ng sasakyan si Hanna.
"Woah! Ang ganda naman ng mga lights dito."
"Pero mas maganda ka, Hanna," pagbanat ni Maxvien.
"Ah e... Baka. Anyway, saan tayo pupwesto?"
"Sandali lang, kunin ko iyong blangket sa likod ng sasakyan."
Kinuha na ni Maxvien ang blangket.
"Tara na?" pag-aya ni Maxvien at inilahad ang kamay kay Hanna. Inabot naman ito ni Hanna.
Naglakad na sila papunta sa ilalim ng isang puno.
Maingat na inilatag at iniayos ni Maxvien ang blangket sa damuhan. Umupo siya rito, gayundin si Hanna. Magkatabi sila ng upo.
"Bakit pala ayaw mo munang umuwi?" tanong ni Maxvien.
Huminga nang malalim si Hanna at ipinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Maxvien.
Hindi na muna nagsalita si Hanna. May musikang tumutugtog sa kanilang kapaligiran. Ito ay instrumental na musika.
"Wala lang. Gusto ko lang maranasan lumabas ulit ng gabi na wala ng takot dahil alam ko at pakiramdam ko na ligtas akong kasama ka."
Napangiti naman si Maxvien at namula pa ang kaniyang tainga.
"Bakit? Takot ka ba lumabas sa gabi?"
Tumingala sa langit si Hanna. Pinagmasdan niya ang mga bituing nagniningning. Tumingala rin sa langit si Maxvien.
"Oo, hindi lang takot. Ako'y takot na takot kasi naalala ko may isang gabi na lumabas ako at muntikan akong magahasa," wika ni Hanna at pinunasan niya ang luhang tumulo sa kaniyang kaliwang mata.
Nakaramdam naman ng galit si Maxvien, naitikom pa niya ang kaniyang kamao. Niyakap niya si Hanna saka hinalikan ang noo ng dalaga.
"You're strong Hanna and you survived that incident."
"Yeah, I did. Natatakot ako na maulit iyon."
"It will never happen again. I'll be your guard."
Napangiti si Hanna at niyakap niya si Maxvien.
"Thank you, Vien."
"Welcome, Hanna," nakangiting sambit ni Maxvien.
Tumingin si Maxvien sa kalangitan.
"The moon is beautiful, isn't it?"
Tumingin si Hanna sa kinaroonan ng buwan.
Ngumiti siya. "Oo. Sobrang ganda niya."
Nagkalmot ng ulo si Maxvien, sa isip niya'y tila hindi naunawaan ni Hanna ang nais niyang iparating.
"Tulad mo," sabi na lang niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top